Gabi ng nakabalik si Manuel dito sa mansion. Mabuti na lang nagawan ng paraan ang pinapagawa niya. Pasipol-sipol siya na pumasok dito sa sala, bitbit ng isang kamay niya ang di kalakihan box. “Manang Salod, si Yza po?” Tanong niya ng nakita si Manang Salod.“Nandoon sa loob ng kwarto n’yo. Nagkukulong. Hindi nga kumain ng hapunan ‘yun. Nag-away ba kayo?” “Hindi, may kaunting tampuhan lang. Nagtatampo si Yza at masama ang loob.”“Bakit?” “Hindi sinasadya na magkikita sila ni Celine.”“Si Celine, nakabalik na dito sa ‘Pinas?”“Oo manang. Ilabg beses na rin kami nagkikita dahil sa investors ng real estate ‘yung stepdad niya at representative si Celine.”“Tiyak problema na naman ang dala ng babaeng iyon sa’yo. Kung ako sa’yo umiwas ka na sa kanya.”“Kahit gustuhin ko man iwasan si Celine, Manang. Hindi p'wede dahil business associate po kami,” napabuga ng hangin si Manuel.“Problema nga iyan,” naiiling na lang sabi ni Manang Salod.“Papanhik muna ako sa kwarto namin, Manang. Puntahan
NANG sumunod na mga araw ay naging abala sina Manuel at Yza sa pag-aasikaso para sa kanilang kasal. Napagkasunduan nila parehas na pagkatapos na manganak ni Yza, sila magpapakasal ng simbahan at isabay na lang din ang binyag ni baby.Sa katunayan ay may pangalan na ang baby ni Yza. Yuna Manuela Sandoval- si Don Hector mismo ang nagbigay ng pangalan ng magiging anak niya. Ang dahilan nito ay kauna-unahang apo raw nito kaya ay siya ang nagbigay ng pangalan. Higit sa lahat mas excited pa ito kaysa kanila ni Manuel. Sa kabila ng Kabaitan pinapakita ni Don Hector at itinuring din siya nito na katulad sa isang anak ay hindi maiwasan ni Yza na di makaramdam ng konsensya. Pakiramdam niya kasi niloloko nila ni Manuel ang matandang Don. Ang buong akala nito ay si Manuel ang ama ng pinagbubuntis niya.Kasalukuyang nasa hapagkainan sila at kumakain ng almusal. “Maligo muna ako, Mrs ko,” paalam ni Manuel na kinindatan pa ang dalaga. Kakatapos lang nila kumain ng agahan.“Sige, tulungan ko muna
Kung hindi lang siya nakapagpigil kanina pa niya sinugod sina Dayday at Jenny. Ngunit malaking katanungan sa kanyang isip ang tungkol sa kay Celine. Ang alam niya lang ay ex girlfriend lang ni Manuel si Celine. Hindi naman nito sinabi na fiancé na ex fiance pala nito. Kung totoong nakatakda ng ikasal si Manuel sa babae. Siya ang dahilan kubg bakit hindi natuloy ang kasal ng mga ito? Posible dahil may usapan ang Daddy Franco niya at si Manuel, na siya ang pakakasalan ni Manuel. Kailangan niya makausap si Manuel at malaman niya ang totoo. Lumabas si Yza, mula sa likod ng dahon ng pinto na pinagtataguan niya. Balewalang tumuloy siya papasok ng kusina, na may malapad na ngiti nakapaskil sa kanyang mga labi. Halatang nagulat pa ang mga empaktang Dayday at Jenny nang makita siya ng mga ito. Hindi niya pinapansin at hindi nagpapahalata na narinig niya ang pinagstismisan ng mga ito kani-kanina lang. Matamis siya ngumiti sa kay Manang Salod. “Manang mag lalakad lang ako sa labas.” Pin
TINITITIGAN niya ito. Sinalubong ni Yza ang titig niya, nanunumbat ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. He saw emptiness in those beautiful chinky eyes, pagkatapos ng sandaling pagguhit ng pain of betrayal."Im sorry," aniya sa mahinang boses. Sinara ang dahon ng pinto."Ikaw ba? Ikaw ang lalaki ng gabing iyon?!" Pasigaw na tanong ni Yza.Hindi siya kumibo, nanatiling nakatayo lamang siya malapit sa pinto. Habang tinititigan ang dalaga na walang tigil ang agos ng mga luha nito sa pisngi. Nakuyom niya ang sariling mga kamao, gustong suntukin ang kanyang sarili mismo."I'm sorry," ulit niya. Wala siyang maapuhap na isagot sa dalaga. Handa na ba siya na sabihin ang lahat-lahat dito? Ang katotohanan. Paano kung masasaktan si Yza?'Nasasaktan na nga siya 'di ba? Hindi mo ba nakikita?' sigaw ng kabilang bahagi ng kanyang isip."I don't need your pity sorry!" Mahina ngunit mariin na tanong ni Yza."Yes, ako ang lalaki nang gabing iyon. Anak ko ang batang pinagbubuntis mo, Yza." Buong t
ILANG araw na rin simula nang lumabas mula sa hospital si Yza, pagkatapos niya manganak. Pagkagaling ng hospital nasa Sandoval mansion pa rin siya nakatira. Dahil sa ayaw ni Manuel pumayag na umalis silang mag-ina sa poder ng Sandoval. Ayaw rin pumayag ni Don Hector na umalis siya ng mansion na kasama ang anak niya.Hindi siya umalis ngunit sa isang kondisyon. Sa ibang kwarto na siya at ang baby. Ayaw niya na makasama si Manuel sa iisang kwarto.Pumayag naman si Manuel sa kagustuhan niya. Hindi pa rin nila napag-usapan at naayos ang problema nila. Nanatiling malamig ang pakikitungo niya sa kay Manuel. Pakiramdam niya kasi pinaglaruan lang siya ni Manuel. Manuel manipulates her life. Parang pinaikot-ikot lang siya sa palad nito at pinaglaruan, pinaniwala sa mga kasinungalingan nito. Higit sa lahat ang pinakamasakit ay si Manuel lang pala ang lalaking nagsamantala sa kahinaan niya ng gabing iyon. Si Manuel lang pala ang lalaking gustong ipapakasal sa kanya ng Daddy Franco niya, ang l
NANGINGINIG ang buong katawan niya at kamay niya na may hawak na cellphone. Yza receives messages from unknown numbers. Pictures ni Manuel at kasama nito si Celine sa bar, ayon na rin sa background ng photos. Magkadikit ang mga katawan ng mga ito. Muli nag pop-up ang cellphone niya. Another pictures of Manuel with Celine, at sa pagkakataong ito ay magkalapit ang mga mukha ng mga ito. Naghahalikan.Bigla ay uminit ang sulok ng kanyang mga mata. Nagbabadya ang mga luha niya na umalpas mula sa kanyang mga mata. Pinilig niya ang kanyang ulo. Gusto niyang dayain ang kanyang sarili na hindi totoo ang nakikita niya, na hindi si Manuel ang lalaking nasa pictures na kasama ni Celine. Ngunit kahit anong gawin niya ay si Manuel ang lalaking nakikita niya na kahalikan ni Celine.Habang tinititigan niya ang mga pictures na may ibang bdbaeng kasama si Manuel. Pakiramdam niya ay tila sinasaksak ng pinakamatalim na kutsilyo ang kanyang puso.Ang buong akala niya ay gusto ni Manuel, ayusin ang proble
DALI-DALI siya nabihis ng damit pang-alis. Nang natapos na siya magbihis ng damit niya ay lumabas na rin siya mula sa kwarto niya. Upang hanapin si Manang Salod. Sa kay Manang Salod niya muna iwan si Baby Yuna. Malalaki ang bawat paghakbang ng kanyang mga paa patungo roon sa kusina.“Manang,aalis muna ako. Kung pwede po, ikaw muna mag-alaga kay Baby Yuna,” aniya nakangiti ngunit hindi iyon abot hanggang sa kanyang mga mata.Napatigil si Manang Salod sa ginagawa nito, atsaka pumihit paharap dito.“May problema ba, Yza?” tanong ni Manang Salod na nakakunot-noo itong nakatingin sa kanya.“Wala naman, Manang.” Pagsisinungaling niya. “May importanteng pupuntahan lang po ako pero babalik din po ako agad.”Nakatitig pa rin si Manang Salod sa kanya. “Sa ilang buwan na kasama na kita. Kilalang-kilala na kita Yza. Pero sige ako na ang bahala muna kay Baby Yuna.” Nakangiti turan ni Manang Salod. “Salamat, Manang.”“Mag-iingat ka,” ani Manang Salod. Bago tuluyang nagpaalam dito si Yza para uma
NAGISING si Manuel, sa likha ng malakas na kalabog na bumagsak iyon sa sahig. Bigla nagising ang diwa niya at nawala ang antok niya. Hindi alintana ang pamimigat ng kanyang ulo.Napabalikwas siya ng bangon ng makita si Yza, nakatayo roon sa may bukana nitong kwarto. Umiiyak ang dalaga na nakatingin dito.“Shit!” Bigla siya tumalon mula sa ibabaw ng kama. Hindi alintana na tanging brief lang ang suot niya.“Sweetheart, Yza,” tawag niya sa dalaga ngunit hindi siya pinakinggan ni Yza. Patakbo itong umalis.“Hayaan mo na siya, Manuel.”Wala sa sarili napatingin siya sa babaeng nagsalita.“Celine! What are you doing here inside my room?” may kalakasan ang tanong niya at galit ang boses.Paano napunta ang babae dito sa loob ng kwarto niya at parehas silang hubo't hubad. And the worst, nakita sila ni Yza sa ganitong scenario. Paano ni Yza nalaman nandito diya. Lalong sumakit ang kanysng ulo sa isipin. Si Yza. Bigla niya naisip ang itsura ng dalaga bago ito patakbong umalis. Nanlumo siya na