Nangiti naman ng pilit ang babae.
"Why are you here?" nagtatakang tanong ni Alessandra na ikinailang niya. "I mean, today is your wedding right?"
Bigla s'yang nanibago sa pakikipag-usap nito. Nagtataka rin s'ya kung bakit kasama ito ni Lorenzo at kamukha pa nito ang bata.
"The wedding was cancelled," sagot niya.
Nagkatinginan ang dalawa.
"Oh, che diamine amico?" (Oh, what the heck dude?) bulalas ni Lorenzo.
"So you're telling us that there is no wedding anymore?" pagkumpirma ni Alessandra.
"Y-Yes."
"Oh, shoot."
Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang reaksyon ng mga ito.
"I don't know what to say," si Alessandra at nilapitan ang bata. "By the way, he's my son. He's Xandro."
Hindi alam ni Sunday kung ngingiti ba s'ya o hindi. Hindi mawala sa isip niya iyong nasaksihan niya sa bar at ngayon ay narito ito at ipinapakilal
ROME, ITALY"Girl problem?" May umupong lalaki sa tabi ng kinauupuan ni Matteo sa counter. Malaki ang katawan nito kaysa sa kaniya. Hanggang balikat din ang buhok nito.Hindi s'ya sumagot, imbis ay uminom na lang s'ya ng alak sa kaniyang baso."Le ragazze non valgono la pena. Sono solo rompicoglioni." (Girls are not worth it. They are just pain in the ass.)Hindi pa rin sumagot si Matteo."Lei non ne vale la pena." (She's not worth it.)Napatiim-bagang si Matteo at tiningnan ang lalaki."Oh, chill. I'm just telling that girls who hurt their man are not worth it," ngumisi ito na tila ay nang-aasar pa. "She is not worth it."Agad itong kinuwelyuhan ni Matteo pero hindi iyon alintana ng lalaki. Nakangisi pa rin ito."Attento alle tue parole, stronzo," (Watch your words, asshole) mariin na sabi ni Matteo at pabalang itong binitawan at saka ito tinalikuran."Sei pazzo," (You're crazy,) tawa ng lalak
Tahimik ang bahay nang makauwi ang mag-ina. Naisip na lamang ni Sunday na baka natutulog ang mga ito."Mama, I'm shleepy..." sabi ni Lexi at nangunang naglakad papasok sa kwarto. Nakasunod naman dito si Sunday at hinayaang humiga sa kama ang anak. Agad naman itong nakatulog pagkahiga.Lumabas si Sunday para uminom ng tubig."Sunday."Nakita niya ang inay niyang pumasok sa kusina."Nay."Umupo ito. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa."Napatingin si Sunday sa ina."Gusto kong sabihin sa'yo na hinahanap ka ng tunay mong ina."Natigilan si Sunday at napatitig sa ina. "A-Anong ibig mong s-sabihin 'nay?" Kumabog ang dibdib niya sa narinig."Pumunta s'ya rito kanina at hinahanap ka niya."Nangilid ang luha ni Sunday. Totoo ba ang narinig niya?"N-Nay..." Gusto niyang magsalita pa ito. Matagal na niya iyong gustong marinig... at hinihintay. "N-Nasaan ho s'ya?""Hintayin mo s'ya. Tiyak na babali
Kinagabihan ay nasa rooftop si Sunday matapos niyang patulugin si Lexi. Nakaupo s'ya doon habang ang mga mata ay malamlam na nakatingin sa nagkikislapang mga bituin sa itaas.Hanggang sa mga oras na 'yon ay hindi pa rin s'ya makapaniwala. Nasasaktan din s'ya at pakiramdam niya ay wala s'yang halaga dito. Bakit niyo iyon nagawa sa kaniya?Nasasaktan s'ya, sa tuwing iniisip niya na habang s'ya ay nandoon at hinanap ang kalinga nito ay naroon ito at nagpapakasarap kasama ang mga anak nito. Masama ang loob niya dahil doon. Hindi naman pala ito naghihirap kaya paanong kahit ang bisitahin man lang s'ya noong bata pa s'ya ay hindi nito ginawa? O kahit magpakilala manlang sa kaniya?Pinahid niya ang luha. Sobrang sama ng kaniyang loob."Galit ako sa kaniya."Napalingon s'ya sa inay Marita niya."Nay...""Dati ko s'yang kaibigan, matalik na kaibigan pero dahil sa nangyari, nagalit ako sa kaniya. Lalo pa ng makiusap s'yang iwan ka sa amin
Kinabukasan ay mataas na naman ang lagnat ni Lexi, humupa lang iyon kagabi pero ngayon ay tumaas na naman. Nag-aalala na s'ya at kung hindi pa rin iyon bababa hanggang mamaya ay dadalhin na niya ang anak sa hospital. Ngayon lang kasi ito nangyari kay Lexi, nagkalagnat ito kahit wala naman s'yang nakikitang dahilan at ngayon ay hindi pa rin bumababa kahit pinainom na niya ito ng gamot.At hanggang sa dumating ang tanghali at hapon ay hindi bumaba ang lagnat nito kaya napagdesisyunan na niyang dalhin ito sa hospital. Agad namang sinuri ng doktor si Lexi.Umupo s'ya sa tabi ng anak."Mama? I'm shcared..." sabi ni Lexi. Kukuhanan kasi ito ng dugo para i-test."It's okay baby. Be strong okay?"Humihikbi itong tumango kaya naman inalo pa niya ito. "It's okay, Mama is just here."Napakapit ng mahigpit si Lexi sa kamay ng ina at isinubsob nito ang mukha sa braso niya nang makitang papalapit ang doktor."It's okay. It's okay, baby." Alam
💔-💔-💔-💔-💔"We're leaving tomorrow," malungkot na saad ni Xandro. "But I promise I will come back when I grow up. Or I will wish to santa claus to give me a ride from there to here..."Nakatingin lang naman si Lexi sa bata pero malapit na itong humikbi. Iyon ang unang pagkakataon na nagkaroon ito ng kalaro kaya nalulungkot ito na uuwi na rin pala ito."Okay..." humihikbing sagot ni Lexi."It's okay, don't cry." Xandro pats Lexi's head. "Papa told me that promise should be kept. And I will keep my promise to you..."Tumango naman si Lexi. "Okay..."Tumayo si Lorenzo at lumapit sa anak na si Xandro. "We have to go Xandro. Lexi have to rest."Napipilitan namang pumayag si Xandro. "I'll see you soon..."Tumango lang naman si Lexi at kinaway ang kabila nitong kamay. "O-Okay, bye-bye.""Get well baby, okay?" sabi ni Lorenzo sa bata. "We're going."Pigil ni Lexi ang luha at paghikbi. "Okayyyy..."
💔-💔-💔-💔-💔"Wala na kayong babayaran, Miss Morales," ani ng cashier ng hospital."O-Okay, thank you." Hindi na s'ya nagtanong dahil alam na niya kung bakit at sino ang nagbayad. Bumalik na ulit s'ya sa loob."Magaling na ang baby namin," si Sebastian. Mahina nitong kinikiliti si Lexi."Are you ready?" nakangiti niyang tanong sa anak. Masaya naman itong sumagot."Okay, let's go?""Let me carry you." Binuhat ni Sebastian ang pamangkin."I'm going homeeeee..." nakangiting sabi ni Lexi."Because you're a good girl."Nakangiti si Sunday habang nakasunod sa mga ito palabas. At nang tuluyan na silang makalabas ay tila nakahinga na s'ya ng maluwag. Nagpapasalamat s'ya at agad na gumaling ang anak."Oh, lala is here."Napatingin si Sunday sa tinitingnan ng anak. Akala niya ay ang inay Marita niya ang tinutukoy nito.Unti-unting nawala ang kaniyang ngiti nang makita si Mrs. Harisson na
💔-💔-💔-💔-💔DE LUCA'S MANSIONNagpupunas ng buhok na lumabas si Matteo sa banyo ng tanghaling 'yon. Natigilan s'ya at napatingin sa nakapatay pa rin niyang cellphone.-- 'The wedding was off.'Pabagsak s'yang umupo sa kama at inabot iyon at nagdadalawang isip iyong buksan.Sa huli ay inilagay na lang niya ito sa backpack niyang nakabukas na nasa baba ng table."Ah, shit." Muli niya iyong kinuha ngunit nagtaka s'ya nang dalawang cellphone ang naroon. "Oh." Kinuha niya iyong pareho. Kay Sunday ang isa no'n. Naalala niyang itinago niya 'yon sa babae.Binuksan niya 'yon at agad na may nagpop-up na notifications."Che cazzo è questo?" (What the fuck is this?)💔-💔-💔-💔-💔PHILIPPINES"Mmm.." ungol ni Sunday nang kumilos s'ya sa pagkakahiga. Nagmulat s'ya ng mga mata at agad bumungad sa kaniya ang mukha ni Mrs. Harisson. Buman
💔-💔-💔-💔-💔Naalimpungatan si Sunday nang maramdamang may tumatama sa kaniyang noo. Agad niyang nakita si Ethan na nilalapatan ng basang towel ang noo niya."How are you feeling?" tanong nito sa inaantok na boses.Bumangon s'ya at umupo sabay tingin sa Ginang na ngayon ay tulog pa rin. "W-What time is it?""It's 2am.""Oh." Tiningnan niya ang binata. Halata sa mukha nito ang pagod. "Magpahinga ka na." Tumayo s'ya para bigyan ito ng espasyo. "Matulog ka na.""But you have to rest." Umupo ito sa gilid at isinandal ang sarili. "Sit.""Hindi na, sige na. Magpahinga ka na. Magbabanyo lang ako." Tumalikod na s'ya at pumunta sa banyo.Hindi naman s'ya nagtagal doon at lumabas na rin s'ya. Nakita niya si Ethan na nakatulog na yata. Nilapitan niya ito at inilagay ang paa sa sofa na nakalapat sa lapag. Napangiti s'ya bago tumalikod at lumapit sa Ginang.Nanginginig ang kamay niyang hinawakan ang kamay nito.