Chapter 3
Madaling araw na ng makatulog ako kanina. Kaya naman ay tinanghali ako ng gising, dahilan para mapatalon ako sa kinahihigaan ko.Kasalanan 'to lahat ni Lance! Hindi ako pinatulog ng mga sinabi niya kahapon!Dali-dali na akong naligo at nag-ayos. Ni hindi ko na nagawang kumain ng agahan dahil mas lalo lang akong hindi aabot. Pumuntos na nga ako kahapon kay Ms. Reyes, tapos mukhang madadagdagan pa 'yon ngayon.Mabuti na lang at kahit papaano ay nakikiayon sa 'kin ang pagkakataon. Wala kasing traffic kaya sakto lang ang naging dating ko.Mabilis na lumipas ang mga oras. Akala ko pa naman ay magtutuloy-tuloy na ang pagiging okay ng araw ko. Pero muling nasira 'yon nang matapos ang P.E. subject namin.Napakurap ako mula sa panonood kay Ralph na kasalukuyang naglalaro ng basketball, nang bigla akong sikuhin ni Kim. Kunot noo ko siyang nilingon. "What?"Napangisi naman siya. "Ikaw, hah. Hindi mo man lang sinabi sa 'min na si Ralph pala ang crush mo," pang-aasar niya sa 'kin sabay tusok sa tagiliran ko.Natigilan ako. Paanong..."Ano'ng ibig mong sabihin? Saan mo naman napulot 'yang tsismis na 'yan?"I tried to remain as calm as possible. Hindi naman ako natatakot kung malaman man nila ang tungkol doon. Ang inaalala ko ay paniguradong hindi nila ako tatantanan ng pang-aasar nila.Nilapit nilang dalawa ni Mia ang mga mukha sa 'kin. "Hindi 'to tsismis! Reliable ang source namin. Nakita kasi namin kanina si Ralph na may kausap sa labas. I heard na naging kaklase mo siya last year. Tapos nabanggit niya kay Ralph na crush mo raw ito dahil hindi ka naman daw nanonood ng laban ng basketball kung hindi siya isa sa mga manlalaro."Napapikit ako nang mariin. Sino naman kaya ang Poncio Pilato na 'yon na nakahalata sa 'kin?Tumayo na ako at iniwan silang dalawa. Hindi ko naman responsibilidad na magpaliwanag sa kanila at mas makabubuti para sa 'kin ang manahimik."Shane! Saan ka pupunta?" tanong ni Mia."Magpapalit na ako ng damit!" Dire-diretso lang ako sa paglalakad at hindi na sila nilingon pa.Maagang natapos ang P.E. subject namin ngayong araw. Kaya naman ay naisipan muna naming tumambay rito sa gymnasium. Ayoko pa talaga sana umalis pero hindi matatahimik ang mundo ko kapag nanatili pa ako rito.Pagkababa ko ng bleachers ay nagulat na lang ako nang marinig ang magkakasabay na sigaw ng mga kaklase ko."Shane! Watch out!"I looked up. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang bola na papalapit sa direksyon ko. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay hindi ko na nagawa pang makagalaw.Pero bago pa man ito tuluyang tumama sa 'kin ay isang malapad na likod ng matangkad na lalaki ang biglang tumambad sa paningin ko."Mag-iingat ka naman sa susunod, Ralph!" Pinasa niya pabalik ang bola kay Ralph.Saglit akong natulala. That voice. It is Lance!Napaatras naman ako nang bigla siyang lumingon sa 'kin. "Ayos ka lang ba?" Seryoso ang mukha niya at tila iritado nang dahil sa magkasalubong niyang kilay.Pero bakit?Tumango lang ako. "Thanks."Hindi naman siya umimik at nanatili lang na nakatitig sa 'kin. Bigla naman akong nakaramdam ng ilang."Shane! You okay? Pasensya na. Hindi kita napansin agad."Napakurap ako nang biglang lumapit si Ralph sa 'min. Nilingon ko siya. "I'm okay. Just be careful next time." Tumango naman siya.Paalis na sana ako nang marinig ko naman ang malakas na sigaw ni Kim mula sa itaas. "Shane! Bakit namumula ka?"Napaawang ang bibig ko. What the?Dahil dinig sa buong gymnasium ang ginawa niyang pagsigaw ay nakisali na rin sa pang-aasar sa 'kin ang mga kaklase naming naroroon pa.Pero ang mas ikinagulat ko ay ang biglang pagngisi ni Ralph."Don't worry, Shane. I don't mind. I'm used to it already." Kumindat pa ang loko."Woah!" Nagsigawan naman ang mga kaklase naming lalaki.Hindi makapaniwala akong tumingin sa kanya. Ngayon ko lang nalaman na may pagkamahangin pala siya!I raised both of my hands. "Whatever!"Tumalikod na ako at nagsimulang umalis. Ito na nga ba ang sinasabi ko!Nakahinga lang ako nang maluwag ng sa wakas ay nakalabas din ako ng gymnasium. Nababahala ako na baka tuluyan ng masira ang tahimik kong mundo nang dahil sa nangyari.But what worries me the most is Lance.Dahil bago ko sila tinalikuran ay hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagdaan ng lungkot sa kanyang mga mata.-----''Shane! Tinitingnan ka na naman ni Ralph! Pakiramdam ko talaga may gusto rin siya sa 'yo!'' bulong ni Mia sa 'kin.Napadilat naman ako at napaayos ng upo mula sa pagkakasandal ng ulo ko sa pader. Nandito kami ngayon sa loob ng classroom namin at naghihintay sa susunod na subject.Nilingon ko siya. Ngunit napaatras ako nang biglang lumapit ang mukha niya sa 'kin habang nakangisi. Isang linggo na rin ang lumipas magmula ng nangyari ang eksena sa gymnasium, pero ayaw pa rin nila ako tantanan.Palihim ko namang sinulyapan si Ralph. Na sana pala ay hindi ko na lang ginawa.Nakatingin nga siya sa 'kin!Napaiwas agad ako ng tingin. Pero nang dahil sa ginawa kong 'yon ay nahagip naman ng mga mata ko ang katabi niya. Nakatalikod siya at mukhang busy sa kung anumang ginagawa.Magmula noong sabay kaming napalabas ni Ms. Reyes ay hindi pa uli kami nakakapag-usap na dalawa. Well, maliban na lang sa bilang na palitan namin ng mga salita sa tuwing nagkakasalubong o nagkakasabay kami.Sabagay, bukod sa wala naman kaming dapat na pag-usapan, hanggang ngayon ay ginugulo pa rin ako ng mga salita na binitiwan niya sa garden no'n.''Naku! May kinikilig!'' Nagulat na lang ako ng biglang tumili sila Mia at Kim. Pati tuloy ang mga kaklase namin ay napapalingon na sa direksyon namin.Muli ko silang binalingan at inirapan. ''Bakit naman ako kikiligin? Ewan ko ba sa inyo! Kayo lang naman ang gumagawa riyan ng issue.'' Tinalikuran ko na sila para abalahin ang sarili ko sa pagtingin sa labas.Natigil lang sila sa pang-aasar sa 'kin nang sa wakas ay dumating na ang susunod naming guro. Doon lang napanatag ang loob ko.Pero nagkamali pala ako. Wala na bang magandang pangyayari para sa 'kin ngayong araw?Kasalukuyan akong nakatayo rito sa harapan. Hindi kasi ako nakasagot sa tanong ni Mrs. Lorca kanina.Ang parusa? Kakanta lang naman!Kinumbinsi ko siya na kung puwede ay paglinisin na lang niya ako sa labas, kaysa gawin ang kahihiyan na 'to.Pero hindi siya nagpatinag at kanina pa nakahalukipkip, habang matalim na nakatingin sa 'kin ang kanyang mga mata.Kung bakit naman kasi sa dinami-rami ng dapat gawin ay ito pa?Sa totoo lang ay tatlo naman kaming hindi nakasagot. Kaya tatanggapin ko pa kung sabay-sabay na lang sana kaming kakantang tatlo.Pero hindi, eh! Isa-isa kami at ako pa ang huli. Nasa akin na naman tuloy ang atensyon ng buong klase!Kung bakit naman kasi ay roon pa ako natawag sa tanong na hindi ko alam ang sagot. Sa English subject kasi namin, sa oras na hindi ka makasagot sa recitation o mali ang sagot mo ay pagkanta ang kaparusahan.Ano kaya ang tumatakbo sa isip ni Mrs. Lorca nang maisipan niya ang tungkol sa ganitong klase ng parusa? Hindi bale sana kung MAPEH teacher siya.''So, Ms. Sandoval. What song are you going to sing for us? No worries. You can hit it just until the chorus.'' Seryoso lang ang mukha ni Mrs. Lorca. Mas lalo tuloy akong kinabahan.Sa kabila ng katahimikan ay bigla namang sumigaw si Mia. '''Yong kanta mo na lang para kay Ralph!'' Dahil doon ay nagsimula na naman akong tuksuhin ng iba pa naming mga kaklase.Napatampal na lang ako sa noo habang umiiling. Hindi ba talaga sila titigil? Konting-konti na lang talaga at bubusalan ko na ang bibig ng babaeng 'to!Saka ano ba ang pinagsasabi niya? Wala naman akong kanta para kay Ralph. Buti pa siya aware sa bagay na 'yon. Samantalang ako ay hindi.''Oh. Why is that? Are you and Mr. Dela Cruz together?'' Pati si Mrs. Lorca na minsan lang kung ngumiti ay napangiti ngayon nang dahil sa kalokohan nila.Napangiwi ako. ''Hindi po. Wala po 'yon.'' Nagsimula na naman ang walang humpay na pang-aasar ng mga kaklase ko sa 'kin.I glared at Mia, but she just smirked at me. This is all their fault!Kahit tuloy nandito ako sa harap ay pinipilit ko na wag mapatingin sa direksyon nila Ralph at Lance.Wala naman akong pakielam sa ganitong klase ng bagay dati. Pero ewan ko ba kung bakit ako naiilang ngayon nang dahil sa presensya ng dalawang 'to!''Okay, enough for that. You may now start Ms. Sandoval so that we can go on with the discussion.''Napabuntong hininga na lang ako. It seems like I don't have any other choice.Pero ano nga ba ang kakantahin ko? Biglaan naman kasi.I cleared my throat first. Bahala na nga. Napahinga muna ako ng malalim bago tuluyang nagsimula.If the heart is always searchingCan you ever find a home?I've been looking for that someoneI can't make it on my ownGusto kong matawa sa mga reaksyon nila. Ang lulungkot kasi ng mga mukha nila, habang ang ilan naman ay nakapangalumbaba pa.Dreams can't take the place of loving youThere's gotta be a million reasons why it's trueNilibot ko ng tingin ang buong klase, hanggang sa dumako ito kay Lance. Seryoso lang siyang nakatingin sa 'kin. Our eyes locked to each other for a moment. Nang makaramdam ako ng ilang ay umiwas na ako ng tingin. Sana lang ay hindi 'yon napansin ng mga kaklase namin.When you look me in the eyes and tell me that you love meEverythings alright when you're right here by my sideWhen you look me in the eyesI catch a glimpse of heavenI find my paradiseWhen you look me in the eyes...Mabilis akong naglakad pabalik sa puwesto ko ng matapos. Ngayon ko lang naramdaman na ang bilis pala ng tibok ng puso ko nang dahil sa kaba. Kahit ang kamay ko ay bahagyang nanginginig.It's happening again.Tahimik lang ang paligid hanggang sa nagulat na lang ako nang magpalakpakan ang mga kaklase ko.''Ang ganda pala ng boses mo, eh! Nakakadala ng emosyon!'' Kim poked me on my arm.Nginitian ko na lang siya. Kahit papaano ay medyo gumaan ang pakiramdam ko. Sa totoo lang ay hilig ko naman talaga ang kumanta.Pero nang dahil sa sunod-sunod na pagkatalong naranasan ko sa mga kompetisyon na nasalihan ko noon ay matagal ko ng kinalimutan ang pagkahilig ko rito.Dahil din doon ay umusbong ang takot ko sa tuwing nasa ibabaw ako ng entablado, at nanginginig ako sa tuwing haharap sa maraming tao para kumanta. Nawala 'yong confidence ko.I'm a loser. Kahit saang bagay ay talo ako.Kahit nga sa pagiging kaibigan ay hindi rin ako maaasahan.Ilang oras pa ang lumipas at sa wakas ay uwian na. Naiwan na naman ako mag-isa rito sa classroom namin. May lakad kasi sila Mia at Kim. Habang ang mga kaklase ko naman ay kasing bilis ni Flash na umalis pagka-dismissed pa lang ng klase.Pagkalabas ay nagulat pa ako nang makita ko si Lance na tila nag-aabang. Nakasandal siya sa pader at nakapamulsa. Lalagpasan ko na sana siya ng bigla siyang magsalita.''You know what, your voice is great.''Napahigpit ang hawak ko sa shoulder bag ko. Pinuri rin naman ako nila Kim kanina at ng iba pa naming mga kaklase. Pero hindi ko alam kung bakit kakaiba ang epekto ng papuri niya sa 'kin.Parang may kung anong lumilipad sa tiyan ko.Tipid ko siyang nginitian. ''Thanks.''He smiled. A sad one.But why, Lance?''Sana ay magkaroon tayo ng pagkakataon na kumanta ng magkasama.'' I gave him a questioned look.''You want to sing with me?'' I asked in disbelief.Nakakagulat naman kasi talaga. Si Lance gusto akong makasama kumanta? Is he joking? Sino ba naman kasi ako kumpara sa kanya?I'm always a loser. While he is always a winner. I don't think that's a good combination at all.He nodded. ''Yeah. Anyway, you take care.'' Bago pa man ako makapagsalita ay pumasok na siya sa loob ng classroom namin. May naiwan siguro.Habang ako naman ay naiwan na nag-iisip. Sa totoo lang ay nalilito na ako sa mga sinasabi at sa mga inaakto niya.You're one hell of a mysterious man, Lance Buenavista.Hanggang sa makalabas ako ng gate ay patuloy pa rin ako sa pag-iisip. Kaya naman ay halos mapatalon ako sa gulat ng may biglang tumabi sa 'kin at nagsalita."Sabay na pala tayo."Napataas ako ng kilay at dahan-dahan siyang nilingon. "Bakit? Hindi ba sa kabila ang daan mo?"Napakurap naman siya. Parang hindi makapaniwala sa narinig. "Paano mo nalaman? Sinusundan mo ba ako dahil may gusto ka sa 'kin?"Hindi ko napigilan ang mapasimangot bago ko siya mahinang sinuntok sa braso. Mas mahangin pa pala siya kay Ralph! "Feeling mo naman! Hindi porke't maraming nagkakagusto sa 'yo ay ibig sabihin gusto na rin kita. Napansin ko lang na doon ka lumiliko tuwing uwian."Well, I hate to admit, but that's true. 'Yong maraming nagkakagusto sa kanya. Tipong sa tuwing naglalakad siya ay sinusundan siya ng tingin ng mga kababaihan sa school. Minsan nga ay umaabot pa sila sa punto na nagpapapansin sila sa pamamagitan ng pagtawag sa pangalan niya at pagkaway.Kung tutuusin ay mukha siyang nerd dahil sa makapal niyang salamin. Kaya hindi ko akalain na marami pala ang humahanga sa kanya. Paano na lang kaya kung hindi siya nakasuot ng salamin?Baka magkaroon na ng stampede.Biglang naging seryoso ang mukha niya. "Aanhin ko naman ang marami kung wala naman sa kanila ang babaeng gusto ko?"Napakunot ang noo ko at napatitig sa kanya. Now, that's another news for me.Ibig sabihin ay may babaeng nagugustuhan si Lance?"Sino naman ang babaeng 'yon?" I curiosly asked.Napatitig lang siya sa 'kin. May mensahe na gustong ihatid ang kanyang mga mata sa 'kin na hindi ko makuha.Mayamaya pa ay narinig ko ang malakas na paghugot at pagpapakawala niya ng hininga. "Hatid na kita hanggang sa inyo. Gabi na rin kasi." Pag-iiba niya ng usapan.I shook my head at him and continued to walk. "There's no need for you to do that, weren't even friends," wala sa loob kong sabi.Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa maramdaman kung hindi na siya nakasunod sa 'kin.Nilingon ko siya. He was staring at me intently. Nakatikom ang kanyang mga labi habang nakapamulsa at tinatangay ng hangin ang kanyang buhok.May mga pagkakataon naman na nagkakasama kaming dalawa, dahil sumasabay sila ni Ralph sa 'min nila Mia kapag kumakain. Pero ayoko namang bigyan 'yon ng ibang kahulugan. Kahit pa nga kapag sa 'kin ay madalas siyang nakangiti, pero pagdating naman sa iba ay masungit siya.Sa sobrang intense ng tingin ni Lance ay hindi man lang nito napapansin ang iilang estudyante na napapalingon sa kanya.Napairap ako. Kung bakit naman kasi malakas ang appeal ng lalaking 'to? Maraming babae at feeling babae tuloy ang nag-aagawan sa kanya.Lance is unreadable. 'Yong tipong hindi mo mahahalata at mahuhulaan kung ano man ang iniisip niya. He was good at hiding his emotions and true feelings. Tila may isang bagay sa kanya na gugustuhin mong alamin. Then, you wouldn't be satisfied unless you got the answer you want."Weren't friends?" he asked. I nodded.Suddenly, the side of his lips tugged upward. "I don't want to be friends with you, either."Hindi ko alam kung bakit pero medyo nasaktan ako sa sinabi niya. Ngunit mas maigi na rin 'yon dahil ayoko naman talaga ng kai—"But we can start with that." Natigilan ako dahil sa sunod niyang sinabi.Kumunot ang noo ko. Thinking what he meant by that. Tatanungin ko pa sana siya nang mapansin kung umangat ang kanang kamay niya na tila may pinapara."Sumakay ka na. Pagabi na rin. Ingat." Before I knew it, he was already walking away from me.Palagi na lang niya akong sinasabihan ng ingat kaya nakasanayan ko na lang din. Sumakay na agad ako nang huminto 'yong jeep sa harap ko, dahil nararamdaman ko na talaga 'yong sobrang pagod ng katawan ko. But I'm still wondering about what he had said a while ago."I don't want to be friends with you, either.""But we can start with that."We can start with being friends, then what?Napasandal na lang ako sa bintana ng jeep.You never failed to give me a headache, Lance.Chapter 4Magmula ng naging usapan namin no'ng araw na sinabayan ako ni Lance sa paglalakad ay alam ko na mas nagkaroon ng malaking pagbabago sa pagitan naming dalawa.Madalas na kaming magka-usap sa text, o 'di kaya ay magka-chat. Noong una ay hindi ko siya pinapansin o di kaya ay sini-seen ko lang ang mga chats niya. Pero sadyang makulit talaga ang lahi niya.Palagi siyang may baon na kung ano-anong kuwento. Pagkatapos ay mas mahaba pa ang mga reply niya kumpara sa 'kin. Ilang beses din niya kong kinulit na ako naman ang magbahagi ng kuwento ng buhay ko.But I refused. Wala naman kasing interesante sa buhay ko.Unlike him. Who's been a honor student since grade school, an athlete, a singer, a best friend to Ralph and a popular one.Akala ko nga noong una ay tanging sa mga katulad naming seniors lang siya kilala. 'Yon pala ay hanggang sa mga freshmen student ay matunog din ang pangalan niya.But according to him, he's n
Chapter 5"Shane! Teka lang! Sabay na tayo!''Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang malakas na pagtawag sa 'kin ni Ralph. Nilingon ko siya at hinintay na makalapit sa 'kin.Hinihingal na tumigil siya sa harap ko. Pagkatapos ay inilagay niya ang dalawang kamay sa magkabilang tuhod. Mukhang kanina pa niya ko hinahabol. Bakit hindi niya kaagad ako tinawag?"Ayos ka lang ba?" tanong ko sa kanya sabay punas ng namuong pawis sa noo ko. Nakatigil kasi kami ngayon sa field kung saan ay damang-dama namin ang init ng sikat ng araw na tumatama sa 'min.May mangilan-ngilan namang estudyante ang napapadaan, pagkatapos ay nagbubulungan. Habang ang iba naman ay tila toro na umuusok ang ilong habang masamang nakatingin sa 'kin.Bakit nga naman hindi? Kasama ko lang naman ang tinagurian nilang campus prince. Habang si Lance naman ang campus heartthrob.Ipinagsawalang bahala ko na lang ang atensyon na ibinibigay sa 'min ng mga t
Chapter 6Pagkarating ko sa bahay namin ay kumain muna ko bago dumiretso ng kuwarto. Pero bago pa man ako tuluyang umakyat ay sinigurado ko muna ang pagkakasara ng pinto at mga bintana. Ako pa lang kasi mag-isa ang nandito.Marahil ay nag-overtime na naman si Mama. Habang si Clark naman ay nag-text sa 'kin na may tatapusin lang daw silang activity sa bahay ng kaklase niya.Hanggang sa makaupo ako sa ibabaw ng aking kama ay iniisip ko pa rin 'yong tungkol sa ginawang paghatid sa 'kin ni Lance.Nasa'n kaya ang nobya niya at hindi ko ata nakita buong araw kanina?Napailing ako bago nahiga. Ipipikit ko sana ang mga mata ko nang may bigla akong naalala.Mabilis akong napaupo at agad na hinagilap sa loob ng bag ko ang papel na ibinigay ni Ralph sa 'kin kanina.Marahan ko itong binuksan bago sinimulang basahin. Hindi naman mahaba ang nakasulat dito pero sapat na para matigilan ako.Shane,I just wanted you to
Chapter 7Halos dalawang linggo na ang nakalilipas magmula ng banggitin niya ang salitang 'yon. Gano'n katagal na rin niya kong sinusundo at hinahatid papasok at pauwi mula sa school.Noong una ay tutol ako sa gusto niyang mangyari. Pero ako na lang ang napagod sa pagsuway at pagtaboy ko sa kanya. Kahit anong pagmamaldita at pagtataray rin kasi ang gawin ko ay tila wala namang epekto sa kanya. Tingin ko nga ay mas lalo pa siyang nag-e-enjoy kapag gano'n.Kasalukuyan kaming nandito nila Mia at Kim sa canteen. Kanina pa sila nagdadaldalan sa tabi ko habang ako naman ay paunti-unti lamang na sumusubo ng spaghetti ko.''Girls, may tsismis ako!'' mahinang tili ni Kim."Ano 'yon?" excited na tanong ni Mia at umusog pa lalo palapit kay Kim.Ako naman ay nagpatuloy lang sa pagkain kahit wala akong gaanong gana. Mas may mapapala pa kasi ako rito kaysa makinig sa kung anumang pag-uusapan nila.''May nakarating sa 'king balita na m
Chapter 8Dalawang araw na rin ang lumipas magmula ng naging usapan namin ni Lance sa park. Mukhang okay naman na siya pero alam ko na mayroon pa ring mali. Paniguradong binabagabag pa rin siya ng mga sinabi ko tungkol sa kagustuhan niyang ipakilala ako sa pamilya niya.I sighed. What to do? Hanggang ngayon kasi ay nakokonsensya pa rin ako nang dahil sa mga sinabi ko.Naglalakad ako ngayon papuntang library. Pero natigilan ako nang may biglang tumawag sa 'kin.Paglingon ko sa kanan ay namataan ko ang pinsan ni Lance. Tumatakbo siya papunta sa direksyon ko."Hi, Shane!" nakangiting bati niya sa 'kin ng makalapit.Tipid ko naman siyang nginitian. "Hi!""May itatanong lang sana ako sa 'yo. I hope you don't mind." She bit her lower lip.Kumunot ang noo ko. "Ano 'yon?"Napakamot siya sa batok bago magsalita. "May naging alitan ba kayo ni Lance? No'ng makauwi kasi siya last Friday hanggang ngayon ay sobrang t
Chapter 9Lance's POVHindi mapakaling bumaba ang tingin ko sa suot na relong pambisig. Halos bente minutos na kong naririto at sa pagpatak ng bawat minuto ay mas lalo akong nakakaramdam ng kaba.Bigla ko tuloy naalala 'yong araw ng Sabado na pumunta kami rito. It was one of the happiest moments in my life. Kung puwede ko nga lang sanang hindi na bitiwan 'yong kamay niya no'ng panahon na nahawakan ko ito ay ginawa ko na.Malalim akong humugot ng buntong hininga at napatingin sa malakas na buhos pa rin ng ulan. Nang dahil dito ay na-cut tuloy ang klase namin. Kung kaya naman ay maaga na kaming pinauwi.Ngunit kasalukuyan akong nandito sa loob ng clubhouse ng subdivision kung saan nakatira si Shane para makasilong. Katabi lang ito ng park na pinuntahan namin no'ng nakaraang Sabado.May usapan kasi kami ni Shane na magkikita kami rito. Sinabi ko naman kanina sa kanya na sabay na lang kami pumunta rito pero sinamaan niya ko ng tingin
Chapter 10Naalimpungatan ako nang dahil sa ingay na naririnig ko mula sa labas ng kuwarto ko.''Ikaw na ang gumising sa kanya, iho. Ewan ko na lang kung hindi pa siya bumangon kaagad,'' masaya ang boses na sabi ni Mama.Gusto ko sanang buksan ang mga mata ko. Pero antok na antok pa talaga ko. So I just ignored it.''Baka po kasi magalit siya sa 'kin. Hindi pa nga po niya alam na kilala n'yo na po ko, eh,'' sagot ng isang pamilyar na boses.Pero hindi naman 'yon boses ni Clark. Kumunot ang noo ko. Sino kaya ang lalaking 'yon?Mayamaya lang ay nakarinig na ko ng sunod-sunod na katok sa labas ng pinto.''Shane! Bumangon ka na riyan! Anong oras na!'' malakas na sigaw ni Mama.Iminulat ko ang kanang mata ko para sulyapan ang alarm clock sa ibabaw ng mesa.Alas otso pa lang ng umaga at Sabado naman ngayon. Can't I have a break?''It's just eight o'clock in the morning. I'll get up later. Let me
Chapter 11"Ayos ka lang? Anong tinitingnan mo riyan?"Napaayos ako ng upo at napahawak sa kaliwang dibdib ko, nang dahil sa paglingon ko ay bumungad sa 'kin ang napakalapit na mukha ni Mia."Ano ba? Wag ka ngang nanggugulat!" Napanguso siya bago umayos ng upo. "Ang weird mo kasi. Kanina ka pa nakatingin sa labas. Ano bang mayroon diyan?"Napailing na lang ako nang sumiksik pa siya sa puwesto ko para makisilip sa bintana.Malakas pa rin ang buhos ng ulan sa labas. Kaya naman ay hindi ko napigilan ang mapatitig dito.Ngunit dahil dito ay cut na naman ang klase namin ngayong araw. Binabaha kasi ang ibang parte ng school lalo na 'yong malapit sa kanal. Matagal na itong problema rito. Pero magtatapos na lang ako at lahat ay hindi pa rin nila ito nagagawang solusyunan.Umuwi na ang iba sa mga kaklase namin. But Lance and I were still here in our classroom with our friends.Noong una ay awkward sa pakir
EpilogueSix years later...Lance's POVMataman kong tinititigan ang babaeng nakahiga sa tabi ko ngayon at nakaharap sa direksyon ko. I smiled at the sight of her beautiful face and just by looking at her, it never fails to make my heart beat faster than the normal.I lifted my hand and softly caressed her cheek. Sa loob ng anim na taon ay iba pa rin ang epekto niya sa 'kin. Sa tuwing tinitingnan ko siya, pakiramdam ko ay 'yon pa lang ang unang beses na nakita ko siya.Hindi ko naman napigilan ang matawa nang bigla na lang siyang humilik. Mukhang ang himbing-himbing pa rin ng tulog niya. Sabagay, paano ba namang hindi mahihimbing, eh, halos madaling araw na rin kaming nakatulog kanina.I grinned from the memory of what happened last night.I was about to move closer to her and pressed my lips on her lips when suddenly, the door in our room opened.Agad akong napaayos ng upo. I put my index finger on my lips
Chapter 57Lance's POV"Will you be fine here? God! Have you even seen yourself in a mirror? You looked like a mess, man!"Hindi ko pinansin at tinapunan man lang ng tingin si Xander. Mahigpit na hinawakan ko lang ang kamay ni Shane at dinala 'to sa pisngi ko."Wifey, gumising ka na, please. Huwag mo naman akong pag-alalahanin ng ganito."Halos dalawang oras din siyang nasa loob ng operating room kanina. And God knows how scared I am while waiting outside, hoping that everything will end out fine.Agad namang dumating ang mga magulang namin nang malaman nila ang nangyari. Kasalukuyan silang kumakain ngayon dahil halos wala pa rin silang kain nang dahil sa sobrang pag-aalala.I heard Xander sighed. "Don't worry. Ako na ang bahalang maglakad sa kaso ng mag-amang 'yon. I have a friend and he's a good lawyer. He can surely help us."Agad na nagtagis ang bagang ko nang dahil sa narinig. "Make sure that they will
Chapter 56Lance's POV"Have you tracked him already?" I asked Andrei, Xander's friend, impatiently.He looked up before turning his attention on his laptop again. "Just one more minute," seryosong sagot niya habang mabilis na tumitipa sa keyboard.Xander patted my shoulder. "Don't worry. This friend of mine is definitely a good one when it comes with tracking someone and other such related stuff."Napahawak na lang ako sa batok ko, bago napatango.Habang naghihintay ay napatingin ako kina Chloe at Ralph na tahimik lang na nakaupo sa mahabang sofa. I was about to talk to them when the door suddenly opened.Humahangos na pumasok ang mga magulang ni Shane mula ro'n, pati na rin ang kapatid niya."May balita na ba kung nasaan si Shane?" Tita asked worriedly.Napatiim bagang ako. "Tina-track na po namin ang location ni Dylan. Good thing he didn't throw nor leave his phone away from him, since we put a
Chapter 55Shane Chrystelle's POVNagising ako nang dahil sa ingay na nagmumula sa phone ko. Dahil inaantok pa ay nakapikit ang mga matang kinapa at kinuha ko 'to mula sa bedside table."Hello?" Napahikab ako at napaayos ng higa.Nang dahil sa dami ng mga nangyari kahapon ay naging mailap ang antok sa 'kin kagabi. A lot of questions are still wandering in my mind. At sumakit lang ang ulo ko sa pag-iisip ng sagot. Kaya naman ay halos magliliwanag na ng makatulog ako kanina."Oh. Did I wake you up, sweetie?"Napamulat ako ng mga mata nang marinig ko ang boses ni Mama sa kabilang linya."Hey, Ma. Yeah. I just woke up. Is there a problem?"Bumangon na ko at agad na hinarang ko ang kanang braso sa mga mata ko nang tumama ang sinag ng araw sa mukha ko.I frowned. Did he just come here again?Napailing na lang ako. Ang tigas talaga ng ulo ng lalaking 'yon.Mahina siyang natawa. "Oh, noth
Chapter 54Shane Chrystelle's POV"Tungkol saan pala ang pag-uusapan natin?" mahinang tanong ko kay Ralph, bago sumimsim ng kape. Medyo masakit pa rin kasi ang ulo ko kaya kailangan ko rin 'to ngayon.Nang hindi siya umimik ay nag-angat ako ng tingin. I was taken aback when I saw him looking at me so intently."What?"Ilang segundo niya pa kong tinitigan nang matiim, bago siya humugot ng malalim na hininga at marahas na ibinuga 'yon."Matagal ko ng gustong sabihin sa 'yo 'to. Pero nitong mga nakaraang taon, nakita kong okay ka naman na kaya mas pinili ko na lang na manahimik. But because of what's happening right now, I think you really deserve to know about it. Though I don't have any idea if this information will affect you positively or negatively."Hindi ko alam kung bakit tila tinambol ang puso ko nang dahil sa kaba. Sa kanilang dalawa ni Dylan ay kay Ralph na lang ako may tiwala ng buong-buo. At hindi ko alam
Chapter 53Shane Chrystelle's POVDahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata nang bigla kong maramdaman ang pagkirot ng sentido ko.Pupungas-pungas akong bumangon. Pakiramdam ko ay tila dinuduyan ako nang dahil sa pagkahilo.Wala sa loob na napatungo ako habang sapo ang ulo ko. But my eyes widened in horror when I noticed that I am not wearing anything!Then suddenly, I felt someone move beside me. Kinakabahan kong nilingon kung sino man ang walang hiya na nanamantala sa 'kin kagabi.Pero napanganga na lang ako nang bumungad sa 'kin ang bagong gising na si Lance. Nag-inat pa siya na tila wala lang. I was trying really, really hard to focus my eyes on his face because I know that I can see a sinful view down there.Oh lord. I need guidance.Wala naman sigurong nangyari, right? Wala naman siguro...Shit! Mariin akong napapikit nang bigla kong maramdaman ang pagsigid ng kirot sa pagkababae ko.
Chapter 52Lance's POVIlang minuto na rin ang lumipas magmula ng talikuran ako ni Shane at ng mapagdesisyunan kong sundan at hanapin siya.While walking and searching, I saw Xander strides towards me."Hey, man. Looking for someone?"I nodded as I continued to roam my eyes. "Yeah. Have you seen Shane?""Oh. Yes. Nando'n siya sa bar counter kanina. I suggest you better go there already. She seems drunk when I saw her."Mabilis akong napalingon sa direksyon na sinabi niya. Bigla kong binalot ng pag-aalala.I tapped Xander's shoulder. "Thanks, man.""No problem."That made me smile. Xander has been a good friend of mine. Siya ang naging pinakamalapit kong kaibigan no'ng nasa Canada pa ko at napagsabihan ko ng tungkol sa 'min ni Shane. Little did I know na kakilala rin niya pala 'to dahil naging magkaklase sila no'ng elementary. He even confessed that he used to have a crush on her.
Chapter 51"Is this really necessary, Ma?"I looked up at her from the mirror in front of me. Kasalukuyan akong inaayusan ng tinawagan niyang hair stylist, dahil katatapos lang akong lagyan ng make-up ng kaibigan niyang make-up artist.Nandito ako ngayon sa mansyon dahil mas maigi raw na rito ako ayusan kaysa sa unit ko.Like, seriously? For all I know it's just a socialite party that I'm attending to! Paniguradong magyayabangan lang ang lahat ng mga dadalo ro'n para ibida ang kanya-kanya nilang negosyo.Napatayo siya at malapad na ngumiti. "Of course, sweetie. This is your first time to attend such event. Kaya kailangan nating paghandaan maigi."Hindi na lang ako muling umimik pa. Dahil paniguradong hahaba na naman ang usapan.Pero sa totoo lang, kahit papaano ay gusto ko rin naman ang kinalabasan ng pag-aayos na ginawa sa 'kin. Habang nakatitig kasi ako sa harap ng salamin, pakiramdam ko ay ibang tao ang nakikita
Chapter 50Shane Chrystelle's POVDahan-dahan kong ipinarada ang sasakyan ko sa tapat ng mansyon, bago mabilis na lumabas at diretsong tinahak ang pinto para mag-doorbell.Hindi naman nagtagal ay agad na bumukas ang pinto sa harap ko."Ma'am Shane! Kayo po pala. Magandang umaga ho." Gulat pero nakangiting bungad sa 'kin ng mayordoma na si Manang Fely. Agad naman niyang niluwangan ang pagkakabukas ng pinto."Good morning din po." Tipid ko siyang nginitian. "Nasaan po sina Papa?" I roamed my eyes as I made my way inside the mansion."Nasa kusina po sila. Tamang-tama at kumakain po sila ng agahan ngayon."Napatango naman ako. "Sige po. Puntahan ko lang po sila.""Sige po. Maglilinis lang po muna ko sa hardin. Ahm, Ma'am Shane?"Napalingon ako sa kanya. "Bakit po?""Masaya po akong makita kayo ulit dito," nakangiti niyang aniya, bago tuluyang tumalikod at naglakad palayo.Napangiti ri