Share

Chapter 77

Kinagabihan ay nasa rooftop si Sunday matapos niyang patulugin si Lexi. Nakaupo s'ya doon habang ang mga mata ay malamlam na nakatingin sa nagkikislapang mga bituin sa itaas.

Hanggang sa mga oras na 'yon ay hindi pa rin s'ya makapaniwala. Nasasaktan din s'ya at pakiramdam niya ay wala s'yang halaga dito. Bakit niyo iyon nagawa sa kaniya?

Nasasaktan s'ya, sa tuwing iniisip niya na habang s'ya ay nandoon at hinanap ang kalinga nito ay naroon ito at nagpapakasarap kasama ang mga anak nito. Masama ang loob niya dahil doon. Hindi naman pala ito naghihirap kaya paanong kahit ang bisitahin man lang s'ya noong bata pa s'ya ay hindi nito ginawa? O kahit magpakilala manlang sa kaniya?

Pinahid niya ang luha. Sobrang sama ng kaniyang loob.

"Galit ako sa kaniya."

Napalingon s'ya sa inay Marita niya.

"Nay..."

"Dati ko s'yang kaibigan, matalik na kaibigan pero dahil sa nangyari, nagalit ako sa kaniya. Lalo pa ng makiusap s'yang iwan ka sa amin

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status