Share

A Second Chance After Divorce
A Second Chance After Divorce
Author: HouseOfHer

Chapter 1

Nakangiti kong pinagmasdan ang mga pagkain na nakahain sa lamesa. Lahat iyon ay ang mga paborito ni Apollo. The cake was all set. I made sure everything was in its rightful place before my husband arrived. Kasabay ng kaarawan ko ay ang three years anniversary ng pagsasama namin bilang mag-asawa.

"Hindi ko alam kung bakit nag-aabala pa si Ma'am Leona para i-celebrate ang anniversary nila ni Sir Apollo. Tiyak ako na madaling araw na naman uuwi si sir. Masasayang lang ang mga pagkain."

Napahinto ako sa pagpihit ng doorknob sa pintuan ng wine cellar nang marinig ni Betchi, ang isa sa mg kasambahay namin.

"Ewan ko ba kay Ma'am Leona," boses naman iyon ni Petra, ang labandera. "Hindi ko alam kung maaawa ako sa kanya o matatawa na lang. Ang dinig ko kasi ay siya ang pumilit kay Madame Cecelia na ipakasal siya kay Sir Apollo kahit na hindi naman siya ang gusto ni sir. Kaya ganito na lang siya itrato ni Sir Apollo dahil kasalanan naman niya talaga."

"Pinag-uusapan niyo na naman ba si Ma'am Leona?" si Manang Wanda, ang mayordoma ng mansyon.

"Naku, hindi po Manang!" mabilis na tanggi ni Petra. Kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong sunod-sunod siyang umiiling.

"Dinig na dinig ko, Petra, huwag mo itanggi. Baka nakakalimutan niyo na asawa pa rin si ni Sir Apollo, ang amo natin. Amo rin natin siya."

I decided to stop listening as I just couldn't handle the tears any more. Where did I ever go wrong in loving Apollo? Bakit kahit ibigay ko na ang lahat ay parang hindi pa rin sapat?

Tama naman sina Petra at Betchi... Apollo never really loved me back. I made a promise to his grandmother that I will love him with all my heart and be a good wife. I never could explain the coldness Apollo exuded towards me. He was never like that from the onset. He never stayed home during our anniversary, and today being a special day for me—for us, he didn't wish me a happy birthday, no text, not even a bouquet.

Kasal nga kami, pero ni minsan naman ay hindi ko naramdaman na asawa niya ako. Kahit tingnan ako sa mga mata ay hindi niya magawa. At kung hahawakan naman niya ako ay tuwing lasing lang siya. Gigising siya kinabukasan na parang walang nangyari sa amin.

"M-Ma'am Leona..." gulat na bulalas ni Manang Wanda nang makita ako sa tapat ng pintuan. "Kanina pa ba riyan? Narinig mo ba ang pinag-uusapan nila Petra?"

Umiling ako at nginitian siya. "Ano po bang pinag-uusapan nila, manang?" kunwari'y tanong ko.

Pero alam kong hindi iyon paniniwalaan ni Manang Wanda. Sa tuwing umiiyak ako ay siya parati ang nakakakita sa akin at nagpapatahan. Kahit pa si Apollo ang inalagaan niya simula pagkabata ay hindi niya ako itinuring na iba simula nang dumating ako rito mansyon. Kung paano niya inaalagaan si Apollo ay ganon din siya akin.

“Manang, I never forced Apollo to marry me..." Hindi ko na napigilan ang luhang kanina pa nagbabadya bumagsak. "Hindi ko siya pinilit..." My voice sounding like a broken record. 

Agad akong dinaluhan ni Manang Wanda at hinagod ang likuran ko. "Alam ko, alam ko iyon. Wala kang dapat patunayan. Naniniwala ako sayo."

Totoong gustong-gusto ko si Apollo mga bata pa lang kami. Kaya naman nang sabihin ng Lola Cecelia niya na bagay kaming dalawang ni Apollo ay sinabi ko na gusto ko siya ang maging asawa ko. Pero si Apollo ang lumapit sa akin para pakasalan ko siya. Nagpakasal ako dahil hiningi ni Apollo ang mga kamay ko. At aaminin ko na iyon ang pinakamasayang araw sa buong ko. Akala ko magiging masaya kami.

Pero pinakasalan lang pala ako ni Apollo para pag-isahin ang kompanyang iniwan sa kanya ng mga magulang niya, at ganon din ang kompanya na iniwan sa akin ng mga magulang. Tanggap ko. Tinanggap ko iyon dahil mahal ko si Apollo.

“Hindi ka dapat umiiyak sa araw ng birthday mo." Pinunas ni Manang Wanda ang luha ko, dahilan kung bakit ako nakangiti. She was like a mother to me.

Sabay kaming napahinto nang marinig ang paparating na sasakyan. Sabay naming tinanaw ang glass wall at nakitang pumarada ang bagong sasakyan sa garahe.

Mula sa loob ng sasakyan ay lumabas ang lola ni Apollo, kasunod ang apat na bodyguards. Mabilis naman na naglakad si Manang Wanda para pagbuksan sila ng pintuan.

I felt a wave of anxiety wash over me as I stood in anticipation. I had prayed all night that Apollo would celebrate my birthday with me today.

“Lola...” Pilit akong ngumiti habang sinasalubong siya. Humalik ako sa pisngi niya at inalalayan siyang makababa ng hagdan.

“Happy birthday, my beautiful Leona. I'm so sorry I couldn't stay long, may flight ako ngayon na hinahabol papuntang Italy." Iniabot sa kanya ng isang bodyguard ang dalawang paper bag na malaki at ibinigay sa akin. "Dumaan lang ako rito para personal na ibigay ang regalo ko sayo."

"It's okay, Lola. Sake skies."

“And where is my good-for-nothing grandson?" Kumabog ang dibdib ko nang ilibot ni Lola Cecelia ang paningin sa buong kabahayan para hanapin si Apollo. "I hope he's spending the day with you tonight."

I didn't want her to suspect cracks in our relationship. Ayaw ko siya magalit kay Apollo.

“T-Tumawag po siya... Katatapos lang namin... mag-usap. Ang sabi niya ay pauwi na siya ngayon," pagsisinungaling ko.

Nakita ko ang dismayadong tingin na ibinabato sa akin ni Manang Wanda. Sa loob ng tatlong taon namin bilang mag-asawa ni Apollo ay hindi alam ni Lola Cecelia ang totoong estado ng relasyon nami ni Apollo. Hindi niya alam na minsan lang kung umuwi si Apollo at madalas ay wala rito.

“That’s so romantic. I have to go now, call me if you need anything.” At nagpaalam na rin si Lola Cecelia.

Nakahinga naman ako nang maluwag. Naupo ako sa sofa at pinaypayan ang sarili. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako maglilihim kay Lola Cecelia, pero hangga't kaya ko pagtakpan si Apollo ay gagawin ko.

"Nagsinungaling ka naman," bulalas ni Manang Wanda sa tabi ko, her tone inquisitive. 

“Asawa ko si Apollo, Manang Wanda... I know he will change. Naniniwala ako na magbabago siya." 

Nagbuntong-hininga si Manang Wanda at tumayo na. "Ikaw ang bahala."

Naghintay ako sa pagdating ni Apollo, umaasa na pagpatak ng alas dies ay darating siya. Pero umabot na ang alas onse, hanggang lumagpas ng alas dose at natapos ang birthday ko at anniversary namin, pero hindi talaga siya dumating. Nakita ko na lang ang sarili ko na umiiyak na naman.

Lumabas ako ng mansyon para maglakad-lakad at alisin ang pag-iisip. Pero hindi pa ako tuluyan nakakalabas ay narinig ko na ang boses ni Apollo mula sa labas.

"Hindi ba't sinabi ko na sayo na ako na ang bahala? Bakit pumunta ka pa rito? Paano kung may makakita sayo?"

"Ilang beses mo na ba yan sinasabi na ikaw ang bahala, pero hanggang ngayon naman ay nagtatago pa rin tayo," boses iyon ng babae, halatang galit ito sa tono nito. "Ayaw mo ako mawala, pero ang tagal mo naman gumawa ng paraan para magkasama na tayo."

"Rochelle, kailangan ko lang kumuha ng timing," galit na rin na singhal ni Apollo. "Kunting panahon lang naman ang hinihingi ko."

Gustong-gusto ko buksan ang gate para tingnan kung sino ang babae na kausap niya, pero hindi ko magawa. Ayaw gumalaw ng mga kamay ko. Napako lang ako sa pagkakatayo.

"Anong timing pa ba ang kailangan mo, Apollo?Hindi ba't ikaw na rin ang nagsabi na hindi mo naman siya mahal? Bakit hindi mo pa siya hiwalayan?"

Napasinghap ako sa narinig. Nanginginig ang mga tuhod ko. Pakiramdam ko ay babagsak ako kaya kumapit ako sa puno ng palm tree.

Ako ang pinag-uusapan nilang dalawa... May balak si Apollo na hiwalayan ako...

"Kung hindi mo kaya sabihin sa kanya, ako ang magsasabi!"

"Rochelle! Come back here!"

Nakarinig ako ng mga yabag at martsa papasok. At bago pa ako makatakbo paalis ay bumukas na ang gate at bumungad sa akin ang babae na ngayon ko lang nakita. Nasa likuran si Apollo at hawak-hawak ang balikat ng babae.

"Oh, there you are," angil ng babae sa akin at tinulak ako paatras.

Napakurap naman ako at biglang nataranta, hindi alam ang gagawin.

"Apollo..." His name escaped from my mouth.

"Tell her, Apollo," utos ng babae habang nakaturo sa akin. "Sabihin mo sa kanya ngayon."

Humugot ako nang malalim na hininga at pinatibay ang sarili. "A-Anong... Anong dapat kong malaman." Nagtama ang tingin namin ni Apollo, pero wala akong makita na kahit anong emosyon sa kanya ngayon. Nakatingin lang siya sa akin na para akong isang hangin.

"Apollo," tawag ko sa kanya nang hindi siya sumagot sa tanong ko.

"Gusto ka na niya hiwalayan," si Rochelle ang sumagot.

Parang nandilim bigla ang paningin ko kaya itinaas ko ang kamay ko at malakas siyang sinampal. "Shut up!" sigaw ko sa kanya. "Hindi ikaw ang kausap ko!"

Nanlaki ang mga mata ni Rochelle, tila hindi makapaniwala sa ginawa ko. Napahawak siya sa pisngi na namumula at masama akong tinapunan ng tingin. Akma niya akong susugurin pero hinila siya ni Apollo para itago sa likuran.

Hindi ako makapaniwalang napatitig sa kanilang dalawa.

"Apollo—"

Hindi niya ako pinatapos sa sasabihin ko. "Maghiwalay na tayo, Leona."

Para akong binuhusan ng isang drum na malamig na tubig sa narinig mula kay Apollo. Narinig ko na iyon kanina kay Rochelle, pero mas masakit pala kapag galing mismo sa bibig ni Apollo. Awtomatikong tumulo ang mga luha ko at hindi makapaniwalang pinagmasdan siya.

"W-Why...?" mahinang tanong ko, hirap ilakas ang boses.

"I wanna to get out of our marriage. I wanna marry Rochelle—I wanna build a family with her."

Kung gusto niya pala bumuo ng pamilya... bakit hindi na lang sa akin? Bakit hindi ako? Anong meron si Rochelle na wala ako? Anong meron si Rochelle na hindi ko kayang ibigay?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status