MAS LALO pang nagkagulo ang mga kaibigan nila na siyang ikinailing lang ng dalawa. Kinuha na lang niya ang suitcase sa likod ng van at inaya ng pumunta sa vacation house para makita na niya si Mason. Excited na siyang makita ang lalakeng 'yun.
Nauna sa paglalakad sina Lawrence, Naomi, Airah at Lim . Nakasunod naman siya sa mga ito at nasa likuran niya sina Xiver at Drake. Palinga-linga siya para tingnan ang resort. It's wide and offers a lot of services to the tourists. May 30 floors na hotel, expensive cottages and cabins. Kung gusto mo namang sa tent ay mayroon din. Bilihan ng mga pasalubong, nakahilerang mga stall ng pagkain kung saan live pang nagluluto ang mga chefs at aliw na aliw naman ang mga nanunuod. A lot of spots good for picture taking, water activities and more.
Mahina siyang binangga ni Xiver nang mauna ito sa paglalakad. Kumunot naman ang noo niya.
"Ako na." Napalingon siya bigla kay Drake na kinuha ang suitcase niya. Agad niya iyong inagaw mula rito.
"Hindi, okay lang. Kaya ko naman."
Hinigpitan nito ang hawak sa maleta niya. "Hindi, ako na talaga. "
Nagpumilit pa talaga ito kaya wala siyang pagpipilian kundi ang hayaan na lang.
Mabagal ang paglalakad niya kaya binagalan din nito ang mga hakbang. Walang imik silang naglalakad habang magkatabi at naghahanap ang bawat isa ng kung ano ang puwede nilang pag-usapan.Sa mga kaibigan niya, kay Drake siya hindi malapit. Dati close naman sila pero habang lumalaki ay lumalayo na ang loob sa isa't-isa. He's too distant, minsan lang siya kung kausapin kaya ganun na lang din siya. Ayaw niya namang maging feeling close dahil baka ayaw nitong maging malapit ulit sila.
"Tagal din nating hindi nagkita noh?" panimula nito ng usapan sa pagitan nilang dalawa.
"Oo nga. Halos isang taon din. " Kapag naman kasi nagkikita ang mga kaibigan nila ay minsan lang sila kung makisali at hindi nila naaabutan ang isa't-isa.
"Sobrang busy rin kasi kaya halos ubos na ang time."
"Nabalitaan ko nagkaproblema raw ang kompanya niyo. Mabuti na lang at naayos niyo naman agad."
"Mabuti nga at naayos dahil kung hindi, tiyak na babagsak talaga ang kompanya. Malilintikan ako kay lolo." At napakamot ito ng ulo.
Natawa naman siya ng mahina. Hanggang ngayon ay takot pa rin pala ito sa lolo nito. Naalala niya dati kung gaano talaga nakakatakot si Don Rafael De Vicente, mukha pa lang ay manginginig ka na. Miski sina Lawrence, Xiver at Mason ay takot din dito. Umiyak pa si Lawrence 'nung pinatawag ni Don Rafael De Vicente.
Nang makarating sa vacation house nina Xiver ay agad siyang tumakbo papasok. Hinanap niya si Mason at tumili nang makita itong naghahanda ng pagkain sa may kusina.
"Mason!" She runs towards him and hugs him tight. Mason lifts her and twirls them around.Ibinaba siya nito. "Ang gaan mo. Stress ka ba ng sobra?"
"Oo pero nawala na ang stress ko dahil nakita na kita. Sobra talaga kitang namiss Mase, sobrang-sobra."
"Talaga ba? Eh hindi mo nga ako tinatawagan," nagtatampo nitong sabi.
"Marami kasi akong iniisip pero huwag ka ng magtampo dahil habang nandito tayo sa beach ay ikaw lang ang iisipin ko." At pinanggigilan niya ang pisngi nito. Natawa naman si Mason at niyakap siya ulit. They both really miss each other. It's been two years since the last time they saw and months of losing connection.
Nakatingin naman sa kanilang dalawa ang mga kaibigan nila. Nakangiti dahil alam nila kung gaano kagalak ang dalawa na makita ang isa't-isa pero maliban na lang sa isa na puno ng selos ang bumabalatay sa mga mata.
After they greeted each other. Calli went to her room, kasama niya sa kuwarto si Airah. She throws herself on the bed and hugs the soft pillow. "Ang ganda rito sa resort nina Xiver," she complimented. Tamang-tama ito para makapag-unwind siya.
Airah smirk at her. "Sabi sa'yo eh tapos pa choosy ka pa."
Sumimangot siya. "Ano pa ba ang pinanghihimutok mo riyan? Nandito na nga ako eh."
"Chill. Ang init ng ulo mo."
Nagpahinga lang siya saglit sa kuwarto at nang magising ay bumaba na ng sala. Naabutan niya ang mga kaibigan na nag-uusap habang kumakain sa lamesa.
"Calli, dito." Kinawayan siya ni Mason na siyang unang nakapansin sa kanya. Naupo siya sa tabi nito, katapat naman niya si Drake kaya napatingin siya sa binata. Nakatuktok lang ang atensiyon nito sa kinakaing salad.
"Anong gusto mo Cal?" Naalis ang tingin niya rito at napabaling kay Mason.
"Yung baked macarons."
Nilagyan naman siya nito sa kanyang pinggan at napasinghap nang padabog na binagsak ni Drake ang kustara nito staka uminom ng juice.
"Okay ka lang?" Hindi niya napigilang tanong.
Tumango ito. "Oo."
While they eat, they talk a lot of things and the topics are mostly about her since they missed a lot of events in her life. Sharing their current happenings, she realize how their lives already changed. Kung dati, ang pinoproblema lang nila ay kung ano ang lalaruin sa araw-araw. Iiyak dahil papatulugin ng mga magulang sa tanghali pero ngayon, hindi na uso ang laro kasi kailangan mong seryosohin ang lahat, hindi ka na makakapagpahinga kung kailan mo gusto kasi binabagabag ka naman ng mga tatapusin mong trabaho.
She's happy that despite of not having a communication for a long time, their friendship still remain. Maraming nagbago sa mga kaibigan niya lalo na sa pisikal na kaanyuan, mas lalong gumanda, mas lalong gumuwapo at naging makisig, mas naging mature. Marami mang nagbago sa kanila pero marami pa rin namang nanatiling mga ugali na siyang mananatili sana sa tanang buhay nila.
"May boyfriend ka na ba Cal?"
Nabulunan siya sa tanong ni Xiver. Mariin siyang umiling na siyang ikinangiti naman ng isang lalake na kanina lang ay naikuyom ang kamao nang marinig ang tanong ni Xiver.
"Wala na akong time para roon. 'Yung worksheet na actually yung jowa ko."
"Mabuti naman kung ganun. Huwag ka munang magboyfriend hangga't may isa pa ritong hindi pa tapos sa pagiging torpe ha?" makahulugan nitong sabi.
Her forehead creases. "Who do you mean?"
Magsasalita sana si Xiver nang senyasan ito ni Mason na tumahimik at pinanlisikan ng mata, pinagbabantaan. "Don't worry, hindi ko sasabihin."
Mas lalo namang naguluhan si Calli at nilingon si Mason na nginitian siya nang mahuli niya itong kausap si Xiver.
"Anong pinag-uusapan niyo?"
"Ha? Wala." Mariin itong umiling. "Kumain ka na lang. Sinarapan ko talaga ang pagkakaluto riyan sa lasagna kasi paborito mo."
Tiningnan niya pa ito ng matagal at nagpatuloy sa pagkain. Naghihinala siya kay Mason. Ito ba ang tinutukoy ni Xiver na hindi pa tapos sa pagiging torpe?
Matapos nilang kumain ay napagdesisyunan niyang maglakad-lakad sa resort. Matindi ang sikat ng araw pero hindi naman iyon masakit sa balat dahil alas nuwebe pa lang naman ng umaga. Lumapit siya sa isa sa mga stall kung saan nagluluto ang isang chef at napaatras nang biglang umapoy ang pan at nakipagsabayan siya sa mga palakpakan.
Di naman siya nagtagal doon at napagdesisyuna din na maglakad sa may dalampasigan habang nasa likod ang kanyang mga kamay. There has a lot of tourists, wearing their swimming attire. May nakita pa siyang dalawang babae kanina na see through pa talaga ang knit top. Bilib din siya sa confidence ng dalawang babae, siya kasi hindi mahilig magsuot ng mga damit na sobrang revealing. Hindi siya sanay na pinapakita ang kabuuan ng katawan niya sa maraming tao.Maganda naman ang katawan niya. She has curves, flat stomach, enough big of breast and butt but she's uncomfortable showing it to them. Lalo na at iba na ang isip ng mga tao ngayon.
Masiyado siyang naaaliw sa paligid niya at hindi napansin na may paparating pa lang bola sa kanyang direksiyon. Matatamaan sana siya sa ulo nang may sumalo nun. Suminghap siya sa gulat sa biglang paglitaw ng isang lalake at hinarap ito. "D-dra-ke," she utters his name. Startled. He throw the ball back to those teenagers playing volleyball before turning his gaze at her. Humakbang naman siya paatras nang mapagtantong sobrang lapit pala ng katawan nila. Naaamoy na niya ang natural na amoy nito na humahalo sa pabango. Lumunok siya dahil sa malalim ang emosiyon na ipinapakita ng mga mata nito habang magkatama ang mga mata nila. Umiwas siya. "Ahm...anong ginagawa mo rito?""Wala. Tulad mo, naglalakad din."
"Ganun ba? Salamat nga pala."
He smile. "No probs. Ingat ka habang naglalakad."
Tumango siya.
"Hindi ka ba magtatampisaw sa dagat?" tanong nito kapagkuwan nung bumalik sila sa pagiging tahimik.
"Mamaya na si--"
Hinubad nito bigla ang damit na siyang ikinabitin ng kanyang salita. Inabot nito iyon sa kanya na mas lalo pa niyang ikinagulat.
"Pahawak naman," hingi nito ng pabor at nang tanggapin niya ang damit nito ay tumakbo ito papunta sa dagat. Napatingin siya sa singlet na hawak at dumapo ulit ang tingin sa lalake. Hindi niya napigilan ang sarili na amuyin ito dahil tutal naman ay hindi nakatingin si Drake.
NAWALAN NA siya ng gana pang maglakad-lakad at naupo na lang sa malaking sanga ng kahoy na naanod ng alon papunta sa dalampasigan. Pinagmasdan niya si Drake na lumalangoy papunta sa mababaw na parte at sa pag-ahon ay bumalandara ang maganda nitong katawan. At sinong mag-aakalang ang dating lampayatot ay magiging ganito na kakisig ngayon? It's really different when puberty hits you. Tinutukso pa niya ang lalake noon pero ngayon, paano na niya ito tutuksuin kung nakakakapos ng hininga ang ganda ng katawan nito? His body is well structured. He has this masculine body which has 6-pack abs, and firm muscles. A body built than can hook a girl's heart in just one glimpse. Hindi lang siya sa katawan appealing kundi sa kabuuan talaga. His pitch-black eyes were really magnetizing, with long lashes and thick eyebrows that always met. Pointed nose and kissable lips. Jet black thick hair where he runs his fingers and the bullets of water is slowly dripping down. He's handsome, ever since t
SHE woke up late the next morning and stop yawning when she saw her friends grilling meats the outside of the vacation house. Tiningala siya ni Airah at kinawayan. Kumaway naman siya pabalik. "Good morning Calli. Baba ka na riyan," aya nito. Tumango naman siya na may matamis na ngiti sa labi, naghilamos muna at nag-ayos ng mukha bago bumaba. Nilapitan niya si Mason matapos batiin ang ibang mga kaibigan at nanlalambing na yumakap mula sa gilid nito. "Good morning," she greeted sweetly. He swung his arm on her shoulder and kiss her head. "Good morning too. How's your sleep?" Tumulong siya sa pagbabaliktad ng mga karne habang ang isa niyang braso ay nasa beywang pa rin nito. "I have a good sleep." Mahimbing ang tulog niya kagabi. Masarap kasi sa pakiramdam ang malamig at preskong hangin na mula sa labas at ang ingay ng alon sa tuwing tumatama sa dalampasigan, dinagdagan pa ng mababaw na mga ingay ng tao. That's the best sleep she ever had. "Iba talaga sa feeling kapag nasa beach ka.
“Calli, gusto ka raw ni Drake.” It was started with those words and she didn’t expect the outcome. They were in the fifth level of their grade school when Xiver told it to her. Hindi siya naniwala dahil alam naman niyang imposibleng mangyari yun at wala siyang may nararamdam para sa lalake. Guwapo naman ito pero mapayat kasi at ang bagal pang magsulat, ang arte kasi ni ultimo isang letter lang ang mali ay gagamitan talaga ng correction tape at pinapaganda pa ang handwriting, tinalo pa ang sa kanya na parang palay na dinaanan ng bagyo. She and Drake are seatmates and she treated him as her brother, as her true friend pero dahil sa paulit-ulit na panunukso ng mga kaibigan niya sa kanila at sinabayan pa ng kanilang mga kaklase na nagtagal hanggang high school nila ay hindi niya naiwasan ang pana ni kupido at nagkatotoo ang dating tukso. She’s at the second year of high school when she realize she has a feelings for him and it getting worst as it takes longer, kahit nitong college na nag
NAPATULALA siya nang makita ang kababata na nasa mismong harapan niya, prinoprotektahan siya. Nakaramdam ng kaligtasan si Cali at kaginhawa dahil dumating si Drake. Nilingon siya nito at hinawakan sa magkabilang balikat, puno ng pag-aalala ang mukha. “You, okay?” She nodded and eyes widen when she saw the moron stood up, wiping the blood in the corner of his lips. Nilingon naman ito ni Drake at mas itinago pa sa likod ang babae. Lumusob yung lalake at hindi naman hinaayan ni Drake na masuntok siya nito, agad siyang umiwas at hinila si Calli para hindi matamaan. Pinatabi niya muna ang dalaga bago sinipa ng malakas yung lalake kadahilanan na matumba ito na agad niyang kinubabawan at pinagsusuntok. Nilalabas niya ang lahat na galit na nararamdaman. Nang makita niya ito binabastos ang dalaga ay bigla na lang nag-init ang ulo niya, parang gusto niya itong patayin. Ang kapal ng mukha nitong hawakan ang pagmamay-ari niya. Tinulak siya nito at agad na kinubabawan, siya naman ang pinaulanan
MUGTO ANG mga mata ng dalaga pagkagising niya pagkakinabukasan. She cried for the all night; she can’t believe that Drake shouted at her. She only cares for him, she’s just worried but look what she got? Ang sama-sama talaga nito sa kanya tapos sinasabi pa ng mga kaibigan nila na gusto siya nito? Maniniwala sana siya, kung naging mabait lang ang binata sa kanya. Sino naman ang matinong lalake ang sisigawan ang babaeng gusto nila di ba? Mabilis niyang tinapos ang pag-inom ng tubig nang pumasok sa kusina si Drake. Nagtama ang kanilang mga mata pero agad siyang umiwas ng tingin. Galit siya sa ginawang paninigaw nito, nasaktan nito ang ego niya. Sumunod naman sa kanya ang mga mata ng binata sa pag-alis niya. “Anyare sa’yo? Namamaga ang mga mata mo?” tanong sa kanya ni Mason nang makasalubong niya ito. Umiling lang siya, wala siya sa mood magkuwento at baka umiyak lang. Ang sakit kaya ng ginawa nito. Alam naman niya hindi siya nito gusto pero kailangan talagang manigaw? Kahit konting r
IT"S LUNCH time when the polices arrived to interview Callisandria. At first, she's calm but as she continue talking, telling to them each details about what happened that night, the fear started to spread her whole system. She can't stop herself from crying and hugging Mason sitting beside him, nag-iwas naman ng tingin si Drake na nasa kabilang sofa at kita ng mga kaibigan nila ang pagkuyom ng kanyang kamao. "Did he do anything more than that?" the police asked. Calli stop crying, dried her tears before shaking her head. "Wala na...dumating kasi ang kaibigan ko." Binalingan ng tingin ng dalaga si Drake na nakatutok ang mga mata sa kanya. Marami pang tinanong ang mga pulis at nang masagot ang lahat ng mga katanungan ng mga ito ay nagpaalam ng umalis. They secured them that the guy who molested Calli will get the punishment that he deserve. Calli feel relieved and thanked them again. Pagod na naupo ang dalaga sa sofa at nasapo ang noo, tumabi naman sa kanya si Mason at hinagod a
CALLI STUNNED as Drake circled his arms around her waist. Hindi lang siya ang napatigil kundi na rin ang kanyang paghinga at pagtibok ng puso pero pagkatapos ng ilang segundo ay biglang dumagundong ang kanyang dibdib, parang may isang milyong mga kabayo ang nagtatakbuhan sa kanyang loob. "D-drake," she stuttered and close her eyes firmly. Oh please, what's happening? She can't breath properly, hinaharang ng binata ang hangin na hinihinga niya. "I'm sorry," malamyos ang boses nito at puno ng pagmamakaawa. "I am sorry for shouting at you, for hurting you, for making you cry. I'm sorry for everything." Nakikiliti siya dahil tumatama ang hininga nito sa leeg niya pero hindi siya nagpahalata. Tumikhim siya at sinubukang alisin ang mga braso nito pero mariing umiling ang binata. Mas lalo pa itong yumakap at nakagat niya na lang ang pang-ibabang labi dahil ramdam niya ang matigas na bagay na tumatama sa kanyang likuran. He's such a jerk, he's apologizing but he's freaking hard. What the
DRAKE mixed the fold papers first before he get one. Xiver volunteered to open it and Drake didn't hesitate to give it to him. Humigpit naman ang kapit ni Calli sa laylayan ng kanyang damit at nang dumapo ang tingin sa kanya ng binata ay agad siyang umiwas. Iginala niya ang mga mata sa paligid, pinapakalma ang nagwawala niyang kalooban. Kinabahan na lang siya bigla sa di malamang dahilan, pakiramdam niya ay may hindi magandang mangyayari. Binuksan ni Xiver ang papel at sa ekspresiyon pa lang ng mukha nito ay alam na niya ang nabunot ni Drake. Napalunok siya lalo na nung nakakaloko itong ngumisi. Tinaasan niya ito ng kilay para itago ang kaba. Pinakita nito sa kanila ang nakasulat at truth iyon. They all celebrated in happiness except her and Drake and give each other a high five. Gusto magsisi ni Calli na hindi siya gumawa ng paraan para hindi makasali, napakamalinaw na sa kanya na plinano nila ito. "It's true. So here's your question, Drake." Xiver wiggles his eyebrows teasingly.
AFTER THREE YEARS, nakauwi na rin sina Drake at Calli ng Pilipinas matapos nilang mabalitaan na pumanaw na si Don Rafael dahil sa katandaan. Bilang pagrespeto sa matanda ay pumunta pa rin sila sa burol nito. Napatingin sa kanila ang mga naroroon at napatigil sa pag-uusap ang ina at ama ni Drake nung makita sila. They are walking together with their two daughters. Nanubig ang mga mata ng ina ni Drake at nahihiyang lumapit sa kanila. "Drake....anak," Denise whispered. "Mom," Drake uttered. Humagulhol ng iyak ang ina ni Drake at niyakap ang anak. Ganun din ang ama na maluha-luha pa. "I'm sorry Drake, I am really sorry. Mali ang ginawa ko…...namin ng ama mo. Nung umalis ka ay doon lang namin napagtanto ang mga kamalian namin. Sorry anak. Sana mapatawad mo kami." Drake smiled. "You're still my mother, mom and as well as you too, dad at napatawad ko na ho kayo. Masaya ako na napagtanto niyo na ang pagkakamali ninyo." Drake's heart lifted up. Sobrang gaan ng kanyang pakiramdam. Ang pag-aa
ELYSE PLANS succeeded. Nakangiti ang babae habang pinagmamasdan ang daang tinahak ng van, hindi niya alintana ang pagsigaw sa kanya ng lolo na galit na galit, ganun din si Don Rafael na kulang na lang ay himatayin. Nagpaputok pa ito ng baril dahil hindi nahuli ng mga tauhan si Drake. Unlike Drake na sumuko na agad, siya naman nag-isip pa ng ibang paraan. Hangga't hindi pa sila officially kasal ni Drake ay alam niyang may pag-asa. Kinausap niya si Mase isang gabi bago ang kasal. Ang plano nila ay pupunta sila ni Drake sa simbahan para lingatin ang atensiyon ni Don Rafael at habang dinadaos ang kasal ay ililigtas naman ni Mase kasama ang mga tauhan nito sina Calli at Shreya, pagkatapos nun ay staka na niya patatakasin si Drake. Hinanda na niya ang sarili, ang ilang tauhan ni Mase sa simbahan para hindi mapigilan si Drake nino man, ganun din ang mga kaibigan nito. "Hija, bakit mo naman iyon ginawa?" Ina ito ni Drake na pilit tinatawagan ang anak. "Huwag na nating ipagpilitan ang hindi
MATAPOS ANG matinding preperasiyong naganap ay dumating na rin ang araw ng kasal nina Drake at Elyse. Umagang-umaga pa lang ay nagwala na si Drake nung nagpumilit ang mga tauhan ni Don Rafael na tulungan siya sa pag-aayos sa sarili. "I don't need your freaking help. Umalis na kayo!" Binasag niya ang vase kaya tuluyan ng umalis ang mga ito. Napasalampak siya sa kama at tumingala para pigilan ang sarili sa pag-iyak. He wants to end his life now, it's choking him, it's torturing him pero hindi pa nakakalaya sina Calli kaya hindi niya iyon puwedeng gawin. Maya-maya lang ay may kumatok sa kuwartong kanyang tinutuluyan, sinasabing oras na para pumunta ng simbahan. Hindi niya iyon pinansin at nagpatuloy lang sa pagiging tulala. Nakatingin siya sa kisame kahit wala namang kainte-interes doon. Pagkalipas ng matagal na minuto ay lumabas na rin siya. Pinihit niya doorknob nang may naung bumukas nun mula sa labas at tumambad sa kanya ang babaeng pinagsisihan niyang naging kanyang ina. Handang-h
SA LOOB ng mga araw simula nung makuha sila ni Don Rafael ay pinahirapan nito si Calli. Okay lang naman iyon sa kanya basta ang anak niya lang ang hindi sasaktan, mabuti nga at hindi nito ginagalaw si Shreya. Sa tuwing magtatangka kasi ito ay tinatawag ito ng anak niyang lolo na siyang nagpapatigil sa matanda.Pinagsasampal siya ng mga tauhan nito, sinisipa at kung ano pang pang-aabuso para lang mapilit siyang hiwalayan niya si Drake pero hindi siya pumayag, hindi siya papayag na sisirain naman sila nito ng minamahal niya.Hinawakan ng mariin ni Don Rafael ang kanyang panga, napipikon na ito sa kanya pero hindi siya nakakaramdam ng takot. Malakas pa nga ang loob niyang mas lalo itong galitin. Kahit lang man dun ay makabawi siya."Hindi ka ba talaga papayag? Alam ko namang peperahan mo lang ang apo ko eh.""Ma-hal ko ang a-apo ninyo." Kahit si Drake man ang pinakamahirap na tao sa buong mundo ay ito pa rin ang pipiliin niya.Natawa ito at binitawan siya."Mahal? Huwag mo nga akong pinagl
DAHAN-DAHANG minulat ni Drake ang kanyang mga mata at tumambad sa kanya ang mga kasamahan nila sa bahay na walang malay. Bigla niyang naalala ang kanyang mag-ina at nilamon ng kaba. Hinanap niya ang mga ito kahit nanghihina pa. "Calli....Shreya...." But no one answered him. Si Mase naman ay unti-unting nagising at nang makitang natataranta si Drake ay bumangon ito. "Calli....shreya...." Mas lumakas ang boses ni Drake. Hinalughog niya ang buong bahay hanggang sa maalala niya ang nakita bago siya tuluyang makatulog.Para siyang binuhusan ng malamig na tubig at mas lalo pang kinabahan. "Nahanap mo na?" Nilingon niya ang kaibigan na nanlalaki ang mga mata. "Si lolo, siya ang may pakana nito. Nasa kanya ang mag-ina ko." Agad na pinuntahan ng dalawa ang bahay ng kanyang mga magulang dahil nandun din si Don Rafael. Pinapasok naman siya agad ng guard na para bang inaasahan ang kanyang pagdating. Pagkaapak niya sa bahay ay nadatnan niya ang lolo na prenteng nakaupo sa pang-isahang sofa.
GALIT NA GALIT si Drake at agad na nilusob ang kanyang lolo na prenteng nakaupo sa swivel chair ng opisina. Hinampas niya ang lamesa at binato rito ang pinadala sa bahay niya.Agad itong napatayo. "Drake!" umalingawngaw ang boses nito."What?" sigaw din niya. "Do you think natatakot pa ako sa'yo? Hindi na ako ang dating Drake na inaakala mo. Simula nung pagbantaan mo ang buhay ni Calli ay hindi na ako natatakot sa'yo! Wala akong pakealam kung tanggalin mo man ang lahat ng kayaman ko pero huwag mong gagalawin ang mag-ina ko dahil di ako mag-aatubiling ihulog ka sa impyerno. Wala akong pakialam kung lolo pa kita!""Wala ka ng respeto!"Sinampal siya nito ng pagkalakas-lakas pero ni ano mang sakit ay wala siyang may naramdaman. Sanay na siya sa pisikal na pananakit at miski sa emosiyonal pero pagdating sa kanyang mag-ina ay agad siyang nanghihina.Natawa lang siya. "Galit ka dahil hindi kita nirerespeto? Bakit? Ako ba nirerespeto mo? Sinasabi ko sa'yo Don Rafael, tigilan mo na ang pagigin
PINAGMAMASDAN ni Calli sina Drake at Elyse na nag-uusap sa may garden. Seryoso ang pinag-uusapan ng dalawa hanggang sa nagsimulang humikbi ang kaibigan niya. Drake patted Elyse's back, trying to calm her down. Nakaramdam naman ng konting kirot sa dibdib si Calli. Malamang, mag ex-fiance kaya ang dalawa pero mas lumalamang naman ang awa niya para kay Alyssa. Hindi niya inaakala na nakakulong pala ang kanyang kaibigan. Akala niya ay okay lang ito dahil nagagawa nitong tumawag sa kanila pero ang bawat tawa pala nito at ang ‘ayos lang ako’ na sagot sa tuwing nagkkamaustahan sila ay mga peke pala. She appreciated how Elyse endure it for them not to be worried about her. Mukhang siya pa nga ito ang hindi naging maayos na kaibigan. Nilapitan niya ang dalawa para siya na ang magpatahan sa kaibigan. Nag-aalangan kasi si Drake na hawakan ito. Nag-aalala sa magiging reaksiyon niya. Umusog papalayo si Drake nang maupo siya sa pagitan ng dalawa. Niyakap niya si Elyse at yumakap naman ito pabalik,
NAGPUPUYOS sa galit si Calli habang nakatingin sa kaibigan na kinakausap ng mga magulang at lolo ni Drake. Kita niya kung gaano kagusto ng mga ito si Alyssa dahil hindi mapuknat ang ngiti ng mga ito sa labi habang ang babae naman ay nakikinig ng mabuti tatlo at tumatango-tango. She can't believe of it. All along niloloko lang pala sila ng babaeng ito. Tinuring niya itong matalik na kaibigan pero isa pa lang itong ahas. Sana ay kinilala niya muna ito ng mas mabuti bago hinaayan ang sarili na mapalapit dito. Gusto niyang sabunutan si Alyssa—o mas mabuting tawagin niya na lang ito sa pangalang Elyse. Ikinuyom niya ang kamao, matindi ang pagpipigil na kanyang ginagawa. Ayaw niyang gumawa ng eksena dahil baka mas lalo pang magalit sa kanya ang pamilya ni Drake. Bigla niyang naaalala ang invitation card na bigay sa kanya noon ni Drake. Nakalagay doon ang buong pangalan ni Elyse at natatandaan niyang may nakasunod iyong Alyssa. Ang bobo niya, bakit hindi niya ito napansin. Mabilis niyang
MAY KATAGALAN pa man ang kasal nila ni Drake ay nagsimula na silang maghanda. They talked about the church, the reception, the dresses and her wedding gown. Tinulungan din naman sila ng kanilang mga kaibigan at kanyang mga magulang. Kumuha pa si Mase ng sikat na designer na mula sa ibang bansa dahil kailangan daw talagang unique at engrande ang kanyang gown. Ito naman ang magbabayad bilang regalo sa kanya kaya pumayag na siya. Miski si Shreya ay pinatahian din nito ng damit. May mga pangalan na rin sila ng mga a-attend sa kanilang kasal at nagsimula ng magpagawa ng wedding invitations. "Pumayag na ba ang ina mo?" nag-aalalang tanong ni Calli. Pinaalam na ni Drake sa kanyang mga magulang na ikakasal sila ni Calli pero walang imik ang mga ito. Ito na lang ang pinoproblema nila. Ayaw naman nilang ikasal na wala ang mga magulang nito. Nakita ni Calli ang lungkot sa mga mata nito kaya alam na niya ang sagot dun. "They really hate me---" "No, they are not. Kailangan ko lang suyuin si m