THEY EXCLAIMED in happiness after their professor announced that their semestral break will start tomorrow. They threw up their trash worksheets like graduates throwing their hats and thanked their professor.
"Why thanking me? You all deserve it. By the way, I want to congratulate you all for passing the first sem. Isa na lang at graduating na rin kayo. Kaya niyo 'yan!" And he did a fighting gesture that they did too. Having the confidence that they will be able to pass this course of them.Their prof. already excused himself since he has a lot of things to do and her blockmates started to make loud noises, celebrating their three weeks vacation.
She sighs in relief and leans her back in the chair. Finally, the rest she keep praying finally came.
"Ikaw Calli, anong gagawin mo sa break natin?" tanong ng kaklase niya na siyang nagpamulat sa kanya at nagkibit balikat.
She shrug. "Ewan, baka mag-pa-part time."
"Akala ko ba gusto mong magpahinga?"
"Oo naman, yung utak ko ang pagpapahingain ko. Okay naman ako physically."
Umingos ito. "Hindi ka magbebeach manlang?"
"Hindi ako mayaman katulad niyo noh." At umikot ang mga mata niya.
Mahirap lang siya. Ang papa niya ay magsasaka lang tapos ang kanyang ina naman ay isang housemaid. Nasa probinsiya ang mga ito habang siya naman ay nandito sa Manila. Nakapasa kasi siya ng scholarship sa isa sa mga sikat na university dito sa Manila at laking pasasalamat niya naman dahil sa loob ng apat na taon ay nagawa niyang i-maintain ang grades niya. She believe, hindi yun dahil sa talino kundi dahil sa tiyaga at sipag. Aanhin mo naman ang utak kung tamad ka 'di ba?
Dumating ang hapon at napatigil siya sa paglabas ng kanilang university nang makita ang dalawang matalik na mga kaibigan na naghihintay pala sa kanya sa labas.
"Callisandria!" tili ng dalawa.
"Oh my gosh! Airah! Lim!" She runs towards them screaming and spreading her arms widely. Not minding others staring at them. Mahigpit silang nagyakapan at tumalon-talon pa. Gosh, it's been a long time since she saw this two. Three months na ata?
"Na miss ko kayo."
"Na miss ka rin namin kaya talaga pumunta kami rito eh." It's Airah and hug her again.
"I have a lot to say to you, let's have a snack?" anyaya nito.
Tumango naman siya agad at sumakay sila sa porche nito.
Nang makarating sa malapit na coffe shop ay umorder sila ng tatlong americano at chocolate cake, nagpalibre siya kay Airah at pumayag naman ito."Love na love mo talaga ako." Kinawit niya ang braso rito at sinandal ang ulo sa balikat.
"Love ka riyan. Nilibre lang kita kasi matagal tayong hindi nagkita. Kamusta ka na this days?"
Nagpakawala siya ng malalim na hininga. "Ito, stress pero kaya pa naman. Para sa pangarap."
"Naks, kukunin kitang accountant sa business ko Calli ha?"
Napamulagat siya. "May business ka na Lim?"
"Pinapatayo pa lang."
"Wow," she said in awe. "Oo ba. Why not? Tanggapin mo ako agad ha? Wala ng interview."
He laugh and did a dismissive move.
"Oo naman. May tiwala ako sa'yong magaling ka.""Of course," she said proudly and flipped her hair.
They waited until their food came and started another conversation again. She asked them about their doings and how happy she is knowing how successful they are. Sa kanilang magkakaibigan, ay siya na lang yung hindi pa nakakagraduate. She stopped for two years because of financial problems. She work to earn money until God helped her to continue her studies, she passed the scholarship exam. Konting tiis na lang din Calli, makakagraduate ka na rin.
"Pero yung totoo kasi talaga Calli.... kaya kami nandito para pilitin ka."
Napatigil siya sa pag-inom dahil sa sinabi ni Lim.
"Sa?"
"Sa alam mo na." He motion her to realize it which she did.
Bumagsak ang balikat niya at nakakatamad silang tiningnan. "Seriously? Ayaw niyo talaga akong tigilan diyan?"
It's about their beach reunion together with their cycle of friends and Airah keeps bugging her of that for a week. Gosh.
"Calli kasi, ang tagal na rin simula 'nung makumpleto tayo. Pagbigyan mo na kami, hindi masaya ang reunion kung wala ka." Ngumuso si Airah at niyakap siya mula sa gilid.
"I told you Airah, I have work." She already readied her papers and will start to apply tomorrow, hoping that she will be accepted."Puwede bang pahinga ka muna? Di naman need na magtrabaho ka 'di ba?"
Yes, it's not a need indeed. Maayos ang buhay ng pamilya niya sa probinsiya dahil may magandang trabaho na rin ang kuya at nabibigyan naman siya ng kanyang monthly allowance ng mga ito at pati na rin ng university pero gusto niya pa ring matrabaho. Malaki na siya, dapat gumawa naman siya ng mga paraan para masustentuhan ang buhay niya, hindi lang yung aasa lang siya sa pamilya.
"Sige na please," they beg. Lumuhod pa si Lim sa harapan niya na agad niyang pinatayo pero ayaw sumunod.
"Alam mo bang uuwi na si Mason? Nandun siya kaya sumama ka na," inalog ni Airah ang braso niya
"Mason?" Kumislap naman ang mga mata niya sa saya.
"Oo, nandun siya. Sinabi ni Xiver sa akin."
Mason. He is her closest boy BFF among the four boys. He's currently at Alaska because of his work but he's going home now? How dare he not tell her about that.
"Ano? Sasama ka na?" There's hope in their eyes knowing Mason got her interest.
"Sigurado kayong nandun si Mason ha?" she assure.
"Oo nga."
Mahaba ang buntonghininga niyang pinakawalan at inikot ang mga mata staka tumango-tango. Wala siyang choice. Nandun daw si Mason eh.
The two screamed in enjoyment and she immediately stopped them since customers started to stare at them.
Lim slapped her on her arm. "Pero alam mo, nakakatampo ka. Pupunta ka dahil kay Mason na hindi nga nag-effort na suyuin ka tapos kaming lumuhod na sa harapan mo, 'di ka pumayag."
"Well...sorry Lim but I love Mason." She loves him as her best friend.
"Ano ka ba Lim, that's not important anymore. One thing that only matters now is that Calli already agree. Right?"
She nod.
At dahil sa pagpayag niya ay pinag-usapan na nila kung ano ang magandang gawin habang nasa resort. Makikita sa dalawa ang excitement.
"Ano ka ba? Hindi ako sanay sumuot niyan," tanggi niya nang alukin siyang bibilhan ni Airah ng swimsuit.
"Eto naman oh, ang losyang mo talaga. Alam mo bang ang daming sexy roon sa beach nina Xiver?"
Aba, malay niya. Di pa naman siya nakakapunta roon noh. 'Di nga niya alam kung nasaan 'yun. "And so?"
Binatukan siya ni Lim kaya muntik na siyang mabilaukan.
"Ang bobo nito. 'Di mo gets? Ang gustong sabihin ni Airah ay baka ma-attract si Drake sa mga babae roon kaya dapat bonggahan mo rin ang suot mo. Pakita mo ang ganda ng katawan mo."
Hays. Ito na naman po sila, tinutukso na naman siya kay Drake. Kailan pa ba ang mga ito titigil? She grimace and shook her head firmly. "Why I would bother to impress Drake? As if naman type ko yun."
Drake is one of her childhood friends at napipikon na talaga siya sa ayaw matapos na panunukso ng mga ito sa kanila.
Sunday afternoon when she decided to pack her things. She made a list to be sure all her needs are packed. She brought lots of clothes since they will last in the beach for three weeks, wala naman siyang dapat pang problemahin sa pambayad dahil ang mga boys na raw ang bahala r'on. Miski sa hotel at pagkain nila.
Maaga siyang natulog dahil alas-tres ng umaga ang alis nila. More than 5 hours din kasi ang travel mula sa manila papuntang resort kaya dapat maaga silang aalis para maaga rin 'dung makakarating. Mahaba-habang upuan na naman 'to.
Naghintay siya sa labas ng apartment pagkakinabukasan at ilang minuto ang hinintay sa labas. She's wearing a tie and button caramel brown, a casual dress that is above the knee, and a black big jacket to cover herself from the cold. She's texting Airah to ask where they are now since she's been waiting for 30 mins. Ang lamig pa naman.
She cover her eyes using the back of her hand because of the blinding lights coming from the van approaching her. Huminto ito sa tapat niya at lumabas si Lawrence mula sa driver seat.
"Rence," tili niya at niyakap ito. Natatawa naman itong yumakap pabalik. "Namiss kita ng sobra." Pinanggigilan niya ang pisngi nito.
"Na miss din kita Cal, tagal nating hindi nagkita."
"Kaya nga eh."
Binuksan nito ang pinto at kinawayan niya sina Airah at Lim na nasa loob. Sumilip naman si Naomi at binati siya.
"Naui!"
Lumabas ito at nagyakapan sila. Kinuha naman ni Lawrence ang suitcase niya at nilagay sa likod ng van.
"Naomi," her friend corrected.
"But I want Naui. Mas maganda siya."
"Ewan ko sa'yo. Tayo na nga sa loob. Malamig dito."
"Sinabi mo pa, kaya nga naka jacket ako oh." Sabay pakita niya sa suot.
Pumasok na siya sa loob ng van at nang makaupo sa tabi ni Airah ay nagtaka siya dahil ang kaunti lang nila. Nilingon niya ang kaibigan na inaantok pa. "Nasaan ang iba? Si Mason?"
"Ay grabe, may pa special mention talaga?" Rinig niyang sabi ni Lim sa likod.
"Nandun na sila sa beach kahapon pa. Nauna na sila r'on para asikasuhin ang lahat," sagot sa kanya ni Airah at humikab.
Ngumuso siya at sumandal staka humalukipkip. Akala pa naman niya makikita na niya si Mason. Excited pa naman siya. When the ride started, Naomi and she had a conversation with Xiver since Lim and Airah are now asleep. They talked about their childhood memories and they keep laughing but after an hour, she fall asleep too.
She was awakened when she felt the van stop and thought they already arrived but they just stopped at the gasoline station. Lumabas siya at nag-unat ng katawan. Nangangalay na ang puwet niya kakaupo.
Nilapitan siya ni Naomi at inabutan ng kape. "Matagal pa ba tayo?" Mag-aalas sais na ng umaga at malayo na sila sa Manila. Hindi na siya pamilyar sa lugar kung saan man sila ngayon."Mga one hour na lang at nasa resort na rin tayo."
Nang nagpatuloy ulit sila sa biyahe ay hindi na siya natulog pa, nakainom na rin kasi ng kape at napaayos siya ng upo nang pumasok sila sa isang resort. Mula sa gate ay kita niya at amoy ang dagat. Agad naman silang pinapasok ng guard nang makita nito si Lawrence at nang huminto sa may parking lot ay agad siyang bumaba.
Idinipa niya ang kamay at pinikit ang mata, nilalanghap ang malamig na hangin na papunta sa kanya. Fresh air mixed with the smell of the sea, finally. She twirl around when someone called her name.
"Calli!"
Nilingon niya kung sino ito at imbes na rito mapatingin ay sa lalakeng katabi nito dumapo ang mga mata niya.
Their eyes were connected as he walked toward her. He's wearing a black singlet emphasizing his white skin and beach shorts. Messy hair with no emotion on his face. Xiver hugged her as he got closer causing them to break their eye contact and she almost lost her balance because of the impact. He messes her hair.
"Na miss kita ng sobra, Cal."
"Hindi kita namiss," biro niya na siyang ikinasimangot nito. Natawa naman siya. "Biro lang, of course namiss kita. Sobrang-sobra."
"Eh si Drake, Calli? Hindi mo yayakapin?"
Nilingon niya si Lawrence na may mapanuksong ngiti sa labi. Napatingin naman siya kay Drake na hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanya.
Natawa siya ng pilit. "Of course, yayakapin. Ang tagal din kaya 'nung huli kaming nagkita nito." Nilapitan niya si Drake at tumingkayad para yakapin ito. Saglit lang sana iyon pero yumakap kasi ito pabalik at hinapit pa siya papalapit dito.
Lumakas bigla ang tibok ng puso niya.
"Kiss pa!"
Ginawa niya iyong rason para makaalis sa mga bisig nito at nilingon si Airah. "What?" she exclaimed, paglilinaw niya.
"Cheeks to cheeks greetings ba."
Napatango naman siya at namumula ang mukhang hinalikan ng mababaw si Drake sa pisngi.
"Long time no see."
"Long time no see," he responded. Now, with a smile in his lips.
MAS LALO pang nagkagulo ang mga kaibigan nila na siyang ikinailing lang ng dalawa. Kinuha na lang niya ang suitcase sa likod ng van at inaya ng pumunta sa vacation house para makita na niya si Mason. Excited na siyang makita ang lalakeng 'yun. Nauna sa paglalakad sina Lawrence, Naomi, Airah at Lim . Nakasunod naman siya sa mga ito at nasa likuran niya sina Xiver at Drake. Palinga-linga siya para tingnan ang resort. It's wide and offers a lot of services to the tourists. May 30 floors na hotel, expensive cottages and cabins. Kung gusto mo namang sa tent ay mayroon din. Bilihan ng mga pasalubong, nakahilerang mga stall ng pagkain kung saan live pang nagluluto ang mga chefs at aliw na aliw naman ang mga nanunuod. A lot of spots good for picture taking, water activities and more. Mahina siyang binangga ni Xiver nang mauna ito sa paglalakad. Kumunot naman ang noo niya. "Ako na." Napalingon siya bigla kay Drake na kinuha ang suitcase niya. Agad niya iyong inagaw mula rito. "Hindi,
NAWALAN NA siya ng gana pang maglakad-lakad at naupo na lang sa malaking sanga ng kahoy na naanod ng alon papunta sa dalampasigan. Pinagmasdan niya si Drake na lumalangoy papunta sa mababaw na parte at sa pag-ahon ay bumalandara ang maganda nitong katawan. At sinong mag-aakalang ang dating lampayatot ay magiging ganito na kakisig ngayon? It's really different when puberty hits you. Tinutukso pa niya ang lalake noon pero ngayon, paano na niya ito tutuksuin kung nakakakapos ng hininga ang ganda ng katawan nito? His body is well structured. He has this masculine body which has 6-pack abs, and firm muscles. A body built than can hook a girl's heart in just one glimpse. Hindi lang siya sa katawan appealing kundi sa kabuuan talaga. His pitch-black eyes were really magnetizing, with long lashes and thick eyebrows that always met. Pointed nose and kissable lips. Jet black thick hair where he runs his fingers and the bullets of water is slowly dripping down. He's handsome, ever since t
SHE woke up late the next morning and stop yawning when she saw her friends grilling meats the outside of the vacation house. Tiningala siya ni Airah at kinawayan. Kumaway naman siya pabalik. "Good morning Calli. Baba ka na riyan," aya nito. Tumango naman siya na may matamis na ngiti sa labi, naghilamos muna at nag-ayos ng mukha bago bumaba. Nilapitan niya si Mason matapos batiin ang ibang mga kaibigan at nanlalambing na yumakap mula sa gilid nito. "Good morning," she greeted sweetly. He swung his arm on her shoulder and kiss her head. "Good morning too. How's your sleep?" Tumulong siya sa pagbabaliktad ng mga karne habang ang isa niyang braso ay nasa beywang pa rin nito. "I have a good sleep." Mahimbing ang tulog niya kagabi. Masarap kasi sa pakiramdam ang malamig at preskong hangin na mula sa labas at ang ingay ng alon sa tuwing tumatama sa dalampasigan, dinagdagan pa ng mababaw na mga ingay ng tao. That's the best sleep she ever had. "Iba talaga sa feeling kapag nasa beach ka.
“Calli, gusto ka raw ni Drake.” It was started with those words and she didn’t expect the outcome. They were in the fifth level of their grade school when Xiver told it to her. Hindi siya naniwala dahil alam naman niyang imposibleng mangyari yun at wala siyang may nararamdam para sa lalake. Guwapo naman ito pero mapayat kasi at ang bagal pang magsulat, ang arte kasi ni ultimo isang letter lang ang mali ay gagamitan talaga ng correction tape at pinapaganda pa ang handwriting, tinalo pa ang sa kanya na parang palay na dinaanan ng bagyo. She and Drake are seatmates and she treated him as her brother, as her true friend pero dahil sa paulit-ulit na panunukso ng mga kaibigan niya sa kanila at sinabayan pa ng kanilang mga kaklase na nagtagal hanggang high school nila ay hindi niya naiwasan ang pana ni kupido at nagkatotoo ang dating tukso. She’s at the second year of high school when she realize she has a feelings for him and it getting worst as it takes longer, kahit nitong college na nag
NAPATULALA siya nang makita ang kababata na nasa mismong harapan niya, prinoprotektahan siya. Nakaramdam ng kaligtasan si Cali at kaginhawa dahil dumating si Drake. Nilingon siya nito at hinawakan sa magkabilang balikat, puno ng pag-aalala ang mukha. “You, okay?” She nodded and eyes widen when she saw the moron stood up, wiping the blood in the corner of his lips. Nilingon naman ito ni Drake at mas itinago pa sa likod ang babae. Lumusob yung lalake at hindi naman hinaayan ni Drake na masuntok siya nito, agad siyang umiwas at hinila si Calli para hindi matamaan. Pinatabi niya muna ang dalaga bago sinipa ng malakas yung lalake kadahilanan na matumba ito na agad niyang kinubabawan at pinagsusuntok. Nilalabas niya ang lahat na galit na nararamdaman. Nang makita niya ito binabastos ang dalaga ay bigla na lang nag-init ang ulo niya, parang gusto niya itong patayin. Ang kapal ng mukha nitong hawakan ang pagmamay-ari niya. Tinulak siya nito at agad na kinubabawan, siya naman ang pinaulanan
MUGTO ANG mga mata ng dalaga pagkagising niya pagkakinabukasan. She cried for the all night; she can’t believe that Drake shouted at her. She only cares for him, she’s just worried but look what she got? Ang sama-sama talaga nito sa kanya tapos sinasabi pa ng mga kaibigan nila na gusto siya nito? Maniniwala sana siya, kung naging mabait lang ang binata sa kanya. Sino naman ang matinong lalake ang sisigawan ang babaeng gusto nila di ba? Mabilis niyang tinapos ang pag-inom ng tubig nang pumasok sa kusina si Drake. Nagtama ang kanilang mga mata pero agad siyang umiwas ng tingin. Galit siya sa ginawang paninigaw nito, nasaktan nito ang ego niya. Sumunod naman sa kanya ang mga mata ng binata sa pag-alis niya. “Anyare sa’yo? Namamaga ang mga mata mo?” tanong sa kanya ni Mason nang makasalubong niya ito. Umiling lang siya, wala siya sa mood magkuwento at baka umiyak lang. Ang sakit kaya ng ginawa nito. Alam naman niya hindi siya nito gusto pero kailangan talagang manigaw? Kahit konting r
IT"S LUNCH time when the polices arrived to interview Callisandria. At first, she's calm but as she continue talking, telling to them each details about what happened that night, the fear started to spread her whole system. She can't stop herself from crying and hugging Mason sitting beside him, nag-iwas naman ng tingin si Drake na nasa kabilang sofa at kita ng mga kaibigan nila ang pagkuyom ng kanyang kamao. "Did he do anything more than that?" the police asked. Calli stop crying, dried her tears before shaking her head. "Wala na...dumating kasi ang kaibigan ko." Binalingan ng tingin ng dalaga si Drake na nakatutok ang mga mata sa kanya. Marami pang tinanong ang mga pulis at nang masagot ang lahat ng mga katanungan ng mga ito ay nagpaalam ng umalis. They secured them that the guy who molested Calli will get the punishment that he deserve. Calli feel relieved and thanked them again. Pagod na naupo ang dalaga sa sofa at nasapo ang noo, tumabi naman sa kanya si Mason at hinagod a
CALLI STUNNED as Drake circled his arms around her waist. Hindi lang siya ang napatigil kundi na rin ang kanyang paghinga at pagtibok ng puso pero pagkatapos ng ilang segundo ay biglang dumagundong ang kanyang dibdib, parang may isang milyong mga kabayo ang nagtatakbuhan sa kanyang loob. "D-drake," she stuttered and close her eyes firmly. Oh please, what's happening? She can't breath properly, hinaharang ng binata ang hangin na hinihinga niya. "I'm sorry," malamyos ang boses nito at puno ng pagmamakaawa. "I am sorry for shouting at you, for hurting you, for making you cry. I'm sorry for everything." Nakikiliti siya dahil tumatama ang hininga nito sa leeg niya pero hindi siya nagpahalata. Tumikhim siya at sinubukang alisin ang mga braso nito pero mariing umiling ang binata. Mas lalo pa itong yumakap at nakagat niya na lang ang pang-ibabang labi dahil ramdam niya ang matigas na bagay na tumatama sa kanyang likuran. He's such a jerk, he's apologizing but he's freaking hard. What the
AFTER THREE YEARS, nakauwi na rin sina Drake at Calli ng Pilipinas matapos nilang mabalitaan na pumanaw na si Don Rafael dahil sa katandaan. Bilang pagrespeto sa matanda ay pumunta pa rin sila sa burol nito. Napatingin sa kanila ang mga naroroon at napatigil sa pag-uusap ang ina at ama ni Drake nung makita sila. They are walking together with their two daughters. Nanubig ang mga mata ng ina ni Drake at nahihiyang lumapit sa kanila. "Drake....anak," Denise whispered. "Mom," Drake uttered. Humagulhol ng iyak ang ina ni Drake at niyakap ang anak. Ganun din ang ama na maluha-luha pa. "I'm sorry Drake, I am really sorry. Mali ang ginawa ko…...namin ng ama mo. Nung umalis ka ay doon lang namin napagtanto ang mga kamalian namin. Sorry anak. Sana mapatawad mo kami." Drake smiled. "You're still my mother, mom and as well as you too, dad at napatawad ko na ho kayo. Masaya ako na napagtanto niyo na ang pagkakamali ninyo." Drake's heart lifted up. Sobrang gaan ng kanyang pakiramdam. Ang pag-aa
ELYSE PLANS succeeded. Nakangiti ang babae habang pinagmamasdan ang daang tinahak ng van, hindi niya alintana ang pagsigaw sa kanya ng lolo na galit na galit, ganun din si Don Rafael na kulang na lang ay himatayin. Nagpaputok pa ito ng baril dahil hindi nahuli ng mga tauhan si Drake. Unlike Drake na sumuko na agad, siya naman nag-isip pa ng ibang paraan. Hangga't hindi pa sila officially kasal ni Drake ay alam niyang may pag-asa. Kinausap niya si Mase isang gabi bago ang kasal. Ang plano nila ay pupunta sila ni Drake sa simbahan para lingatin ang atensiyon ni Don Rafael at habang dinadaos ang kasal ay ililigtas naman ni Mase kasama ang mga tauhan nito sina Calli at Shreya, pagkatapos nun ay staka na niya patatakasin si Drake. Hinanda na niya ang sarili, ang ilang tauhan ni Mase sa simbahan para hindi mapigilan si Drake nino man, ganun din ang mga kaibigan nito. "Hija, bakit mo naman iyon ginawa?" Ina ito ni Drake na pilit tinatawagan ang anak. "Huwag na nating ipagpilitan ang hindi
MATAPOS ANG matinding preperasiyong naganap ay dumating na rin ang araw ng kasal nina Drake at Elyse. Umagang-umaga pa lang ay nagwala na si Drake nung nagpumilit ang mga tauhan ni Don Rafael na tulungan siya sa pag-aayos sa sarili. "I don't need your freaking help. Umalis na kayo!" Binasag niya ang vase kaya tuluyan ng umalis ang mga ito. Napasalampak siya sa kama at tumingala para pigilan ang sarili sa pag-iyak. He wants to end his life now, it's choking him, it's torturing him pero hindi pa nakakalaya sina Calli kaya hindi niya iyon puwedeng gawin. Maya-maya lang ay may kumatok sa kuwartong kanyang tinutuluyan, sinasabing oras na para pumunta ng simbahan. Hindi niya iyon pinansin at nagpatuloy lang sa pagiging tulala. Nakatingin siya sa kisame kahit wala namang kainte-interes doon. Pagkalipas ng matagal na minuto ay lumabas na rin siya. Pinihit niya doorknob nang may naung bumukas nun mula sa labas at tumambad sa kanya ang babaeng pinagsisihan niyang naging kanyang ina. Handang-h
SA LOOB ng mga araw simula nung makuha sila ni Don Rafael ay pinahirapan nito si Calli. Okay lang naman iyon sa kanya basta ang anak niya lang ang hindi sasaktan, mabuti nga at hindi nito ginagalaw si Shreya. Sa tuwing magtatangka kasi ito ay tinatawag ito ng anak niyang lolo na siyang nagpapatigil sa matanda.Pinagsasampal siya ng mga tauhan nito, sinisipa at kung ano pang pang-aabuso para lang mapilit siyang hiwalayan niya si Drake pero hindi siya pumayag, hindi siya papayag na sisirain naman sila nito ng minamahal niya.Hinawakan ng mariin ni Don Rafael ang kanyang panga, napipikon na ito sa kanya pero hindi siya nakakaramdam ng takot. Malakas pa nga ang loob niyang mas lalo itong galitin. Kahit lang man dun ay makabawi siya."Hindi ka ba talaga papayag? Alam ko namang peperahan mo lang ang apo ko eh.""Ma-hal ko ang a-apo ninyo." Kahit si Drake man ang pinakamahirap na tao sa buong mundo ay ito pa rin ang pipiliin niya.Natawa ito at binitawan siya."Mahal? Huwag mo nga akong pinagl
DAHAN-DAHANG minulat ni Drake ang kanyang mga mata at tumambad sa kanya ang mga kasamahan nila sa bahay na walang malay. Bigla niyang naalala ang kanyang mag-ina at nilamon ng kaba. Hinanap niya ang mga ito kahit nanghihina pa. "Calli....Shreya...." But no one answered him. Si Mase naman ay unti-unting nagising at nang makitang natataranta si Drake ay bumangon ito. "Calli....shreya...." Mas lumakas ang boses ni Drake. Hinalughog niya ang buong bahay hanggang sa maalala niya ang nakita bago siya tuluyang makatulog.Para siyang binuhusan ng malamig na tubig at mas lalo pang kinabahan. "Nahanap mo na?" Nilingon niya ang kaibigan na nanlalaki ang mga mata. "Si lolo, siya ang may pakana nito. Nasa kanya ang mag-ina ko." Agad na pinuntahan ng dalawa ang bahay ng kanyang mga magulang dahil nandun din si Don Rafael. Pinapasok naman siya agad ng guard na para bang inaasahan ang kanyang pagdating. Pagkaapak niya sa bahay ay nadatnan niya ang lolo na prenteng nakaupo sa pang-isahang sofa.
GALIT NA GALIT si Drake at agad na nilusob ang kanyang lolo na prenteng nakaupo sa swivel chair ng opisina. Hinampas niya ang lamesa at binato rito ang pinadala sa bahay niya.Agad itong napatayo. "Drake!" umalingawngaw ang boses nito."What?" sigaw din niya. "Do you think natatakot pa ako sa'yo? Hindi na ako ang dating Drake na inaakala mo. Simula nung pagbantaan mo ang buhay ni Calli ay hindi na ako natatakot sa'yo! Wala akong pakealam kung tanggalin mo man ang lahat ng kayaman ko pero huwag mong gagalawin ang mag-ina ko dahil di ako mag-aatubiling ihulog ka sa impyerno. Wala akong pakialam kung lolo pa kita!""Wala ka ng respeto!"Sinampal siya nito ng pagkalakas-lakas pero ni ano mang sakit ay wala siyang may naramdaman. Sanay na siya sa pisikal na pananakit at miski sa emosiyonal pero pagdating sa kanyang mag-ina ay agad siyang nanghihina.Natawa lang siya. "Galit ka dahil hindi kita nirerespeto? Bakit? Ako ba nirerespeto mo? Sinasabi ko sa'yo Don Rafael, tigilan mo na ang pagigin
PINAGMAMASDAN ni Calli sina Drake at Elyse na nag-uusap sa may garden. Seryoso ang pinag-uusapan ng dalawa hanggang sa nagsimulang humikbi ang kaibigan niya. Drake patted Elyse's back, trying to calm her down. Nakaramdam naman ng konting kirot sa dibdib si Calli. Malamang, mag ex-fiance kaya ang dalawa pero mas lumalamang naman ang awa niya para kay Alyssa. Hindi niya inaakala na nakakulong pala ang kanyang kaibigan. Akala niya ay okay lang ito dahil nagagawa nitong tumawag sa kanila pero ang bawat tawa pala nito at ang ‘ayos lang ako’ na sagot sa tuwing nagkkamaustahan sila ay mga peke pala. She appreciated how Elyse endure it for them not to be worried about her. Mukhang siya pa nga ito ang hindi naging maayos na kaibigan. Nilapitan niya ang dalawa para siya na ang magpatahan sa kaibigan. Nag-aalangan kasi si Drake na hawakan ito. Nag-aalala sa magiging reaksiyon niya. Umusog papalayo si Drake nang maupo siya sa pagitan ng dalawa. Niyakap niya si Elyse at yumakap naman ito pabalik,
NAGPUPUYOS sa galit si Calli habang nakatingin sa kaibigan na kinakausap ng mga magulang at lolo ni Drake. Kita niya kung gaano kagusto ng mga ito si Alyssa dahil hindi mapuknat ang ngiti ng mga ito sa labi habang ang babae naman ay nakikinig ng mabuti tatlo at tumatango-tango. She can't believe of it. All along niloloko lang pala sila ng babaeng ito. Tinuring niya itong matalik na kaibigan pero isa pa lang itong ahas. Sana ay kinilala niya muna ito ng mas mabuti bago hinaayan ang sarili na mapalapit dito. Gusto niyang sabunutan si Alyssa—o mas mabuting tawagin niya na lang ito sa pangalang Elyse. Ikinuyom niya ang kamao, matindi ang pagpipigil na kanyang ginagawa. Ayaw niyang gumawa ng eksena dahil baka mas lalo pang magalit sa kanya ang pamilya ni Drake. Bigla niyang naaalala ang invitation card na bigay sa kanya noon ni Drake. Nakalagay doon ang buong pangalan ni Elyse at natatandaan niyang may nakasunod iyong Alyssa. Ang bobo niya, bakit hindi niya ito napansin. Mabilis niyang
MAY KATAGALAN pa man ang kasal nila ni Drake ay nagsimula na silang maghanda. They talked about the church, the reception, the dresses and her wedding gown. Tinulungan din naman sila ng kanilang mga kaibigan at kanyang mga magulang. Kumuha pa si Mase ng sikat na designer na mula sa ibang bansa dahil kailangan daw talagang unique at engrande ang kanyang gown. Ito naman ang magbabayad bilang regalo sa kanya kaya pumayag na siya. Miski si Shreya ay pinatahian din nito ng damit. May mga pangalan na rin sila ng mga a-attend sa kanilang kasal at nagsimula ng magpagawa ng wedding invitations. "Pumayag na ba ang ina mo?" nag-aalalang tanong ni Calli. Pinaalam na ni Drake sa kanyang mga magulang na ikakasal sila ni Calli pero walang imik ang mga ito. Ito na lang ang pinoproblema nila. Ayaw naman nilang ikasal na wala ang mga magulang nito. Nakita ni Calli ang lungkot sa mga mata nito kaya alam na niya ang sagot dun. "They really hate me---" "No, they are not. Kailangan ko lang suyuin si m