"Leona?"
Pakiramdam ko ang napako ako sa kinatatayuan ko. Hindi ako makagalaw. Hindi ko alam kung bakit ganon ang reaksyon ko. Parati ko sinasabi sa sarili ko na naka-move on na ako, na nakalimutan ko na siya. Pero heto ako ngayon, hindi mapagkakaila na apektado.
"Wow..." Pinasadahan ako ni Apollo mula ulo hanggang paa, bago nginitian. A genuine smile. Ang ngiti na hindi niya man lang ibinigay noon. "You look... different." Lumamlam ang mga mata niya. Ayaw ko mag-assume, pero nakikita ko sa mga mata niya ang saya habang kausap ako.
Natawa na lang ako sa isip ko. Baka mali lang ako. Bakit naman siya magiging masaya na makita ako. Halos ipagtabuyan na nga niya ako noon.
"People change. After all, ilang taon na ba ang lumipas?" sabi ko. "I have to go." Pumihit na ako patalikod at tinalikuran na siya.
Hindi pa man kami tuluyang nakakalayo ni Cara ay humabol na si Apollo. Hinawakan niya ang braso ko kung kaya't napaiktad ako. Pakiramdam ko ay nakuryente ako. Para bang libo-libong bolhate ng kuryente ang dumaloy sa akin.
"Can we go out sometimes?"
Pati si Cara ay nagulat sa tanong ni Apollo. Hindi naman ako bingi para hindi marinig ang tanong niya, pero hindi ko alam kung bakit niya iyon naitanong.
Tinanong niya rin ba noon so Rochelle kung pwede sila lumabas? At nang pumayag ang babaeng iyon ay naulit na nang naulit kaya mas pinili niya na iwanan ako?
"Nagpapatawa ka ba?" mahinang akong natawa, iyong insulto na pagtawa.
"Leona..." he called me softly.
"Hindi ko alam kung nabagok ba ang ulo mo, Apollo." Hindi ko na napigilan ang hindi maging sarkastiko. "Why do you think na sasama ako sayo para lumabas?"
Hindi siya nakasagot. Pakiramdam ko ay sasabog ang dibdib ko sa mga sandaling iyon. Gusto ko siya suntukin. Gusto ko ilabas ang galit ko sa kanya.
Ni minsan ay hindi niya ako inaya noon na lumabas. Hindi niya ako itinuring na isang asawa. Paano niya ako nagagawang harapin ngayon na walang guilt na nararamdaman sa puso niya.
"I'm sorry... I was..."
Hindi ko siya pinatapos sa sasabihin niya. "I don't care. Wala akong pakialam, Apollo." Tuluyan ko na siyang tinalikuran at naglakad papasok sa golf club.
Ayaw ko marinig ang anumang kasinungalingan na sasabihin niya. Tama na ang sinira niya ako noon. Tama na ang minahan ko siya at ibinigay ang lahat hanggang maubos ako—Hindi ko na ulit hahayaan na mangyari iyon.
Nagpakawala ako nang malalim na buntong-hininga at tumingala para pigilan na huwag bumagsak ang mga luha. Alam kong kanina pa gustong-gusto magtanan ni Cara kung sino ang lalaking iyon. Pero hindi niya lang magawa dahil oras ngayon ng trabaho.
Inilinga ko ang paningin sa buong golf club. Nang makitang wala ni isa ang naglalaro ay bumagsak ang mga balikat ko. Huli na nga kami. Kanina pa siguro nakaalis si Mr. Lee.
Hinubad ko ang isang pares ng suot kong heels at tinanggal ang takong non para magpantay sa kabilang heels na naputol ang takong. Nakakahiya kung ganito ako haharap kay Mr. Lee. Kilala pa naman siya sa pagiging metikoloso.
"Ma'am, nasa pool si Mr. Lee," anas ni Cara.
Ipinihig ko ang ulo ko para natawin ang swimming pool doon sa kabilang dulo ng golf club. Agad akong nabuhayan ng loob nang makita ang mga baka itim na bodyguard.
Pinasadahan ko ng tingin ang suot ko pababa sa paa ko, nagdadalawang-isip kung tutulog ba sa ganitong ayos. Sa huli ay tumuloy pa rin ako. Mabilis akong naglakad papunta sa pool. Hingal na hingal ako at nangangatog ang mga tuhod nang makarating kami. Napatingin naman sa amin ang ilang mga tao roon, maging si Mr. Lee.
Nakita ko ang pagngisi ni Mr. Lee, bago tumayo mula sa pagkakaupo mula sa daybed at nilapitan kami.
"Hindi ko alam na ganito ka pala kapursigido, Ms. Lewis," nakangiti niyang bati sa akin. "Lahat talaga ay gagawin mo."
"Mr. Lee, sabi ko naman sayo alam ko kung anong gusto ko," sagot ko. "Kung ibibenta mo sa akin ang dulo ng lupa mo ay tiyak ako na hindi lang ako ang makikinabang doon... Pati na rin ikaw."
"Pero mababa ang offer mo, Ms. Lewis. Lugi pa rin ako kung sayo ko ibebenta."
Kumunot ang noo ko. Huwag niya sabihin na balak niya ibenta sa iba?
"How much do you want?" hamon ko sa kanya. "Tell me, Mr. Lee."
"Naibenta ko na ang lupa kahapon lang, Ms. Lewis. Katunayan ay papunta ngayon dito ang businessman na nakabili para magbayad."
"What?!" medyo napalakas ang boses ko kaya napatingin na naman sa amin ang iba na narito sa pool. "P-Pero... ang sabi mo sa akin ay pag-isipan mo pa kung ibebenta mo."
Nakaramdam ako bigla ng inis. Pakiramdam ko ay pinaglalaruan lang ako ni Mr. Lee at wala talaga siyang balak na ibenta sa akin ang lupa.
"Maganda ang offer ng gustong bumili kahapon. Mabilis din niya ako napapayag kaya sa kanya ko na ibinigay—Narito na pala siya."
Sabay-sabay kaming lumingon ni Cara sa likuran. Halos nalaglag ang panga ko nang makita si Apollo na naglalakad papunta sa amin.
Anong ginagawa niya rito? Oh my god, don't tell me siya ang nakabili ng lupa ni Mr. Lee?
"Mr. McArthur!" masiglang bati ni Mr. Lee at ibinuka ang mga bisig para yakapin si Apollo.
Huminto ang tingin sa akin ni Apollo, umamo ang kanyang mukha at hindi pinansin si Mr. Lee. Halos ilang minuto rin siyang nakatingin sa akin bago dinaluhan si Mr. Lee.
"Mr. Lee," bati niya sa matanda. "Napaghintay ba kita?"
"Hindi naman. Sadyang hinintay talaga kita rito." Ngayon ay masasabi ko na ayaw talagang ibenta sa akin ang lupa. Hindi dahil mababa ang offer ko, kundi ayaw lang talaga ng matandang ito. "Katunayan niyan ay narito rin ang isa pang nagkakainterest sa lupa." Binalingan ako ni Mr. Lee kaya sinulyapan naman ako ni Apollo.
Ang kaninang inis at galit ko kay Apollo ay mas lalo pa nadagdagan. Ano bang meron sa kanya at napakadali lang ibigay ni Mr. Lee ang lupang halos isang buwan ko na gusto bilhin. Lumipad pa ako papunta rito para lang kausapin nang masinsinan si Mr. Lee, pero wala rin pa lang saysay iyon.
"Why you want the buy his land?" Apollo asked me gently. Hindi ako sanay na ganito siya. Nakakapanibago.
"Kung hindi mo rin lang ibebenta sa akin ang lupa ay huwag mo na lang itanong pa." Hindi ko itinago ang pag-asim ng mukha ko. Iniwan ko silang dalawa room nang nanggagalaiti sa galit.
"Nakakainis!" sinipa ko ang damo na nadadaanan namin at napahilamos na lang sa mukha ko.
"Ma'am, pano yan?" Kagat-kagat ni Cara ang mga daliri niya, hindi na rin alam ang gagawin. "Ang dami mo pa namang na-cancel na meeting para lang sa pag-uwi natin dito..."
"Uuwi na tayo at maghahanap na lang ng iba," sagot ko.
Umalis na kami sa golf club, pero nanatili pa rin sa club house. Tanghali na rin kaya nagpasya kami muna kumain bago bumalik ng Manila.
Pagkatapos namin kumain ay nagpaalam si Cara para puntahan ang kakilala niya na nagtatrabaho sa club house. Habang hinihintay siya ay naglakad-lakad muna at naghanap na rin ng restroom para mag-retouch.
Nag-ring naman bigla ang cellphone ko nang nasa tapat na ako ng restroom. Nang makitang si Steve ang tumatawag ay mabilis ko iyon sinagot.
"Hey, beautiful," bungad niya akin. "Tumawag ako kasi alam kong miss mo na ako."
"Baliw!" atungal ko at sabay kaming natawa.
"How's everything there? Nakuha mo ba?"
"Unfortunately, no. May nakabilin na kanina nang dumating ako," pagrarant ko. "Ibebenta niya rin pala sa iba, sana ay hindi na lang niya ako pinaasa."
"That's okay, marami pa namang iba. I'll help you to find."
Napangiti ako. Doon lang gumaan ang pakiramdam ko. "Thank you. We'll be back there tomorrow."
Hindi na rin nagtagal ang pag-uusap namin at naputol na iyon dahil kailangan pa ni Steve kitain ang ilang investors.
"Boyfriend?"
Napatalon ako sa gulat nang marinig ang boses ni Apollo sa tabi ko. Hindi ko alam kung ilang minuto na siya roon nakatayo at nakikinig ng usapan namin ni Steve.
"Hindi mo ba alam ang salitang privacy?" mataray kong tanong sa kanya.
"Chill." Itinaas niya ang dalawang kamay, kunwari'y nag-surrender. "Napadaan lang ako. Akala ko ay may kaaway ka kaya nilapitan kita. Hindi ko intensyon na pakinggan ang usapan niyo ng boyfriend mo."
"He's my fiancee," pagtatama ko. Nakita ko ang pagrehistro ng lungkot sa mukha niya, pero mabilis lang iyon at nginitian ako. "Kung wala sa intensyon mo na makinig sa usapan namin ay kanina ka pa sana umalis," I shot back. "Pero mukhang tinapos mo pa ang usapan namin at na-enjoy ang pakikinig."
Aalis na sana ako nang muli siyang magsalita. "I can sell you the land... if you want."
Mabilis akong pumihit paharap sa kanya. "How much?" Kung totoo nga na may balak siyang ibenta sa akin ang lupa ay hindi ko iyon tatanggihan.
"One date."
Kumunot ang noo ko, hindi ko naintindihan ang sinabi niya. "W-What do you mean...?"
"Ibebenta ko sayo ang lupa kung papayag ka na lumabas kasama ako."
Sandaling nagkaroon ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. Walang nagsasalita. Hindi ko alam kung anong gusto niya mangyari. Kung bakit gusto niyang lumabas kaming dalawa. He's obviously hitting on me. Hindi ako tanga para hindi maintindihan iyon. Pero kung bakit, hindi ko alam.
"Alam ba ito ni Rochelle?" sarkastikong tanong ko.
"She doesn't need to know—"
Hindi ko siya pinatapos sa sasabihin niya at malakas siyang sinampal. Naramdaman ko ang sakit ng palad ko sa sobrang tigas ng mukha niya. "Hindi ka pa rin nagbabago, Apollo. Ginawa mo na rin ito sa akin noon, hindi ba? Habang hinihintay kita umuwi sa bahay ay kinikita mo siya. At ngayon naman ay balak mo rin gawin sa kanya."
"Leona, it's not what you think—"
"It is!" sigaw ko sa mukha niya at tinulak siya nang sinubukan niya akong hawakan. "Wala ka pa rin kwenta! Gago ka pa rin!"
Binuksan ko ang pintuan sa tapat ko at pumasok sa loob. Napahawak ako sa dibdib ko at ipinikit ang mga mata. Wala pang isang minuto ay bumukas ang pintuan at pumasok si Apollo.
"What are you doing here?" Dinuro ko siya. "Get out!"
"Leona, please hear me out."
"I said get out!" Buong lakas ko siyang itinulak. At nang hindi siya nagpatinag sa akin ay pinagsusuntok ko ang dibdib niya. Hindi naman niya ako pinigilan at hinayaan lang. Lahat ng suntok ko ay sinalo niya. "Umalis ka na, Apollo. Umalis ka na bago pa ako sumigaw dito," banta ko sa kanya.
Pinihit ko ang doorknob para palabasin siya, pero ayaw mabuksan ng pintuan. Kinabahan akong napatitig sa pinto at natigilan.
Hindi kaya... sira ang lock dito?
Nakangiti kong pinagmasdan ang mga pagkain na nakahain sa lamesa. Lahat iyon ay ang mga paborito ni Apollo. The cake was all set. I made sure everything was in its rightful place before my husband arrived. Kasabay ng kaarawan ko ay ang three years anniversary ng pagsasama namin bilang mag-asawa."Hindi ko alam kung bakit nag-aabala pa si Ma'am Leona para i-celebrate ang anniversary nila ni Sir Apollo. Tiyak ako na madaling araw na naman uuwi si sir. Masasayang lang ang mga pagkain."Napahinto ako sa pagpihit ng doorknob sa pintuan ng wine cellar nang marinig ni Betchi, ang isa sa mg kasambahay namin."Ewan ko ba kay Ma'am Leona," boses naman iyon ni Petra, ang labandera. "Hindi ko alam kung maaawa ako sa kanya o matatawa na lang. Ang dinig ko kasi ay siya ang pumilit kay Madame Cecelia na ipakasal siya kay Sir Apollo kahit na hindi naman siya ang gusto ni sir. Kaya ganito na lang siya itrato ni Sir Apollo dahil kasalanan naman niya talaga.""Pinag-uusapan niyo na naman ba si Ma'am Leo
“You have a press meeting in 10 minutes, ma'am," my secretary informed me.Napahilot ako sa sintido ko. Sunod-sunod ang meeting na meron ako ngayong araw. Lahat iyon ay mula sa mga naglalakihang tao sa bansa."Wala pa bang balita mula kay Mr. Lee? Hindi pa tumatawag ang sekretarya niya? Ilang linggo na ba tayo naghihintay?" sunod-sunod kong tanong at mas lalo lamang na-stress.Umiling ang secretary ko. "Hindi pa, ma'am. Pero..." Hindi niya natuloy ang sasabihin, halatang nagdadalawang-isip.Tinaasan ko siya ng kilay. "Pero ano? Sabihin mo na, Lexi.""Ma'am, sa tingin ko mukhang matatagalan sa Pilipinas si Mr. Lee bago makabalik dito sa Los Angeles." Nakatingin lang ako sa kanya at hindi agad nagsalita, hinihintay pa ang susunod niyang sasabihin. "Pero kung pupuntahan mo siya sa Pilipinas ay sa tingin ko mas hahanga siya sayo at tatanggapin ang alok mo dahil makikita niya kung gaano ka kasigurado sa project na inaalok mo."Napahinto ako. It's been exactly four years since my divorce. I
"Leona?"Pakiramdam ko ang napako ako sa kinatatayuan ko. Hindi ako makagalaw. Hindi ko alam kung bakit ganon ang reaksyon ko. Parati ko sinasabi sa sarili ko na naka-move on na ako, na nakalimutan ko na siya. Pero heto ako ngayon, hindi mapagkakaila na apektado."Wow..." Pinasadahan ako ni Apollo mula ulo hanggang paa, bago nginitian. A genuine smile. Ang ngiti na hindi niya man lang ibinigay noon. "You look... different." Lumamlam ang mga mata niya. Ayaw ko mag-assume, pero nakikita ko sa mga mata niya ang saya habang kausap ako.Natawa na lang ako sa isip ko. Baka mali lang ako. Bakit naman siya magiging masaya na makita ako. Halos ipagtabuyan na nga niya ako noon."People change. After all, ilang taon na ba ang lumipas?" sabi ko. "I have to go." Pumihit na ako patalikod at tinalikuran na siya.Hindi pa man kami tuluyang nakakalayo ni Cara ay humabol na si Apollo. Hinawakan niya ang braso ko kung kaya't napaiktad ako. Pakiramdam ko ay nakuryente ako. Para bang libo-libong bolhate n
“You have a press meeting in 10 minutes, ma'am," my secretary informed me.Napahilot ako sa sintido ko. Sunod-sunod ang meeting na meron ako ngayong araw. Lahat iyon ay mula sa mga naglalakihang tao sa bansa."Wala pa bang balita mula kay Mr. Lee? Hindi pa tumatawag ang sekretarya niya? Ilang linggo na ba tayo naghihintay?" sunod-sunod kong tanong at mas lalo lamang na-stress.Umiling ang secretary ko. "Hindi pa, ma'am. Pero..." Hindi niya natuloy ang sasabihin, halatang nagdadalawang-isip.Tinaasan ko siya ng kilay. "Pero ano? Sabihin mo na, Lexi.""Ma'am, sa tingin ko mukhang matatagalan sa Pilipinas si Mr. Lee bago makabalik dito sa Los Angeles." Nakatingin lang ako sa kanya at hindi agad nagsalita, hinihintay pa ang susunod niyang sasabihin. "Pero kung pupuntahan mo siya sa Pilipinas ay sa tingin ko mas hahanga siya sayo at tatanggapin ang alok mo dahil makikita niya kung gaano ka kasigurado sa project na inaalok mo."Napahinto ako. It's been exactly four years since my divorce. I
Nakangiti kong pinagmasdan ang mga pagkain na nakahain sa lamesa. Lahat iyon ay ang mga paborito ni Apollo. The cake was all set. I made sure everything was in its rightful place before my husband arrived. Kasabay ng kaarawan ko ay ang three years anniversary ng pagsasama namin bilang mag-asawa."Hindi ko alam kung bakit nag-aabala pa si Ma'am Leona para i-celebrate ang anniversary nila ni Sir Apollo. Tiyak ako na madaling araw na naman uuwi si sir. Masasayang lang ang mga pagkain."Napahinto ako sa pagpihit ng doorknob sa pintuan ng wine cellar nang marinig ni Betchi, ang isa sa mg kasambahay namin."Ewan ko ba kay Ma'am Leona," boses naman iyon ni Petra, ang labandera. "Hindi ko alam kung maaawa ako sa kanya o matatawa na lang. Ang dinig ko kasi ay siya ang pumilit kay Madame Cecelia na ipakasal siya kay Sir Apollo kahit na hindi naman siya ang gusto ni sir. Kaya ganito na lang siya itrato ni Sir Apollo dahil kasalanan naman niya talaga.""Pinag-uusapan niyo na naman ba si Ma'am Leo