Hindi maiwasan ni Luke na mailing. Walang pakialam si Ken sa kapakanan ng ibang tao para lang magawa ang kanyang sariling kagustuhan kahit wala namang kabuluhan. Isa ito sa kanyang mga kinaiinisan. Sa parehong pagkakataon ay nakikita ni Luke kung gaano kahunghang si Ken."Dahil sa mabait naman ako, since wala pa si Uncle, bibigyan kita ng pagkakataon na hingin ang kapatawaran ko at maisalba ka mula sa pagkakakulong." sambit ni Ken kay Pauline. "Kneel down and tell me that you love me."Nalaglag ang panga ng lahat maging si Luke dahil sa sinabi ni Ken. Ganito ba talaga kadesperado si Ken sa pagmamahal ni Pauline?"You're pathetic. Mas gugustuhin ko pang makulong kaysa lumuhod sa harapan mo." nandidiring sambit ni Pauline.Natawa si Ken. "Mas pagandahin natin ang deal. Ganun pa rin ang gagawin mo, pero maisasalba mo rin silang lahat maliban nalang dito kay... Luke." sambit ni Ken na parang nandidiri pang banggitin ang pangalan ni Luke.Hindi nagdalawang-isip na sumagot si Pauline sabay n
"Imposible. bawat kotseng naririto sa palapag na 'to ay nagkakahalaga ng hindi bababa sa isang milyong dolyar. Sinasabi mo bang may ganun kang halaga ng pera?" hindi makapaniwalang tanong ni Ken. "Aside from that, kung totoo man na isa sa mga kotse rito ang pagmamay-ari mo, paano ka nakasisigurong hindi ko ito kayang bilhin? Kahit pa pagsama-samahin lahat ng kotse rito ay kayang-kaya kong bayaran." kampanteng sambit ni Ken."Quit fooling around. We all know that you're just bluffing. Of course you're an employee here kaya paniguradong tutulungan ka ni Ms. Lee na imaneho ang alin mang kotse rito para pahiyain si Mr. Sy. Pero hindi mo kami mapapaniwalang pagmamay-ari mo ito." wika naman ni Greg.Lahat ng nakikiusisa maging ang mga sales personnel ay sang-ayon kay Ken at Greg. Sa pagkakaalam ng mga sales personnel ay bago lang si Luke na security guard sa ENDX Corp. Kahit sila ay hindi niya mapapaniwalang pagmamay-ari nga niya ang isa sa alin mang kotseng naririto lalo pa't sila mismo ang
Napagana nga ni Luke ang kotse!Natigilan ang lahat dahil sa sobrang pagkabigla. Paanong ang isang katulad ni Luke na isa lang security guard ay napagana ang pinakamahal na sasakyan sa buong mundo gamit ang kanya mismong fingerprints?"T-that means he's the real owner of the car!" hindi makapaniwalang sambit ng isa sa mga nanonood."This can't be real." pabulong na sambit ng isa pa habang inaalala niya kung paano niya laitin si Luke kanina.Halos lahat ng nang-insulto kay Luke ay hindi makatingin ng diretso sa sasakyan o kay Luke. Nakayuko ang ilan sa kanila at pinagsisisihan ang kanilang ginawang pangmamaliit kay Luke. Dahil sa napagana ni Luke ang kotse ay patunay lang na si Luke nga ang may-ari ng sasakyan.'Is he only pretending to be a security guard even though he is actually rich?' halos pare-parehas na katanungan nila sa kanilang isipan.Si Ken, na kasalukuyang naninigas sa kinatatayuan ay buo pa rin ang paniniwalang may ginamit lang na trick si Pauline at Luke para utuin sila.
Pagkatapos ng kaguluhang naganap sa ENDX, at pagkatapos maihabilin ni Luke kay Bernard ang lahat ng dapat asikasuhin ay napagdesisyunan niyang magtungo agad ng restaurant kung saan siya nagpapart-time job.Nadatnan ni Luke ang abalang mga crew ng restaurant. Halos lahat ng naroon ay nagkakandaugaga na at nakapokus lang sa ginagawa na kahit na mismo ang kanyang pagdating ay hindi nila napansin.Mabilis naman agad na tumulong si Luke sa paghahakot ng mga gamit papunta sa service truck nang makita niya ang sitwasyon."Saan tayo mag ki-catering service?" tanong ni Luke sa kasamahan nitong katulong niya na nagbubuhat ng folding table."Ah hindi ka pa pala nainform? Sa bahay ng pamilya Alanis." tugon nito.Napataas ang kilay ni Luke. Hindi man siya pamilyar sa pamilya Alanis ay pamilyar naman siya sa pangalang Joey Alanis na Manager ng Laurentshé Restaurant. Kamag-anak ba ng pamilya Alanis si Joey?"Bakit anong meron?" muling tanong ni Luke."Yun ang hindi ko rin alam. Basta ang alam ko lang
"Anong ginagawa ng payasong ito rito?" nakatawang tanong ni Matthew habang nakadungaw mula sa driver's seat.Agad na nagsalubong ang kilay ni Luke nang makita kung sino ang mga sakay ng kotse. Sila Richard ito.Mula sa likuran ay dumungaw rin si Ludwig, isa sa matalik na kaibigan ni Matthew. "Anong karapatan mong pumunta sa ganito kaenggrandeng pagdiriwang? Tuluyan ka na bang nawala sa katinuan?" patanong na pang-iinsulto nito."Calm down guys. Look at what he's wearing. He came here because of his work. Respeto guys, respeto." sarkastikong sambit naman ni Richard na siyang nasa passenger seat habang nakalolokong nakangising pinagmamasdan si Luke.Malamig na tiningnan ni Luke si Richard. May bendahe pa rin ito sa kanyang noo at bakas pa rin ang sugat sa ilalim ng kaliwang mata nito dahil sa pambubugbog ni Reynold dito. Gusto pa ba nitong dagdagan niya ito?"Hindi ka pa pala magaling. Hindi ba dapat nagpapahinga ka pa sa ngayon?" sambit ni Luke kay Richard. Hindi mahahalata ang pagkasar
"Mr. Cruise? What're you doing here? Did my father invite—" agad na napahinto si Joey sa kanyang sasabihin nang mapagtanto ang suot ni Luke. Ang galak sa kanyang mukha ay naglaho.Naalala ni Joey ang senaryo sa Laurentshé Restaurant.Halos lahat ng naroon ay nakakunot ang noong napatingin kay Joey. Kilala nila si Joey bilang isang tagapagsilbi ng pamilya Dela Vega. Kahit na mismo ang sariling pamilya ni Joey ay mataas ang tingin ng mga ito sa kanya lalo na si Javier na siyang pinuno ng kanilang pamilya.Paanong ang isang tulad niya ay kakilala ang isang tulad lang ni Luke? Bukod pa roon ay tila napakagalang ng pagtawag niya kay Luke."Magandang gabi po Manager Alanis. Kamusta na po ang kalagayan niyo? Okay na po ba ang pakiramdam niyo?"Muling napakurap-kurap si Joey dahil sa naging tanong ni Luke. Hindi niya alam ang kanyang isasagot kaya sumabay nalang siya."Ah o-oo, medyo okay na ang pakiramdam ko." tugon nito pagkatapos ay kunwari pang napahawak sa kanyang batok.'Is Mr. Cruise st
"You plotted against Mr. Cruise. Hindi ko pwedeng palampasin nalang ang bagay na ito." wika ni Joey.Alam nilang iniligtas ni Luke si Joey, natural lang na ibalik nito ang pabor sa pamamagitan ng pagtulong nitong parusahan sina Richard. Pero alam din naman nilang kasama sa limang pinakamayamang pamilya ang pamilya Gregory kumpara sa pamilya Alanis at kasalukuyan nang nasa ikatlo silang ranggo. Mababa lang ng isang ranggo kumpara sa pamilya Dela Vega. Kahit na mismo ang pamilya Velasquez ay hindi nanaising kalabanin ang pamilya Gregory. Pwera nalang kung tutulungan siya ng pamilya Dela Vega na kanyang pinagsisilbihan."Mr. Alanis, hindi mo naman po kailangan na manghimasok sa bagay na ito. You knew my family's reputation very well. Kahit na tagapagsilbi ka ng pamilya Dela Vega, do you think na tutulungan ka nila para lang suportahan si Luke?" nakangising ani ni Richard.Kalmado lang na pinagmasdan ni Joey si Richard. Nalaman na ng pamilya Dela Vega ang pagbisita ni Luke sa Laurentshé. S
Nagkalat ang pira-pirasong basag na mamahaling banga sa sahig nang masiko iyon ni Noah dahil sa pagkabigla sa sinabi ni Joey. Humugot muna ito ng lakas ng loob bago muling kausapin si Joey."Y-you mean Luke Cruise, the Young Ma—""Young man with a really poor backround at masipag na empleyado sa iyong kompanya. He's working hard to earn money pero tatanggalin mo lang siya sa trabaho na hindi man lang inaalam kung ano ang totoong nangyari?" agad na putol ni Joey sa sasabihin sana ni Noah dahil sa muntik na nitong mabigkas ang salitang hindi dapat marinig ng karamihan.Agad namang naunawaan ni Noah ang sitwasyon at ibig sabihin ni Joey. Napahawak pa siya sa kanyang kaliwang bahagi ng dibdib dahil sa biglang pagbilis ng kabog nito dahil sa pagkasabik.Hindi niya akalain na ang usap-usapan tungkol sa Young Master na nagmula sa pamilya Cruise at kasalukuyang nasa Quezon dahil sa isang training ay nagtatrabaho pala sa kanyang pagmamay-aring restaurant."Kasama ako ni Ms. Salazar nang masaksi