Home / Romance / A NIGHT TO REMEMBER WITH THE CEO / A NIGHT TO REMEMBER WITH THE CEO Chapter 80

Share

A NIGHT TO REMEMBER WITH THE CEO Chapter 80

Sa maaliwalas na umaga ng ika-apat na araw matapos ang aksidente, naramdaman ni Mirasol ang bumibigat na damdaming bumabalot sa kanya. Kahit pilit niyang pinapalakas ang loob, hindi niya maikakaila ang sakit at pangungulila. Alam niyang wala na siyang puwang sa mundo ni Kean, lalo na ngayong nasa piling na nito si Maria at ang kanilang anak. Ngunit sa kabila ng lahat, andoon pa rin ang pagmamahal niya para kay Kean, isang pagmamahal na hindi mabubura ng kahit ilang taon o pagkakamali.

Habang iniayos niya ang kanyang mga gamit sa hospital lounge, narinig niya ang pamilyar na boses ni Donya Loida na tumawag sa kanya. Agad siyang lumapit sa matanda, pilit pinipigilan ang kaba sa dibdib.

“Mirasol,” malumanay na bungad ni Donya Loida, ngunit bakas sa mga mata nito ang kabigatan ng sasabihin. “Tapos na ang mga pagsusuri at mga pangangailangan niyo dito sa ospital. Mas mabuti pang umuwi na kayo sa Pilipinas kasama ang ibang staff ni Kean. Kailangan niyong magpahinga at bumalik sa trabaho.”ka
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status