Napatungo s'ya at ibinaba ang kamay at nilisan ang kwarto. Bumaba s'ya at lumabas ng kanilang bahay. Hindi na niya nagawang magpaalam sa inay Marita niya at kay Lexi. Sumakay s'ya ng tricycle at sinabi dito kung saan s'ya pupunta.
Bumaba s'ya sa isang flower shop at bumili ng white flower bouquet at pagkatapos ay sumakay na ulit sa tricyle.
"Sa cemetery ho tayo."
Sumandal s'ya at bumuntong hininga at niyuko ang bulaklak.
Sampung minuto pa ang lumipas bago sila tuluyang makarating.
"Hihintayin ko ho ba kayo ma'am?" tanong ng driver.
"Hindi na ho, mukhang matatagalan kasi ako dito." Inabot niya ang bayad sa driver. "Thank you, kuya."
Tumalikod na s'ya at naglakad na papunta sa puntod ng kaniyang ama. Agad na nagbadya ang kaniyang l
Halos dalawang oras si Sunday na nanatili doon bago s'ya magpaalam sa itay niya. Gusto niyang magpaka-selfish ulit sa mga oras na iyon. Dumaan s'ya sa isang restaurant at kumain pagkatapos ay dumiretso s'ya sa tabing dagat. Hindi muna s'ya umuwi ng bahay, parang gusto lang muna niyang mapag-isa ngayon.Hindi naman sobra ang init ng tanghaling iyon kaya nakapaglakad-lakad s'ya sa tabing dagat. Bumuga s'ya ng hangin at tumigil sa paglalakad at tinanaw ang lawak ng dagat.Handa na s'yang magtapat, ayaw na niyang paasahin pa si David at lokohin ang sarili niya. Masyado s'yang naging selfish. Inisip niyang ayaw niyang saktan si David pero mas sinasaktan na pala niya ito nang dahil sa ginagawa niya. Gustuhin man niyang ibaling na lang muli ang atensyon niya dito dahil wala na rin naman s'yang aasahan kay Matteo pero hindi 'yon tama. Ayaw na niyang magpaka-selfish na tanging ang nararamdaman lang niya ang mahalaga sa kaniya.Lumakad s'ya sa tabi at umupo sa lilim
HOURS AGO...Kumatok si David sa kwarto ng Ginang pagkabalik niya sa bahay ng mga Morales."Pasok ka," ani ng Ginang sa loob."Nay." Umupo s'ya sa upuan na nandoon samantalang ang Ginang naman ay tumigil sa pagtatahi."Ano 'yon? Hindi mo ba s'ya nakita?"Umiling s'ya. "I'm c-cancelling the wedding."Natigilan ang Ginang. "Anong ibig mong sabihin?""I'm giving her up. Alam kong mahal niya ang ama ni Lexi k-kaya hahayaan ko na s'yang m-maging masaya," tila ay may nakabara sa lalamunan niya at hirap iyong sabihin."David...""I... I really love your daughter that's why I'm setting her free."Nilapitan s'ya ng Ginang at niyakap at dahil do'n ay hindi na niya napigilan ang luhang kanina pa nagbabadya."Hindi ako naging mabuting ina sa kaniya habang lumalaki s'ya. Salamat at dumating ka sa buhay niya, sobra ang pagpapasalamat ko sa'yo at nalulungkot ako sa nangyayari ngayon." Humiwalay ito sa yakap. "Totoon
Yakap ang mga binti gamit ang isang braso at beer naman sa isang kamay, nakaupo si Sunday sa trunk ng kotse ni Shaina. Ganoon din ang dalawa, tahimik ang lahat sa lumipas na minuto."To be honest, w-we talked to David." Tumingin si Jessa kay Sunday. "I k-know, hindi ito ang tamang oras para sabihin ito pero hindi ko na makayanan."Tumingin lang ang malamlam na mga mata ni Sunday sa kaibigan at naghintay ng sasabihin pa nito."Ganoon s'ya katakot na mawala ka, Sun at naiintindihan namin s'ya. W-Wala naman s'yang kasalanan sa nangyari.""Anong ibig mong sabihin?"Nagkatinginan ang dalawa sabay buntong-hininga ni Jessa."May na-recieve akong pictures a-at akala namin ay meron ka rin.""Ano ba 'yon?"Kinuha ni Jessa ang cellphone nito at nanginginig ang kamay na pumindot doon habang nagdadalawang-isip kung tama ba ang gagawin nito, pero andito na kaya itutuloy na lang niya.Inabot ni Sunday ang cellphone at napatitig s
"Oh, Sunday?" bungad ni Lorenzo nang mapatingin ito kay Sunday.Nangiti naman ng pilit ang babae."Why are you here?" nagtatakang tanong ni Alessandra na ikinailang niya. "I mean, today is your wedding right?"Bigla s'yang nanibago sa pakikipag-usap nito. Nagtataka rin s'ya kung bakit kasama ito ni Lorenzo at kamukha pa nito ang bata."The wedding was cancelled," sagot niya.Nagkatinginan ang dalawa."Oh, che diamine amico?" (Oh, what the heck dude?) bulalas ni Lorenzo."So you're telling us that there is no wedding anymore?" pagkumpirma ni Alessandra."Y-Yes.""Oh, shoot."Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang reaksyon ng mga ito."I don't know what to say," si Alessandra at nilapitan ang bata. "By the way, he's my son. He's Xandro."Hindi alam ni Sunday kung ngingiti ba s'ya o hindi. Hindi mawala sa isip niya iyong nasaksihan niya sa bar at ngayon ay narito ito at ipinapakilal
ROME, ITALY"Girl problem?" May umupong lalaki sa tabi ng kinauupuan ni Matteo sa counter. Malaki ang katawan nito kaysa sa kaniya. Hanggang balikat din ang buhok nito.Hindi s'ya sumagot, imbis ay uminom na lang s'ya ng alak sa kaniyang baso."Le ragazze non valgono la pena. Sono solo rompicoglioni." (Girls are not worth it. They are just pain in the ass.)Hindi pa rin sumagot si Matteo."Lei non ne vale la pena." (She's not worth it.)Napatiim-bagang si Matteo at tiningnan ang lalaki."Oh, chill. I'm just telling that girls who hurt their man are not worth it," ngumisi ito na tila ay nang-aasar pa. "She is not worth it."Agad itong kinuwelyuhan ni Matteo pero hindi iyon alintana ng lalaki. Nakangisi pa rin ito."Attento alle tue parole, stronzo," (Watch your words, asshole) mariin na sabi ni Matteo at pabalang itong binitawan at saka ito tinalikuran."Sei pazzo," (You're crazy,) tawa ng lalak
Tahimik ang bahay nang makauwi ang mag-ina. Naisip na lamang ni Sunday na baka natutulog ang mga ito."Mama, I'm shleepy..." sabi ni Lexi at nangunang naglakad papasok sa kwarto. Nakasunod naman dito si Sunday at hinayaang humiga sa kama ang anak. Agad naman itong nakatulog pagkahiga.Lumabas si Sunday para uminom ng tubig."Sunday."Nakita niya ang inay niyang pumasok sa kusina."Nay."Umupo ito. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa."Napatingin si Sunday sa ina."Gusto kong sabihin sa'yo na hinahanap ka ng tunay mong ina."Natigilan si Sunday at napatitig sa ina. "A-Anong ibig mong s-sabihin 'nay?" Kumabog ang dibdib niya sa narinig."Pumunta s'ya rito kanina at hinahanap ka niya."Nangilid ang luha ni Sunday. Totoo ba ang narinig niya?"N-Nay..." Gusto niyang magsalita pa ito. Matagal na niya iyong gustong marinig... at hinihintay. "N-Nasaan ho s'ya?""Hintayin mo s'ya. Tiyak na babali
Kinagabihan ay nasa rooftop si Sunday matapos niyang patulugin si Lexi. Nakaupo s'ya doon habang ang mga mata ay malamlam na nakatingin sa nagkikislapang mga bituin sa itaas.Hanggang sa mga oras na 'yon ay hindi pa rin s'ya makapaniwala. Nasasaktan din s'ya at pakiramdam niya ay wala s'yang halaga dito. Bakit niyo iyon nagawa sa kaniya?Nasasaktan s'ya, sa tuwing iniisip niya na habang s'ya ay nandoon at hinanap ang kalinga nito ay naroon ito at nagpapakasarap kasama ang mga anak nito. Masama ang loob niya dahil doon. Hindi naman pala ito naghihirap kaya paanong kahit ang bisitahin man lang s'ya noong bata pa s'ya ay hindi nito ginawa? O kahit magpakilala manlang sa kaniya?Pinahid niya ang luha. Sobrang sama ng kaniyang loob."Galit ako sa kaniya."Napalingon s'ya sa inay Marita niya."Nay...""Dati ko s'yang kaibigan, matalik na kaibigan pero dahil sa nangyari, nagalit ako sa kaniya. Lalo pa ng makiusap s'yang iwan ka sa amin
Kinabukasan ay mataas na naman ang lagnat ni Lexi, humupa lang iyon kagabi pero ngayon ay tumaas na naman. Nag-aalala na s'ya at kung hindi pa rin iyon bababa hanggang mamaya ay dadalhin na niya ang anak sa hospital. Ngayon lang kasi ito nangyari kay Lexi, nagkalagnat ito kahit wala naman s'yang nakikitang dahilan at ngayon ay hindi pa rin bumababa kahit pinainom na niya ito ng gamot.At hanggang sa dumating ang tanghali at hapon ay hindi bumaba ang lagnat nito kaya napagdesisyunan na niyang dalhin ito sa hospital. Agad namang sinuri ng doktor si Lexi.Umupo s'ya sa tabi ng anak."Mama? I'm shcared..." sabi ni Lexi. Kukuhanan kasi ito ng dugo para i-test."It's okay baby. Be strong okay?"Humihikbi itong tumango kaya naman inalo pa niya ito. "It's okay, Mama is just here."Napakapit ng mahigpit si Lexi sa kamay ng ina at isinubsob nito ang mukha sa braso niya nang makitang papalapit ang doktor."It's okay. It's okay, baby." Alam
❤️-❤️-❤️-❤️-❤️Nagising si Sunday na katabi si Matteo. Napasiksik tuloy s'ya sa lalaki na ikinatawa naman nito."Good afternoon babe," anas nito at hinalikan s'ya sa noo. It's already noon?"Kanina ka pa?""Yeah, an hour before you wake up.""Pinanood mo akong natulog?" nakapikit pa rin niyang tanong at mas iniyakap ang mga braso dito."Yeah."Mahina niyang kinurot ang parteng tiyan nito. "Bakit mo naman ginawa 'yon?""Just can't help to watch your beautiful face."Tiningala niya si Matteo. "Bolero ka talaga." Bumangon s'ya paupo, si Matteo naman ay nanatiling nakahiga at nakatingin sa kaniya, hindi, nakatitig sa kaniya."What?" natatawang tanong ni Sunday. May iba sa mga tingin nito. "May gusto ka bang sabihin?"Hindi ito sumagot, imbis ay kinuha nito ang kamay niya kaya't napatingin din s'ya doon. Agad s'yang natigilan nang makitang mayroon s'yang singsing doon."W-What is this?" nauutal niyang tanong at hindi malaman kung ngingiti ba o
Lahat ay nakaayos, pati ang mga pagkain na sinadya niyang lutuin, lahat ay pagkaing pinoy na madalas noong kainin ni Matteo noong nasa Pilipinas sila. Sa gitna ay isang cake na s'ya rin ang nag-bake. Napatingin si Sunday kay Franscesca, sumenyas ito na dumating na si Matteo. Nginitian naman niya ang dalaga bago ito bumalik sa loob.Nagsimulang kumabog ang dibdib niya at nakagat din ang ibabang labi. Sa tanang buhay niya ay ngayon lang niya ito ginawa.Napangiti s'ya nang marinig ang boses ni Emma at ni Matteo, pinapapunta ito sa kinaroroonan niya. S'ya naman ay gano'n na lang ang kaba, abot-abot na.Nang makitang gumalaw ang pinto ay napaayos s'ya ng upo.Heto na...Mas napangiti s'ya nang makita si Matteo. Natigilan ito at mukhang hindi inasahan ang nakikita."Hi," sambit niya at mas binigyan pa ito ng mas matamis na ngiti, nag-aanyaya na lumapit. Ngunit si Matteo ay naestatwa doon, bahagya pang napanganga. Nakaka
❤-️❤-️❤️-❤️-❤️Nang magtanghali ay nagdesisyon si Sunday na pumunta sa kompanya at hatiran ng tanghalian si Matteo, ipinagluto niya ito. Katulad ng sinabi niya kahapon, pupuntahan niya ito dito at sabay silang magtatanghalian.Hindi s'ya namalayan ni Matteo na pumasok sa opisina nito. May kausap ito sa laptop at kuntodo ang mga ngiti nito, ngiting puno ng pagmamahal. Sino naman kaya 'yon.Tumikhim si Sunday dahilan para mapatingin sa kaniya si Matteo, mabilis itong ngumiti sa kaniya pagkatapos ay mabilis ding ibinalik ang tingin sa laptop. Maya-maya'y isinarado na nito 'yon."Hi," gwapo nitong bati sa kaniya. Tumayo ito at niyakap s'ya mula sa likuran at inamoy ang buhok niya pababa sa leeg. "Smell so good..."Tinapik naman ni Sunday ang braso nito. "H'wag ka nga, kumain na tayo.""Yeah," kinagat nito ng mahina ang tainga niya dahilan para mangilabot s'ya at makaramdam ng kakaibang sensasyon. "I'm eating."Natatawa
Nagmulat si Sunday at agad na bumungad sa kaniya ang hubad na dibdib ni Matteo. Tiningala niya ang lalaki at himbing pa rin itong natutulog. Napangiti s'ya, hindi s'ya nagsisisi na ginawa niya 'yon, at iyong nangyari kahapon. Lihim na nagpasalamat si Sunday sa bakla, kailangan niya itong pasalamatan.Kumilos s'ya at umupo habang hawak ang kumot sa kaniyang dibdib para takpan ang hubad na katawan.Mukhang himbing na himbing pa si Matteo kaya't bumangon na s'ya. Sunday stood up naked and put her night dress on. At pagkatapos ay binalingan niya ulit si Matteo."Oh," bulalas niya. Nakatingin na pala ito sa kaniya. Agad s'yang pinamulahan ng pisngi. "Pinapanood mo ba ako?"Ngumisi ito. "What? What's wrong? Nakita ko na naman iyan lahat."Kunwaring napairap si Sunday."Good morning babe." Tumayo si Matteo na ikinalaki ng mga mata niya."H-Hey... atleast cover yourself."Prente lang itong naglakad palapit sa kaniya habang nanunu
Nang dahil sa ginawa nitong 'yon ay agad sumiklab ang init sa kaniyang katawan. At tila ay hindi na niya maramdaman ang malamig na tubig na nagmumula sa shower.Napasinghap s'ya nang bumaba ang strap ng kaniyang damit sa kaniyang kalahating braso."I don't like it," anas nito habang pinapasadahan ng kamay ay kaniyang hubad na likod.Napapikit s'ya. Parang biglang nanghina ang kaniyang buong sistema.Maya-maya'y tumigil ito sa ginagawa. "Clean yourself, Sunny. I don't like making love when someone touched this skin before me."Natigagal s'ya sa sinabi ng lalaki at hindi makakilos para lingunin ito.At nang maramdamang lumabas na ito ay naitukod na lang niya ang braso sa dingding upang kumuha doon ng suporta. Masyado s'yang pinanghina nito at kakailanganin niya iyon.Ilang minuto pa ang lumipas bago s'ya mahimasmasan at makuhang linisin ang sarili.Kinuha niya ang bathrobe nito at isinuot iyon nang matapos sa paglilig
Lumabas na si Sunday matapos ang kalahating oras. Wala ang secretary ni Matteo doon kaya naman mag-isa s'yang pumasok sa elevator. Tumigil iyon nang nasa 4th na s'ya."Grazie a Dio, sei qui," saad ng beki na pumasok. "Dove stai andando?"Itinuro ni Sunday ang sarili. "Excuse me, Am I the one you are talking to?"Inirapan s'ya ng bakla. "Yes, fino a quando non ho capito?""Ahh, I'm sorry but I don't understand you.""So che non ti piace, abbiamo davvero solo bisogno di un modello femminile in questo momento."Naiilang s'yang ngumiti. Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. "I'm sorry but I can't understand Italian.""Are you kidding me?""H-Huh?"Kinapitan s'ya nito sa braso at hinila palabas ng elevator."T-Teka, wait.""It will only take minutes.""W-What are you talking about?"Hindi na ito umimik habang hila-hila pa rin s'ya nito. Hindi niya alam ang nangyayari. Ano bang sinasabi n
Hindi talaga niya maintindihan si Matteo. Kagabi lang ay pinapaalis na s'ya nito at ngayon naman ay ayaw nitong ma-bore s'ya sa mansion.Bumaba na s'ya nang matapos niyang ayusin ang sarili. Naabutan niya ang dalawa, si Emma at si Fransesca na naghihintay sa kaniya sa baba.Pormal ang mga itong tumungo."H-Hey, you don't have to do that, okay?""Ah... hehehe," nangiti na lang si Emma gano'n din si Franscesca pero kitang-kita niya ang lungkot sa mga ngiti nito."Ah, pwede bang sa agency nila tayo pumunta?""Yes, Miss Sunday?" hindi naiintindihang tanong ni Emma."A-Ah... Can we just go to their agency?" Pumasok s'ya sa kitchen at kinuha ang niluto niyang Filipino food para sa lalaki. "Sure, Miss Sunday," ani Franscesca. "Ah--- Sunday."Ngumiti naman si Sunday. "Let's go?"Nasa likod niya ang dalawa kaya naman nilingon niya ito at sinabing sumabay sa kaniya sa paglalakad. Nahihiya naman ang
Maghapong hindi nakita ni Sunday si Matteo dahil nasa agency ito. Nalaman niyang isa pala itong sikat na model bago sila magkakilala. At ngayon ay ito na ang CEO ng sariling agency ng mga ito.Kaya pala noong unang kita niya dito ay pansin na agad niya ang maganda at matikas nitong pangangatawan. Naisip pa niya noon na isa itong sikat na artista.Nalaman din niyang kaya ito nagpunta noon sa New York ay dahil sa issue ng mga ito at ni Alessandra na lumabas din na walang katotohanan. Ginawa lamang iyon ni Alessandra dahil sa pagmamahal nito kay Matteo.Hindi pa rin niya ito nakikita hanggang ngayon kahit nasa iisang bubong lamang sila.Lumabas s'ya mula sa kwarto, suot ang isang white satin night dress. Pinatungan niya iyon ng roba. Alas-nuwebe na rin ng gabi kaya naman nasisigurado niyang nasa kwarto na ito maliban na lang kung lumabas ito.Nakita niya si Emma kaya naman tinanong niya ito kung nakita nito si Matteo. Sinabi naman nitong naroon
Nasa loob pa rin ng kotse si Matteo. Nasa parking lot s'ya ng hotel kung saan naka-check in ang babae.He can't believe himself doing this. He shouldn't be doing this. He was not the one who left.And he should be still mad.Yeah...He's just an option.Matteo gritted his teeth and start manevouring his car and left.💔-💔-💔-💔-💔Matteo on his only boxer shorts, lying flat on his bed that morning when he heard knocks on his door. Hindi niya iyon pinansin, imbis ay hinagilap niya ang unan at itinabon iyon sa kaniyang mukha.Ngunit hindi pa rin tumigil sa pagkatok ng kung sinumang nang-istorbo sa tulog niya. Tumayo s'ya para buksan iyon."What?--" Agad s'yang natigilan.In front of him is gorgeous woman in a maid's cloth."Good morning."Napalunok s'ya nang mapatingin sa mapang-akit nitong labi."What are you doing here?" malamig niyang tanong pero hindi manla