Share

Chapter 5

Author: snowqueencel
last update Last Updated: 2022-03-18 16:20:04

Chapter 5

"Shane! Teka lang! Sabay na tayo!''

Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang malakas na pagtawag sa 'kin ni Ralph. Nilingon ko siya at hinintay na makalapit sa 'kin.

Hinihingal na tumigil siya sa harap ko. Pagkatapos ay inilagay niya ang dalawang kamay sa magkabilang tuhod. Mukhang kanina pa niya ko hinahabol. Bakit hindi niya kaagad ako tinawag?

"Ayos ka lang ba?" tanong ko sa kanya sabay punas ng namuong pawis sa noo ko. Nakatigil kasi kami ngayon sa field kung saan ay damang-dama namin ang init ng sikat ng araw na tumatama sa 'min.

May mangilan-ngilan namang estudyante ang napapadaan, pagkatapos ay nagbubulungan. Habang ang iba naman ay tila toro na umuusok ang ilong habang masamang nakatingin sa 'kin.

Bakit nga naman hindi? Kasama ko lang naman ang tinagurian nilang campus prince. Habang si Lance naman ang campus heartthrob.

Ipinagsawalang bahala ko na lang ang atensyon na ibinibigay sa 'min ng mga tao sa paligid bago ko muling itinuon ang mga mata kay Ralph.

Pinakalma muna niya ang sarili bago tuwid na tumayo. Bahagyang inayos ang nagusot na polo at nagulong buhok. Pagkatapos ay may kinuha siya na kung ano mula sa loob ng kanyang bag.

Isang nakatuping kulay puti na papel ang iniabot niya sa 'kin. Kumunot ang noo ko at nagtatanong ang mga mata na tumingin sa kanya. "Ano 'yan?"

Awtomatikong tumaas ang magkabilang sulok ng kanyang labi. May nababanaag akong kislap ng kapilyuhan sa kanyang mga mata.

Muli niyang inilapit sa 'kin ang papel kaya wala akong ibang nagawa kung hindi ang kunin ito.

"Para saan ba 'to?" ulit kong tanong sa kanya. Maaga pa naman kaya ayos lang kung babasahin ko muna ang nilalaman nito.

Akmang bubuksan ko na ito nang mabilis niya kong pinigilan. "Hey! Mamaya mo na buksan pag-uwi para surprise, okay? Tara na.''

Naguguluhan man ay napatango na lang ako. Hindi ko alam kung bakit pero hindi maganda ang pakiramdam ko tungkol sa kung anuman ang nilalaman ng papel na 'to.

Ano nga kayang nakasulat dito?

Nagkibit-balikat na lang ako bago napagpasyahang ilagay ang papel sa loob ng bag ko. Marami pang ibang bagay ang gumugulo sa isip ko ngayon at wala akong plano na dagdagan pa 'yon.

Tahimik lang kaming nagpatuloy sa paglalakad. Nagbigay ako ng maliit na distansya sa pagitan naming dalawa, dahil nagsisimula na talaga kong mairita sa mapanuring mga mata na kanina pa nakatingin sa 'min.

Pero katulad ni Lance ay makulit din si Ralph. Kahit anong paglayo ko sa kanya ay pilit lang siyang lumalapit.

"Wag mo sila pansinin. Hindi ka masasaktan ng mga 'yan. Dahil alam nila ang maaari nilang kahantungan." Nakangiti niya kong sinilip habang nakapamulsa.

Nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya. "What do you mean?"

He wiggled his eyebrows. "Malakas ang kapit mo sa nakatataas, eh."

"Huh?"

Tumawa lang siya at hindi na muling umimik pa.

Ang weird rin pala ng isang 'to. Magkaibigan nga silang dalawa ni Lance.

Hindi na lang din ako nangulit pa hanggang sa makarating kami ng classroom namin. Kung dati pa siguro nangyari ang ganitong eksena na kasabay ko siya sa paglalakad at nakakausap ko pa, malamang ay hindi ko na rin naiwasan ang tuluyang kiligin.

Pero iba na kasi ngayon.

Mayroon ng nag-iba.

Mas lalong tumindi ang inis na nararamdaman ko nang makita kami ng mga kaklase namin at nagsimula na namang manukso. Pero may iilang babae pa rin ang napataas ang kilay. Sanay naman na kami pareho ni Ralph sa ganito kaya wala na lang sa 'min ang maging tampulan ng tukso.

Dire-diretso lang akong naglakad patungo sa puwesto ko. Pero hindi pa man din ako tuluyang nakakaupo ay pinasadahan na ko ng tanong ng dalawang lukaret.

"Bakit kayo magkasamang dalawa?" excited na tanong ni Kim.

"Don't tell me, something's going on already between the two of you?" nagdududang tanong pa ni Mia.

I just rolled my eyes at them. Napakamalisyosa talaga ng dalawang 'to kahit kailan.

"Ang advance n'yo naman mag-isip. Para nagkasabay lang ng pasok, something's going on agad?" naiirita kong tugon sa kanila.

"Well, who knows. Baka kasi mamaya naglilihim ka na sa 'min, eh," maarteng sabi ni Kim sabay hawi ng kanyang mahabang buhok. Sinamaan ko siya ng tingin nang bahagyang tumama ang dulo nito sa pisngi ko.

Tatahimik na sana ko ng may maalala.

"Ako pa talaga ang may inililihim, hah. Hindi kaya kayong dalawa?" nakangisi kong tanong sa kanila.

Tingnan natin ngayon ang isasagot n'yong dalawa sa 'kin. Akala n'yo hindi ko kayo nakita kanina, hah?

Gulat na nagkatinginan sila bago bumaling sa direksyon ko. Halata ang pangamba sa kanina'y mapanukso nilang mga mata.

"A-Anong ibig mong sabihin, Shane?" Napalunok si Kim. Halatang may itinatago.

"Joke lang." Napangisi ako nang bigla silang mapahinga nang maluwag.

I'm sorry, my dear friends. Pero may kailangan lang muna kong kumpirmahin. Sigurado naman kasi akong hindi kayo aamin sa 'kin, eh.

Mayamaya pa ay dumating na si Ms. Reyes. As usual, walang katapusang activities at recitation lang ang ginawa namin. Mabuti na nga lang at kahit papaano ay nakapagbasa ako kagabi.

Yeah right. Tinamaan ako ng kasipagan kagabi. Kahit nga ako ay hindi ko alam kung bakit.

Dumaan ang break time na hindi namin kasabay kumain sina Ralph at Lance. Hindi ko alam kung saan sila nagpunta. Wala naman sila rito sa canteen.

"Saan kaya nagpunta ang dalawang 'yon?" Mia curiously asked before she took a bite of her tuna sandwich.

"Ang narinig ko lang kanina kay Ralph ay may aasikasuhin daw sila sa may Student Council Office," Kim answered, then sipped her can of soft drinks.

Natigilan ako. Ano naman kayang gagawin nila roon?

Tahimik lang akong nakikinig sa usapan nilang dalawa, habang nilalantakan ang pagkain kong pasta.

Sa unang pagkakataon magmula ng sinimulan kong iwasan si Lance ay ngayon lang siya hindi lumingon o tumingin sa 'kin ni isang beses.

I was looking at him for the entire period. Pero nanatili lang siyang nakatalikod sa 'kin. Hindi katulad rati na mahuhuli ko na lang siya bigla na nakalingon at nakangiti na sa 'kin.

Iniiwasan na rin kaya niya ko?

If that's the case, I should be happy, right? Because that's what I want as well. It's for our own good.

But why do I have this achy feeling inside of me?

Hindi ko alam pero bigla akong nawalan ng gana. Hanggang sa mga sumunod na subject ay lutang ang isip ko.

"Excuse me po. Puwede ko po bang makausap si Lance saglit?"

Napakurap ako nang marinig kong may tumawag sa pangalan ni Lance. Agad na tumuon ang mga mata ko sa pinto.

Isang matangkad na babae ang nakita kong nakatayo mula roon. Nakatali ang kanyang mahaba at tuwid na buhok, na halos umabot na sa kanyang beywang. Medyo maputla ang kulay ng kanyang balat. Balingkinitan ang katawan at ramdam ko ang maawtoridad na aura sa kanya. Bilugan naman ang kanyang mga mata.

"It's okay, Shirley," nakangiting sagot ni Mr. Amparo na teacher namin sa subject na MAPEH.

Tumayo naman si Lance at nag-excuse para puntahan 'yong babae. Nakangiti niya itong sinalubong hanggang sa hinila niya ito palabas para roon sila mag-usap.

Sino naman kaya ang Shirley na 'yon?

"Ang ganda niya, no?" bulong sa 'kin ni Kim na nakatitig din sa dalawang nag-uusap sa labas.

"Yeah," walang gana kong sagot. Well, she's beautiful, I won't deny that. So?

Habang nagsasalita si Mr. Amparo ay hindi maiwasan ng mga mata ko na dumapo sa labas. Tumaas ang kilay ko nang makitang hinahampas-hampas pa siya sa braso no'ng babae.

Is she his girlfriend? Pero ang akala ko ba ay wala pa siyang nobya?

Napailing ako bigla nang dahil sa naisip. As if I care!

"Okay ka lang, Shane? Masakit ba ulo mo?" Kim asked worriedly.

Binigyan ko lamang siya ng tipid na ngiti. "I'm fine."

Di naman nagtagal ay muli ng pumasok uli sa loob ng classroom si Lance. Tumingin ako sa labas at nagulat pa ko nang bigla na lang akong kinindatan ng babaeng kausap niya.

What is that all about?

-----

Dumating na ang oras ng uwian at mabilis na namang nagpaalam sa 'kin sina Mia at Kim. Nagdududa na talaga ko sa dalawang 'to. Napapansin ko na madalas ay may kung anong lakad silang dalawa.

Kung kailan pagabi na?

Dahil cleaners ako ngayong araw ay isa ako sa mga naiwan. Sa pagwawalis ako nakatoka. Habang ang iba naman ay nag-aayos ng upuan, nagpupunas ng bintana at nagbubura ng nakasulat sa board.

Natigil lang ako nang bigla akong lapitan ni Wella, ang nerd kong kaklase, matapos niyang ayusin ang mga inurong kong upuan.

"Shane, may tanong pala ko sa 'yo."

"Ano 'yon?" Nagpatuloy ako sa ginagawa at hindi siya nilingon.

"Kayo ba ni Ralph?"

That question made me stop. I looked up and meet her questioning look. "What? No!" I answered firmly.

Napatango naman siya. "How about Lance?"

Kumunot na ang noo ko. Bakit ang dami atang tanong ng babaeng 'to?

"No. Why?" Nagdududa ko siyang tiningnan.

Umiling lang siya at ngumiti. "Wala naman." Tumalikod siya at kinuha ang bag na nakapatong sa upuan niya. "I'll go ahead."

Tumango na lang ako kahit pa nahihiwagaan pa rin ako sa mga tanong niya.

Nang matapos ay umalis na rin ako. Ako ang pinakahuling lumabas sa 'min dahil nauna na rin ang iba. Nasa akin ang susi ngayon kaya kailangan kong pumasok ng maaga bukas.

"Hatid na kita sa inyo." Muntik na kong mapatalon sa gulat nang may biglang nagsalita sa likod ko.

That voice.

Dahan-dahan akong pumihit paharap sa kanya para kumpirmahin ang hinala ko. Hindi naman ako nagkamali.

"Bakit nandito ka pa?"

Si Lance.

"Hatid na kita," ulit niyang sabi ng hindi sinasagot ang tanong ko.

Parang kanina lang ay hindi siya namamansin. Tapos ngayon may paandar siyang paghatid?

Umiling ako. "Wag na. Kaya ko ang sarili ko."

Nagsimula na kong humakbang papalayo sa kanya. Ang akala ko ay hindi na siya sumunod dahil nakalabas naman ako ng gate ng matiwasay.

Pero no'ng naglalakad na ko para bumaybay ng jeep ay nagulat na lang ako nang makitang kapantay ko na siyang naglalakad.

"I insist," pangungulit pa niya.

"But—"

Wala na kong nagawa nang bigla siyang pumara ng jeep at hinila ko para sumakay. Magpupumiglas pa sana ko. Pero bakas na sa mukha ng mga pasahero ang iritasyon sa paghihintay kung sasakay ba kami o hindi. Sa huli ay nagmamartsang umakyat ako ng jeep.

"Saan ka nga nakatira?" tanong niya habang kumukuha ng pamasahe.

"Sa West Hill Subdivision," sagot ko habang kumukuha ng sariling pambayad. Gusto ko mang makipagtalo ay alam kong wala na rin namang silbi. Isa pa ay gusto ko na rin talagang umuwi.

I was about to give it to him, but he refused.

"Ako na." Aangal pa sana ko ng mag-abot na siya ng bayad.

"Bayad ho. Dalawang West Hill, estudyante."

Napailing na lang ako. Parang kanina lang ay dedma rin siya. Pagkatapos ngayon ay inaatake na naman ng kakulitan ang loko.

Tahimik lang kami buong biyahe. Nakatingin lang ako sa labas at hindi ko magawang ibaling ang paningin ko sa direksyon niya dahil ramdam ko ang matiim niyang titig sa 'kin.

Hanggang sa ang bibig ko na ang nagkusa para magsalita.

"Bakit hindi na lang 'yong babaeng kausap mo kanina ang hinatid mo? Baka magalit 'yon pag nalaman niyang may hinatid kang iba."

Sa pagkakataong 'to ay nagtagpo na ang mga mata namin. "Huh? Bakit naman siya magagalit?" salubong ang kilay niyang tanong.

I looked at him in disbelief. "Duh. Kahit naman siguro sino ay magagalit kapag nalaman nilang may hinatid na iba ang boyfriend nila," naiinis kong sagot sa kanya. Natatangahan kasi ako sa tanong niya, eh.

Mas lalong lumalim ang kunot sa kanyang noo. Pero mayamaya lang ay biglang tumaas ang magkabilang sulok ng kanyang labi.

Ano bang problema ng isang 'to? Mood swing?

"Hindi naman siya gano'ng klase ng babae. Malaki ang tiwala niya sa 'kin." Kumindat pa ang loko kaya napairap na lang ako.

Hindi ako nakaimik. Maraming salita ang gustong kumawala sa 'king bibig. Ngunit hindi ko alam kung paano ko maisasatinig ang mga 'yon.

Pero minsan ay mas mabuting manahimik na lamang.

"Tabi lang po!" Nabalik lang ako sa kasalukuyan nang maramdaman ang pagtapik at paghila na naman sa 'kin ni Lance. Namumuro na ang isang 'to kakahila sa 'kin.

Hanggang sa makababa kami ng jeep ay magkahawak ang aming kamay. Wala sa loob na napatingin ako roon. Parang may mga dagang nagsitakbuhan sa loob ko nang biglang tumambol ng malakas ang puso ko sa pagkakadantay ng aming mga balat.

Tila napapasong hinila ko mula sa pagkakahawak niya ang kamay ko ng may maalala. Dumaan ang pagkadismaya sa kanyang mukha, pero agad niya kong sinuklian ng ngiti.

"Saan ba ang inyo? Ihahatid na kita."

Mabilis akong umiling. "Wag na. Sobra-sobra na nga 'yong ginawa mong pagsama sa 'kin sa biyahe. Kung tutuusin ay hindi mo dapat ginawa 'yon. Your girlfriend might get hurt once she finds out what you did. Hindi ko rin naman pinangarap na makasira ng relasyon."

"Pero—"

"Gabi na rin at kailangan mo ng umuwi. Kaunting lakad na lang naman ay sa 'min na." Pagtatapos ko sa anumang sasabihin pa niya.

Halata ang pag-aalinlangan sa kanyang mga mata. Pero hindi ako nagpatinag at humalukipkip.

Malalim siyang napabuntong hininga. "Fine. I'll go ahead then. Pero hihintayin muna kitang makaliko sa kanto bago ako umalis."

Napailing na lang ako bago nagsimulang  humakbang palayo sa kanya. Gustuhin ko mang lingunin siya bago ako lumiko ay hindi ko na ginawa.

Dahil hindi 'yon tama.

Related chapters

  • A Promise of Love (Book 1 and 2)   Chapter 6

    Chapter 6Pagkarating ko sa bahay namin ay kumain muna ko bago dumiretso ng kuwarto. Pero bago pa man ako tuluyang umakyat ay sinigurado ko muna ang pagkakasara ng pinto at mga bintana. Ako pa lang kasi mag-isa ang nandito.Marahil ay nag-overtime na naman si Mama. Habang si Clark naman ay nag-text sa 'kin na may tatapusin lang daw silang activity sa bahay ng kaklase niya.Hanggang sa makaupo ako sa ibabaw ng aking kama ay iniisip ko pa rin 'yong tungkol sa ginawang paghatid sa 'kin ni Lance.Nasa'n kaya ang nobya niya at hindi ko ata nakita buong araw kanina?Napailing ako bago nahiga. Ipipikit ko sana ang mga mata ko nang may bigla akong naalala.Mabilis akong napaupo at agad na hinagilap sa loob ng bag ko ang papel na ibinigay ni Ralph sa 'kin kanina.Marahan ko itong binuksan bago sinimulang basahin. Hindi naman mahaba ang nakasulat dito pero sapat na para matigilan ako.Shane,I just wanted you to

    Last Updated : 2022-03-18
  • A Promise of Love (Book 1 and 2)   Chapter 7

    Chapter 7Halos dalawang linggo na ang nakalilipas magmula ng banggitin niya ang salitang 'yon. Gano'n katagal na rin niya kong sinusundo at hinahatid papasok at pauwi mula sa school.Noong una ay tutol ako sa gusto niyang mangyari. Pero ako na lang ang napagod sa pagsuway at pagtaboy ko sa kanya. Kahit anong pagmamaldita at pagtataray rin kasi ang gawin ko ay tila wala namang epekto sa kanya. Tingin ko nga ay mas lalo pa siyang nag-e-enjoy kapag gano'n.Kasalukuyan kaming nandito nila Mia at Kim sa canteen. Kanina pa sila nagdadaldalan sa tabi ko habang ako naman ay paunti-unti lamang na sumusubo ng spaghetti ko.''Girls, may tsismis ako!'' mahinang tili ni Kim."Ano 'yon?" excited na tanong ni Mia at umusog pa lalo palapit kay Kim.Ako naman ay nagpatuloy lang sa pagkain kahit wala akong gaanong gana. Mas may mapapala pa kasi ako rito kaysa makinig sa kung anumang pag-uusapan nila.''May nakarating sa 'king balita na m

    Last Updated : 2022-03-18
  • A Promise of Love (Book 1 and 2)   Chapter 8

    Chapter 8Dalawang araw na rin ang lumipas magmula ng naging usapan namin ni Lance sa park. Mukhang okay naman na siya pero alam ko na mayroon pa ring mali. Paniguradong binabagabag pa rin siya ng mga sinabi ko tungkol sa kagustuhan niyang ipakilala ako sa pamilya niya.I sighed. What to do? Hanggang ngayon kasi ay nakokonsensya pa rin ako nang dahil sa mga sinabi ko.Naglalakad ako ngayon papuntang library. Pero natigilan ako nang may biglang tumawag sa 'kin.Paglingon ko sa kanan ay namataan ko ang pinsan ni Lance. Tumatakbo siya papunta sa direksyon ko."Hi, Shane!" nakangiting bati niya sa 'kin ng makalapit.Tipid ko naman siyang nginitian. "Hi!""May itatanong lang sana ako sa 'yo. I hope you don't mind." She bit her lower lip.Kumunot ang noo ko. "Ano 'yon?"Napakamot siya sa batok bago magsalita. "May naging alitan ba kayo ni Lance? No'ng makauwi kasi siya last Friday hanggang ngayon ay sobrang t

    Last Updated : 2022-03-18
  • A Promise of Love (Book 1 and 2)   Chapter 9

    Chapter 9Lance's POVHindi mapakaling bumaba ang tingin ko sa suot na relong pambisig. Halos bente minutos na kong naririto at sa pagpatak ng bawat minuto ay mas lalo akong nakakaramdam ng kaba.Bigla ko tuloy naalala 'yong araw ng Sabado na pumunta kami rito. It was one of the happiest moments in my life. Kung puwede ko nga lang sanang hindi na bitiwan 'yong kamay niya no'ng panahon na nahawakan ko ito ay ginawa ko na.Malalim akong humugot ng buntong hininga at napatingin sa malakas na buhos pa rin ng ulan. Nang dahil dito ay na-cut tuloy ang klase namin. Kung kaya naman ay maaga na kaming pinauwi.Ngunit kasalukuyan akong nandito sa loob ng clubhouse ng subdivision kung saan nakatira si Shane para makasilong. Katabi lang ito ng park na pinuntahan namin no'ng nakaraang Sabado.May usapan kasi kami ni Shane na magkikita kami rito. Sinabi ko naman kanina sa kanya na sabay na lang kami pumunta rito pero sinamaan niya ko ng tingin

    Last Updated : 2022-03-18
  • A Promise of Love (Book 1 and 2)   Chapter 10

    Chapter 10Naalimpungatan ako nang dahil sa ingay na naririnig ko mula sa labas ng kuwarto ko.''Ikaw na ang gumising sa kanya, iho. Ewan ko na lang kung hindi pa siya bumangon kaagad,'' masaya ang boses na sabi ni Mama.Gusto ko sanang buksan ang mga mata ko. Pero antok na antok pa talaga ko. So I just ignored it.''Baka po kasi magalit siya sa 'kin. Hindi pa nga po niya alam na kilala n'yo na po ko, eh,'' sagot ng isang pamilyar na boses.Pero hindi naman 'yon boses ni Clark. Kumunot ang noo ko. Sino kaya ang lalaking 'yon?Mayamaya lang ay nakarinig na ko ng sunod-sunod na katok sa labas ng pinto.''Shane! Bumangon ka na riyan! Anong oras na!'' malakas na sigaw ni Mama.Iminulat ko ang kanang mata ko para sulyapan ang alarm clock sa ibabaw ng mesa.Alas otso pa lang ng umaga at Sabado naman ngayon. Can't I have a break?''It's just eight o'clock in the morning. I'll get up later. Let me

    Last Updated : 2022-03-18
  • A Promise of Love (Book 1 and 2)   Chapter 11

    Chapter 11"Ayos ka lang? Anong tinitingnan mo riyan?"Napaayos ako ng upo at napahawak sa kaliwang dibdib ko, nang dahil sa paglingon ko ay bumungad sa 'kin ang napakalapit na mukha ni Mia."Ano ba? Wag ka ngang nanggugulat!" Napanguso siya bago umayos ng upo. "Ang weird mo kasi. Kanina ka pa nakatingin sa labas. Ano bang mayroon diyan?"Napailing na lang ako nang sumiksik pa siya sa puwesto ko para makisilip sa bintana.Malakas pa rin ang buhos ng ulan sa labas. Kaya naman ay hindi ko napigilan ang mapatitig dito.Ngunit dahil dito ay cut na naman ang klase namin ngayong araw. Binabaha kasi ang ibang parte ng school lalo na 'yong malapit sa kanal. Matagal na itong problema rito. Pero magtatapos na lang ako at lahat ay hindi pa rin nila ito nagagawang solusyunan.Umuwi na ang iba sa mga kaklase namin. But Lance and I were still here in our classroom with our friends.Noong una ay awkward sa pakir

    Last Updated : 2022-03-18
  • A Promise of Love (Book 1 and 2)   Chapter 12

    Chapter 12Isang nakakainip at nakakatamad na hapon ng Biyernes. Kasalukuyan kaming nandito ngayon sa gym para sa PE class namin.Bagot na inihipan ko ang ilang hibla ng aking buhok na tumabing sa 'king mukha.Gusto ko na talagang umuwi.Bukod kasi sa hindi kami magkasundo ng kahit anong klase ng sports o physical activity, sumasakit pati ang mga mata ko sa tuwing nakikita ko ang ilan sa mga babaeng estudyante rito na nagpapapansin sa boyfriend ko.''Jealous?'' Mia whispered behind me.I shook my head slightly. ''Of course not, why should I?'' I put the back of my palm under my chin.Liar''Oh. You're not? Kaya pala kanina pa masama ng tingin mo sa kanila.''Nilingon ko siya. Nakanguso naman niyang tinuro ang nasa harapan namin.Muli kong ibinalik ang atensyon ko sa unahan, kung saan nakapila ang lahat ng mga kaklase naming lalaki.Basic moves sa basketball ang PE namin ngayon at

    Last Updated : 2022-03-18
  • A Promise of Love (Book 1 and 2)   Chapter 13

    Chapter 13Nakatungo ako habang naglalakad pabalik sa classroom namin. Galing kasi ako sa faculty ng Filipino department dahil may iniutos sa 'kin ang teacher namin na kuhaing folder.Iniisip ko pa rin 'yong mga sinabi ni Lance noong isang araw. Naniniwala naman ako na kaibigan lang talaga ang tingin niya kay Chloe.But still, that girl bothers me.Paliko na ko sa dulo ng hallway ng may biglang humarang sa 'kin. Awtomatiko akong napatigil sa paglalakad at nag-angat ng tingin.Speaking of the bitch.I just stare at her, while she was giving me a mocking look from head to toe, just like what she did when we first met.Ano na naman ba ang ginagawa ng babaeng 'to rito?Lalagpasan ko na sana siya dahil bukod sa wala kong oras sa kanya ay nagmamadali rin talaga ko.Pero muli akong natigilan nang bigla niya kong hinawakan sa braso at iniharap sa kanya.Napataas ako ng kilay at agad na binawi ko a

    Last Updated : 2022-03-18

Latest chapter

  • A Promise of Love (Book 1 and 2)   Epilogue

    EpilogueSix years later...Lance's POVMataman kong tinititigan ang babaeng nakahiga sa tabi ko ngayon at nakaharap sa direksyon ko. I smiled at the sight of her beautiful face and just by looking at her, it never fails to make my heart beat faster than the normal.I lifted my hand and softly caressed her cheek. Sa loob ng anim na taon ay iba pa rin ang epekto niya sa 'kin. Sa tuwing tinitingnan ko siya, pakiramdam ko ay 'yon pa lang ang unang beses na nakita ko siya.Hindi ko naman napigilan ang matawa nang bigla na lang siyang humilik. Mukhang ang himbing-himbing pa rin ng tulog niya. Sabagay, paano ba namang hindi mahihimbing, eh, halos madaling araw na rin kaming nakatulog kanina.I grinned from the memory of what happened last night.I was about to move closer to her and pressed my lips on her lips when suddenly, the door in our room opened.Agad akong napaayos ng upo. I put my index finger on my lips

  • A Promise of Love (Book 1 and 2)   Chapter 57

    Chapter 57Lance's POV"Will you be fine here? God! Have you even seen yourself in a mirror? You looked like a mess, man!"Hindi ko pinansin at tinapunan man lang ng tingin si Xander. Mahigpit na hinawakan ko lang ang kamay ni Shane at dinala 'to sa pisngi ko."Wifey, gumising ka na, please. Huwag mo naman akong pag-alalahanin ng ganito."Halos dalawang oras din siyang nasa loob ng operating room kanina. And God knows how scared I am while waiting outside, hoping that everything will end out fine.Agad namang dumating ang mga magulang namin nang malaman nila ang nangyari. Kasalukuyan silang kumakain ngayon dahil halos wala pa rin silang kain nang dahil sa sobrang pag-aalala.I heard Xander sighed. "Don't worry. Ako na ang bahalang maglakad sa kaso ng mag-amang 'yon. I have a friend and he's a good lawyer. He can surely help us."Agad na nagtagis ang bagang ko nang dahil sa narinig. "Make sure that they will

  • A Promise of Love (Book 1 and 2)   Chapter 56

    Chapter 56Lance's POV"Have you tracked him already?" I asked Andrei, Xander's friend, impatiently.He looked up before turning his attention on his laptop again. "Just one more minute," seryosong sagot niya habang mabilis na tumitipa sa keyboard.Xander patted my shoulder. "Don't worry. This friend of mine is definitely a good one when it comes with tracking someone and other such related stuff."Napahawak na lang ako sa batok ko, bago napatango.Habang naghihintay ay napatingin ako kina Chloe at Ralph na tahimik lang na nakaupo sa mahabang sofa. I was about to talk to them when the door suddenly opened.Humahangos na pumasok ang mga magulang ni Shane mula ro'n, pati na rin ang kapatid niya."May balita na ba kung nasaan si Shane?" Tita asked worriedly.Napatiim bagang ako. "Tina-track na po namin ang location ni Dylan. Good thing he didn't throw nor leave his phone away from him, since we put a

  • A Promise of Love (Book 1 and 2)   Chapter 55

    Chapter 55Shane Chrystelle's POVNagising ako nang dahil sa ingay na nagmumula sa phone ko. Dahil inaantok pa ay nakapikit ang mga matang kinapa at kinuha ko 'to mula sa bedside table."Hello?" Napahikab ako at napaayos ng higa.Nang dahil sa dami ng mga nangyari kahapon ay naging mailap ang antok sa 'kin kagabi. A lot of questions are still wandering in my mind. At sumakit lang ang ulo ko sa pag-iisip ng sagot. Kaya naman ay halos magliliwanag na ng makatulog ako kanina."Oh. Did I wake you up, sweetie?"Napamulat ako ng mga mata nang marinig ko ang boses ni Mama sa kabilang linya."Hey, Ma. Yeah. I just woke up. Is there a problem?"Bumangon na ko at agad na hinarang ko ang kanang braso sa mga mata ko nang tumama ang sinag ng araw sa mukha ko.I frowned. Did he just come here again?Napailing na lang ako. Ang tigas talaga ng ulo ng lalaking 'yon.Mahina siyang natawa. "Oh, noth

  • A Promise of Love (Book 1 and 2)   Chapter 54

    Chapter 54Shane Chrystelle's POV"Tungkol saan pala ang pag-uusapan natin?" mahinang tanong ko kay Ralph, bago sumimsim ng kape. Medyo masakit pa rin kasi ang ulo ko kaya kailangan ko rin 'to ngayon.Nang hindi siya umimik ay nag-angat ako ng tingin. I was taken aback when I saw him looking at me so intently."What?"Ilang segundo niya pa kong tinitigan nang matiim, bago siya humugot ng malalim na hininga at marahas na ibinuga 'yon."Matagal ko ng gustong sabihin sa 'yo 'to. Pero nitong mga nakaraang taon, nakita kong okay ka naman na kaya mas pinili ko na lang na manahimik. But because of what's happening right now, I think you really deserve to know about it. Though I don't have any idea if this information will affect you positively or negatively."Hindi ko alam kung bakit tila tinambol ang puso ko nang dahil sa kaba. Sa kanilang dalawa ni Dylan ay kay Ralph na lang ako may tiwala ng buong-buo. At hindi ko alam

  • A Promise of Love (Book 1 and 2)   Chapter 53

    Chapter 53Shane Chrystelle's POVDahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata nang bigla kong maramdaman ang pagkirot ng sentido ko.Pupungas-pungas akong bumangon. Pakiramdam ko ay tila dinuduyan ako nang dahil sa pagkahilo.Wala sa loob na napatungo ako habang sapo ang ulo ko. But my eyes widened in horror when I noticed that I am not wearing anything!Then suddenly, I felt someone move beside me. Kinakabahan kong nilingon kung sino man ang walang hiya na nanamantala sa 'kin kagabi.Pero napanganga na lang ako nang bumungad sa 'kin ang bagong gising na si Lance. Nag-inat pa siya na tila wala lang. I was trying really, really hard to focus my eyes on his face because I know that I can see a sinful view down there.Oh lord. I need guidance.Wala naman sigurong nangyari, right? Wala naman siguro...Shit! Mariin akong napapikit nang bigla kong maramdaman ang pagsigid ng kirot sa pagkababae ko.

  • A Promise of Love (Book 1 and 2)   Chapter 52

    Chapter 52Lance's POVIlang minuto na rin ang lumipas magmula ng talikuran ako ni Shane at ng mapagdesisyunan kong sundan at hanapin siya.While walking and searching, I saw Xander strides towards me."Hey, man. Looking for someone?"I nodded as I continued to roam my eyes. "Yeah. Have you seen Shane?""Oh. Yes. Nando'n siya sa bar counter kanina. I suggest you better go there already. She seems drunk when I saw her."Mabilis akong napalingon sa direksyon na sinabi niya. Bigla kong binalot ng pag-aalala.I tapped Xander's shoulder. "Thanks, man.""No problem."That made me smile. Xander has been a good friend of mine. Siya ang naging pinakamalapit kong kaibigan no'ng nasa Canada pa ko at napagsabihan ko ng tungkol sa 'min ni Shane. Little did I know na kakilala rin niya pala 'to dahil naging magkaklase sila no'ng elementary. He even confessed that he used to have a crush on her.

  • A Promise of Love (Book 1 and 2)   Chapter 51

    Chapter 51"Is this really necessary, Ma?"I looked up at her from the mirror in front of me. Kasalukuyan akong inaayusan ng tinawagan niyang hair stylist, dahil katatapos lang akong lagyan ng make-up ng kaibigan niyang make-up artist.Nandito ako ngayon sa mansyon dahil mas maigi raw na rito ako ayusan kaysa sa unit ko.Like, seriously? For all I know it's just a socialite party that I'm attending to! Paniguradong magyayabangan lang ang lahat ng mga dadalo ro'n para ibida ang kanya-kanya nilang negosyo.Napatayo siya at malapad na ngumiti. "Of course, sweetie. This is your first time to attend such event. Kaya kailangan nating paghandaan maigi."Hindi na lang ako muling umimik pa. Dahil paniguradong hahaba na naman ang usapan.Pero sa totoo lang, kahit papaano ay gusto ko rin naman ang kinalabasan ng pag-aayos na ginawa sa 'kin. Habang nakatitig kasi ako sa harap ng salamin, pakiramdam ko ay ibang tao ang nakikita

  • A Promise of Love (Book 1 and 2)   Chapter 50

    Chapter 50Shane Chrystelle's POVDahan-dahan kong ipinarada ang sasakyan ko sa tapat ng mansyon, bago mabilis na lumabas at diretsong tinahak ang pinto para mag-doorbell.Hindi naman nagtagal ay agad na bumukas ang pinto sa harap ko."Ma'am Shane! Kayo po pala. Magandang umaga ho." Gulat pero nakangiting bungad sa 'kin ng mayordoma na si Manang Fely. Agad naman niyang niluwangan ang pagkakabukas ng pinto."Good morning din po." Tipid ko siyang nginitian. "Nasaan po sina Papa?" I roamed my eyes as I made my way inside the mansion."Nasa kusina po sila. Tamang-tama at kumakain po sila ng agahan ngayon."Napatango naman ako. "Sige po. Puntahan ko lang po sila.""Sige po. Maglilinis lang po muna ko sa hardin. Ahm, Ma'am Shane?"Napalingon ako sa kanya. "Bakit po?""Masaya po akong makita kayo ulit dito," nakangiti niyang aniya, bago tuluyang tumalikod at naglakad palayo.Napangiti ri

DMCA.com Protection Status