"Hindi rin ako makapaniwala sa nangyari." sambit ni Bernard kay Luke. Kasalukuyan silang sakay ng kotse nito patungong Quezon. "Mabuti nalang at binuhay nito ang kanilang lider. Kasalukuyan nang iniimbestigahan ng awtoridad ang nangyari at kung sino ang kliyente nila." "Saan pumunta ang umatake sa kanila pagkatapos?" tanong ni Luke. May pakiramdam siyang ang babaeng iyon at si Ms. Natalia ay iisa. "Hindi ko alam. Pagbalik ng kuryente ay tanging mga nakahandusay na katawan ng bandido ang bumungad sa'min. Gladly ay walang nasaktan sa mga bisita ni Mr. Barlowe." Si Luke ang nagpatay ng kuryente at siya rin mismo ang nagbukas nang marinig niyang tumahimik ang komosyon sa loob ng restaurant. Tulad nga ng kanyang inaasahan ay inatake rin ng kakaibang babae ang mga bandido na nasa loob ng restaurant. Pero bakit sila nito tinulungan? Siya ba talaga si Ms. Natalia? Ang kakayahan nito ay imposibleng magawa ng isang normal na tao. Ibig lang nitong sabihin ay malamang na hindi tao si Natalia.
"Sa buong talambuhay ko ay ngayon ko lang narinig ang patungkol sa pamilya Cruise at kung gaano sila kayaman. At nagmula pa mismo ang impormasyong iyon sa'yo Young Master Cruise. Salamat sa pagbahagi." malugod na sambit ni Carlos.Kasalukuyan silang nakasakay ng elevator ni Carlos. Kakagaling lang nila mag roving sa ibang palapag ng gusali. Naipaliwanag na ni Luke kay Carlos kung bakit kinailangan niyang magpanggap na security guard sa ENDX Corp sa kabila ng kanyang tunay na estado sa buhay. Makabuluhan naman lahat ng sinabi ni Luke kaya naninawala rin sa huli si Carlos."Pakiusap, Mr. Cruise o SG Cruise nalang ang itawag mo sa'kin."Mahinang natawa si Carlos saka tumango-tango. "Pero Mr. Cruise, isang mahalagang sekreto ang ibinahagi mo sa'kin. Paano ka nakasisigurong hindi ko ibubunyag ang lihim mo o ng iyong pamilya?"Nakataas ang kilay na tiningnan muna saglit ni Luke si Carlos. "May tiwala naman ako sa'yo. Kung sakali mang malaman kong ikinalat mo ang mga sinabi ko sa'yo ay hindi
Bumagsak ang balikat ni Ms. Javier nang makita niya ang lahat ng nakikiusisa na nakataas ang kamay at tanging siya, ang tatlo pang sales personnel, si Pauline at dalawang security guards lang ang pumapanig sa kanya.Talagang mas pinili nilang sabayan ang kasinungalingan ni Ken. Kung sabagay ay hindi niya rin masisisi ang mga ito. Marahil ay natatakot lang din ang ilan sa kanila.Ibinaling nito ang kanyang tingin kay Luke. Kita niya kung gaano kakampante si Luke pero para sa kanya ay wala rin itong magagawa laban kay Ken.Hindi nga natakot si Ken kay Pauline na isang Executive Manager, sa isang security guard pa kaya?"Nakakalungkot lang isipin Mr. Sy, na kahit buong mundo pa ang pumanig sa'yo, hindi mo maaalis ang katotohanang isang kasinungalingan ang pinanghahawakan mo. Hanggang sa hukay ay dadalhin mo ang pakiramdam na pinaglaban mo ang isang walang kabuluhang bagay, manalo ka man o matalo." sambit ni Luke.Ang iba sa mga nakikiusisa ay medyo naunawaan ang sinabi ni Luke. Ano nga ba
Hindi maiwasan ni Luke na mailing. Walang pakialam si Ken sa kapakanan ng ibang tao para lang magawa ang kanyang sariling kagustuhan kahit wala namang kabuluhan. Isa ito sa kanyang mga kinaiinisan. Sa parehong pagkakataon ay nakikita ni Luke kung gaano kahunghang si Ken."Dahil sa mabait naman ako, since wala pa si Uncle, bibigyan kita ng pagkakataon na hingin ang kapatawaran ko at maisalba ka mula sa pagkakakulong." sambit ni Ken kay Pauline. "Kneel down and tell me that you love me."Nalaglag ang panga ng lahat maging si Luke dahil sa sinabi ni Ken. Ganito ba talaga kadesperado si Ken sa pagmamahal ni Pauline?"You're pathetic. Mas gugustuhin ko pang makulong kaysa lumuhod sa harapan mo." nandidiring sambit ni Pauline.Natawa si Ken. "Mas pagandahin natin ang deal. Ganun pa rin ang gagawin mo, pero maisasalba mo rin silang lahat maliban nalang dito kay... Luke." sambit ni Ken na parang nandidiri pang banggitin ang pangalan ni Luke.Hindi nagdalawang-isip na sumagot si Pauline sabay n
"Imposible. bawat kotseng naririto sa palapag na 'to ay nagkakahalaga ng hindi bababa sa isang milyong dolyar. Sinasabi mo bang may ganun kang halaga ng pera?" hindi makapaniwalang tanong ni Ken. "Aside from that, kung totoo man na isa sa mga kotse rito ang pagmamay-ari mo, paano ka nakasisigurong hindi ko ito kayang bilhin? Kahit pa pagsama-samahin lahat ng kotse rito ay kayang-kaya kong bayaran." kampanteng sambit ni Ken."Quit fooling around. We all know that you're just bluffing. Of course you're an employee here kaya paniguradong tutulungan ka ni Ms. Lee na imaneho ang alin mang kotse rito para pahiyain si Mr. Sy. Pero hindi mo kami mapapaniwalang pagmamay-ari mo ito." wika naman ni Greg.Lahat ng nakikiusisa maging ang mga sales personnel ay sang-ayon kay Ken at Greg. Sa pagkakaalam ng mga sales personnel ay bago lang si Luke na security guard sa ENDX Corp. Kahit sila ay hindi niya mapapaniwalang pagmamay-ari nga niya ang isa sa alin mang kotseng naririto lalo pa't sila mismo ang
Napagana nga ni Luke ang kotse!Natigilan ang lahat dahil sa sobrang pagkabigla. Paanong ang isang katulad ni Luke na isa lang security guard ay napagana ang pinakamahal na sasakyan sa buong mundo gamit ang kanya mismong fingerprints?"T-that means he's the real owner of the car!" hindi makapaniwalang sambit ng isa sa mga nanonood."This can't be real." pabulong na sambit ng isa pa habang inaalala niya kung paano niya laitin si Luke kanina.Halos lahat ng nang-insulto kay Luke ay hindi makatingin ng diretso sa sasakyan o kay Luke. Nakayuko ang ilan sa kanila at pinagsisisihan ang kanilang ginawang pangmamaliit kay Luke. Dahil sa napagana ni Luke ang kotse ay patunay lang na si Luke nga ang may-ari ng sasakyan.'Is he only pretending to be a security guard even though he is actually rich?' halos pare-parehas na katanungan nila sa kanilang isipan.Si Ken, na kasalukuyang naninigas sa kinatatayuan ay buo pa rin ang paniniwalang may ginamit lang na trick si Pauline at Luke para utuin sila.
Pagkatapos ng kaguluhang naganap sa ENDX, at pagkatapos maihabilin ni Luke kay Bernard ang lahat ng dapat asikasuhin ay napagdesisyunan niyang magtungo agad ng restaurant kung saan siya nagpapart-time job.Nadatnan ni Luke ang abalang mga crew ng restaurant. Halos lahat ng naroon ay nagkakandaugaga na at nakapokus lang sa ginagawa na kahit na mismo ang kanyang pagdating ay hindi nila napansin.Mabilis naman agad na tumulong si Luke sa paghahakot ng mga gamit papunta sa service truck nang makita niya ang sitwasyon."Saan tayo mag ki-catering service?" tanong ni Luke sa kasamahan nitong katulong niya na nagbubuhat ng folding table."Ah hindi ka pa pala nainform? Sa bahay ng pamilya Alanis." tugon nito.Napataas ang kilay ni Luke. Hindi man siya pamilyar sa pamilya Alanis ay pamilyar naman siya sa pangalang Joey Alanis na Manager ng Laurentshé Restaurant. Kamag-anak ba ng pamilya Alanis si Joey?"Bakit anong meron?" muling tanong ni Luke."Yun ang hindi ko rin alam. Basta ang alam ko lang
"Anong ginagawa ng payasong ito rito?" nakatawang tanong ni Matthew habang nakadungaw mula sa driver's seat.Agad na nagsalubong ang kilay ni Luke nang makita kung sino ang mga sakay ng kotse. Sila Richard ito.Mula sa likuran ay dumungaw rin si Ludwig, isa sa matalik na kaibigan ni Matthew. "Anong karapatan mong pumunta sa ganito kaenggrandeng pagdiriwang? Tuluyan ka na bang nawala sa katinuan?" patanong na pang-iinsulto nito."Calm down guys. Look at what he's wearing. He came here because of his work. Respeto guys, respeto." sarkastikong sambit naman ni Richard na siyang nasa passenger seat habang nakalolokong nakangising pinagmamasdan si Luke.Malamig na tiningnan ni Luke si Richard. May bendahe pa rin ito sa kanyang noo at bakas pa rin ang sugat sa ilalim ng kaliwang mata nito dahil sa pambubugbog ni Reynold dito. Gusto pa ba nitong dagdagan niya ito?"Hindi ka pa pala magaling. Hindi ba dapat nagpapahinga ka pa sa ngayon?" sambit ni Luke kay Richard. Hindi mahahalata ang pagkasar
Umihip ang malamig na hangin at tangay niyon ang pinaghalong amoy ng tuyong dahon at pabango ni Kina. Nilingon niya si Kina na nakatitig lang sa kanya, tila pinag-aaralan ang kanyang mukha. "Silence means yes," sambit ni Kina pagkalipas ng ilang saglit na pananahimik ni Luke. Nabasa na nito sa mata ni Luke ang kasagutan sa kanyang tanong. "That night after you saved me from the members of the Blazing Phoenix Gang, nakita ko kung gaano ka kakampante na kaya mo silang talunin sa kabila ng kapangyarihang meron sila sa underground society. Gusto kitang pigilan nang oras na iyon dahil ayokong may mangyaring masama sa lalaking nagligtas sa'kin noong gabing iyon." Ngumiti ito, muling pinagmasdan ang napakakalmadong lawa. "Pero may parte sa isip ko noong nagsasabing magtiwala lang ako sa'yo." Saglit na huminto ito at nagpakawala ng mababaw na buntong-hininga. "Ang mas ikinabigla ko pa ay nang makita ko kayong malapit ni Mr. Malcov sa isa't-isa. Batid kong pagpapanggap lang ang mga sinabi niya
Dali-daling pinulot ni Luke ang chess board at ipinatong iyon sa mini table. Nagtaka si Bernard sa inasta ni Luke."Pakilagay nalang niyan dito at pakiayos na rin." pautos na sambit ni Luke kay Bernard na nauna nang pulutin ang mga piyesa.Mas lalong nagulumihanan si Bernard. 'Does Mr. Cruise wants to play chess right now?'Inayos ni Luke at Bernard ang pagkakalagay ng bawat piyesa ayon sa tamang parisukat na lagayan nito sa chess board. Nasa tapat niya ang itim at nasa tapat naman ni Bernard ang puti."T-Titira na ba ako Mr. Cruise?" nakakunot ang noong tanong ni Bernard."Hindi." tugon lang ni Luke pagkatapos ay may bahagyang ngiti sa labing pinagmasdan ang chess board. Partikular niyang pinagmasdan ang walong pawns na nakahilera sa kabilang dako ng board. 'Ang walong puting kalbo...' sambit niya sa isip. Pinagsalikop niya ang kanyang palad sa ilalim ng kanyang baba at ginamit iyon upang panukod sa kanyang ulo.Naunawaan na rin ni Luke sa wakas na ang kahulugan ng walong puting kalb
Tila bumagal ang takbo ng oras para kay Lance nang puntong matanggap niya ang sipa ni Luke. Unti-unti siyang umangat at tumilapon papalayo sa kinatatayuan ni Luke. Blangko ang kanyang isip habang nakatingin sa madilim na kalangitan na pinupuno ng bituin.Napaka-aliwalas ng kalangitan, hindi kakikitaan ng anumang ulap. Kasing linaw niyon ang isiping totoong higit na mas malakas si Luke kaysa sa kanya. Sa kabila ng natamong kalakasan mula sa drogang itinurok lang sa kanyang katawan ay kulang pa iyon upang mapantayan niya ang husay na mayroon si Luke. Makailang ulit din niyang binigkas sa kanyang isip ang katagang 'I'm still weak' bago siya tuluyang bumagsak nang pitong metrong layo mula kay Luke.Isang kamay ang sumalo kay Lance. "P-P'One," naisambit lang nito nang makita kung kaninong kamay iyon. Ang lalaki iyong kasama nito."Magpahinga ka muna, ako nang bahala sa lalaking 'to." sambit nito sa kampanteng tono habang ubod ang ngiting pinagmamasdan si Luke.Napahawak sa dibdib si Lance
Mabilis na binawi ni Lance ang kanyang paa mula sa pagkahawak ni Luke. Sinundan agad nito iyon ng isa pang sipa at suntok gamit ang kanang kamay.Inilagan ni Luke ang sipa ni Lance at kinontra-atake niya ang suntok nito ng left hook. Dahil sa bilis niyon ay hindi iyon nagawang dipensahan ni Lance o hindi man lang nito nagawang umilag. Tinamaan ito ni Luke sa baba nito kaya napayuko ito sa kanan nito. Pero hindi man lang nito ininda iyon.Sinubukang bawiin ni Lance ang postura nito pero hindi iyon hinayaan ni Luke. Mabilis siyang gumamit ng back kick at tinamaan niyon ang gitnang tadyang ni Lance kaya napaatras ito. Kahit na nasa masamang postura ay hindi natumba si Lance na nagawang maitukod ang kaliwang paa sa likuran. Galit na nag-angat kaagad ito ng tingin. Pero namilog ang mata nito nang makitang wala na sa unahan nito si Luke.'Side-jump technique huh?' gumuhit ang ngisi sa labi ni Lance. Napaghandaan na niya ang pamamaraan na ito ni Luke. Alam niya kung saan susulpot si Luke ka
"Hindi ko gustong labanan ka, Lance. Kung galit ka sa'kin dahil sa pangingialam ko sa relasyon niyo ni Kina, hahayaan lang kitang magalit sa'kin. 'Wag kang aasang hihingi ako ng paumanhin dahil sa naging desisyon ko." seryosong wika ni Luke. Kahit na ramdam niyang nag-uumapaw ang enerhiya ni Lance sa kagustuhan nitong kalabanin siya ay alam niyang kayang-kaya niya itong talunin.Sa unang pagkakataon ay natawa si Lance. "Sino bang may sabing kailangan ko ng paghingi mo ng paumanhin? 'Wag mo sabihing naduduwag ka lang na kalabanin ako?" panunudyo nito. "Nakikita mo na ba ang diperensya ng husay nating dalawa? Nakikita mo bang mas mahusay ako kaysa sa'yo?"Nailing-iling si Luke. Batid niyang sinabi lang iyon ni Lance upang patulan niya ito. O baka sadyang unti-unti na itong nawawala sa katinuan. "Umuwi ka nalang sa inyo. Mas makabubuti sa'yo kung magpapakita ka na sa'yong ama."Sa oras na ito ay marahil alalang-alala na si Theodore. Ipinangako niya ritong hindi niya sasaktan si Lance sak
Nakita ni Luke ang seryoso habang nakapamulsang si Lance, marahang naglalakad papalapit sa kanya. Napansin niyang may nagbago sa pangangatawan nito kumpara noong huli niyang kita rito. Parang mas naging matipuno ang pangangatawan nito.Tulad ng naging hula ni Theodore ay makikipagkita nga ito sa kanya, gayon din ang kanyang inaasahan. Malamang ay kokomprontahin siya nito tungkol sa nakansela nitong kasal."Anong nangyari sa'yo? Nag-aalala na nang husto si Theodore sa kalagayan mo." wika niya.Kahit papaano ay hindi maiwasan ni Luke na isiping siya ang dahilan kung bakit ito umalis sa bahay nito. Kung may masamang mangyari kay Lance dahil sa sama ng loob nito sa kanya ay parang kasalanan niya na rin."Mahirap bang sagutin ang tanong ko upang sagutin din ng tanong?" seryosong sambit ni Lance.Napakunot ang noo ni Luke dahil sa sinabi nito at tono ng pananalita nito. Hindi agad siya umimik sa halip ay nagtatakang pinagmasdan niya ang kakaibang katauhan nito. Hindi lang pisikal na kaanyua
Mag-aalas diyes na ng gabi nang matapos sina Luke. Si Alona lang ang pinakamatagal matapos kumain na para bang gustong ubusin ang laman ng kanyang card. Kung hindi pa nila ito pinilit na umuwi ay parang gusto na nitong doon tumira sa restaurant na iyon hangga't hindi nito nauubos ang halos sampung bilyong dolyar na laman ng SVIP card ni Luke.Nakapamulsang naglalakad si Luke, habang nasa likuran ng tatlong babae. Panay pang-aalo sina Jackielyn at Kina kay Alona na may bitbit pang bote ng champagne. Pinagtitinginan na sila ng mga nakakasalubong nila."Jusko ang mga kabataan talaga ngayon, ang hihilig nang maglasing." wika ng aleng kanilang nakasalubong sa kasama nito.Nagsalubong ang kilay ni Alona nang marinig iyon. "Hoy manang! Sinong bata ang tinutukoy mo?" sigaw nito na aktong susugurin pa ang ale. Agad namang hinawakan ni Jackielyn at Kina ang magkabila nitong braso upang pigilan ito.Dahil sa takot ng ale at kasama nito ay binilisan ng mga ito ang kanilang paglakad.Natatawang na
Isang maitim na lalaki pa ang bumaba mula roon. Kalbo ito at malaki ang pangangatawan. May ilang peklat din ito sa kaliwang braso na parang nagsisilbing gantimpala nito sa naging karanasan nito sa isang mabangis na labanan. Makikita sa pangangatawan nito kung gaano ito kabatak sa pakikipaglaban."May gusto lang akong itanong sa'yo." wika ni Lance kay Darwin sa malamig na boses. "Come with us."Napakunot ang noo ni Darwin. "Ano 'yon? Pwede mo namang itanong ngayon. Abala ako kaya hindi—""I'm not asking, I'm ordering you." putol ni Lance sa sinasabi ni Darwin.Sumama ang ekspresyon ng mukha ni Darwin. "Anong sinabi mo?" galit at hindi makapaniwalang sambit nito. "Who the fuck are you para utusan ako? Hindi porket nakapasok na ang pamilya niyo sa upper class ay tingin mo magka-level na tayo. Tandaan mong nasa ilalim pa rin kayo at kumpara sa pamilya namin ay langgam lang ang pamilya niyo."Nanatiling kalmado si Lance sa kabila ng ginawang pagsigaw at pangmamaliit ni Darwin sa kanya. Bah
Napansin ni Luke na huminto rin sa paglalakad si Kina. "Marami akong gustong itanong sa'yo, Luke. Meet me tomorrow evening, sa likod ng paaralan." sambit nito bago muling nagpatuloy sa paglakad.Ang malamyos nitong boses ay parang naiwan pa sa kinaroroonan ni Luke kasabay ng nakakaakit nitong amoy ng pabango. Ilang segundo pang hindi nakakilos si Luke, ramdam niya ang bawat kabog ng kanyang dibdib sa tahimik na pasilyong iyon.Sumunod siya sa kwarto kung saan pumasok sina Kina. Saglit pang nahinto ang manager sa kanyang harapan nang makasalubong niya itong papalabas ng kwarto. Hindi ito umimik sa halip ay saglit lang siya nitong tiningnan bago tuluyang lumabas."Here, Luke." pag-aya ni Jackielyn sa kanyang maupo sa sopa, sa tabi nito.Binigyan lang ito ni Luke ng tipid na ngiti bago naupo roon. Nasa katapat na sopa sa harap niya mismo nakaupo si Kina habang si Alona naman ang katabi nito, nakahalukipkip at nakabusangot."Hindi ko alam na iyon pala ang apelyido mo." nakangiting wika ni