NARAMDAMAN ni Yza tila may mga mata nakatitig sa kanyang likuran. Hindi siya mapakali kung kaya ay lumingon na lamang siya roon sa pintuan nitong kusina. Nakikita niya si Manuel na nakatayo sa may bukana ng pintuan. Nakatayo ito habang ang likod nito ay nakasandal sa hamba ng pinto. Naka ekis ang dalawang mahahabang mga binti nito na nakahalukipkip ito na nakatingin sa kanya.Huminto ang mga mata niya at nakatitig sa bandang tiyan ng lalaki. Okay na sana ang bungad nito sa kanya na animo'y modelo sa magazines. Ngunit nakalimutan nito na magsuot ng damit o tamang sabihin na sinadya nito na hindi magsuot ng damit at tanging brief pa rin ang suot nito.Napalunok siya ng ilang beses habang nakatitig siya sa mala adonis na katawan ni Manuel. Pinigilan niya ang kanyang sarili upang hindi magkakasala ng ganitong oras. Umagang-umaga. Ngunit tiyak niya na may morning arousal si Manuel. Pinilig niya ang kanyang ulo upang tanggalin ang mga agiw sa kanyang utak.“Hey,” ani Manuel na may alang
MABILIS lumipas ang mga araw, buhat nang dinala siya ni Manuel dito sa isla ng Guimaras. Sa mga unang araw niya rito sa isla ay hindi madali para sa kanya. Nahihirapan siya mag-adjust. Lalo na sa kalagayan niya na hindi niya maihakbang ang isang paa niya dahil sa bone fracture niyon, gawa n’ong naaksidente siya. Ngunit sa pagdaan nang mga araw ay paunti-unti rin siya nakapag-recover, sa tulong ni Manuel na palaging nasa tabi niya ang binata. Sa tulong din ng physical therapist ay muli niya naihakbang ng maayos ang isang binti niya na nabalian ng buto. Manuel always in her side. Kaya hindi niya napigilan ang sarili na isang umaga, nagising na lamang siya na mahal niya na ang binata. Walang pangalan ang kanilang relasyon. Subalit naramdaman niya rin na mahal siya ni Manuel. Ika nga, action louder than speak. Kasalukuyan nasa third floor si Yza, nasa terrace ang lugar na gustong-gusto niya tambayan sa tuwing umaga. Mula sa puwesto niya ay makikita ang malawak na tanima
Tumingala siya rito. “Thank…” Hindi niya na nasabi ang ibang sasabihin niya ng mabilis dumampi ang mga labi ni Manuel sa kanyang mga labi. Napamata siya. Nakailang beses din siya kumurap-kurap ng kanyang mga mata, ng makabawi na siya sa halik ni Manuel sa kanyang mga labi. Tila pabago-bago siya sa ginagawa nito. ‘Hindi ka pa nasanay.’ Piping sigaw ng isang bahagi ng kanyang isip. Lately, mas lalong naging sweet ito sa kanya at mas lalong naging maalaga ang lalaki sa kanya. Nang tingnan niya ang binata ay nasa mga labi pa rin nito nakapaskil ang pilyong ngiti nito. “Huwag mo akong, titigan ng ganyan. Mamaya kamukhang-kamukha ko si Baby.” Abot tenga ang ngiti ng mokong na ‘to. Sumimangot siya. “As if naman na ikaw ang…”“Yza,” may pagbabanta ang boses sambot nito. “Napag-usapan na natin ang tungkol diyan.” Nilagyan nito ng pagkain ang plato niya. “Kumain na tayo, bago pa lumamig itong mga pagkain.” “Salamat.”“Inumin mo muna ito,” inabot ni Manuel ang baso na may lamang gat
AYAW pa sana ni Yza umalis ng Guimaras Island. Mas gugustuhin niya pa sana mananatili sa bahay bakasyunan ni Manuel. Dahil sa tahimik at payapa. Ngunit kailangan na nila bumalik dahil sa maraming trabaho ang naghihintay sa kay Manuel sa office nito.Pagkagaling ng Guimaras ay sa Sandoval mansion na sila tumuloy. Dahil na rin sa kagustuhan ni Don Hector na dito na sila ni Manuel tumira. Hindi na raw safe para sa kay Yza na maiwan mag-isa roon sa condo unit ni Manuel. Lalo nasa third trimester na ang pinagbubuntis ni Yza at malapit na rin siya manganak. Samantala kasalukuyang nasa loob sila ng clinic ni Doctora Mendez. Hindi mapakali si Manuel, kanina pa ito palakad-lakad dito sa loob ng clinic. Hinintay nila parehas ang results ng ultrasound ni Yza. Napagpasyahan nila pareho na kailangan niya ng magpa ultrasound ng sa gan'on malaman nila ang gender ni baby. N’ong una ayaw pa sana para surprise ang magiging Gender ni baby. Ngunit kailangan nila bumili ng mga gamit. “Manuel, nahih
PAPASOK nang ladies room si Yza ng biglang napa atras siya ng nakasalubong niya ang babae na nakayuko ito sa hawak na cellphone at mukhang busy. Dahil sa hindi nito napansin na mabangga siya nito. Ngunit na out of balance siya at nawalan ng panimbang. Inihanda niya na rin ang kanyang sarili na bumagsak sa matigas na sahig na gawa sa tiles ang malambot niyang katawan.Napapikit na rin siya ng kanyang mga mata. Ngunit hindi siya bumagsak, bagkus may matitigas na mga braso nakasalo sa kanyang katawan. Sa sobrang kaba at takot na nararamdaman niya ay hindi agad nakapag-react si Yza. Pilit niya pa pinoproseso ang nangyari sa kanya.“Sweetheart, are you okay? May masakit ba sa’yo?” Tanong ng boses ni Manuel.Si Manuel? Tama boses ni Manuel ang narinig niya. Sinundan ba siya ng lalaki hanggang dito? Iminulat niya ang kanyang mga mata. Bumungad sa kanyang paningin ang itsura ni Manuel na may pag-alala para sa kanya.“Dahan-dahan lang,” sabi ni Manuel naka alalay sa kanya para makatayo siya
Nang natapos na siya maghugas ng kamay ay sumunod na rin siya kay Celine na lumabas dito sa ladies room.Nadatnan niya na nag-uusap sina Manuel at Celine, kasama si Dax. Biglang natahimik ang mga ito ng dumating na siya.“Are you okay?” tanong ni Manuel na hinawakan ang isang kamay ni Yza at bahagyang pinisil iyon.Nagpaskil siya ng ngiti sa kanyang mga labi. “Yeah, I'm okay sweetheart.” Talagang sinadya niyang tawagin sweetheart si Manuel.“So let's go, Manuel?” Yakag ni Celine na may malapad na ngiti nakapaskil sa mga labi nito na nakatingin sa kay Manuel.Talagang harap-harapan ang pakikipag-flirt nito sa kay Manuel. Ang buong akala niya ay ex girlfriend na lang ito ni Manuel. Ngunit naging haliparot itong si Celine. Walang pakialam na kasama siya ni Manuel. Naiinis siya sa babaeng haliparot na ‘to ngunit hindi niya pinapahalata. Ayaw niya naman magmukhang bastos at pagsabihan na walang pinag-aralan.“May pupuntahan pala kayo ni Celine?” tanong niya kay Manuel.“She's invited us…”
RAMDAM ni Manuel ang tension namumuo sa pagitan nila Yza at Celine. Ang hindi niya lubos maisip kung ano ang ginawa ni Celine sa hospital. Gusto niya itong tanungin kung may sakit itong nararamdaman. Ngunit ayaw niya naman isipin ni Celine na concerned siya rito at magiging dahilan na mas lalong pagnanaia nitong makipagbalikan sa kanya. Higit sa lahat ayaw niya maging dahilan ng away nila ni Yza.Ito na nga ba ang pinaka ayaw at iniiwasan niya na magkikita sina Celine at Yza. Magkaroon ng hindi pag-unawaan ng dalawang babae.Dumating ang order nila at nagsimula na rin silang kumain. Habang kumakain ay walang imik si Yza. Naging maasikaso si Manuel sa kanya habang kumakain sila. Laking pasasalamat niya na hindi siya pinabayaan nito sa harap ni Celine.“Have some tea?” tanong ni Celine nang natapos na silang kumain lahat. Si Dax ang nagprisenta na magbayad ng bills nila.“No thanks,” tanggi agad ni Yza. Hindi niya na kayanin na tumagal pa dito para lang makipag plastikan sa kay Cel
Gabi ng nakabalik si Manuel dito sa mansion. Mabuti na lang nagawan ng paraan ang pinapagawa niya. Pasipol-sipol siya na pumasok dito sa sala, bitbit ng isang kamay niya ang di kalakihan box. “Manang Salod, si Yza po?” Tanong niya ng nakita si Manang Salod.“Nandoon sa loob ng kwarto n’yo. Nagkukulong. Hindi nga kumain ng hapunan ‘yun. Nag-away ba kayo?” “Hindi, may kaunting tampuhan lang. Nagtatampo si Yza at masama ang loob.”“Bakit?” “Hindi sinasadya na magkikita sila ni Celine.”“Si Celine, nakabalik na dito sa ‘Pinas?”“Oo manang. Ilabg beses na rin kami nagkikita dahil sa investors ng real estate ‘yung stepdad niya at representative si Celine.”“Tiyak problema na naman ang dala ng babaeng iyon sa’yo. Kung ako sa’yo umiwas ka na sa kanya.”“Kahit gustuhin ko man iwasan si Celine, Manang. Hindi p'wede dahil business associate po kami,” napabuga ng hangin si Manuel.“Problema nga iyan,” naiiling na lang sabi ni Manang Salod.“Papanhik muna ako sa kwarto namin, Manang. Puntahan