Chapter 6
Pagkarating ko sa bahay namin ay kumain muna ko bago dumiretso ng kuwarto. Pero bago pa man ako tuluyang umakyat ay sinigurado ko muna ang pagkakasara ng pinto at mga bintana. Ako pa lang kasi mag-isa ang nandito.Marahil ay nag-overtime na naman si Mama. Habang si Clark naman ay nag-text sa 'kin na may tatapusin lang daw silang activity sa bahay ng kaklase niya.Hanggang sa makaupo ako sa ibabaw ng aking kama ay iniisip ko pa rin 'yong tungkol sa ginawang paghatid sa 'kin ni Lance.Nasa'n kaya ang nobya niya at hindi ko ata nakita buong araw kanina?Napailing ako bago nahiga. Ipipikit ko sana ang mga mata ko nang may bigla akong naalala.Mabilis akong napaupo at agad na hinagilap sa loob ng bag ko ang papel na ibinigay ni Ralph sa 'kin kanina.Marahan ko itong binuksan bago sinimulang basahin. Hindi naman mahaba ang nakasulat dito pero sapat na para matigilan ako.Shane,I just wanted you to know that I like you. But my feelings for you is not that deep enough to pursue you.Open your mind and your heart. Because somewhere out there is him, the one who truly cares for you from the very start. Someone that you deserve. He may not tell it to you by his words, but I know that he never fails to make you feel it through his actions.Just feel and hear out the beating of your heart. It will never lie to you.RalphKanina ko pa tapos basahin 'yong sulat pero hanggang ngayon ay nakatitig pa rin ako rito.Sino kaya ang tinutukoy niya?Inilapat ko ang kanang kamay sa kaliwang dibdib ko. Nakasaad sa sulat na gusto niya ko. Pero bakit...Bakit wala akong nararamdaman.-----Ilang minuto na kong nakatayo at nakatitig sa harap ng salamin. Pakiramdam ko kasi ay tila may kulang.Mayamaya lang ay natagpuan ko ang sarili na naglalagay ng pulbos at lipstick. Nang matapos ay muli kong pinasadahan ng tingin ang sarili.I let out a contented smile. Bahagya pa kong tumagilid para tingnan ang dulo ng buhok ko na naisipan kong kulutin.When I'm finally satisfied with my looks, I get my things on top of my bed and go already.Pagkasakay ko ng jeep ay muli kong tiningnan ang sarili sa maliit kong salamin. Pakiramdam ko ay haggard na agad ako nang dahil sa polusyon sa paligid at init ng panahon. Muli sana akong maglalagay ng polbo ng may maalala. Kusa akong natigilan ng dahil doon.Ano ba naman, Shane? Bakit ka ba nagpapaganda? Dati naman ay wala kang pakielam kahit ano pa ang hitsura mo!Naiiling na itinago ko sa bag ang maliit at bilog na salamin. Hanggang sa makababa ako ng jeep ay medyo lutang pa rin ang isip ko.Hindi na maganda 'to.Binabaybay ko na ang kanto pakanan papunta sa school namin ng bigla akong matigilan dahil sa nakita.Mabilis na nag-iwas ako ng tingin bago pa magtama ang mga mata namin. Taas noo akong nagpatuloy sa paglalakad at nilampasan siya.I don't want to assume, but I can feel his presence behind me. Mukhang kanina pa siya naghihintay sa kanto. Pero bakit ngayon lang siya papasok? Did he wait for me?Biglang tinambol ng kaba ang dibdib ko dahil sa naisip. Mabilis ang tibok ng puso ko na tila nagwawala sa loob."Lance!"Awtomatikong tumigil ang mga paa ko sa paglalakad. Natulala rin ako nang biglang bumungad sa 'king paningin 'yong babaeng kumausap kay Lance no'n.Sinulyapan niya ko bago nakangiting nilampasan upang salubungin si Lance na nasa likod ko.Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong nakaramdam ng inis. Sa pagkakataong ito ay mas binilisan ko pa ang paglalakad.Pero agad akong natigilan nang marinig na may tumawag sa 'kin. Kunot noo akong lumingon."Shane!''Mas lalong kumunot ang noo ko nang makita 'yong babae na sumalubong kay Lance. Nakangiti siyang kumakaway sa 'kin ngayon. Habang si Lance naman ay napapakamot sa batok."Yes?" alanganin kong tanong. Nanlaki naman ang mga mata ko nang may maalala.Hindi kaya nalaman niyang hinatid ako ni Lance kahapon at nandito siya ngayon para sugurin ako?But why is she smiling?Naglakad siya palapit sa 'kin. Nagulat pa ko nang bigla niyang ilahad ang kanyang kanang palad sa harap ko.''Hi, Shane! By the way, I'm Shirley. Shirley Buenavista.''Sinulyapan ko si Lance na tila hindi mapakali sa isang tabi. Sabagay, kung ako rin ang boyfriend ng babaeng 'to ay baka gano'n din ang maramdaman ko.Tiningnan ko lang 'yong kamay niya. "Paano mo nalaman ang pangalan ko?"Pero mukhang hindi siya natinag ng pagtataray ko. Nakangiti pa niyang ibinaba ang kanyang kamay.''It seems like you don't know me. Hindi pa siguro ako nabanggit ng pinsan ko sa 'yo." Sinamaan niya ng tingin si Lance na nasa tabi niya ngayon at nakahawak sa magkabila niyang balikat. Tila gusto na niya itong paalisin.Napakurap naman ako nang dahil sa isang salita na sinabi niya.Muli siyang bumaling sa direksyon ko. "Can't you still recall it? My surname is Buenavista.'' She crossed her arms.Shirley Buenavista. Pinsan. Shit!My eyes widen as the realization hit me. Ang slow ko talaga! ''Pinsan ka talaga ni Lance?"Napapalakpak pa siya. "Yes! Anyway, it's so nice to finally meet you. I got your name on Lance. Madalas ka kasi niyang ikuwento sa 'min, eh."Natigilan ako. "Nababanggit niya ko sa inyo?" hindi ko makapaniwalang tanong."Ate Shirley!" Napatingin ako kay Lance na namumula na ngayon ang tainga. Hindi naman siya pinansin ng pinsan niya at nagpatuloy."Oo. Palagi ka niyang binabanggit. That's why we became more curious to know who you are. Pero dahil mukhang walang balak ang pinsan ko na ipakilala ka sa 'min ay ako na ang kusang lumapit sa 'yo ngayon."Naguguluhan pa rin ako sa nangyayari. "Pero bakit naman niya ko ikukuwento sa inyo?"Natampal niya ang noo. "Hindi mo pa rin ba alam?"Tumaas ang kilay ko. Pilit kong kinakalma ang sarili kahit na ang totoo ay ang daming gumugulo sa 'kin ngayon. "Alam ang alin?"Bago pa man siya makasagot ay nahila na siya ni Lance palayo.Natulala na lamang ako habang sinusundan sila ng tingin.Bakit pakiramdam ko ay maraming alam ang ibang tao tungkol sa 'kin na wala man lang akong katiting ni ideya?Hanggang ngayon nga ay iniisip ko pa ang tungkol sa sulat ni Ralph. Tapos dadagdag pa ang makahulugang sinabi ng pinsan ni Lance.Ano ba talagang mayroon?-----Ngayong araw na ito ay tahimik lamang ako buong klase. Sa pagkakataong ito ay mas gusto kong titigan ang mga puno sa labas, kaysa sa mga lectures na nakasulat sa harap.Natauhan lang ako nang marinig ko na ang tunog ng bell. Sa wakas at break time na. Ikakain ko na lang siguro 'to. Palabas na sana ko ng pinto ng bigla akong tawagin ni Ralph."Hindi muna kami makakasabay kumain ngayon. May kailangan lang kaming asikasuhin," nakangiti niyang aniya.Napatango lang ako bago dire-diretso na naglakad palabas. Naabutan ko naman sina Mia roon na naghihintay sa 'kin.Paalis na sana kami nang bigla akong matigilan. Narinig ko kasi na may tumawag sa pangalan niya.Hindi ko na lang sana ito papansinin. Kaya lang ay masyadong tsismosa itong dalawa na kasama ko kaya napatingin na rin ako sa pinagmulan ng boses.''Hi, Lance!'' sabay-sabay na sigaw ng apat na babae mula sa katapat naming seksyon.Napatingin ako sa likod ko. Kaya pala. Halos kasabay lang namin ang loko.Binigyan niya ng tipid na ngiti 'yong mga babae. Pero halata namang pilit lang.Napangisi naman ako. Hindi ba obvious sa kanila na hindi sila type no'ng tao? Well, it's their problem anymore and not mine.Sa pag-iwas ko ng tingin ay dumako naman ang atensyon ko sa katabi naming classroom. May mga babae rin na nakatambay roon. Hindi sila nagpapapansin pero tila hinuhubaran nila si Lance sa paraan ng pagtitig nila. May pagkagat labi pa!Napailing na lang ako. Mukhang maraming babae ang handa magkasala para sa lalaking 'to."Tara na! Nagugutom na ko!" Hinila ko na sina Mia at Kim palayo. Mukhang wala pa kasi silang balak umalis.Sa paglipas ng oras ay namalayan ko na lang na uwian na. Muli ay nagmamadali na namang nagpaalam sa 'kin ang dalawa.Tumaas ang kilay ko. Saan ba talaga sila pumupunta ng ganitong oras?Nagpalipas lang ako ng ilang minuto bago ako tuluyang lumabas. May kung ano kasing nagdidikta sa 'kin na sundan silang dalawa.Maingat ang naging bawat hakbang ko. Nagbigay rin ako ng sapat na distansya sa pagitan namin para hindi nila ko mahalata. Pero sakto lang para matanaw ko pa rin sila.Napahinto ako nang huminto rin sila at agad na nagtago sa natapatan kong gusali. Nandito kami ngayon sa pinakadulong bahagi ng school. Pasado alas singko pa lang ng hapon. Pero kahit gano'n ay medyo dumidilim na rin ang paligid at nagsimula ng bumukas ang mga ilaw sa poste.Ngunit nanlaki na lang ang mga mata ko ng may lalaki na biglang humila kay Mia at hinalikan siya. Agad na nagpaalam si Kim sa dalawa at tumungo naman sa isang building na hindi na gaanong nagagamit.Habang sina Mia at 'yong lalaki naman ay magkahawak kamay na tinungo ang bakod at ekspertong inakyat ito. Sa pagkakaalam ko ay may abandonadong bahay roon.What the hell?Agad na bumalik ako sa wisyo ng maalala si Kim. Mabilis ngunit tahimik kong tinungo 'yong pinuntahan niyang gusali.Nagsisimula ng mamuo ang mumunting pawis sa 'king noo dahil sa pinaghalong kaba at init ng paligid. Tanging ang tunog ng pumapagaspas na dahon mula sa matatayog na puno lang ang maririnig.Nalibot ko na ang ika-una at ikalawang palapag, pero wala pa rin akong nakikita na kung ano. Kahit nag-iikot na guwardiya ay wala. Malamang ay mayamaya pa sila mapapapunta rito.Hanggang sa marating ko ang ikatlong palapag.Kasabay ng pag-ihip ng malakas at malamig na hangin ay kusang tumigil ang mga paa ko nang dahil sa narinig na mahihinang pagdaing.Ramdam ko ang biglang pananayo ng mga balahibo ko. Para akong nasa shooting ng isang horror movie.Kakaripas na sana ko ng takbo ng muli kong marinig ang isang halinghing. Mas malakas at malinaw kumpara sa una kong narinig."Aaaah! Shit! Faster, Mike!"Napako ako sa kinatatayuan at nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat.Pilit kong pinapagalitan ang sarili na wag ng tumuloy. Pero tila may sariling buhay ang mga paa ko at nagpatuloy lang sa paglalakad.Hanggang sa marating ko ang pinakahuling silid sa palapag na 'to.Napalunok ako habang dahan-dahang sumisilip sa bahagyang nakaawang na pinto.Then there I saw Kim with a man on top of her! Nakabukas ang butones ng kanyang suot na blusa at nakataas ang laylayan ng kanyang palda, habang ang lalaki naman ay bahagyang nakababa ang suot na slacks.I was about to scream when suddenly, a pair of strong arms engulfed me with a hug and covered my mouth with his hands.Magpupumiglas pa sana ko ng sa pag-angat ko ng tingin ay sinalubong ako ng kanyang kulay brown na mga mata.He put his index finger on his lips, silencing me. Napatango naman ako kaya dahan-dahan na niya kong pinakawalan.Maingat na tinahak namin ang daan pababa at palabas ng gusali. Doon lang ako tuluyang nakahinga ng maluwag."Si K-Kim," nauutal kong sabi. Pakiramdam ko ay mas nakakatakot pa ang nasaksihan ko kaysa sa naramdaman kong kilabot."I know. This is not the first time that I saw them."Gulat na napaangat ako ng tingin sa kanya. "What? Don't tell me, you're also following them?"Sunod-sunod siyang napailing. "What? No! Nagkataon lang na nakita ko sila ng maiwan ako rito isang beses. Naisipan ko lang puntahan ang lumang building na 'yan no'n dahil hinahanap ako ni Ate Shirley at pinagtataguan ko naman siya." Napakamot siya sa batok."Tapos ayon na nga. Nakarinig ako ng mga ungol. Akala ko rin no'ng una ay multo. Pero 'yon pala ay higit pa sa multo."Nagdududa ko siyang tiningnan. "Eh, bakit nando'n ka kanina? Saka hindi mo sila sinusumbong sa guidance?""Ikaw ang sinundan ko dahil nakita kitang nagmamanman sa kanila." Malalim siyang napahugot ng hininga bago ngumiti. "Hindi ko sila sinumbong dahil kaibigan mo sila."Napakurap ako. Hindi ko inaasahan ang naging sagot niya."Ano naman kung kaibigan ko sila?"Matiim niya kong tinitigan. Unti-unti ring nawala ang kanyang ngiti. Sa isang iglap ay naging seryoso ang ekspresyon ng kanyang mukha.Halos kapusin naman ako ng hininga nang biglang tumibok ng mabilis ang puso ko.Nakabibinging katahimikan ang biglang dumaan. Pero nabasag 'yon ng mga salitang sunod niyang sinabi."Pinapahalagahan ko ang mga taong malapit sa 'yo dahil gusto kita."Chapter 7Halos dalawang linggo na ang nakalilipas magmula ng banggitin niya ang salitang 'yon. Gano'n katagal na rin niya kong sinusundo at hinahatid papasok at pauwi mula sa school.Noong una ay tutol ako sa gusto niyang mangyari. Pero ako na lang ang napagod sa pagsuway at pagtaboy ko sa kanya. Kahit anong pagmamaldita at pagtataray rin kasi ang gawin ko ay tila wala namang epekto sa kanya. Tingin ko nga ay mas lalo pa siyang nag-e-enjoy kapag gano'n.Kasalukuyan kaming nandito nila Mia at Kim sa canteen. Kanina pa sila nagdadaldalan sa tabi ko habang ako naman ay paunti-unti lamang na sumusubo ng spaghetti ko.''Girls, may tsismis ako!'' mahinang tili ni Kim."Ano 'yon?" excited na tanong ni Mia at umusog pa lalo palapit kay Kim.Ako naman ay nagpatuloy lang sa pagkain kahit wala akong gaanong gana. Mas may mapapala pa kasi ako rito kaysa makinig sa kung anumang pag-uusapan nila.''May nakarating sa 'king balita na m
Chapter 8Dalawang araw na rin ang lumipas magmula ng naging usapan namin ni Lance sa park. Mukhang okay naman na siya pero alam ko na mayroon pa ring mali. Paniguradong binabagabag pa rin siya ng mga sinabi ko tungkol sa kagustuhan niyang ipakilala ako sa pamilya niya.I sighed. What to do? Hanggang ngayon kasi ay nakokonsensya pa rin ako nang dahil sa mga sinabi ko.Naglalakad ako ngayon papuntang library. Pero natigilan ako nang may biglang tumawag sa 'kin.Paglingon ko sa kanan ay namataan ko ang pinsan ni Lance. Tumatakbo siya papunta sa direksyon ko."Hi, Shane!" nakangiting bati niya sa 'kin ng makalapit.Tipid ko naman siyang nginitian. "Hi!""May itatanong lang sana ako sa 'yo. I hope you don't mind." She bit her lower lip.Kumunot ang noo ko. "Ano 'yon?"Napakamot siya sa batok bago magsalita. "May naging alitan ba kayo ni Lance? No'ng makauwi kasi siya last Friday hanggang ngayon ay sobrang t
Chapter 9Lance's POVHindi mapakaling bumaba ang tingin ko sa suot na relong pambisig. Halos bente minutos na kong naririto at sa pagpatak ng bawat minuto ay mas lalo akong nakakaramdam ng kaba.Bigla ko tuloy naalala 'yong araw ng Sabado na pumunta kami rito. It was one of the happiest moments in my life. Kung puwede ko nga lang sanang hindi na bitiwan 'yong kamay niya no'ng panahon na nahawakan ko ito ay ginawa ko na.Malalim akong humugot ng buntong hininga at napatingin sa malakas na buhos pa rin ng ulan. Nang dahil dito ay na-cut tuloy ang klase namin. Kung kaya naman ay maaga na kaming pinauwi.Ngunit kasalukuyan akong nandito sa loob ng clubhouse ng subdivision kung saan nakatira si Shane para makasilong. Katabi lang ito ng park na pinuntahan namin no'ng nakaraang Sabado.May usapan kasi kami ni Shane na magkikita kami rito. Sinabi ko naman kanina sa kanya na sabay na lang kami pumunta rito pero sinamaan niya ko ng tingin
Chapter 10Naalimpungatan ako nang dahil sa ingay na naririnig ko mula sa labas ng kuwarto ko.''Ikaw na ang gumising sa kanya, iho. Ewan ko na lang kung hindi pa siya bumangon kaagad,'' masaya ang boses na sabi ni Mama.Gusto ko sanang buksan ang mga mata ko. Pero antok na antok pa talaga ko. So I just ignored it.''Baka po kasi magalit siya sa 'kin. Hindi pa nga po niya alam na kilala n'yo na po ko, eh,'' sagot ng isang pamilyar na boses.Pero hindi naman 'yon boses ni Clark. Kumunot ang noo ko. Sino kaya ang lalaking 'yon?Mayamaya lang ay nakarinig na ko ng sunod-sunod na katok sa labas ng pinto.''Shane! Bumangon ka na riyan! Anong oras na!'' malakas na sigaw ni Mama.Iminulat ko ang kanang mata ko para sulyapan ang alarm clock sa ibabaw ng mesa.Alas otso pa lang ng umaga at Sabado naman ngayon. Can't I have a break?''It's just eight o'clock in the morning. I'll get up later. Let me
Chapter 11"Ayos ka lang? Anong tinitingnan mo riyan?"Napaayos ako ng upo at napahawak sa kaliwang dibdib ko, nang dahil sa paglingon ko ay bumungad sa 'kin ang napakalapit na mukha ni Mia."Ano ba? Wag ka ngang nanggugulat!" Napanguso siya bago umayos ng upo. "Ang weird mo kasi. Kanina ka pa nakatingin sa labas. Ano bang mayroon diyan?"Napailing na lang ako nang sumiksik pa siya sa puwesto ko para makisilip sa bintana.Malakas pa rin ang buhos ng ulan sa labas. Kaya naman ay hindi ko napigilan ang mapatitig dito.Ngunit dahil dito ay cut na naman ang klase namin ngayong araw. Binabaha kasi ang ibang parte ng school lalo na 'yong malapit sa kanal. Matagal na itong problema rito. Pero magtatapos na lang ako at lahat ay hindi pa rin nila ito nagagawang solusyunan.Umuwi na ang iba sa mga kaklase namin. But Lance and I were still here in our classroom with our friends.Noong una ay awkward sa pakir
Chapter 12Isang nakakainip at nakakatamad na hapon ng Biyernes. Kasalukuyan kaming nandito ngayon sa gym para sa PE class namin.Bagot na inihipan ko ang ilang hibla ng aking buhok na tumabing sa 'king mukha.Gusto ko na talagang umuwi.Bukod kasi sa hindi kami magkasundo ng kahit anong klase ng sports o physical activity, sumasakit pati ang mga mata ko sa tuwing nakikita ko ang ilan sa mga babaeng estudyante rito na nagpapapansin sa boyfriend ko.''Jealous?'' Mia whispered behind me.I shook my head slightly. ''Of course not, why should I?'' I put the back of my palm under my chin.Liar''Oh. You're not? Kaya pala kanina pa masama ng tingin mo sa kanila.''Nilingon ko siya. Nakanguso naman niyang tinuro ang nasa harapan namin.Muli kong ibinalik ang atensyon ko sa unahan, kung saan nakapila ang lahat ng mga kaklase naming lalaki.Basic moves sa basketball ang PE namin ngayon at
Chapter 13Nakatungo ako habang naglalakad pabalik sa classroom namin. Galing kasi ako sa faculty ng Filipino department dahil may iniutos sa 'kin ang teacher namin na kuhaing folder.Iniisip ko pa rin 'yong mga sinabi ni Lance noong isang araw. Naniniwala naman ako na kaibigan lang talaga ang tingin niya kay Chloe.But still, that girl bothers me.Paliko na ko sa dulo ng hallway ng may biglang humarang sa 'kin. Awtomatiko akong napatigil sa paglalakad at nag-angat ng tingin.Speaking of the bitch.I just stare at her, while she was giving me a mocking look from head to toe, just like what she did when we first met.Ano na naman ba ang ginagawa ng babaeng 'to rito?Lalagpasan ko na sana siya dahil bukod sa wala kong oras sa kanya ay nagmamadali rin talaga ko.Pero muli akong natigilan nang bigla niya kong hinawakan sa braso at iniharap sa kanya.Napataas ako ng kilay at agad na binawi ko a
Chapter 14Kanina pa sumasakit ang ulo ko ng dahil sa Trigonometry class namin. Kung tutuusin ay mas madali naman ito kumpara sa Algebra no'ng sophomore year namin.But still.Bakit ba hindi na lang niya solusyunan ang sarili niyang problema? Pati tuloy ang walang kamalay-malay na nilalang na katulad ko ay nadadamay at nagkakaroon din ng problema.Mayroong anim na example ang nakasulat sa board ngayon. May hawak na index card si Sir Aguilar at kung sinuman ang mabunot niya rito ay siya niyang tatawagin.Kaya kanina pa rin ako tahimik na nagdadasal na sana ay hindi ako matawag.''Okay. That's correct. Very good Dela Cruz and Buenavista," nakangiting papuri sa kanila ni Sir.Wait. Ang bilis namang nasagutan nina Ralph at Lance 'yong una at pangalawang problem. How the hell did they solve that?Hindi naman nagtagal ay nagtawag ulit si Sir ng dalawa pa. Sa pangalawang pagkakataon ay pareho rin silang nakasagot
EpilogueSix years later...Lance's POVMataman kong tinititigan ang babaeng nakahiga sa tabi ko ngayon at nakaharap sa direksyon ko. I smiled at the sight of her beautiful face and just by looking at her, it never fails to make my heart beat faster than the normal.I lifted my hand and softly caressed her cheek. Sa loob ng anim na taon ay iba pa rin ang epekto niya sa 'kin. Sa tuwing tinitingnan ko siya, pakiramdam ko ay 'yon pa lang ang unang beses na nakita ko siya.Hindi ko naman napigilan ang matawa nang bigla na lang siyang humilik. Mukhang ang himbing-himbing pa rin ng tulog niya. Sabagay, paano ba namang hindi mahihimbing, eh, halos madaling araw na rin kaming nakatulog kanina.I grinned from the memory of what happened last night.I was about to move closer to her and pressed my lips on her lips when suddenly, the door in our room opened.Agad akong napaayos ng upo. I put my index finger on my lips
Chapter 57Lance's POV"Will you be fine here? God! Have you even seen yourself in a mirror? You looked like a mess, man!"Hindi ko pinansin at tinapunan man lang ng tingin si Xander. Mahigpit na hinawakan ko lang ang kamay ni Shane at dinala 'to sa pisngi ko."Wifey, gumising ka na, please. Huwag mo naman akong pag-alalahanin ng ganito."Halos dalawang oras din siyang nasa loob ng operating room kanina. And God knows how scared I am while waiting outside, hoping that everything will end out fine.Agad namang dumating ang mga magulang namin nang malaman nila ang nangyari. Kasalukuyan silang kumakain ngayon dahil halos wala pa rin silang kain nang dahil sa sobrang pag-aalala.I heard Xander sighed. "Don't worry. Ako na ang bahalang maglakad sa kaso ng mag-amang 'yon. I have a friend and he's a good lawyer. He can surely help us."Agad na nagtagis ang bagang ko nang dahil sa narinig. "Make sure that they will
Chapter 56Lance's POV"Have you tracked him already?" I asked Andrei, Xander's friend, impatiently.He looked up before turning his attention on his laptop again. "Just one more minute," seryosong sagot niya habang mabilis na tumitipa sa keyboard.Xander patted my shoulder. "Don't worry. This friend of mine is definitely a good one when it comes with tracking someone and other such related stuff."Napahawak na lang ako sa batok ko, bago napatango.Habang naghihintay ay napatingin ako kina Chloe at Ralph na tahimik lang na nakaupo sa mahabang sofa. I was about to talk to them when the door suddenly opened.Humahangos na pumasok ang mga magulang ni Shane mula ro'n, pati na rin ang kapatid niya."May balita na ba kung nasaan si Shane?" Tita asked worriedly.Napatiim bagang ako. "Tina-track na po namin ang location ni Dylan. Good thing he didn't throw nor leave his phone away from him, since we put a
Chapter 55Shane Chrystelle's POVNagising ako nang dahil sa ingay na nagmumula sa phone ko. Dahil inaantok pa ay nakapikit ang mga matang kinapa at kinuha ko 'to mula sa bedside table."Hello?" Napahikab ako at napaayos ng higa.Nang dahil sa dami ng mga nangyari kahapon ay naging mailap ang antok sa 'kin kagabi. A lot of questions are still wandering in my mind. At sumakit lang ang ulo ko sa pag-iisip ng sagot. Kaya naman ay halos magliliwanag na ng makatulog ako kanina."Oh. Did I wake you up, sweetie?"Napamulat ako ng mga mata nang marinig ko ang boses ni Mama sa kabilang linya."Hey, Ma. Yeah. I just woke up. Is there a problem?"Bumangon na ko at agad na hinarang ko ang kanang braso sa mga mata ko nang tumama ang sinag ng araw sa mukha ko.I frowned. Did he just come here again?Napailing na lang ako. Ang tigas talaga ng ulo ng lalaking 'yon.Mahina siyang natawa. "Oh, noth
Chapter 54Shane Chrystelle's POV"Tungkol saan pala ang pag-uusapan natin?" mahinang tanong ko kay Ralph, bago sumimsim ng kape. Medyo masakit pa rin kasi ang ulo ko kaya kailangan ko rin 'to ngayon.Nang hindi siya umimik ay nag-angat ako ng tingin. I was taken aback when I saw him looking at me so intently."What?"Ilang segundo niya pa kong tinitigan nang matiim, bago siya humugot ng malalim na hininga at marahas na ibinuga 'yon."Matagal ko ng gustong sabihin sa 'yo 'to. Pero nitong mga nakaraang taon, nakita kong okay ka naman na kaya mas pinili ko na lang na manahimik. But because of what's happening right now, I think you really deserve to know about it. Though I don't have any idea if this information will affect you positively or negatively."Hindi ko alam kung bakit tila tinambol ang puso ko nang dahil sa kaba. Sa kanilang dalawa ni Dylan ay kay Ralph na lang ako may tiwala ng buong-buo. At hindi ko alam
Chapter 53Shane Chrystelle's POVDahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata nang bigla kong maramdaman ang pagkirot ng sentido ko.Pupungas-pungas akong bumangon. Pakiramdam ko ay tila dinuduyan ako nang dahil sa pagkahilo.Wala sa loob na napatungo ako habang sapo ang ulo ko. But my eyes widened in horror when I noticed that I am not wearing anything!Then suddenly, I felt someone move beside me. Kinakabahan kong nilingon kung sino man ang walang hiya na nanamantala sa 'kin kagabi.Pero napanganga na lang ako nang bumungad sa 'kin ang bagong gising na si Lance. Nag-inat pa siya na tila wala lang. I was trying really, really hard to focus my eyes on his face because I know that I can see a sinful view down there.Oh lord. I need guidance.Wala naman sigurong nangyari, right? Wala naman siguro...Shit! Mariin akong napapikit nang bigla kong maramdaman ang pagsigid ng kirot sa pagkababae ko.
Chapter 52Lance's POVIlang minuto na rin ang lumipas magmula ng talikuran ako ni Shane at ng mapagdesisyunan kong sundan at hanapin siya.While walking and searching, I saw Xander strides towards me."Hey, man. Looking for someone?"I nodded as I continued to roam my eyes. "Yeah. Have you seen Shane?""Oh. Yes. Nando'n siya sa bar counter kanina. I suggest you better go there already. She seems drunk when I saw her."Mabilis akong napalingon sa direksyon na sinabi niya. Bigla kong binalot ng pag-aalala.I tapped Xander's shoulder. "Thanks, man.""No problem."That made me smile. Xander has been a good friend of mine. Siya ang naging pinakamalapit kong kaibigan no'ng nasa Canada pa ko at napagsabihan ko ng tungkol sa 'min ni Shane. Little did I know na kakilala rin niya pala 'to dahil naging magkaklase sila no'ng elementary. He even confessed that he used to have a crush on her.
Chapter 51"Is this really necessary, Ma?"I looked up at her from the mirror in front of me. Kasalukuyan akong inaayusan ng tinawagan niyang hair stylist, dahil katatapos lang akong lagyan ng make-up ng kaibigan niyang make-up artist.Nandito ako ngayon sa mansyon dahil mas maigi raw na rito ako ayusan kaysa sa unit ko.Like, seriously? For all I know it's just a socialite party that I'm attending to! Paniguradong magyayabangan lang ang lahat ng mga dadalo ro'n para ibida ang kanya-kanya nilang negosyo.Napatayo siya at malapad na ngumiti. "Of course, sweetie. This is your first time to attend such event. Kaya kailangan nating paghandaan maigi."Hindi na lang ako muling umimik pa. Dahil paniguradong hahaba na naman ang usapan.Pero sa totoo lang, kahit papaano ay gusto ko rin naman ang kinalabasan ng pag-aayos na ginawa sa 'kin. Habang nakatitig kasi ako sa harap ng salamin, pakiramdam ko ay ibang tao ang nakikita
Chapter 50Shane Chrystelle's POVDahan-dahan kong ipinarada ang sasakyan ko sa tapat ng mansyon, bago mabilis na lumabas at diretsong tinahak ang pinto para mag-doorbell.Hindi naman nagtagal ay agad na bumukas ang pinto sa harap ko."Ma'am Shane! Kayo po pala. Magandang umaga ho." Gulat pero nakangiting bungad sa 'kin ng mayordoma na si Manang Fely. Agad naman niyang niluwangan ang pagkakabukas ng pinto."Good morning din po." Tipid ko siyang nginitian. "Nasaan po sina Papa?" I roamed my eyes as I made my way inside the mansion."Nasa kusina po sila. Tamang-tama at kumakain po sila ng agahan ngayon."Napatango naman ako. "Sige po. Puntahan ko lang po sila.""Sige po. Maglilinis lang po muna ko sa hardin. Ahm, Ma'am Shane?"Napalingon ako sa kanya. "Bakit po?""Masaya po akong makita kayo ulit dito," nakangiti niyang aniya, bago tuluyang tumalikod at naglakad palayo.Napangiti ri