STEVENSONNandito ako sa office mag-isa. Ginugol ko ang oras ko sa pagre-review ng mga files. Kanina pa ako inis na inis dahil hindi ko maintindihan si Andrea bakit ayaw niyang pumayag na isama ako, gayong kasama naman si Draeden. Lalo pang nadagdagan ang inis ko nang i-send saakin ng g**** kong kaibigan ang picture ng mga ito na naliligo sa dagat. Kanina ko pa gustong sumunod pero nahihiya talaga ako dahil hindi naman ako invited, asar! Mag tatanghali na at wala akong kagana ganang kumain sa labas kaya nagpa deliver na lang muna ako sa secretary ko. Habang nag-aantay ako nang lunch ko, isang tawag ang aking natanggap, na labis kong ikina-ngiti. Hindi ko na nga tinapos ang mga nire-review kong files at nag bilin na lang ako kay Melody na kapag may tumawag sa'kin sabihin nasa meeting ako. Excited akong umuwi ng bahay at mag empake nang gamit na kakailanganin ko para sa ilang araw. Bumaba ako ng ground floor at diretso sa parking lot. Sumakay agad ako sa kotse at nag drive nang mabili
Nang matapos kaming kumain nag paalam na rin ang mag boyfriend, ako naman ay nag paiwan muna sandali. At himalang hindi man lang nag protesta si Andrea, kaya labis ang saya ko nang sandaling 'yon.Nang kami na lang ang naiwan bigla itong nag tanong kung hindi pa ba ako aalis."Sir bakit hindi ka pa sumabay sakanila?" curious na tanong nito."Ahmm! Kasi ano, gusto ko pang makasama si Axel. Ok lang ba?" tanong ko rito."Ok lang naman sir. Baka lang kasi mainip ka bukas pa ang dis-charged ni Axel rito. Sabi ng doctor mabutin mag 24 hours muna siya sa hospital," anya."Ganoon ba! Sige bukas na lang rin ako uuwi," sagot ko at kita ko ang pag kunot ng noo nito."Hala hindi ba nakakahiya sa'yo sir, masiyado ka nang naabala namin," wika nito sabay yuko. Alam kong nahihiya na naman 'to sa'kin. Kaya hinawakan ko ang kamay nito at pinisil pisil ko. Wala naman akong nakitang pagtutol rito. Hanggang sa nagkatitigan kami at hindi ko namalayan na bigla ko na lang siyang hinalikan. Inaantay kong sasam
Binihisan ko na si Axel dahil lalabas na kami mamaya at prenteng naka upo naman si sir habang nag-aaatay saamin. "Daddy," tawag ni Axel. Sinaway ko siya dahil napapadalas na ang pag tawag niya kay sir ng daddy baka kapag iba ang makarinig kung ano pang isipin saakin.Nang marinig ni sir kaagad naman siyang lumapit. "Yes may gusto ka ba?" tanong nito, animo'y parang ama na talang may care sa anak."Wala naman po dad, gusto ko lang nasa tabi kita palagi para safe ako," wika ni Axel, sabay yakap rito. Ako naman ay natahimik na lang sa ina akto ng aking anak. Pinutol ko na ang kanilang usapan, dahil kailangan na naming lumabas. Inaya ko na rin sila at ang aking anak naman ay nagpa baby biglang nag request na magpakarga kay sir. Ako naman ang nahihiya sa pinag gagawa ng aking anak pero wala akong magawa dahil gusto rin naman ni sir. "Tara na baka gabihin pa tayo," paanyaya ko sakanila.Ngumiti naman ang dalawa at naglakad na rin kasunod ko. Para tuloy kaming mag-anak kung titingnan. Sum
"Para saan pala ito sir?" curious na tanong niya."Para sa simula nang panliligaw ko sa'yo," straight to the point kong sambit, ayaw ko na rin magpaligoy-ligoy pa.Nakita ko naman ang pagkagulat niya dahil bigla itong nanahimik at napanganga na lang. "Seryoso ako Andrea, gusto kitang ligawan at maging tunay na Daddy ni Axel," dagdag kung sambit na mas lalo pa yata niyang ikinagulat dahil bigla siyang napa inom ng tubig."S-sir sabihin niyo na nagbibiro lang kayo," tanong nito. Hindi talaga siya makapaniwalang nanliligaw ako sa'kaniya."No, seryoso ako Andrea. When I say it, I mean it. Sorry kong nabibilisan ka man sa mga nangyayari, pero sigurado na ako. Ayon ay kung papayag ka?" seryoso kong tanong rito, kasabay na pag tingin ko sa mga mata niya. Nakita ko naman ang pag-iwas niya ng tingin. "H-hindi ko kasi alam ang isasagot ko sir sa tanong mo. Medyo nabibilisan lang ako sa mga nangyayari. Puwede bang bigyan mo muna ako ng isang linggo para makapag isip-isip. Okay lang ba sir?" tan
Niyaya ko na silang bumalik nang resort mag dadapit hapon na rin kasi at pagod na rin ang bata kaka langoy. Binuhat ko na ito at sabay na kaming nag lakad patungong sasakyan dahil ihahatid ko na sila sa bahay ng mga magulang nito.Pinasakay ko muna silang mag-ina bago ko pinasibat ang kotse. Sa byahe pareho lang kaming tahimik ni Andrea, walang nag sasalita saamin lalo na ako. Hanggang sa nag lakas loob na akong mag tanong tungkol sa Daddy ni Axel."Andrea may I ask you something, if you don't mind," wika ko. At umaasa na sasagutin niya ang mga ita tanong ko."Sure, ano pala ang gusto niyong itanong sir?" reply nito. "Ahmm nasaan pala ang Daddy ni Axel," diretsahan kung tanong rito. Bigla naman itong natahimik at naka ilang buntong hininga bago makapag salita."Hindi ko rin alam kung nasaan na ba siya," sagot nito kasabay nang pag lungkot ng kaniyang mukha.Hindi na ako muling nag tanong pa kasi naramdam kong ayaw niya na itong pag-usapan pa. Nirerespeto ko ang gusto niya, at hindi n
STEVENSONSa sobrang pagka taranta ko bigla kong binuhat na lang si Andrea nang walang pasabi, hindi ko rin naman siya nakitaan ng pagtutol pa.Dahil sa nangyari hindi ko magawang iwan ito. Itinawag ko na lamang saaking secretary na hindi muna ako makakabalik ng opisina. Nag bilin na lang rin ako ng kanilang gagawin habang wala pa ako. Nang matapos ko ang lahat lahat ng bilin ko binalikan ko na si Andrea na sakasalukuyang ginagamot ang kaniyang sugat sa paa."Kumusta na 'yang sugat mo. Dalhin na kaya kita sa ospital," tanong ko rito kasi mukhang malalim ang sugat nito."Eto ba, na'ko malayo sa atay at balunbalunan," sagot nito. "Ha? ano?" tanong ko rito. Dahil hindi ko alam kung ano ba ang pinag sasabi niya."Wala ho, sabi ko baka kailangan munang bumalik ng Manila." sambit nito. "Halatang pinapalayas muna ako," bulong ko, sabay lihis ng aking katawan kunwari nagtatampo ako. "Hala siya para ka namang bata sir kong mag tampo," saad nito. "Ganiyan na ganiyan si Axel kong mag tampo saa
Nang makarating ako ng bahay, isinalampak ko kaagad ang aking sarili at dahil sa pagod nakalimutan ko nang mag text man lang kay Andrea.Kinabukasan nagising ako sa tunog nang alarm clock ko. Gusto ko pa sanang matulog kaso hindi na ako dinalaw ng atok kaya bumangon na rin ako at nag streching. Nag lakad ako patungong comfort room para maligo, hindi rin ako nag tagal roon at lumabas rin ako kaagad para mag bihis. Nang matapos ako saaking ginagawa sinukbit ko na ang bag ko at lumabas ng kuwarto.Sakto namang nag ring ang cellphone ko at tumatawag ang secretary ko. Pinaalam niya saakin na kanina pa nag hihintay si Mr. Chua. Napatingin ako sa wristwach ko wala pa namang 10:00 a.m bakit ang aga nito. Nagmamadali akong lumabas ng bahay patungong garahe at sumakay ng aking sasakyan. Pinasibat ko ito nang matulin para makarating agad ako. Pag dating ko sa hotel sinalubong ako nang guard at nakangiting nag greet ito nang good morning, gumanti naman ako at na pag greet rito at nag tuloy-tuloy
ANDREAParang bigla akong nakaramdam ng lungkot nang nagpaalam si sir."Ayan kasi kapag andyan halos pag tabuyan mo, kapag wala hinahanap hanap mo Andeng," saad ni Mommy na biglang sumusulpot. "Mommy naman, hindi naman po sa ayaw ko kay sir. Natatakot lang siguro ako na baka pakitang tao lang lahat nang ipinapakita niya," saad ko sabay buntong hininga ng malalim."Andeng Anak, paano mo malalaman kong hindi ka susugal. Kung masaktan ka, natural 'yon, sapagkat nag mahal ka ng totoo. Hindi lang puro saya ang relasyon, kaakibat nito ang lungkot, pighati, dusa. Diyan mo masasabi na nag mahal ka ng totoo," mahabang lintanya nito."Eh! mommy ano po bang nakikita niyo kay sir Stevenson," tanong ko, dahil kailangan 'di ako basta-basta mag padalos kapag usaping love life."Para saakin, mabuting tao siya. Nakikita ko naman na mahal na mahal ka niya maging ang apo ko," saad nito. "Ikaw rin baka mag sisi ka sa huli kapag pinakawalan mo pa ang isang tulad niya," dagdag pa nito. Natahimik na lang a
"Bakit, guilty ka Gina? Is that true? Are you having an affair with my Dad?? Kaya ba kinali--" Nevermind!! "Think what you want to think, Axel. I'm tired now!" wika ni Gina sabay walk-out sa mag-ama. Hindi niya akalain na ganon ang iisipin ni Axel sa kaniya. Hindi niya lubos maisip na makitid na ang utak nito at ayaw makinig ng paliwanag. Kaya bahala siya, isipin niya ang lahat ng kagaguhan niya tungkol sa akin at simula ngayon kakalimutan ko na siya. I hate you, Axel VillaRuiz-Forrester. Simula ngayon burado ka na sa puso ko." malakas na sigaw ni Gina kasabay nang pagluha niya.Pinunasan niya ang luha sa mga mata at taas noo na naglakad pabalik ng bahay. Naabutan niya pang gising ang lahat. Mukha ng lolo niya na hindi maipinta ng makita siya. "Apo, saan ka nang galing?" tanong ng lolo Igme niya kay Gina."Ahmmm! Dyan lang po sa dalampasigan Lo, nag pahangin para ma refresh po. May panira kasi ng gabi ko." wika ko at sinadya kong lakasan pa ang boses ko para marinig ni Axel na kasal
Nagising si Gina pasado ala singko na nang hapon. Nakatulugan na pala niya ang pag iyak, bakit pa nga ba niya iiyakan ang taong walang isang salita. She remembers that day bago ito lumawas ng Manila he promised to be back after school but he didn't show up. Lumipas ang ilang semestral break hindi na ito bumalik pa. Hanggang sa naka graduate siya ng high school, up to College at nakapag work, walang Axel na bumalik. Pero, kahit ganun pa man inintindi niya na lang ito at umasa na isang araw babalik ito at tutuparin nito ang lahat ng pinangako niya sa kaniya. ***Habang naka upo sila sa malaking tipak na bato. Axel holds her hand and brings it to his heart while saying those words. "Gina, I know that we are young but I know how I felt towards you. Maybe, they say that it was a puppy love or infatuation but for me this is the best thing that could happen to me. I'm glad that I've met you and to know you better. I hope you didn't forget me, even though I went back home." madamdaming wika
"Oh! Gina, apo, nakabalik ka na pala. Halika dito mag bless ka kay sir Stevenson, siguro naman kilala mo pa siya?" tanong ni Lolo Igme sa apo nitong si Gina."Opo, Lo." sagot naman niya sabay bless dito at baling naman kay sir Stevenson at nag bless din."Kailan pa po kayo dumating sir? Sabi na kayo po 'yong nakita ko sa bayan kanina." ani niya."Talaga ba nakita mo ako?" "Opo,""Ay! Mamaya na nga yan usapan niyo at pumasok muna tayo sa loob." singit ni Lolo Igme.Pumasok na silang tatlo sa loob ng sabay sabay."Maupo muna kayo sir, Gina ikuha mo ng maiinom ang ating bisita." utos ni Lolo Igme kay Gina."Opo, Lo." sagot nito at agad namang tumayo para mag tungo sa kusina. Habang naiwan naman ang matanda at si Stevenson."Ang laki na pala ng apo mong si Gina. Saan nga siya ngayon nagta trabaho?" tanong ni Stevenson kay Lolo Igme."Ah! Sa barko siya at bakasyon niya ngayon. Chief cook na siya sa Cruise ship. At ang panganay ko namang apo ay pulis na at ang bunso naman nag aaral pa rin
After two weeks na pagtatalo ng mag-ama nagpasya ang mag-anak na pumunta ng Palawan. Ngunit hindi sumama si Andrea at badtrip pa rin siya sa kaniyang asawa kaya naman si Stevenson lang ang lumipad. Habang si Axel naman ay nasa L.A at dumalaw sa kaniyang nakababatang kapatid na naka stay doon. Ayaw niya munang umuwi ng Mansyon lalo lang silang nagka clash ng kaniyang Daddy. "Kuya, anong ginagawa mo dito?" gulat na gulat na tanong ni Angela ng bumungad sa kaniyang harapan ang kaniyang kuya Axel."Pwede ba bago ko sagutin yang tanong mo papasukin mo muna ako." masungit na sagot nito. Assual wala namang nagbago sa kuya niya lagi na lang masungit na parang laging may dalaw. "Oh! Pwede na akong mag tanong kuya? Naka upo ka na diba. Wala dito sila Mom at Dad kaya bakit ka nandito." "Bakit sila lang ba ang pwede kong puntahan dito. Hindi ba pwedeng bisitahin ang kapatid ko at namiss ko.' aniya."Weh! Plastik mo kuya. Hulaan ko nag away na naman kayo ni Dad. Bakit ba kasi hindi mo na lang pa
Dahil sa ibinalita ni Isay sa kaniya hindi na muling nakatulog si Gina. Aaminin niya may bahagi sa puso niya na nag uudyok para kiligin ng todo. Matagal na rin niya kasing hinahanap ang binata kahit saang social media account ngunit nabigo lamang siya. Simula nang umalis ang pamilya nila dito sa Palawan wala na rin akong nabalitaan tungkol sa kaniya o sa pamilya man niya. I tried to find tito Stevenson's but I was failed. I didn't find his account. Then tinanggap ko na lang din na baka nga hindi talaga kami pwede, sapagkat langit siya at lupa ako. Lumabas ako ng kwarto para puntahan si Kuya Charles at hingiin ang social media account ni Angela, Axel lil-siter, at baka siya alam niya ang account ng kuya niya. Kumatok muna ako bago ako pumasok, kasalukuyang natutulog na ito, marahil pagod talaga sa duty niya sa headquarters. Mahirap nga naman ang trabaho ni kuya na isang pulis na taga pagtanggol ng bayan. They are modern heroes para sa mamamayan. Hiniram ko muna ang laptop niya, dahil
After a long flight..Pasigaw na ginulat ni Regina ang Lolo niya at kapatid na kasalukuyang nasa hardin nila at nanananghalian ng mga oras na 'yon. "Lolo, Isay, nandito na ako." malakas na sigaw niya para marinig ng dalawa. Napatayo ang matanda at napasilip kong sino ang naulinigang boses mula sa labas ng kanilang bakuran, maging si Isay ay napatayo na rin at napatakbo ng makita ang ate Gina niya na may dalang luggage. "Nandito ka na ate," tanong nito kasabay nang pagsalubong na mahigpit na yakap. "Apo, oo, nga kailan ka pa dumating. Bakit hindi ka man lang nag pasabing uuwi ka na pala, nasundo ka sana namin sa airport." tanong ng kaniyang Lolo na naki-yapak na rin sa kanilang dalawang magkapatid."Naku! po lolo, paano pa magiging surpresa kong sasabihin ko po sainyo." wika niya. Wala naman ng naisagot ang lolo sa sinabi nito. Kumalas siya ng yakap ng maalala ang mga pasalubong niya. "Tara na po sa loob." nakangitin aya niya sa lolo niya at kay Isay."Ate, sa amin ba lahat ng 'to?
Two- Years ago..Pinasibat niya ang bagong bagong sasakyan niya na kakabili lang sa California nang minsang dalawin niyang ang kaniyang pamilya doon. Mabilis siyang umakyat ng eroplano. He made sure that he checked over all conditions of the aircraft before his flight. Later on he speech before take off.."Good evening passengers. This is your captain Axel VillaRuiz Forrester speaking. First I'd like to welcome everyone on Flight JQ514. We are currently cruising at an altitude of 33,000 feet at an airspeed of 400 miles per hour. The time is 1:25 pm. The weather looks good and with the tailwind on our side we are expecting to land in London approximately fifteen minutes ahead of schedule. The weather in London is clear and sunny, with a high of 25 degrees for this afternoon. If the weather cooperates we should get a great view of the city as we descend. The cabin crew will be coming around in about twenty minutes to offer you a light snack and beverage, and the inflight movie will beg
15th YEARS LATER..."Son, Happy Graduation." sabay na bati ng mag-asawang Andrea at Stevenson Forrester sa kanilang panganay na anak na si Axel VillaRuiz Forrester, na isang magiting na piloto. Hindi niya nakahiligan ang business kagaya ng kaninga Daddy, mas nagustuhan niyang magpalipad ng eroplano sa himpapawid. Madaming humanga sa batang piloto na kahit baguhan pa lamang ay napakagaling na. "Daddy, Mommy," gulat na wika nito. Buong akala niya kasi hindi makaka balik ng Pilipinas ang magulang gayong may bagong business expansion na naman ang kaniyang Daddy Stevenson sa California na kong saan doon naman kumukuha ng Medisina ang kaniyang nakababatang kapatid na babae na si Angela. Wala ito ngayon sa graduation niya, dahil ayos na mga magulang may kinukuhang residency ito. "Pwede ba kaming mawala sa araw nang pagtatapos mo anak," madamdaming wika ni Andrea sa panganay niyang anak. Simula kasi nang nag-migrate sila sa California, noong nag simulang mag-aral ng med school si Angela na
Matapos ang kasal namin lingid sa kaalaman ko ay nagpabook pala ito nang ticket for three para sa Japan vacation namin. Masayang masaya si Axel nang malaman ito at excited siyang makita ang happy place na tinatawag nila ang DisneyLand. Sakto naman kababa lang nang eroplano at diretso kami sa Forrester Hotel. Hindi na kataka taka sa yaman nang asawa ko marami na siyang branch nang hotel na napatayo at super proud ako sa'kaniya. "Hon, thank you," bulong nito. Nakaupo kami sa sala at nanunuod nang movie. "Para saan naman hon?" tanong ko habang naka hilig ang ulo ko sa balikat nito. "For everything hon. Sa pagsilang kay Axel at baby Angela, sa pagpapakasal sa'akin. Akala ko nga ayaw mo pa. Akala ko din 'di mo ako mahal. At akala ko rin-- 'di ko na siya pinatapos mag salita pa. Tinakpan ko ang bibig niya nang daliri ko. "Ssssh! I love you," sambit ko."I love you more, hon." sagot nito sabay pinugpog ako nang halik sa buong mukha. Kaya naman kiniliti ko siya nang kiniliti kaso maagap s