PAPASOK nang ladies room si Yza ng biglang napa atras siya ng nakasalubong niya ang babae na nakayuko ito sa hawak na cellphone at mukhang busy. Dahil sa hindi nito napansin na mabangga siya nito. Ngunit na out of balance siya at nawalan ng panimbang. Inihanda niya na rin ang kanyang sarili na bumagsak sa matigas na sahig na gawa sa tiles ang malambot niyang katawan.Napapikit na rin siya ng kanyang mga mata. Ngunit hindi siya bumagsak, bagkus may matitigas na mga braso nakasalo sa kanyang katawan. Sa sobrang kaba at takot na nararamdaman niya ay hindi agad nakapag-react si Yza. Pilit niya pa pinoproseso ang nangyari sa kanya.“Sweetheart, are you okay? May masakit ba sa’yo?” Tanong ng boses ni Manuel.Si Manuel? Tama boses ni Manuel ang narinig niya. Sinundan ba siya ng lalaki hanggang dito? Iminulat niya ang kanyang mga mata. Bumungad sa kanyang paningin ang itsura ni Manuel na may pag-alala para sa kanya.“Dahan-dahan lang,” sabi ni Manuel naka alalay sa kanya para makatayo siya
Nang natapos na siya maghugas ng kamay ay sumunod na rin siya kay Celine na lumabas dito sa ladies room.Nadatnan niya na nag-uusap sina Manuel at Celine, kasama si Dax. Biglang natahimik ang mga ito ng dumating na siya.“Are you okay?” tanong ni Manuel na hinawakan ang isang kamay ni Yza at bahagyang pinisil iyon.Nagpaskil siya ng ngiti sa kanyang mga labi. “Yeah, I'm okay sweetheart.” Talagang sinadya niyang tawagin sweetheart si Manuel.“So let's go, Manuel?” Yakag ni Celine na may malapad na ngiti nakapaskil sa mga labi nito na nakatingin sa kay Manuel.Talagang harap-harapan ang pakikipag-flirt nito sa kay Manuel. Ang buong akala niya ay ex girlfriend na lang ito ni Manuel. Ngunit naging haliparot itong si Celine. Walang pakialam na kasama siya ni Manuel. Naiinis siya sa babaeng haliparot na ‘to ngunit hindi niya pinapahalata. Ayaw niya naman magmukhang bastos at pagsabihan na walang pinag-aralan.“May pupuntahan pala kayo ni Celine?” tanong niya kay Manuel.“She's invited us…”
RAMDAM ni Manuel ang tension namumuo sa pagitan nila Yza at Celine. Ang hindi niya lubos maisip kung ano ang ginawa ni Celine sa hospital. Gusto niya itong tanungin kung may sakit itong nararamdaman. Ngunit ayaw niya naman isipin ni Celine na concerned siya rito at magiging dahilan na mas lalong pagnanaia nitong makipagbalikan sa kanya. Higit sa lahat ayaw niya maging dahilan ng away nila ni Yza.Ito na nga ba ang pinaka ayaw at iniiwasan niya na magkikita sina Celine at Yza. Magkaroon ng hindi pag-unawaan ng dalawang babae.Dumating ang order nila at nagsimula na rin silang kumain. Habang kumakain ay walang imik si Yza. Naging maasikaso si Manuel sa kanya habang kumakain sila. Laking pasasalamat niya na hindi siya pinabayaan nito sa harap ni Celine.“Have some tea?” tanong ni Celine nang natapos na silang kumain lahat. Si Dax ang nagprisenta na magbayad ng bills nila.“No thanks,” tanggi agad ni Yza. Hindi niya na kayanin na tumagal pa dito para lang makipag plastikan sa kay Cel
Gabi ng nakabalik si Manuel dito sa mansion. Mabuti na lang nagawan ng paraan ang pinapagawa niya. Pasipol-sipol siya na pumasok dito sa sala, bitbit ng isang kamay niya ang di kalakihan box. “Manang Salod, si Yza po?” Tanong niya ng nakita si Manang Salod.“Nandoon sa loob ng kwarto n’yo. Nagkukulong. Hindi nga kumain ng hapunan ‘yun. Nag-away ba kayo?” “Hindi, may kaunting tampuhan lang. Nagtatampo si Yza at masama ang loob.”“Bakit?” “Hindi sinasadya na magkikita sila ni Celine.”“Si Celine, nakabalik na dito sa ‘Pinas?”“Oo manang. Ilabg beses na rin kami nagkikita dahil sa investors ng real estate ‘yung stepdad niya at representative si Celine.”“Tiyak problema na naman ang dala ng babaeng iyon sa’yo. Kung ako sa’yo umiwas ka na sa kanya.”“Kahit gustuhin ko man iwasan si Celine, Manang. Hindi p'wede dahil business associate po kami,” napabuga ng hangin si Manuel.“Problema nga iyan,” naiiling na lang sabi ni Manang Salod.“Papanhik muna ako sa kwarto namin, Manang. Puntahan
NANG sumunod na mga araw ay naging abala sina Manuel at Yza sa pag-aasikaso para sa kanilang kasal. Napagkasunduan nila parehas na pagkatapos na manganak ni Yza, sila magpapakasal ng simbahan at isabay na lang din ang binyag ni baby.Sa katunayan ay may pangalan na ang baby ni Yza. Yuna Manuela Sandoval- si Don Hector mismo ang nagbigay ng pangalan ng magiging anak niya. Ang dahilan nito ay kauna-unahang apo raw nito kaya ay siya ang nagbigay ng pangalan. Higit sa lahat mas excited pa ito kaysa kanila ni Manuel. Sa kabila ng Kabaitan pinapakita ni Don Hector at itinuring din siya nito na katulad sa isang anak ay hindi maiwasan ni Yza na di makaramdam ng konsensya. Pakiramdam niya kasi niloloko nila ni Manuel ang matandang Don. Ang buong akala nito ay si Manuel ang ama ng pinagbubuntis niya.Kasalukuyang nasa hapagkainan sila at kumakain ng almusal. “Maligo muna ako, Mrs ko,” paalam ni Manuel na kinindatan pa ang dalaga. Kakatapos lang nila kumain ng agahan.“Sige, tulungan ko muna
Kung hindi lang siya nakapagpigil kanina pa niya sinugod sina Dayday at Jenny. Ngunit malaking katanungan sa kanyang isip ang tungkol sa kay Celine. Ang alam niya lang ay ex girlfriend lang ni Manuel si Celine. Hindi naman nito sinabi na fiancé na ex fiance pala nito. Kung totoong nakatakda ng ikasal si Manuel sa babae. Siya ang dahilan kubg bakit hindi natuloy ang kasal ng mga ito? Posible dahil may usapan ang Daddy Franco niya at si Manuel, na siya ang pakakasalan ni Manuel. Kailangan niya makausap si Manuel at malaman niya ang totoo. Lumabas si Yza, mula sa likod ng dahon ng pinto na pinagtataguan niya. Balewalang tumuloy siya papasok ng kusina, na may malapad na ngiti nakapaskil sa kanyang mga labi. Halatang nagulat pa ang mga empaktang Dayday at Jenny nang makita siya ng mga ito. Hindi niya pinapansin at hindi nagpapahalata na narinig niya ang pinagstismisan ng mga ito kani-kanina lang. Matamis siya ngumiti sa kay Manang Salod. “Manang mag lalakad lang ako sa labas.” Pin
TINITITIGAN niya ito. Sinalubong ni Yza ang titig niya, nanunumbat ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. He saw emptiness in those beautiful chinky eyes, pagkatapos ng sandaling pagguhit ng pain of betrayal."Im sorry," aniya sa mahinang boses. Sinara ang dahon ng pinto."Ikaw ba? Ikaw ang lalaki ng gabing iyon?!" Pasigaw na tanong ni Yza.Hindi siya kumibo, nanatiling nakatayo lamang siya malapit sa pinto. Habang tinititigan ang dalaga na walang tigil ang agos ng mga luha nito sa pisngi. Nakuyom niya ang sariling mga kamao, gustong suntukin ang kanyang sarili mismo."I'm sorry," ulit niya. Wala siyang maapuhap na isagot sa dalaga. Handa na ba siya na sabihin ang lahat-lahat dito? Ang katotohanan. Paano kung masasaktan si Yza?'Nasasaktan na nga siya 'di ba? Hindi mo ba nakikita?' sigaw ng kabilang bahagi ng kanyang isip."I don't need your pity sorry!" Mahina ngunit mariin na tanong ni Yza."Yes, ako ang lalaki nang gabing iyon. Anak ko ang batang pinagbubuntis mo, Yza." Buong t
ILANG araw na rin simula nang lumabas mula sa hospital si Yza, pagkatapos niya manganak. Pagkagaling ng hospital nasa Sandoval mansion pa rin siya nakatira. Dahil sa ayaw ni Manuel pumayag na umalis silang mag-ina sa poder ng Sandoval. Ayaw rin pumayag ni Don Hector na umalis siya ng mansion na kasama ang anak niya.Hindi siya umalis ngunit sa isang kondisyon. Sa ibang kwarto na siya at ang baby. Ayaw niya na makasama si Manuel sa iisang kwarto.Pumayag naman si Manuel sa kagustuhan niya. Hindi pa rin nila napag-usapan at naayos ang problema nila. Nanatiling malamig ang pakikitungo niya sa kay Manuel. Pakiramdam niya kasi pinaglaruan lang siya ni Manuel. Manuel manipulates her life. Parang pinaikot-ikot lang siya sa palad nito at pinaglaruan, pinaniwala sa mga kasinungalingan nito. Higit sa lahat ang pinakamasakit ay si Manuel lang pala ang lalaking nagsamantala sa kahinaan niya ng gabing iyon. Si Manuel lang pala ang lalaking gustong ipapakasal sa kanya ng Daddy Franco niya, ang l