Chapter 4
Magmula ng naging usapan namin no'ng araw na sinabayan ako ni Lance sa paglalakad ay alam ko na mas nagkaroon ng malaking pagbabago sa pagitan naming dalawa.Madalas na kaming magka-usap sa text, o 'di kaya ay magka-chat. Noong una ay hindi ko siya pinapansin o di kaya ay sini-seen ko lang ang mga chats niya. Pero sadyang makulit talaga ang lahi niya.Palagi siyang may baon na kung ano-anong kuwento. Pagkatapos ay mas mahaba pa ang mga reply niya kumpara sa 'kin. Ilang beses din niya kong kinulit na ako naman ang magbahagi ng kuwento ng buhay ko.But I refused. Wala naman kasing interesante sa buhay ko.Unlike him. Who's been a honor student since grade school, an athlete, a singer, a best friend to Ralph and a popular one.Akala ko nga noong una ay tanging sa mga katulad naming seniors lang siya kilala. 'Yon pala ay hanggang sa mga freshmen student ay matunog din ang pangalan niya.But according to him, he's not proud of it. Saka mayroon pa rin daw kulang.May gano'n pala talaga, no? 'Yong tipong na sa 'yo na ang halos lahat pero may kulang pa rin. Paano na lang kaming wala talaga?Though he was still quiet in the classroom. Tanging ako at si Ralph lang ang madalas niyang kinakausap. Pero kahit papaano naman ay nakikipag-usap na rin siya kina Mia. Hindi rin naman kasi maiiwasan lalo pa at madalas ko silang kasama.Ang isa rin sa napansin kung nagbago ay 'yong nararamdaman kong paghanga kay Ralph. I know that it's just a simple crush. Pero sa paglipas ng mga araw ay namalayan ko na lang na hindi na pala ko masyadong nagbibigay ng atensyon sa kanya. I am not actually aware of it. Not until Mia teased me again about it.Malalim akong napabuntong hininga. Kanina pa ko nandito sa field at nakaupo sa damuhan dahil hinihintay ko si Lance. May usapan kasi kami.Kasalukuyan akong nagbabasa ng bigla akong matigilan. Napansin ko kasi ang pares ng itim na sapatos na tumigil sa harap ko.Napaangat ako ng tingin at bumungad sa 'kin ang hinihingal na si Lance. Tila galing siya sa pagtakbo."Pasensya na ngayon lang ako nakarating. May iniutos pa kasi sa 'kin si Mama bago ako umalis ng bahay."Tinanguan ko siya. "Ayos lang. Medyo maaga pa naman."Umupo siya sa tabi ko at agad na pinunasan ang namuong pawis sa kanyang noo. Nang mapansin niya ang hawak kong notebook ay agad niya itong inabot. "Ito na ba 'yon?" nakangiti niyang tanong.Natigilan ako. Isa pa ito sa masasabi kong may malaking pagbabago.That smile of him.Wala sa loob na napahawak ako sa kaliwang dibdib ko. Kung saan ay mabilis na tumitibok ang puso ko na tila nakikipagkarera.Hindi ko alam kung bakit. Pero sa tuwing nakikita ko 'yong ngiti niya ay bigla ko na lang nararamdaman ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Sadyang nakakapanibago dahil hindi ko naman naramdaman ang ganito kay Ralph noon.It scares the hell out of me. Yet, I chose to ignore it.Hindi ako puwedeng makaramdam ng ganito.Dumating ang panahon na nagsimula na kong maging dependent sa kanya. Siya naman kasi ang patuloy na nag-insist hanggang sa ako na lang ang sumuko at nasanay na lang ako na palagi niyang tinutulungan. Sa kauna-unahang pagkakataon ay naging palagay ang loob ko."Trigo?" Napatango na lang ako.I know. I'm lazy. But can you blame me? I'm not really a study hard kind of student. Nag-aaral nga lang ako kapag malapit na ang exam.Well, at least, nag-aaral pa rin."Yeah. Sorry, hah. Pinilit ko naman talagang gumawa kagabi. Pero 'yong utak ko na talaga ang umaayaw." That's actually true. I did really try to make one last night. Pero inantok at nakatulog lang ako.Napanguso ako dahil sa hiya. Awtomatiko namang bumaba ang tingin niya roon. "Don't do that," nagtatagis ang bagang na sabi niya.Tumaas ang kilay ko. "What?"Mabilis siyang nag-iwas ng tingin. Kaya naman ay sinalubong ako ng namumula niyang tainga.Bakit na naman kaya namumula ang isang 'to?"W-Wala. Basta wag mo na uli iuusli 'yang nguso mo. Hindi bagay."Napairap naman ako nang dahil sa sinabi niya. Akala ko naman kung ano na."Eh, bakit ka namumula riyan?" nagdududa kong tanong sa kanya.Sasagot na sana siya ng bigla kaming may narinig na tumatawa. Sabay kaming napalingon sa likod namin.Kumunot ang noo ko nang makita si Ralph. Ano naman kaya ang problema ng isang 'to?"Bakit ka tumatawa riyan?" naguguluhan kong tanong sa kanya.Napailing naman siya. "Wala lang. Para kasi kayong ewan na dalawa. Dalian n'yo na nga lang diyan at malapit na magsimula ang klase." Kumaway pa siya bago umalis.Napapantastikuhan ko siyang sinundan ng tingin. Bakit ko nga ba naging crush ang mahangin na 'yon?Sa muli kong paglingon kay Lance ay abala na siya sa pagsagot ng assignment ko.Pinakatitigan ko siya. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maiwasan ang mapaisip.Paano ba kami humantong sa ganitong klase ng sitwasyon?-----Dumating ang oras ng break time at isa ako sa mga naunang lumabas. Susunod na lang daw sina Kim at Mia dahil dadaan pa raw sila ng banyo.Physics and Trigonometry never failed to make me feel drained and starved!Papasok na ko ng canteen ng bigla na lang may humarang sa 'kin na tatlong babae.Awtomatikong tumaas ang kilay ko. Problema naman ng mga 'to?"Are you Shane?" tanong ng babaeng tila sinuntok sa pula ang pisngi. Tiningnan niya ko mula ulo hanggang paa."Yes. Do I know you?" I asked back. I looked at her as well. But I started from toe to head.Pinagkumpara ko, eh. Parang magkapareho lang naman kasi."Ano ka ba ni Lance? Bakit ba palagi kang nakabuntot sa kanya?" tanong naman ng isa habang nakahalukipkip. Pulang-pula naman ang labi niya na akala mo ay may pumutok na dugo.Pero teka. Parang mali ata 'yong tanong niya. Because it's the other way around."I am his friend. Why do you care?" imporma ko sa kanila. Wala akong panahon sa komprontasyon ngayon. Hindi nila gugustuhing galitin ako lalo pa at gutom ako."Friend? Pathetic. Gasgas na ang linya na 'yan. Baka feeling girlfriend kamo. Kung ako sa 'yo, aalamin ko ang lugar ko. Hindi kayo bagay. Can't you see that? You're nothing compare to Chloe!" Panduduro naman sa 'kin ng sa tingin ko ay leader nila.Nagpanting ang tainga ko nang dahil sa akusasyon nila. Sinusubukan talaga ko ng mga babaeng 'to, ah. Sino kaya sa 'min ang pathetic?One more thing. Who's Chloe anyway? Never heard of her name.Ramdam ko ang pares ng mga mata na nakatingin sa direksyon namin ngayon. Mayroon pa kong narinig na tila nagchi-cheer.Napabuntong hininga na lang ako. Ayoko ng dagdagan pa ang sakit ng ulo sa 'kin ni Mama. Kaya kahit gustong-gusto kong pagsasampalin ang matatabil nilang mga dila ay pinilit kong pigilan ang sarili ko."Isipin n'yo na ang gusto n'yong isipin. Wala akong panahon makipag-usap sa mga desperada na katulad n'yo. I won't dare stoop down to your level. Because I'm better than that." Lalampasan ko na sana sila nang bigla na lang haltakin ng leader nila ang braso ko.Handa na sana kong itulak at sampalin siya dahil nasagad na ang pasensya ko, nang may bigla na lang nagsalita mula sa likod ko."Bitiwan n'yo siya." Tatlong salita lang kung tutuusin. Pero ang pagbabanta sa tono ng boses niya ay sapat na para manginig 'yong tatlong babae na nanlalaki ang mga matang nakatingin sa likod ko ngayon.Alam kong sobrang lapit lang niya sa 'kin. Dahil ramdam ko ang mabigat at mainit niyang hininga na tumatama sa batok ko.Nag-aalinlangan naman akong binitiwan ng babae na humablot sa braso ko."L-Lance. Siya 'yong nanguna! Pinagtanggol lang naman namin 'yong mga sarili namin, eh!" Sa isang iglap, ang kaninang matapang niyang mukha ay biglang naging maamong tupa.Naningkit ang mga mata ko. Talaga namang binabaliktad pa ng isang 'to ang mga nangyari!"Hindi 'yon ang nakita ko." Dahan-dahan kong nilingon si Lance. Gano'n na lang ang gulat ko nang makita ang nagtatagis niyang mga bagang, habang nakakuyom ang kanyang kamao. Matalim ang tingin na ibinabato niya sa tatlong babae na tila hindi na alam ang gagawin ngayon."Lance. Hayaan mo na. Hindi naman ako napano, eh. Kumain na—"Mabilis na nabaling sa 'kin ang atensyon niya. Pagkatapos ay bumaba ang tingin niya sa braso ko na namumula dahil sa mahigpit na pagkakahawak sa 'kin ng babaeng 'yon.Ang kaninang nag-aalab niyang tingin ay napalitan ng pag-aalala. Mayamaya pa ay muli siyang bumaling sa tatlo."No. Hindi puwede na hayaan ko lang ang nangyari. Sisiguruhin kong mananagot silang tatlo."Natigilan naman ako nang makita ko sina Mia, Kim at Ralph na humahangos palapit sa 'min."Anong nangyari rito?" nag-aalalang tanong ni Mia. Dali-dali silang pumunta ni Kim sa tabi ko nang makita nila ang braso ko."Who did this to you?" Matalim ang mata nilang nakatingin sa braso ko.I was about to answer them when Lance spoke. "Ralph, ikaw na ang bahala sa mga 'yan. They started the fight and this school don't tolerate such thing."Agad namang tumango si Ralph at pinasunod sa kanya 'yong tatlong babae. Aangal pa sana sila pero sinamaan sila ng tingin ni Lance kaya wala na silang ibang nagawa kung hindi ang sumunod."Okay ka lang ba, Shane? Naku! Kung kasama mo lang kami kanina ay malamang na nakalampaso na sa sahig ang mukha ng tatlong 'yon," galit na turan ni Kim."Ayos lang ako. Kaya ko naman sila. Pero hangga't maaari ay ayoko ng gulo," I assured them.Ngunit nagpatuloy pa rin sila sa paghihimutok. Napailing na lang ako at napabaling kay Lance. He looked mad and frustrated at the same time. Sa dami ng emosyon na nakikita ko sa mukha niya ay hindi ko na alam kung ano ba ang mas nangingibabaw.Sa isang iglap ay natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakakulong sa matitipuno niyang bisig. Mahigpit ang pagkakayakap niya sa 'kin na tila ba ayaw na niya kong pakawalan.Nakarinig ako ng sunod-sunod na pagsinghap. Gusto ko siyang itulak palayo dahil mas lalo lang niyang pinalalala ang sitwasyon, pero hindi ko naman magawa. Natulos lang ako sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa kawalan.Anong nangyayari?Bakit umabot sa ganito?"Sorry. I'm late. I promise that it won't happen again. From now on, I'll protect you," he whispered.Hindi ako naniniwala sa pangako. Dahil lahat ng naipangako sa 'kin ng mga taong mahalaga sa buhay ko ay hindi naman natupad.Pinaniwala lang nila ko sa mga bagay na wala namang kasiguraduhan.But I don't know what's with Lance's words that urge me to believe in it.I want to believe in promises. Again.-----Days passed. I don't know when, how and why. It simply happens. That I, myself, haven't even noticed it. All I know is that, I just woke up one day with my heart beating so fast. Not by the first one who caught my attention. But by that someone who first catch my heart."From now on, I'll protect you."Those words. The words that kept on replaying in my mind.Then that hug. It's been a long time, but it seems like it's just happened yesterday. Cause that mushy feeling was still there. When his warm skin touched my soft body. It's just...Overwhelming.As of now, I'm really, really confused. I'm new to this. I don't even have a single idea on how to deal with this.Ramdam ko rin na gustong-gusto na kong tanungin nina Mia at Kim sa kung ano ba ang nangyayari. Pero lihim kong ipinagpapasalamat na nanatili lang silang tahimik.Dahil sa totoo lang, kahit ako ay hindi ko alam ang sagot sa tanong na alam kong maaari nilang ibato sa 'kin.Magmula ng maging malapit kami ni Lance, alam ko na posibleng mangyari ang mga gano'ng senaryo. Alam ko rin na maaaring maging magulo ang dati ay tahimik kong buhay. Sa dami ba naman ng nagkakagusto sa kanya.Pero hindi ko pa rin nagawang pigilan ang sarili ko.'Yon nga lang, nang dahil sa nangyari ng araw na 'yon sa canteen ay mas lalong gumulo ang lahat. Lalong naghinala ang mga tao sa paligid namin at mas lalong kumalat ang usap-usapan tungkol sa 'ming dalawa.Kaya humantong ako sa isang desisyon. Tanging pag-iwas lang sa kanya ang naisip kong solusyon. Na dapat noong una pa lang ay ginawa ko na. Hindi na sana humantong sa ganito kakomplikadong sitwasyon ang lahat.Natigil ako sa pag-iisip ng biglang tumunog ang phone ko.Inabot ko ito sa ibabaw ng mesa ko. Pina-ilaw ko ito at nakitang may isang mensahe na dumating.Nagdalawang-isip pa kong buksan ito. Pero sa bandang huli ay binasa ko na rin.Lance:Hey. Just wondering. Why do you keep on ignoring me this past few days? Have I done something wrong?Pagkabasa ko ng mensahe niya ay pinatay ko ng muli ang ilaw ng phone ko at ibinalik ito sa pinaglalagyan kanina. Halos isang linggo na rin akong hindi nagre-reply sa mga text at chat niya. Hindi ko na rin kasi alam kung ano ang sasabihin ko.Indeed, he did something wrong.In my heart.I sighed. Lance is too perfect for me. Guwapo, mabait, matalino, masipag, at magaling kumanta. He was even doing better in sports.Samantalang ako ay exact opposite ng lahat ng 'yan. In short, hindi bagay sa isang katulad niya.Dahil ayaw akong dalawin ng antok ay napagpasyahan kong bumaba sa kusina para uminom ng tubig. Nagulat pa ko ng maabutan ko si Mama na nag-aayos ng kung anong papeles sa mesa. Sinamsam niya ang mga ito bago tumayo.Halata rin ang gulat sa kanya nang makita ako sa hamba ng pinto. "Oh, Shane. Nakakagulat ka namang bata ka. Bakit gising ka pa?"Lumapit siya sa 'kin at ngumiti. She looks tired and yet, she still managed to let out a smile.Hanga talaga ko sa sipag at dedikasyon na ibinibigay ni Mama sa trabaho niya. Alam kong ginagawa niya ang lahat para mabigyan lang kami ng magandang buhay. No words can express how thankful I'm to have a mother like her."Hindi po ako makatulog, eh. Saka nauhaw po ako."She patted my head. "Sige. Pagkatapos ay matulog ka na, hah?" She leaned forward and kissed my forehead before she go.Pagkaalis niya ay dumiretso na ko sa ref para kumuha ng maiinom. Pero muntikan ko ng maibuga ang tubig na nainom ko ng may biglang nagsalita."Alam ko ang nangyayari sa 'yo sa school, Ate. Kahit magkaiba tayo ng schedule at year level ay umaabot sa 'kin ang mga balita tungkol sa 'yo at sa team captain ng basketball team ng mga seniors. Hindi kita tatanungin tungkol do'n. I just want you to know that I'm here, willing to listen. Hindi rin ako pala-away na tao. Pero sa oras na makarinig ako ng hindi magandang salita laban sa 'yo, I swear, I will bring myself to the guidance office for the first time."Natigilan ako at dahan-dahan siyang nilingon. Pero tanging ang likod na lang niya ang sumalubong sa 'kin, hanggang sa tuluyan ng lamunin ng dilim ang bulto niya.Hindi ko napigilan ang mapangiti. Behind his behave and good image is my protective brother."I'll do the same, Clark. I'll do the same to you."Chapter 5"Shane! Teka lang! Sabay na tayo!''Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang malakas na pagtawag sa 'kin ni Ralph. Nilingon ko siya at hinintay na makalapit sa 'kin.Hinihingal na tumigil siya sa harap ko. Pagkatapos ay inilagay niya ang dalawang kamay sa magkabilang tuhod. Mukhang kanina pa niya ko hinahabol. Bakit hindi niya kaagad ako tinawag?"Ayos ka lang ba?" tanong ko sa kanya sabay punas ng namuong pawis sa noo ko. Nakatigil kasi kami ngayon sa field kung saan ay damang-dama namin ang init ng sikat ng araw na tumatama sa 'min.May mangilan-ngilan namang estudyante ang napapadaan, pagkatapos ay nagbubulungan. Habang ang iba naman ay tila toro na umuusok ang ilong habang masamang nakatingin sa 'kin.Bakit nga naman hindi? Kasama ko lang naman ang tinagurian nilang campus prince. Habang si Lance naman ang campus heartthrob.Ipinagsawalang bahala ko na lang ang atensyon na ibinibigay sa 'min ng mga t
Chapter 6Pagkarating ko sa bahay namin ay kumain muna ko bago dumiretso ng kuwarto. Pero bago pa man ako tuluyang umakyat ay sinigurado ko muna ang pagkakasara ng pinto at mga bintana. Ako pa lang kasi mag-isa ang nandito.Marahil ay nag-overtime na naman si Mama. Habang si Clark naman ay nag-text sa 'kin na may tatapusin lang daw silang activity sa bahay ng kaklase niya.Hanggang sa makaupo ako sa ibabaw ng aking kama ay iniisip ko pa rin 'yong tungkol sa ginawang paghatid sa 'kin ni Lance.Nasa'n kaya ang nobya niya at hindi ko ata nakita buong araw kanina?Napailing ako bago nahiga. Ipipikit ko sana ang mga mata ko nang may bigla akong naalala.Mabilis akong napaupo at agad na hinagilap sa loob ng bag ko ang papel na ibinigay ni Ralph sa 'kin kanina.Marahan ko itong binuksan bago sinimulang basahin. Hindi naman mahaba ang nakasulat dito pero sapat na para matigilan ako.Shane,I just wanted you to
Chapter 7Halos dalawang linggo na ang nakalilipas magmula ng banggitin niya ang salitang 'yon. Gano'n katagal na rin niya kong sinusundo at hinahatid papasok at pauwi mula sa school.Noong una ay tutol ako sa gusto niyang mangyari. Pero ako na lang ang napagod sa pagsuway at pagtaboy ko sa kanya. Kahit anong pagmamaldita at pagtataray rin kasi ang gawin ko ay tila wala namang epekto sa kanya. Tingin ko nga ay mas lalo pa siyang nag-e-enjoy kapag gano'n.Kasalukuyan kaming nandito nila Mia at Kim sa canteen. Kanina pa sila nagdadaldalan sa tabi ko habang ako naman ay paunti-unti lamang na sumusubo ng spaghetti ko.''Girls, may tsismis ako!'' mahinang tili ni Kim."Ano 'yon?" excited na tanong ni Mia at umusog pa lalo palapit kay Kim.Ako naman ay nagpatuloy lang sa pagkain kahit wala akong gaanong gana. Mas may mapapala pa kasi ako rito kaysa makinig sa kung anumang pag-uusapan nila.''May nakarating sa 'king balita na m
Chapter 8Dalawang araw na rin ang lumipas magmula ng naging usapan namin ni Lance sa park. Mukhang okay naman na siya pero alam ko na mayroon pa ring mali. Paniguradong binabagabag pa rin siya ng mga sinabi ko tungkol sa kagustuhan niyang ipakilala ako sa pamilya niya.I sighed. What to do? Hanggang ngayon kasi ay nakokonsensya pa rin ako nang dahil sa mga sinabi ko.Naglalakad ako ngayon papuntang library. Pero natigilan ako nang may biglang tumawag sa 'kin.Paglingon ko sa kanan ay namataan ko ang pinsan ni Lance. Tumatakbo siya papunta sa direksyon ko."Hi, Shane!" nakangiting bati niya sa 'kin ng makalapit.Tipid ko naman siyang nginitian. "Hi!""May itatanong lang sana ako sa 'yo. I hope you don't mind." She bit her lower lip.Kumunot ang noo ko. "Ano 'yon?"Napakamot siya sa batok bago magsalita. "May naging alitan ba kayo ni Lance? No'ng makauwi kasi siya last Friday hanggang ngayon ay sobrang t
Chapter 9Lance's POVHindi mapakaling bumaba ang tingin ko sa suot na relong pambisig. Halos bente minutos na kong naririto at sa pagpatak ng bawat minuto ay mas lalo akong nakakaramdam ng kaba.Bigla ko tuloy naalala 'yong araw ng Sabado na pumunta kami rito. It was one of the happiest moments in my life. Kung puwede ko nga lang sanang hindi na bitiwan 'yong kamay niya no'ng panahon na nahawakan ko ito ay ginawa ko na.Malalim akong humugot ng buntong hininga at napatingin sa malakas na buhos pa rin ng ulan. Nang dahil dito ay na-cut tuloy ang klase namin. Kung kaya naman ay maaga na kaming pinauwi.Ngunit kasalukuyan akong nandito sa loob ng clubhouse ng subdivision kung saan nakatira si Shane para makasilong. Katabi lang ito ng park na pinuntahan namin no'ng nakaraang Sabado.May usapan kasi kami ni Shane na magkikita kami rito. Sinabi ko naman kanina sa kanya na sabay na lang kami pumunta rito pero sinamaan niya ko ng tingin
Chapter 10Naalimpungatan ako nang dahil sa ingay na naririnig ko mula sa labas ng kuwarto ko.''Ikaw na ang gumising sa kanya, iho. Ewan ko na lang kung hindi pa siya bumangon kaagad,'' masaya ang boses na sabi ni Mama.Gusto ko sanang buksan ang mga mata ko. Pero antok na antok pa talaga ko. So I just ignored it.''Baka po kasi magalit siya sa 'kin. Hindi pa nga po niya alam na kilala n'yo na po ko, eh,'' sagot ng isang pamilyar na boses.Pero hindi naman 'yon boses ni Clark. Kumunot ang noo ko. Sino kaya ang lalaking 'yon?Mayamaya lang ay nakarinig na ko ng sunod-sunod na katok sa labas ng pinto.''Shane! Bumangon ka na riyan! Anong oras na!'' malakas na sigaw ni Mama.Iminulat ko ang kanang mata ko para sulyapan ang alarm clock sa ibabaw ng mesa.Alas otso pa lang ng umaga at Sabado naman ngayon. Can't I have a break?''It's just eight o'clock in the morning. I'll get up later. Let me
Chapter 11"Ayos ka lang? Anong tinitingnan mo riyan?"Napaayos ako ng upo at napahawak sa kaliwang dibdib ko, nang dahil sa paglingon ko ay bumungad sa 'kin ang napakalapit na mukha ni Mia."Ano ba? Wag ka ngang nanggugulat!" Napanguso siya bago umayos ng upo. "Ang weird mo kasi. Kanina ka pa nakatingin sa labas. Ano bang mayroon diyan?"Napailing na lang ako nang sumiksik pa siya sa puwesto ko para makisilip sa bintana.Malakas pa rin ang buhos ng ulan sa labas. Kaya naman ay hindi ko napigilan ang mapatitig dito.Ngunit dahil dito ay cut na naman ang klase namin ngayong araw. Binabaha kasi ang ibang parte ng school lalo na 'yong malapit sa kanal. Matagal na itong problema rito. Pero magtatapos na lang ako at lahat ay hindi pa rin nila ito nagagawang solusyunan.Umuwi na ang iba sa mga kaklase namin. But Lance and I were still here in our classroom with our friends.Noong una ay awkward sa pakir
Chapter 12Isang nakakainip at nakakatamad na hapon ng Biyernes. Kasalukuyan kaming nandito ngayon sa gym para sa PE class namin.Bagot na inihipan ko ang ilang hibla ng aking buhok na tumabing sa 'king mukha.Gusto ko na talagang umuwi.Bukod kasi sa hindi kami magkasundo ng kahit anong klase ng sports o physical activity, sumasakit pati ang mga mata ko sa tuwing nakikita ko ang ilan sa mga babaeng estudyante rito na nagpapapansin sa boyfriend ko.''Jealous?'' Mia whispered behind me.I shook my head slightly. ''Of course not, why should I?'' I put the back of my palm under my chin.Liar''Oh. You're not? Kaya pala kanina pa masama ng tingin mo sa kanila.''Nilingon ko siya. Nakanguso naman niyang tinuro ang nasa harapan namin.Muli kong ibinalik ang atensyon ko sa unahan, kung saan nakapila ang lahat ng mga kaklase naming lalaki.Basic moves sa basketball ang PE namin ngayon at
EpilogueSix years later...Lance's POVMataman kong tinititigan ang babaeng nakahiga sa tabi ko ngayon at nakaharap sa direksyon ko. I smiled at the sight of her beautiful face and just by looking at her, it never fails to make my heart beat faster than the normal.I lifted my hand and softly caressed her cheek. Sa loob ng anim na taon ay iba pa rin ang epekto niya sa 'kin. Sa tuwing tinitingnan ko siya, pakiramdam ko ay 'yon pa lang ang unang beses na nakita ko siya.Hindi ko naman napigilan ang matawa nang bigla na lang siyang humilik. Mukhang ang himbing-himbing pa rin ng tulog niya. Sabagay, paano ba namang hindi mahihimbing, eh, halos madaling araw na rin kaming nakatulog kanina.I grinned from the memory of what happened last night.I was about to move closer to her and pressed my lips on her lips when suddenly, the door in our room opened.Agad akong napaayos ng upo. I put my index finger on my lips
Chapter 57Lance's POV"Will you be fine here? God! Have you even seen yourself in a mirror? You looked like a mess, man!"Hindi ko pinansin at tinapunan man lang ng tingin si Xander. Mahigpit na hinawakan ko lang ang kamay ni Shane at dinala 'to sa pisngi ko."Wifey, gumising ka na, please. Huwag mo naman akong pag-alalahanin ng ganito."Halos dalawang oras din siyang nasa loob ng operating room kanina. And God knows how scared I am while waiting outside, hoping that everything will end out fine.Agad namang dumating ang mga magulang namin nang malaman nila ang nangyari. Kasalukuyan silang kumakain ngayon dahil halos wala pa rin silang kain nang dahil sa sobrang pag-aalala.I heard Xander sighed. "Don't worry. Ako na ang bahalang maglakad sa kaso ng mag-amang 'yon. I have a friend and he's a good lawyer. He can surely help us."Agad na nagtagis ang bagang ko nang dahil sa narinig. "Make sure that they will
Chapter 56Lance's POV"Have you tracked him already?" I asked Andrei, Xander's friend, impatiently.He looked up before turning his attention on his laptop again. "Just one more minute," seryosong sagot niya habang mabilis na tumitipa sa keyboard.Xander patted my shoulder. "Don't worry. This friend of mine is definitely a good one when it comes with tracking someone and other such related stuff."Napahawak na lang ako sa batok ko, bago napatango.Habang naghihintay ay napatingin ako kina Chloe at Ralph na tahimik lang na nakaupo sa mahabang sofa. I was about to talk to them when the door suddenly opened.Humahangos na pumasok ang mga magulang ni Shane mula ro'n, pati na rin ang kapatid niya."May balita na ba kung nasaan si Shane?" Tita asked worriedly.Napatiim bagang ako. "Tina-track na po namin ang location ni Dylan. Good thing he didn't throw nor leave his phone away from him, since we put a
Chapter 55Shane Chrystelle's POVNagising ako nang dahil sa ingay na nagmumula sa phone ko. Dahil inaantok pa ay nakapikit ang mga matang kinapa at kinuha ko 'to mula sa bedside table."Hello?" Napahikab ako at napaayos ng higa.Nang dahil sa dami ng mga nangyari kahapon ay naging mailap ang antok sa 'kin kagabi. A lot of questions are still wandering in my mind. At sumakit lang ang ulo ko sa pag-iisip ng sagot. Kaya naman ay halos magliliwanag na ng makatulog ako kanina."Oh. Did I wake you up, sweetie?"Napamulat ako ng mga mata nang marinig ko ang boses ni Mama sa kabilang linya."Hey, Ma. Yeah. I just woke up. Is there a problem?"Bumangon na ko at agad na hinarang ko ang kanang braso sa mga mata ko nang tumama ang sinag ng araw sa mukha ko.I frowned. Did he just come here again?Napailing na lang ako. Ang tigas talaga ng ulo ng lalaking 'yon.Mahina siyang natawa. "Oh, noth
Chapter 54Shane Chrystelle's POV"Tungkol saan pala ang pag-uusapan natin?" mahinang tanong ko kay Ralph, bago sumimsim ng kape. Medyo masakit pa rin kasi ang ulo ko kaya kailangan ko rin 'to ngayon.Nang hindi siya umimik ay nag-angat ako ng tingin. I was taken aback when I saw him looking at me so intently."What?"Ilang segundo niya pa kong tinitigan nang matiim, bago siya humugot ng malalim na hininga at marahas na ibinuga 'yon."Matagal ko ng gustong sabihin sa 'yo 'to. Pero nitong mga nakaraang taon, nakita kong okay ka naman na kaya mas pinili ko na lang na manahimik. But because of what's happening right now, I think you really deserve to know about it. Though I don't have any idea if this information will affect you positively or negatively."Hindi ko alam kung bakit tila tinambol ang puso ko nang dahil sa kaba. Sa kanilang dalawa ni Dylan ay kay Ralph na lang ako may tiwala ng buong-buo. At hindi ko alam
Chapter 53Shane Chrystelle's POVDahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata nang bigla kong maramdaman ang pagkirot ng sentido ko.Pupungas-pungas akong bumangon. Pakiramdam ko ay tila dinuduyan ako nang dahil sa pagkahilo.Wala sa loob na napatungo ako habang sapo ang ulo ko. But my eyes widened in horror when I noticed that I am not wearing anything!Then suddenly, I felt someone move beside me. Kinakabahan kong nilingon kung sino man ang walang hiya na nanamantala sa 'kin kagabi.Pero napanganga na lang ako nang bumungad sa 'kin ang bagong gising na si Lance. Nag-inat pa siya na tila wala lang. I was trying really, really hard to focus my eyes on his face because I know that I can see a sinful view down there.Oh lord. I need guidance.Wala naman sigurong nangyari, right? Wala naman siguro...Shit! Mariin akong napapikit nang bigla kong maramdaman ang pagsigid ng kirot sa pagkababae ko.
Chapter 52Lance's POVIlang minuto na rin ang lumipas magmula ng talikuran ako ni Shane at ng mapagdesisyunan kong sundan at hanapin siya.While walking and searching, I saw Xander strides towards me."Hey, man. Looking for someone?"I nodded as I continued to roam my eyes. "Yeah. Have you seen Shane?""Oh. Yes. Nando'n siya sa bar counter kanina. I suggest you better go there already. She seems drunk when I saw her."Mabilis akong napalingon sa direksyon na sinabi niya. Bigla kong binalot ng pag-aalala.I tapped Xander's shoulder. "Thanks, man.""No problem."That made me smile. Xander has been a good friend of mine. Siya ang naging pinakamalapit kong kaibigan no'ng nasa Canada pa ko at napagsabihan ko ng tungkol sa 'min ni Shane. Little did I know na kakilala rin niya pala 'to dahil naging magkaklase sila no'ng elementary. He even confessed that he used to have a crush on her.
Chapter 51"Is this really necessary, Ma?"I looked up at her from the mirror in front of me. Kasalukuyan akong inaayusan ng tinawagan niyang hair stylist, dahil katatapos lang akong lagyan ng make-up ng kaibigan niyang make-up artist.Nandito ako ngayon sa mansyon dahil mas maigi raw na rito ako ayusan kaysa sa unit ko.Like, seriously? For all I know it's just a socialite party that I'm attending to! Paniguradong magyayabangan lang ang lahat ng mga dadalo ro'n para ibida ang kanya-kanya nilang negosyo.Napatayo siya at malapad na ngumiti. "Of course, sweetie. This is your first time to attend such event. Kaya kailangan nating paghandaan maigi."Hindi na lang ako muling umimik pa. Dahil paniguradong hahaba na naman ang usapan.Pero sa totoo lang, kahit papaano ay gusto ko rin naman ang kinalabasan ng pag-aayos na ginawa sa 'kin. Habang nakatitig kasi ako sa harap ng salamin, pakiramdam ko ay ibang tao ang nakikita
Chapter 50Shane Chrystelle's POVDahan-dahan kong ipinarada ang sasakyan ko sa tapat ng mansyon, bago mabilis na lumabas at diretsong tinahak ang pinto para mag-doorbell.Hindi naman nagtagal ay agad na bumukas ang pinto sa harap ko."Ma'am Shane! Kayo po pala. Magandang umaga ho." Gulat pero nakangiting bungad sa 'kin ng mayordoma na si Manang Fely. Agad naman niyang niluwangan ang pagkakabukas ng pinto."Good morning din po." Tipid ko siyang nginitian. "Nasaan po sina Papa?" I roamed my eyes as I made my way inside the mansion."Nasa kusina po sila. Tamang-tama at kumakain po sila ng agahan ngayon."Napatango naman ako. "Sige po. Puntahan ko lang po sila.""Sige po. Maglilinis lang po muna ko sa hardin. Ahm, Ma'am Shane?"Napalingon ako sa kanya. "Bakit po?""Masaya po akong makita kayo ulit dito," nakangiti niyang aniya, bago tuluyang tumalikod at naglakad palayo.Napangiti ri