Naluluha na si Isabel pagkasabi ni Mrs. Daisy ngunit pinigilan niya ang sarili niya. Ayaw niya na makita siya ni Mrs. Daisy na umiiyak. Kailangan niyang tatagan ang loob niya. Inisip na lang niya ang boyfriend niya na si Callix na mahal siya. Wala na talaga. Alam na ni Mrs. Daisy ang tungkol sa relasyon nilang dalawa at ang dahilan kung kaya nagawa ni Callix 'yon. Sinubukan pa rin ni Isabel na humingi ng sorry kay Mrs. Daisy ngunit hindi talaga nito tinanggap ang sorry niya. Galit na galit ito sa kanilang dalawa ng boyfriend niya."Nakausap ko na rin ang mga head bago ka pumunta ngayon dito sa opisina ko, Isabel. Pinaalam ko na sa kanila ang mga nangyari. They don't want to tolerate this. They're disappointed because of what you've done. Kung ano ang sinabi ni Callix ay 'yon na rin ang gagawin namin. We're not going to include his name for our next month's issue. Wala na. You can't change it anymore, Isabel," tiim-bagang na sabi pa ni Mrs. Daisy sa kanya. "I'm so sorry po talaga, Mrs
"Are you crying, babe?! Ba't ganyan ang boses mo? You're sobbing. What's happening, huh?" nag-aalalang tanong ni Callix sa girlfriend niya na si Isabel na naririnig niya na humihikbi. Kakatapos pa lang ng meeting niya. Binuksan na niya ang kanyang cell phone para tawagan ang girlfriend niya. Mabuti ay kaagad naman na sinagot ni Isabel ang tawag niya. Kasalukuyan itong nasa condo unit nito na umiiyak mag-isa. Kararating lang nito sa condo unit niya. Ilang minuto na ang lumipas ngunit wala pa ring sagot si Isabel sa tanong niyang 'yon dito. Nag-alala na tuloy siya dito. Ang ginawa niya ay muli siyang nagsalita."Okay ka lang ba, babe? Where are you? Why aren't you answering my questions? What's happening to you, huh?" tanong muli ni Callix sa kanya. Isabel could feel his concern for her. Suminghot muna siya at dahan-dahan na pinunasan ng tissue ang mga luha niya. "Nandito ako ngayon sa condo unit ko, babe," namamaos ang boses na sagot ni Isabel kay Callix na boyfriend niya. "A-ano? N
Hapon na silang dalawa umuwi sa mansion ni Callix. Inaaliw lang niya ang kanyang girlfriend na si Isabel kapag nakikita niya na nalulungkot ito dahil sa nangyaring 'yon na hindi nito inaakalang mangyayari. Isabel realized that if she didn't agree with him, it won't happen to her. Now that she lost the job she really loves, what will happen to her next? What she should do next? Tahimik lang siya habang nagmamaneho si Callix ng kanyang kotse pauwi sa mansion nito. Dumaan muna silang dalawa para bumili ng makakain sa isang fast-food chain. Hindi kasi kumain ng lunch si Isabel kaya nag-aalala si Callix na boyfriend niya na baka magkasakit ito. "Hindi ka pa ba nagugutom, babe?" nag-aalalang tanong ni Callix sa girlfriend niya na si Isabel. Nag-drive thru lang naman siya. "Ito na ang in-order ko na kainin natin. May burger, fries, fried chicken na may kasamang rice, babe. Kumain ka na lang. Kanina ka pa hindi kumakain. Hindi ka rin kumain ng lunch kanina. Sigurado ako na gutom ka na n'yan
"Nalaman ko rin po ang ginawa n'yong pagsisanti kay Isabel. Hindi n'yo na po sana ginawa 'yon sa kanya. Alam mo naman po kung gaano kaimportante ang trabahong 'yon sa kanya. Mahal po niya ang trabaho niya na 'yon. Hindi n'yo na lang dapat ginawa 'yon sa kanya. Sinuspende n'yo na lang sana siya kahit isang buwan for failing to do her task, hindi kagaya nito na sinisanti n'yo siya! Wala ka pong puso, Tita Daisy..." sabi pa ni Callix kay Mrs. Daisy. "Ano ba 'yang mga pinagsasabi mo, huh?! Naiintindihan mo ba ang sinasabi mo sa akin ngayon, Callix!" tanong ni Mrs. Daisy sa kanya."Opo. Hindi ko naman po sasabihin ang mga 'yon kung hindi ko po naiintindihan lahat. Hindi n'yo na sana siya sinisanti sa trabahong mahal niya," sabi pa ni Callix sa Tita Daisy niya na mabilis naman sinagot siya."Mahal niya ang trabaho niya? Sigurado ka ba sa lumalapit d'yan sa bibig mo, Callix?!" "Opo, Tita Daisy. Siguradong-sigurado po ako. Wala pong pagdududa kahit kailan," matapang na tugon ni Callix sa ka
"May pupuntahan ka ba, babe? Bihis na bihis ka. Saan ba ang punta mo? Puwede ko bang malaman, huh?" tanong ni Callix kay Isabel nang makita niya itong nakabihis at mukhang may lakad. Tumango naman kaagad si Isabel sa harap ng boyfriend niya matapos nitong magtanong sa kanya."Oo, babe. Aalis muna ako. Magkikita kami ng kaibahan ko na si Angela ngayong hapon na 'to," malumanay na sagot ni Isabel kay Callix na boyfriend niya."Ah, ganoon ba? Gusto mo bang ihatid kita kung saan kayo magkikita ng kaibahan mo na si Angela?" tanong ni Callix sa kanya kung gusto niyang ihatid siya kung saan sila magkikita ni Angela na kaibigan niya. Sa isang coffee shop sila magkikita. Araw ng Martes at hindi pumasok si Callix sa opisina niya. Tinatamad raw siya.Isabel licked her lips and said, "'Wag na, babe. 'Wag mo na akong ihatid. Magpapahatid na lang ako kay Manong Erwin. Mamaya ay ikaw na lang ang sumundo sa akin, okay?" Tumanggi nga si Isabel na ihatid siya ng boyfriend niya na si Callix sa lugar ku
Binisita ni Isabel ang puntod ng kanyang mahal na ina sa sementeryo sumunod na araw. Hindi alam 'yon ng boyfriend niya na si Callix na nasa opisina ng kompanya niya. Wala naman sa plano niya ang pumunta doon. Naisipan lang niya na dalawin ang puntod ng mahal niyang ina baka sakaling mawala ang bigat ng nararamdaman niya. Bumili muna si Isabel ng bulaklak at kandila bago pumasok sa loob ng sementeryong 'yon. Siya lang ang taong nandoon sa loob. Napakatahimik sa loob ng sementeryo.Pagkarating niya sa puntod ng mahal niyang ina ay kaagad naman niya na inilapag ang bulaklak na binili niya at sinindihan ang kandila. Matapos 'yon ay taimtim siyang nagdasal."Mama, kung nasaan ka man po ngayon ay sana po ay palagi n'yo po akong bantayan lalo na po sa panahon na 'to na masasabi ko na bagsak na bagsak po ako. Alam mo naman po siguro ang nangyari sa akin kaya nagkaganito ang lahat sa buhay ko. Hindi ko naman po gusto na mangyari 'to, eh. Nagmamahal lang po ako pero hindi ko inaasahan na ito an
"Kapag ba lumayo ka na kay Callix na boyfriend mo ay sigurado ka na magkakaroon ka na ng peace of mind kahit sandali, huh? Sa tingin mo ba ay makakatulong ang gagawin mo na paglayo sa kanya?" tanong ni Angela kay Isabel na napalunok ng kanyang laway bago sumagot sa kanya. "Hindi ko alam pero siguro ay magkakaroon ng peace of mind ang paglayo ko sa kanya kahit sabihin natin na masakit na isipin na lalayo ako sa kanya ngunit kailangan ko na gawin 'yon para sa mental health ko. Kung hahayaan ko na manatili ako sa kanya ay hindi ko alam kung ano'ng puwedeng mangyari sa akin, Angela. Iyon ang kailangan ko sa panahon ngayon. Gusto ko muna na mapag-isa," paliwanag pa ni Isabel kay Angela na kaibigan niya."Gusto mo na mapag-isa ngunit sa tingin ko ay mas delikado nga 'yon para sa 'yo kasi mag-isa ka kahit anu-ano ang maiisip mo n'yan na hindi maganda. Naririnig mo ba talaga sa mga sinasabi mo, Isabel? Alam mo ako tuloy ang namomroroblema sa gusto mong mangyari," sabi ni Angela sa kanya na n
"Hindi! Hindi tayo puwedeng maghiwalay, babe. Mahal kita at alam ko na mahal mo rin ako. Malakas ang kutob ko na may ibang dahilan ka kung bakit nakikipaghiwalay ka na ngayon sa akin. Babe, huwag naman ganito ang gawin mo. Ayaw ko na magkahiwalay tayong dalawa. Mahal na mahal kita at hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko. Please naman. Bawiin mo ang sinabi mong 'yon na makikipaghiwalay ka sa akin at hindi mo ako mahal. Mahal mo ako at nakikita ko sa 'yong mga mata," sagot ni Callix sa kanya na namamaos ang boses. Hindi niya gustong magkahiwalay silang dalawa ng girlfriend niya na si Isabel. Ayaw niyang mawala ito sa buhay niya. Alam niya na may ibang dahilan kung kaya ito nakikipaghiwalay na sa kanya.Hindi nagsalita si Isabel matapos sabihin 'yon ni Callix sa kanya. Paulit-ulit 'yon sa isipan niya ngunit kailangan niya na hindi bumigay sa mga sinasabi ni Callix sa kanya na kaunti na lang talaga ay bibigay na siya. Ayaw naman talaga niyang magkahiwalay silang dalawa. Labag 'yon sa kalo