Share

Chapter 76

Tahimik ang bahay nang makauwi ang mag-ina. Naisip na lamang ni Sunday na baka natutulog ang mga ito.

"Mama, I'm shleepy..." sabi ni Lexi at nangunang naglakad papasok sa kwarto. Nakasunod naman dito si Sunday at hinayaang humiga sa kama ang anak. Agad naman itong nakatulog pagkahiga.

Lumabas si Sunday para uminom ng tubig.

"Sunday."

Nakita niya ang inay niyang pumasok sa kusina.

"Nay."

Umupo ito. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa."

Napatingin si Sunday sa ina.

"Gusto kong sabihin sa'yo na hinahanap ka ng tunay mong ina."

Natigilan si Sunday at napatitig sa ina. "A-Anong ibig mong s-sabihin 'nay?" Kumabog ang dibdib niya sa narinig.

"Pumunta s'ya rito kanina at hinahanap ka niya."

Nangilid ang luha ni Sunday. Totoo ba ang narinig niya?

"N-Nay..." Gusto niyang magsalita pa ito. Matagal na niya iyong gustong marinig... at hinihintay. "N-Nasaan ho s'ya?"

"Hintayin mo s'ya. Tiyak na babali

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status