Share

CHAPTER TEN

Author: Adri Hyun
last update Last Updated: 2022-01-31 08:21:05

DRAKE mixed the fold papers first before he get one. Xiver volunteered to open it and Drake didn't hesitate to give it to him.

Humigpit naman ang kapit ni Calli sa laylayan ng kanyang damit at nang dumapo ang tingin sa kanya ng binata ay agad siyang umiwas. Iginala niya ang mga mata sa paligid, pinapakalma ang nagwawala niyang kalooban. Kinabahan na lang siya bigla sa di malamang dahilan, pakiramdam niya ay may hindi magandang mangyayari.

Binuksan ni Xiver ang papel at sa ekspresiyon pa lang ng mukha nito ay alam na niya ang nabunot ni Drake. Napalunok siya lalo na nung nakakaloko itong ngumisi. Tinaasan niya ito ng kilay para itago ang kaba.

Pinakita nito sa kanila ang nakasulat at truth iyon. They all celebrated in happiness except her and Drake and give each other a high five. Gusto magsisi ni Calli na hindi siya gumawa ng paraan para hindi makasali, napakamalinaw na sa kanya na plinano nila ito.

"It's true. So here's your question, Drake." Xiver wiggles his eyebrows teasingly. Calli wanted to eye Drake to see his expression but she stop herself 'cause she knew he was staring at her.

"Do you love, Callisandria?"

Nanlaki ang mga mata ng dalaga at binato si Xiver ng plastic na baso na agad na nakailag. Nanatili namang seryoso si Drake.

"Bakit parang affected ka ata, Calli?" asar ni Lim.

"Bakit kasi ganun ang tanong?" tanong niya pabalik.

"Pinapamaluhan siya oh. Kinikilig yan," it's Naomi and they all started to tease her.

Sinita niya ang mga ito pero parang walang naririnig at tinudyo-tudyo pa siya. Naiinis siyang tumayo at sinamaan sila ng tingin. "Hindi ah. Puwede ba, huwag niyo nga kaming pagtripan. Walang may natutuwa--"

"I am."

She transfixed her eyes to Drake who was eyeing her deeply. "Huwag ka na ngang dumag--"

He cut her off. "And to Xiver's question....." Umayos ito ng upo. "It's a.....yes, too."

Pakiramdam ni Calli ay tumigil sa paggalaw ang lahat, ang lakas ng tibok ng puso niya na daig pa ang kulog at kidlat sa langit. Ano raw?

Nagsitilian ang kanilang mga kaibigan at kilig na kilig. Tumayo ang binata at naglakad papalapit sa kanya, nanatili naman sa kinatatayuan si Calli dahil hindi niya magawang humakbang, parang napako siya sa kanyang kinatatayuan.

Mas lalo pang nagwala ang kanyang puso nang huminto ito ilang dangkal na lang ang layo sa kanya at umangat ang kamay para haplusin ang kanyang mukha.

She flinched.

"I can't take it anymore--"

Tinampal niya ang kamay nito at puminta ang galit sa mukha. Drake hearts clenched with that.

"Puwede ba, huwag niyo akong pagtripan? Hindi na nakakatuwa. Paano mo naman ako magugustuhan? That's too impossible!"

Then she left the scene, leaving them in silence. Napayuko si Drake habang nanunuot sa sakit ang kanyang puso. Ganito ba talaga hindi kapani-paniwala ang nararamdam para hindi ito maniwala? Or she hate him? Or she love someone else and that's Mason. Ngayon na nga lang siya nagkaroon ng lakas ng loob na umamin pero ganito pa ang nangyari. Masiyado siyang umasa na baka may pag-asa siya dahil hinalikan naman siya nito pabalik kanina.

Nilapitan siya ng mga kaibigan habang sina Naomi at Airah naman ay umakyat sa ikalawang palapag para kausapin ang dalaga.

Lawrence patted his back. "Follow her--"

"Nakita mo na naman ang ginawa niya di ba? Bakit pa?" Ikinuyom niya ang kamao. Hindi siya galit kay Calli kundi sa sarili.

"Kaya susuko ka na agad?" It's Lim.

Hindi siya nakasagot. For the first time in his life, he got rejected. He doesn't know what to do, lalo na't si Calli ito. He really loves her, thus, the pain is so much to take. It's killing him.

Inakbayan siya ni Xiver. "Hindi porke hindi maganda ang nangyari sa unang subok ay wala ka ng pag-asa. Nangyayari talaga ang mga yun pero kung totoo at seryoso ka sa nararamdam mo sa kanya, susubok ka at susubok ulit kahit ilang beses ka mang ipagtulakan."

"Nakaamin ka na, Drake kaya naman ipagpatuloy mo na," pampalakas ng loob ni Lawrence

"Nagawa na namin ang dapat naming gawin at ikaw naman ang kumilos this time," dagdag ng kaibigan.

Napatingin siya sa second floor. He loves Calli, so much. He wanted to spend the rest of her life with her, thus, he need to do everything to gather her in his arms.

"Bakit ba kasi ayaw mong maniwala?"

Naiinis na nilingon ni Calli ang dalawa. "Kasi hindi naman kapani-paniwala."

Drake is too much for her. Oo, gusto niya ang binata at gusto niyang maging sila pero napakahirap kasing paniwalaan ang mga sinabi nito. Ang layo ng agwat nila ni Drake, para itong butuin na mahirap abutin kaya malabong magkagusto ito sa kanya.

"Ano pa ba ang dapat niyang gawin para maniwala ka?"

"Hindi mo ba nararamdaman ang pagmamahal niya sa'yo?"

Pagmamahal? tsk. 

"Alam mo, Calli nakakadisappoint ka na. Ang manhid mo," sumusukong sabi ni Airah at sumalampak sa kama nito.

Tumabi siya kay Airah. "Talaga bang gusto niya ako?"

"Oo--"

"Hindi," sagot ni Naoni.

Naguguluhan niyang nilingon ang kaibigan. "Ang sabi mo--"

"Kasi mahal ka niya. Magkaiba ang infatuation sa love, Cal," agad na paliwanag nito.

Dahang-dahang naalis ang pagsasalubong ng kanyang kilay.

Nakitabi rin sa kanila si Naomi at sinuklay ang kanyang

buhok. "Alam mo, masiyado kang nabulag na hindi ka magugustuhan ni Drake kaya ang hirap sa'yo na paniwalaan siya but give him a chance. Totoo ang nararamdaman niya sa'yo."

Bumuntong hininga siya kasabay ng pagbagsak ng balikat. Parang mababaliw siya sa mga nangyayari ngayon.

"Nandito kami , handa kaming maging pruweba para paniwalaan mo siya. Matagal ka na niyang gusto pero hindi mo lang nalalaman, hindi mo lang napapansin. Alam naming seryoso sa'yo si Drake at alam naming nakakabuti siya sa'yo kaya nga tumutulong kami na maging kayo. Ang hangad lang namin ay maging masaya kayo."

Tumango-tango naman si Airah bilang pagsang-ayon kay Naomi.

Napaisip siya sa mga sinabi ng mga ito. They won't act like this if Drake was lying.

Someone knocked on the door and Airah open it. Nervous coated her when he saw it is Drake. She instantly look away as their gaze met.

"Can I talk to her?"

Agad naman na pumayag ang mga kaibigan niya. Pinigilan niyang umalis ang mga ito pero hindi nakinig ito sa kanya.

Naman oh.

"Airah naman," maktol niya.

Pilit nitong binaklas ang kanyang kamay sa braso nito. "Give him a cahance, I know that's what your heart wanted too." Nginitian siya nito bago tuluyang lumabas.

Pumasok si Drake nang umalis na ang dalawa. Isinara nito ang pinto at pinaupo niya naman ito sa kama habang siya ay nakasandal sa pader at nakahalukipkip. "Anong kailangan mo?" malamig niyang tanong.

"Ayaw mo ba talaga sa akin?" malungkot nitong tanong.

"Hindi naman sa ganun."

"Then bakit ayaw mong maniwala na mahal kita."

Lumakas bigla ng sobra ang tibok ng puso niya. Mahal kita....mahal niya ako. Ayan na naman tayo sa mga salitang 'yan. "Ganun na ba hindi kapanipaniwala yun?"

Nanatiling walang imik si Calli habang nakatingin sa mga daliri niyang nanginginig nang bigla itong tumayo at naglakad palapit sa kanya. She tried to stop him but he continue walking towards her. "Drake!" banta niya.

Tumigil lang ito ng ilang dangkal na lang ang layo sa kanya at hinawakan ang kanyang mga kamay. Agad na napansin ni Drake ang kanyang panlalamig.

She pull her hand but he didn't let her, sa halip ay ikinawit nito iyon sa leeg nito at ang mga kamay naman ni Drake ay pumalibot sa kanyang beywang. Ang lapit ng katawan nila at nanginginig ang tuhod ng dalaga, kung hindi lang siya hawak nito ay baka natumba na siya.

"I love you, Calli so much. Maniwala ka naman," puno ng lambing nitong sabi at hinaplos ang kanyang pisngi. Napapikit siya. " Hindi ko hinihingi na ibalik mo kung ano ang nararamdaman ko sa'yo, ang akin lang maniwala ka. " Ipinagdikit nito ang kanilang mga noo. She swallowed hard. Amoy na amoy niya ang mabangong hininga nito. "Ano ba ang gusto mong gawin ko para maniwala ka? Hindi mo ba naramdaman ang pagmamahal sa bawat mga halik ko sa'yo kanina?"

Namula ang kanyang pisngi nang ipaalala iyon. Tumikhim siya at inilayo ang mukha para magtagpo ang kanilang mga mata. Nakita niya ang pagsusumamo roon. "If...if that's true..then....why you're so cold to me?" matapang niyang tanong.

Niyakap siya nito na siyang kanyang ikinasinghap. "I'm sorry if I'm cold, I'm just shy." Namula ang tenga nito sa ginawang pag-amin. "Hindi ko alam pero natorpe ako sa'yo. Kaya kong umamin sa ibabang babae, madali lang sa akin na pormahan sila pero pag ikaw na ay dinadaga ako." Natawa ito ng pagak at napailing. Kinagat naman ni Calli ang pang-ibabang labi. "Pinipilit ako nina Xiver na umamin pero ayaw ko kaya sila na lang ang gumawa ng paraan at kaya nila tayo tinutukso. Totoo ang sinasabi nila, sobrang totoo."

So that's the reason behind those teases. Akala niya ay para lang pagtripan sila.

"Eh ba't ngayon..... umaamin ka na?"

Humigpit ang yakap nito. Dinadama siya. "Kasi ayokong maunahan pa ako ng iba, sabi ko gagawa na ako ng aksiyon ngayon bago pa maging huli ang lahat. Kaya kahit nangangamba, kinuha ko ang pagkakataon na iyon kanina para umamim."

Hinarap siya nito at sinapo ang kanyang pisngi. "Mahal na mahal kita, Calli. Hindi ko alam kung bakit, paano nahantong sa ganito pero mahal na mahal talaga kita. I want to be with until the end. Ikaw ang gusto kong iharap sa altar. To create a family with you."

Namilog ang kanyang mga mata at nasapo ang bibig.. "You're just confessing, right?"

Mahina itong natawa. "Medyo may halong proposal."

Napailing siya habang may ngiti sa labi. "Seryoso ka talaga sa nararamdaman mo eh noh?"

Walamg pag-aalinlangan itong tumango. She bit her lip while making a decision silently in her head. If she'll trust him or not. She's afraid to be hurt in the end.

Drake tilted his head to have a great view of her face and smile widely. Calli grip his shirt from the back. Nakikita ng binata na nahihirapan ito sa pagdedesisyon.

"Okay ka lang?"

Calli faced him and nodded."You want to hear my answer too?"

"Answer?"

"Yes, sa proposal mo." She had already decided.

"Yes, I want to hear it."

Humugot ng malalim na hininga si Calli at ngumiti. She'll choose to trust him and believe him. "It's a yes."

Related chapters

  • A Second Chance to Make   CHAPTER ELEVEN

    MATAGAL NA walang imik si Drake at prinoseso pa sa utak ang sinabi sa kanya ni Calli. Para iyong bomba na bigla na lang sumabog sa utak niya. "Y-yes?" He repeated, in case he just misheard it. She nodded. "Sabi mo sasagutin mo ang proposal ko di ba? And it's a yes, so magpapakasal ka sa akin?" He read her eyes. Natawa si Calli at para iyong musika sa tenga ng binata. "Agad-agad?" "Eh ang sabi mo proposal ko ang sinasagot mo eh." Calli scratch the back of her head. Tama naman siya "Puwede bang boyfriend-girlfriend muna? Masiyadong mabilis yung kasal." Ngumiwi siya pagkatapos. Masayang tumango ang binata at bigla na lang inangat sa ere si Calli. Napahiyaw ang dalaga at natawa nung niyakap siya nito ng mahigpit. Sunod niyang narinig ang mahina nitong hikbi na sinabayan ng pagtawa. Drake was just too happy. Hindi niya inaasahan na sasagutin siya nito. When he walked out earlier, he already lost hope that she will love him too. He wiped her tears. "So, you're mine now?" "Opo." "

    Last Updated : 2022-02-27
  • A Second Chance to Make   CHAPTER TWELVE

    TUPTOP NI Calli ang bibig habang nakapako ang tingin sa mga kaibigan na kanina pa inaabangan ang kanilang pagbaba. May salitang 'congratulations' ang nakadikit sa pader, mga balloons at may party hats pang suot ang mga ito. Naghanda talaga ang mga kaibigan nila dahil sa wakas ay sila na. Lumapit si Calli sa mga ito. "Saan niyo naman nakuha ang mga yan?" naguguluhan niyang tanong. "It doesn't matter dahil ang pinaka importante ay kayo na ni Drake," tili ni Airah at niyakap siya ng mahigpit. Natawa naman siya. Nilagyan siya ng fake crown ni Lim at ganun din si Drake. Ang balak ni Calli ay sabihin sa mga ito ang relasiyon nila ni Drake pero nakalimutan niya na manghuhula pala ang mga kaibigan nila. Nag-group hug silang magkakaibigan at pinagitnaan silang dalawa ng binata. "Sinabing magiging kayo eh." It's Naomi. "Hindi lumubog ang barko natin," Lawrence exclamied. "Thank you guys," pasasalamat ni Drake at nilibot ang tingin sa lahat. "Hindi kami tumatanggap ng thank you, gusto nam

    Last Updated : 2022-02-27
  • A Second Chance to Make   CHAPTER THIRTEEN

    NAGPAALAM SI Calli kay Drake na mag-uusap lang sila ni Mason tungkol sa napag-usapan nilang dalawa para malaman naman ni Mase. Ayaw naman niyang bigla na lang magkaroon ng pagbabago sa kanilang dalawa ng kanyang bff na wala man lang kaalam-alam ang kaibigan. "Is it okay?" "Oo naman," walang pag-aalinlangan nitong sagot. She's relieved that Mason understands her, as well as her boyfriend. "So, puwede na ba akong maghanap ng jowa nito?" Sinapak niya ito sa braso. Nakaupo sila sa bakanteng cottage at di tulad noon na magkadikit na magdikit, ay may konting espasyo na sa pagitan nila. "Di naman kita pinipigilang magka gf ah. Edi maghanap ka, tulungan pa kita." "Hindi mo nga ako pinipigilan pero nangako ako at dahil ngayong may kasintahan ka na, hindi na ako nakatali sa'yo." Inirapan niya ito. "Hindi ka naman nakatali sa akin. Ang feeling mo." Tinawanan lang siya nito nang may umikhim sa kanilang likuran at nang lingunin ay si Drake pala iyon. Gusto nitong kausapin si Mase kaya uma

    Last Updated : 2022-03-05
  • A Second Chance to Make   CHAPTER FOURTEEN

    WHEN CALLI woke up, she feel sore between her thighs. She feel so tired and haven't any energy to get up. Dumapo ang tingin niya sa binatang hindi siya pinagsawaan kagabi, ilang beses siya nitong inangkin kaya ang hapdi tuloy ng pagkakababae niya. Bumalik sa alaala niya ang ginawa nila kagabi, hanggang ngayon ay ramdam pa niya ang bawat halik nito, haplos ng kamay sa kanyang katawan. So, that's how s** feels like. Drake is right, it's addicting. Naiintindihan na niya si Airah at tulad ng kaibigan, gusto rin niyang maulit ang nangyari kagabi. Naalimpungatan naman si Drake at dahang-dahan na nagmulat ng mata. Sumilay ang ngiti nito sa labi nang magtagpo ang tingin nila at hinaplos ang kanyang pisngi. "Good morning," he greeted. "Good morning." "Did you enjoy what we did last night?" Natawa siya at kapagkuwan ay tumango-tango. "I have a lot of fun. Grabe ka, pagod na pagod ako." Hinalikan nito ang kanyang noo. "Thank you for the last night, hindi ako nabitin." Mas lalo pa siyang n

    Last Updated : 2022-03-05
  • A Second Chance to Make   CHAPTER FIFTEEN

    THE NEXT morning, she woke up alone in bed. Wala si Drake sa tabi niya at hindi niya maintindihan kung bakit hindi maganda ang nararamdam niya dahil doon. Wala naman siyang dapat na ipag-alala eh pero kumakalabog ang puso niya.She dismissed the negative thoughts in her head and get up. He's maybe at the outside. Come on, Calli. Para ba namang ito ang unang beses na nagising kang wala siya sa tabi mo. Don't be paranoid.She took a bath and went downstairs. Naabutan niyang busy ang lahat at may kanya-kanyang ginagawa.Nilapitan niya si Mase. "Good morning, Mason.""Good morning," he greeted back."Siya lang?" Her friends complain in chorus.She laugh while shaking her head and greet them one by one. It gave them satisfaction. Nagtimpla siya ng kanyang gatas habang panay ang tingin sa paligid staka sa pinto.Is he outside?"You, okay?" Mason asked."Si Drake?"Nagkibit balikat ito."Oh! Tama, nakalimutan kong sabihin sa'yo Cal."Napabaling siya kay Xiver na naghuhugas ng kawali."You kno

    Last Updated : 2022-03-10
  • A Second Chance to Make   CHAPTER SIXTEEN

    SHE ALREADY has the results. She doesn't know how to react after seeing the two red lines. If she will celebrate or she will cry. If Drake is only here, she's very sure they are jumping out of happiness but he's not, she can't be happy. She's actually worried. Baka hindi siya nito panagutan. She's having a doubt now if he really loves her. 'Cause if he is, he should be at her side right now. Not letting her to wait for him for so long. Ni isa sa nga kanila ay hindi alam kung nasaan ito o kung ano ang nangyayari sa binata. Pinuntahan din nila ni Mason ang bahay nina Drake pero ang sabi ng maid ay isang buwan ng wala roon ang pamilya. Ang sabi ay nasa ibang bansa raw pero hindi naman kung saang bansa. Niyakap siya ni Mason at pinatahan nang maiyak na naman. It's been two weeks already. "Ayoko, Mason. Ayoko na! Suko na ako. Hindi ko na siya hihintayin pa, hindi na ako aasa pa sa kanya! Hindi ko na siya mamahalin pa!" pagwawala niya sa tindi ng sakit na nararamdaman. Hindi niya alam k

    Last Updated : 2022-03-12
  • A Second Chance to Make   CHAPTER SEVENTEEN

    TINAKBO NIYA ang pagitan nilang dalawa at niyakap ng mahigpit ang binata habang humagulhol ng iyak. Nang mahawakan niya ito ay biglang napunan ang kanyang pangungulila. "Drake, bakit nga--" May biglang humila sa kanya papalayo rito. Naguguluhan naman niyang nilingon si Mason na matindi ang galit sa mukha. "Mason, ano ba?" Sinubukan niyang kumawala sa pagkakahawak nito pero hindi siya nito hinahayaan. "Mason, let me hug my boyfriend." But he didn't heed her any attention, matalim ang mga mata nitong nakatingin kay Drake at tumataas-baba pa ang dibdib dagil habol ang hininga. Hindi niya maintindihan ang inaakto nito. "Drake," tawag niya sa pangalan ng binata na hindi manlang gumagalaw sa kinatatayuan. May pasa ito sa gilid ng labi dahil sa pagsuntok ng Mase rito. Ibinigay siya ni Mase sa mga kaibigan niya at suminghap nang sugurin nito ang kanyang boyfriend at sinuntok na naman. Kumawala siya sa pagkakahawak ni Airah at agad na tinulak si Mason. Humarang siya sa harapan ni Drake pa

    Last Updated : 2022-03-12
  • A Second Chance to Make   CHAPTER EIGHTEEN

    SHE STRETCHED her arms upward as she woke up and the sun rays of the sun peeking in the window welcomed her. She smiled brightly, a new morning for new hope. She heard a soft moan and her eyes landed on a cute girl beside her who was still cocooning inside of a comforter. She lies on the bed again and hugs the cute girl before showering her kisses all over her face. Finally, she awakens and whimpered in annoyance because of the disturbance. "Mommyyyyy!" Humagikhik siya. "Wake up cutie, may pasok ka pa at may pasok din si mama sa trabaho." "But I am still sleepy." Niyakap nito ang unan at muling natulog. Tinitigan niya ang anak na may pilyong ngiti sa labi at walang pasabing binuhat ito para dalhin sa banyo. Pinaapak niya ang mga paa nito sa malamig na tiles staka winisikan ng tubig sa mukha para magising ang diwa. Tumili ito sa lamig. "Mommy!" "We need to go to school," natatawa niyang sabi. "Mommy naman eh. " Nagpapadyak ito pero wala ring nagawa nang hubarin niya ang mga dami

    Last Updated : 2022-03-12

Latest chapter

  • A Second Chance to Make   THE LAST CHAPTER

    AFTER THREE YEARS, nakauwi na rin sina Drake at Calli ng Pilipinas matapos nilang mabalitaan na pumanaw na si Don Rafael dahil sa katandaan. Bilang pagrespeto sa matanda ay pumunta pa rin sila sa burol nito. Napatingin sa kanila ang mga naroroon at napatigil sa pag-uusap ang ina at ama ni Drake nung makita sila. They are walking together with their two daughters. Nanubig ang mga mata ng ina ni Drake at nahihiyang lumapit sa kanila. "Drake....anak," Denise whispered. "Mom," Drake uttered. Humagulhol ng iyak ang ina ni Drake at niyakap ang anak. Ganun din ang ama na maluha-luha pa. "I'm sorry Drake, I am really sorry. Mali ang ginawa ko…...namin ng ama mo. Nung umalis ka ay doon lang namin napagtanto ang mga kamalian namin. Sorry anak. Sana mapatawad mo kami." Drake smiled. "You're still my mother, mom and as well as you too, dad at napatawad ko na ho kayo. Masaya ako na napagtanto niyo na ang pagkakamali ninyo." Drake's heart lifted up. Sobrang gaan ng kanyang pakiramdam. Ang pag-aa

  • A Second Chance to Make   CHAPTER SIXTY-SEVEN

    ELYSE PLANS succeeded. Nakangiti ang babae habang pinagmamasdan ang daang tinahak ng van, hindi niya alintana ang pagsigaw sa kanya ng lolo na galit na galit, ganun din si Don Rafael na kulang na lang ay himatayin. Nagpaputok pa ito ng baril dahil hindi nahuli ng mga tauhan si Drake. Unlike Drake na sumuko na agad, siya naman nag-isip pa ng ibang paraan. Hangga't hindi pa sila officially kasal ni Drake ay alam niyang may pag-asa. Kinausap niya si Mase isang gabi bago ang kasal. Ang plano nila ay pupunta sila ni Drake sa simbahan para lingatin ang atensiyon ni Don Rafael at habang dinadaos ang kasal ay ililigtas naman ni Mase kasama ang mga tauhan nito sina Calli at Shreya, pagkatapos nun ay staka na niya patatakasin si Drake. Hinanda na niya ang sarili, ang ilang tauhan ni Mase sa simbahan para hindi mapigilan si Drake nino man, ganun din ang mga kaibigan nito. "Hija, bakit mo naman iyon ginawa?" Ina ito ni Drake na pilit tinatawagan ang anak. "Huwag na nating ipagpilitan ang hindi

  • A Second Chance to Make   CHAPTER SIXTY-SIX

    MATAPOS ANG matinding preperasiyong naganap ay dumating na rin ang araw ng kasal nina Drake at Elyse. Umagang-umaga pa lang ay nagwala na si Drake nung nagpumilit ang mga tauhan ni Don Rafael na tulungan siya sa pag-aayos sa sarili. "I don't need your freaking help. Umalis na kayo!" Binasag niya ang vase kaya tuluyan ng umalis ang mga ito. Napasalampak siya sa kama at tumingala para pigilan ang sarili sa pag-iyak. He wants to end his life now, it's choking him, it's torturing him pero hindi pa nakakalaya sina Calli kaya hindi niya iyon puwedeng gawin. Maya-maya lang ay may kumatok sa kuwartong kanyang tinutuluyan, sinasabing oras na para pumunta ng simbahan. Hindi niya iyon pinansin at nagpatuloy lang sa pagiging tulala. Nakatingin siya sa kisame kahit wala namang kainte-interes doon. Pagkalipas ng matagal na minuto ay lumabas na rin siya. Pinihit niya doorknob nang may naung bumukas nun mula sa labas at tumambad sa kanya ang babaeng pinagsisihan niyang naging kanyang ina. Handang-h

  • A Second Chance to Make   CHAPTER SIXTY-FIVE

    SA LOOB ng mga araw simula nung makuha sila ni Don Rafael ay pinahirapan nito si Calli. Okay lang naman iyon sa kanya basta ang anak niya lang ang hindi sasaktan, mabuti nga at hindi nito ginagalaw si Shreya. Sa tuwing magtatangka kasi ito ay tinatawag ito ng anak niyang lolo na siyang nagpapatigil sa matanda.Pinagsasampal siya ng mga tauhan nito, sinisipa at kung ano pang pang-aabuso para lang mapilit siyang hiwalayan niya si Drake pero hindi siya pumayag, hindi siya papayag na sisirain naman sila nito ng minamahal niya.Hinawakan ng mariin ni Don Rafael ang kanyang panga, napipikon na ito sa kanya pero hindi siya nakakaramdam ng takot. Malakas pa nga ang loob niyang mas lalo itong galitin. Kahit lang man dun ay makabawi siya."Hindi ka ba talaga papayag? Alam ko namang peperahan mo lang ang apo ko eh.""Ma-hal ko ang a-apo ninyo." Kahit si Drake man ang pinakamahirap na tao sa buong mundo ay ito pa rin ang pipiliin niya.Natawa ito at binitawan siya."Mahal? Huwag mo nga akong pinagl

  • A Second Chance to Make   CHAPTER SIXTY-FOUR

    DAHAN-DAHANG minulat ni Drake ang kanyang mga mata at tumambad sa kanya ang mga kasamahan nila sa bahay na walang malay. Bigla niyang naalala ang kanyang mag-ina at nilamon ng kaba. Hinanap niya ang mga ito kahit nanghihina pa. "Calli....Shreya...." But no one answered him. Si Mase naman ay unti-unting nagising at nang makitang natataranta si Drake ay bumangon ito. "Calli....shreya...." Mas lumakas ang boses ni Drake. Hinalughog niya ang buong bahay hanggang sa maalala niya ang nakita bago siya tuluyang makatulog.Para siyang binuhusan ng malamig na tubig at mas lalo pang kinabahan. "Nahanap mo na?" Nilingon niya ang kaibigan na nanlalaki ang mga mata. "Si lolo, siya ang may pakana nito. Nasa kanya ang mag-ina ko." Agad na pinuntahan ng dalawa ang bahay ng kanyang mga magulang dahil nandun din si Don Rafael. Pinapasok naman siya agad ng guard na para bang inaasahan ang kanyang pagdating. Pagkaapak niya sa bahay ay nadatnan niya ang lolo na prenteng nakaupo sa pang-isahang sofa.

  • A Second Chance to Make   CHAPTER SIXTY-THREE

    GALIT NA GALIT si Drake at agad na nilusob ang kanyang lolo na prenteng nakaupo sa swivel chair ng opisina. Hinampas niya ang lamesa at binato rito ang pinadala sa bahay niya.Agad itong napatayo. "Drake!" umalingawngaw ang boses nito."What?" sigaw din niya. "Do you think natatakot pa ako sa'yo? Hindi na ako ang dating Drake na inaakala mo. Simula nung pagbantaan mo ang buhay ni Calli ay hindi na ako natatakot sa'yo! Wala akong pakealam kung tanggalin mo man ang lahat ng kayaman ko pero huwag mong gagalawin ang mag-ina ko dahil di ako mag-aatubiling ihulog ka sa impyerno. Wala akong pakialam kung lolo pa kita!""Wala ka ng respeto!"Sinampal siya nito ng pagkalakas-lakas pero ni ano mang sakit ay wala siyang may naramdaman. Sanay na siya sa pisikal na pananakit at miski sa emosiyonal pero pagdating sa kanyang mag-ina ay agad siyang nanghihina.Natawa lang siya. "Galit ka dahil hindi kita nirerespeto? Bakit? Ako ba nirerespeto mo? Sinasabi ko sa'yo Don Rafael, tigilan mo na ang pagigin

  • A Second Chance to Make   CHAPTER SIXTY-TWO

    PINAGMAMASDAN ni Calli sina Drake at Elyse na nag-uusap sa may garden. Seryoso ang pinag-uusapan ng dalawa hanggang sa nagsimulang humikbi ang kaibigan niya. Drake patted Elyse's back, trying to calm her down. Nakaramdam naman ng konting kirot sa dibdib si Calli. Malamang, mag ex-fiance kaya ang dalawa pero mas lumalamang naman ang awa niya para kay Alyssa. Hindi niya inaakala na nakakulong pala ang kanyang kaibigan. Akala niya ay okay lang ito dahil nagagawa nitong tumawag sa kanila pero ang bawat tawa pala nito at ang ‘ayos lang ako’ na sagot sa tuwing nagkkamaustahan sila ay mga peke pala. She appreciated how Elyse endure it for them not to be worried about her. Mukhang siya pa nga ito ang hindi naging maayos na kaibigan. Nilapitan niya ang dalawa para siya na ang magpatahan sa kaibigan. Nag-aalangan kasi si Drake na hawakan ito. Nag-aalala sa magiging reaksiyon niya. Umusog papalayo si Drake nang maupo siya sa pagitan ng dalawa. Niyakap niya si Elyse at yumakap naman ito pabalik,

  • A Second Chance to Make   CHAPTER SIXTY-ONE

    NAGPUPUYOS sa galit si Calli habang nakatingin sa kaibigan na kinakausap ng mga magulang at lolo ni Drake. Kita niya kung gaano kagusto ng mga ito si Alyssa dahil hindi mapuknat ang ngiti ng mga ito sa labi habang ang babae naman ay nakikinig ng mabuti tatlo at tumatango-tango. She can't believe of it. All along niloloko lang pala sila ng babaeng ito. Tinuring niya itong matalik na kaibigan pero isa pa lang itong ahas. Sana ay kinilala niya muna ito ng mas mabuti bago hinaayan ang sarili na mapalapit dito. Gusto niyang sabunutan si Alyssa—o mas mabuting tawagin niya na lang ito sa pangalang Elyse. Ikinuyom niya ang kamao, matindi ang pagpipigil na kanyang ginagawa. Ayaw niyang gumawa ng eksena dahil baka mas lalo pang magalit sa kanya ang pamilya ni Drake. Bigla niyang naaalala ang invitation card na bigay sa kanya noon ni Drake. Nakalagay doon ang buong pangalan ni Elyse at natatandaan niyang may nakasunod iyong Alyssa. Ang bobo niya, bakit hindi niya ito napansin. Mabilis niyang

  • A Second Chance to Make   CHAPTER SIXTY

    MAY KATAGALAN pa man ang kasal nila ni Drake ay nagsimula na silang maghanda. They talked about the church, the reception, the dresses and her wedding gown. Tinulungan din naman sila ng kanilang mga kaibigan at kanyang mga magulang. Kumuha pa si Mase ng sikat na designer na mula sa ibang bansa dahil kailangan daw talagang unique at engrande ang kanyang gown. Ito naman ang magbabayad bilang regalo sa kanya kaya pumayag na siya. Miski si Shreya ay pinatahian din nito ng damit. May mga pangalan na rin sila ng mga a-attend sa kanilang kasal at nagsimula ng magpagawa ng wedding invitations. "Pumayag na ba ang ina mo?" nag-aalalang tanong ni Calli. Pinaalam na ni Drake sa kanyang mga magulang na ikakasal sila ni Calli pero walang imik ang mga ito. Ito na lang ang pinoproblema nila. Ayaw naman nilang ikasal na wala ang mga magulang nito. Nakita ni Calli ang lungkot sa mga mata nito kaya alam na niya ang sagot dun. "They really hate me---" "No, they are not. Kailangan ko lang suyuin si m

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status