LIKE
Malakas ang tunog ng musika, ngunit malakas din ang boses nito kaya naman narinig siya ni Rhian. Nag-angat siya ng mata, napahinto siya ng sandali nang makita ang isang lalaki na naka-casual shirt sa kanyang harapan. Magaan ang awra nito at ngiti sa kanya. Nang magtagpo ang kanilang mata, dumaan ang labis na paghanga sa mga mata nito. Makapigil-hininga itong muli na nagtanong, “Maaari ba akong maki-share ng table at makipag-inuman sayo?” Tumama ang ilaw sa mukha ng lalaki, kaya’t bagyang nakita ang pamumula ng mukha nito. “N-ngayon lang ako nakakita ng kasing ganda mo… kung pwede sana, pwede ba akong makipagkaibigan sayo?” Bahagyang nagkunot ang noo ni Rhian, handa nang tumanggi, ngunit dumating si Jenny mula sa dance floor, naupo sa tabi niya at tinitigan ang lalaki mula ulo hanggang paa. Magaan at pino ang hitsura ng lalaki, at sa madilim na ilaw ng bar, makikita na may itsura ito, hindi payat at hindi rin naman matipuno ang katawan, masasabi nq tama lang. Ang kabuuang halaga
Sa parehong oras, sa VIP na silid sa itaas, walang emosyon na nakatingin si Zack sa ilang mga lalaking may edad na, na may malalaking tiyan, habang nagti-cheers ng alak sa isa’t isa. Kanina, nang sunduin niya si Rain, wala sa mood ang bata. Pagbalik nila sa bahay, nagtantrum ito sa kanya. Agad niyang nahulaan ang dahilan—dahil iyon sa hindi ito pinansin ni Rhian at umakto ito na hindi nakita ang kanyang anak… ang babaeng iyon ay tinarato ng malamig ang kanyang anak. Sa huli, napagtanto niya na ang problema ay nagmumula sa kanya. Dahil sa kanya, napilitan ang babae na lumayo sa kanyang anak. Dahil sa insidenteng ito, buong gabi na hindi maganda ang mood ni Zack. Ngayon sa harapan ng mga ka-meeting, na hindi makabuo ng maayos na plano para sa cooperation, lalo siyang nairita. Walang naka-satisfy sa mga planong inilatag nito sa kanya. "Umisip pa kayo ng mas magandang plano rito, lalabas lang ako para magpahangin." Tumayo si Zack para lumabas. Walang nangahas upang pigilan
Nang marinig ang boses na iyon, lahat ng tao sa paligid ay napahinto. Bahagyang nanigas ang katawan ni Rhian. Kilala niya nang husto ang boses ng lalaking iyon. Sa simpleng pakikinig lamang sa boses nito, alam na niyang madilim ang ekspresyon nito sa mga sandaling iyon. Bukod dito, dahil sa mga nangyari kamakailan, hindi niya alam kung paano haharapin ang taong nasa likuran niya. Sa isang kisap lamang, nasa harapan na nila si Zack. Nakayuko at nakatingin ng diretso kay Rhian, napakadilim ng ekspresyon ng mukha. Napansin ni Ken ang tingin ng lalaki kay Rhian. Nagbago ang ekspresyon nito, kunot ang noo at bahagyang nagtataka, "Mr. Saavedra, ano ang...?" Hindi alam ng lalaki na may iba pang babae sa buhay ni Zack bukod kay Marga. Ngunit ang pakikitungo ngayon ni Zack kay Rhian ay nagbigay ng pagdududa sa kanya. Naisip ni Zack ang tagpong nakita niya kanina—ang pakikipag-cheers ng baso si Rhian kay Ken. Lumamig ang tingin niya sa lalaki. "Mr. Laxemada, maging mapili ka naman
Pagdating sa harap ng gate ng bahay nila Rhian, nakahanda na sanang tulungan ni Rhian si Jenny na bumaba ng kotse nang biglang magsalita ang lalaking nasa unahan. "Kung nag-aalala ka sa mga bata, bakit ka pa pumunta sa ganoong klaseng lugar?" Sa rearview mirror, makikita ang malamig na ekspresyon ni Zack, makikita din ang paggagalawan ng kanyang mga panga. Nakataas ang kilay na huminto si Rhian. "Mr. Saavedra, kung makapagsalita ka ay parang kahiya-hiya ang magpunta sa ganong lugar. Eh, nandoon ka rin, hindi ba?" Tiim-bagang na sumagot si Zack. "Naroon ako para i-discuss ang tungkol sa trabaho. Hindi ako naroon para mag-enjoy kasama ang napakaraming babae.” Pasaring nito, Sobrang halata ng pangungutya nito, dahilan para mamula ang mukha ni Rhian, lalo na nang maalala niya ang sinabi ni Zack sa bar kanina. "Simula't sapul, may dalawa ka nang anak. Pinapayuhan kitang panatilihing malinis ang iyong reputasyon. Kahit hindi mo alalahanin ang sarili mong pangalan, isipin mo naman
Dahil sa hindi magandang nangyari sa pagitan nila ni Zack, lalong hindi sigurado si Rhian kung paano niya haharapin si Rain.Tuwing binabanggit nina Rio at Zian ang tungkol sa maliit na bata, pilit nilang iniiwasan ang mga usapang may kinalaman dito.Makailang ulit, napansin ng dalawang bata ang kakaibang pakikitungo ng kanilang mommy kay Rain. Sa paaralan, bagama’t hindi nila iniiwasan si Rain, naging mas malamig ang pakikitungo nito kay Rain.Kakabisa pa lang magsalita ni Rain, at bihira siyang magsalita. Madalas, bumibigkas lamang siya kapag interesado siya sa isang paksa. Ngunit sa mga nakalipas na araw, dahil hindi na siya kinakausap ng dalawang bata at hindi niya nakikita si "tita ganda" nang ilang araw, bumalik si Rain sa pagiging tahimik katulad noong simula.Ang pagbabago sa maliit na bata ay si Zack lamang ang nakapansin.Ilang araw na ang nakalipas mula nang ibalik niya si Rain mula sa paaralan, paminsan-minsan ay naririnig pa rin niya itong nagsasalita. Ngunit nitong mga na
Napakunot ang noo ni Zack at hindi maiwasang maisip ang babae. Hindi niya alam kung paano ginabayan ni Rhian si Rain upang magsimulang magsalita. Ang sagot ay nasa harapan na niya, ito ang unang pagkakataon sa loob ng mahabang panahon, kaya naman nangangapa siya at hindi alam kung ano ang gagawin.Nagsalita ang kanyang anak! Malinaw at tiyak siyang nagsalita ito! Nakakagulat... subalit mas nangingibabaw ang kanyang tuwa. "Miss na miss mo na ba si tita Rhian?" tanong ni Zack, napansin na tila kay Rhian lamang tumutugon ang kanyang anak kaya sinubukan niyang muling magtanong tungkol sa babae.Pagkarinig sa tanong, mabilis na tumango si Rain at tumingala sa kanya nang may inaasam, tila iniisip na may magagawa siya para makita niya si Rhian.Sa harap ng umaasa niyang mga mata, bahagyang napalunok si Zack. Tumingin siya sa ibang direksyon at sinabing, "Gusto ka rin niya. Siguro abala lang siya sa trabaho nitong mga araw at walang oras para sunduin ang mga anak niya. Huwag kang mag-alala..
Kinabukasan ng umaga. Pagdilat ng mga mata ni Rhian, halos alas-7:30 na. Pagkakita niya ng oras, mabilis siyang bumangon mula sa kama. “My god! Mali-late na ako!” Nagmadali siyang mag-ayos, hindi na niya nagawang mag-almusal. Dahil naasikaso na ni Aling Alicia ang mata bata at tapos na silang kumain. Agad niyang inihatid ang mga ito sa eskwelahan. Si Aling Alicia ay nakatoka lamang sa pagsundo sa mga bata tuwing hapon. Sa umaga, si Rhian ang nagdadala sa kanila bago pumasok sa trabaho. Upang maiwasan si Zack, sinadya niyang mahatid sila nang mas maaga nitong mga nakaraang araw. Ngunit dahil sa sobrang dami ng trabaho kagabi, late na siyang nakauwi at hindi siya nagising agad ngayong umaga... Habang nagmamaneho, tahimik siyang nagdasal, umaasang hindi niya makakasalubong si Zack. Ngunit sa kanyang pagbaba mula sa kotse, agad niyang napansin ang isang Bentley na may pamilyar na plaka na nakahinto sa likuran ng kanyang sasakyan. Ilang sandali pa, bumaba mula sa sasakyan ang lalak
Huminto si Rhian. Humarap siya sa lalaki at tiningnan ito sa paraan na para itong isang estranghero. “May kailangan ka ba, Mr. Saavedra?” May kalamigan niyang tanong. Humarap siya sa lalaki, nang magkasalubong ang kanilang mata, bahagyang napakunot ang noo ni Zack. Ang ugaling ito ng babae ang laging nagtutulak sa kanya na pigilan itong umalis, kahit siya mismo ay nagulat sa kanyang ginawa. Pakiramdam niya, kung hindi niya ginawa iyon, tuluyan nang mawawala sa kanyang paningin ang babaeng ito. Nang walang marinig na sagot, napakunot ang noo ni Rhian at pilit na hinila ang kanyang pulso. "Kung wala kang sasabihin, pakibitiwan na ako. Kailangan ko pang pumasok sa trabaho." Napahinto ang mga magulang ng ilang mga estudyante na naghahatid sa kanilang mga anak. Umagaw sa kanilang pansin ang dalawang tao na nasa hallway. Dahil kilala si Zack hindi lamang sa kanilang bayan, kundi maging sa buong bansa, madaling natukoy ng mga tao kung sino ito at kung gaano kalakas ang kapan
"Ana, kilala mo ba sila?" Hindi napigilan ni john Dela cruz na magtanong. Nang marinig ito, unti-unting nagbalik sa katinuan si Ana, nagkunot ang noo at tumingin sa kanya, na para bang naglaho agad ang pang-aalipusta sa kanyang mga mata, "May konting hindi pagkakaintindihan ako sa babaeng iyon." Naguguluhan, nagtanong si John "Anong ginawa niya sa iyo?" Nagpout si Ana at kunwaring nagalit, "Kinuha niya ang lalaking kapatid ko, hindi ko iyon matanggap." Nakita ni John na nagalit ang kanyang "goddess," at napaatras siya sandali, ngunit agad siyang tumayo at kunwaring maghihiganti, "Pupuntahan ko siya at aawayin ko siya!" Hindi maiwasan ni Ana na mag-rolling eyes at agad na inayos ang mukha, at tinadyakan siya ng magaan sa ilalim ng mesa, "Umupo ka na, huwag kang magpadalos-dalos, nakakahiya kung magtatalo tayo!" Ang tadyak na iyon ay sobrang gaan lang, akala ni John na ang goddess niya ay nang-aakit sa kanya, kaya't agad siyang umupo nang maayos at tinanong, "Anong gagawin natin?
Ang boses ng maliit na batang babae ay nagbalik kay Rhian sa kanyang mga isipan. Isang mabilis na sulyap kay Zack na nakatayo pa rin sa tabi niya, nakaramdam si Rhian ng hindi maipaliwanag na pagkakahulog. Pagkatapos ng ilang sandali ng pag-aalangan, mahinahon niyang inalok, "Siguro hindi pa kumain si Mr. Zack halika't magsalo tayo." Nagkunot ang noo ni Zack, ngunit hindi na siya nag-atubili, at naupo sa tabi ng mga bata. Nakaplanong maayos ang itinerary para sa araw na ito, ngunit hindi inaasahan ni Zack na agad pumasok sa kusina si Rhian pagpasok nila sa bahay, kaya wala siyang pagkakataon upang sabihin ito. Ang atmosferang ng almusal ay tulad ng dati. Si Rhian at ang mga bata ay masaya, samantalang si Zack ay tahimik na nakaupo sa gilid, na para bang wala siya sa lugar. Matapos ang almusal, maaga pa para magsimula ang konsyerto, kaya't naglaro si Rhian kasama ang mga bata sa bahay buong umaga. Pagdating ng tanghali, iminungkahi ni Zack na lumabas sila para kumain. Naisip ni R
Ngumiti si Rhian sa maliit na bata, pagkatapos ay itinaas ang kanyang mata upang tumingin kay Zack.Naka-suot ang lalaki ng itim na mataas na klase na suit na maayos ang pagkakatahi, at ang buhok niya ay nakasalang gamit ang hairspray, na nagpapakita ng matalim at guwapong mga katangian.Nang magtagpo ang kanilang mga mata, ang matalim na aura ng lalaki ay tila napigilan, "Magandang umaga."Pinisil ni Rhian ang kanyang labi at tumango sa lalaki, "Magandang umaga, anong ginagawa mo..."Bago siya makapagtapos, masayang sumagot si Rain, "Daddy at ako ay nandito para sunduin si Tita Rhian at ang mga kuya!"Habang sinasabi ito, tumingin ang maliit na bata sa loob ng bahay nang may pag-usisa, "Nasaan ang mga kuya? Natutulog pa ba sila?"Ibinaba ni Rhian ang kanyang mga mata at hinaplos ang ulo ng maliit na bata, bago muling itinaas ang kanyang mata at tumingin kay Zack. Nag-aalangan, kumilos siya at binuksan ang pinto, "Nagising na ang mga kuya at nag-hihilamus sa itaas. Bababa na sila. rai
Pagkatapos ng mahabang pangungumbinsi, biglang napagtanto ni Jenny, "Ibig sabihin, tama ang hula ko? Babalik nga si Zack sa dati niyang kasintahan?"Nabigla si Rhian sa reaksyon ng kaibigan. Natigilan siya ng ilang segundo bago natauhan at ngumiti nang payapa, "Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya. Baka naman dahil lang mas gusto ako ni Rain kaya gusto niyang lumapit sa akin."Pakiramdam ni Jenny na tama ang hula niya at seryosong tumingin sa kaibigan, "Seryoso ako, bigyan mo siya ng pagkakataon, bilang paraan na rin para maitama ang pagkukulang anim na taon na ang nakalipas."Narinig ito ni Rhian at ibinaba ang tingin. Matagal siyang nag-isip bago bahagyang ngumiti, "Alam ko, salamat."Tumayo si Jenny at niyakap siya, "Kung may problema ka, sabihin mo sa akin anumang oras. Huwag mong kimkimin."Ngumiti si Rhian at tumango bilang pagsang-ayon.Alam ni Jenny na kailangan pa niyang pag-isipan ang lahat, kaya hindi na siya nagsalita pa. Tumahimik na lang siyang naupo habang hinihintay
Sa panahong ito, hindi talaga alam ni Jenny kung ano ang nangyari sa pagitan ng dalawa.Pero sa ekspresyon ni Rhian, alam niyang iniisip ng kanyang kaibigan ang tungkol sa relasyon nila.Tahimik si Jenny ng ilang segundo bago nagsalita nang seryoso: "Kung ganun, bakit hindi mo... subukang bigyan siya ng pagkakataon at makasama siya?"Hindi naman kasi siya ang direktang apektado, kaya mas madali para kay Jenny na tanggapin ang ideya na may gusto si Zack kay Rhian kaysa kay Rhian mismo.Simula nang bumalik si Rhian sa Pilipinas nakita rin niya ang ilang beses na pakikitungo ng dalawa. Kailangan niyang aminin na tila may kakaibang koneksyon ang dalawa na hindi mapasok ng iba.Kung talagang nagbago na si Zack at nais niyang itama ang kanyang pagkukulang anim na taon na ang nakaraan, hindi tututol si Jenny kung tatanggapin siya ng kanyang kaibigan at subukan ulit.Bukod dito, kitang-kita naman niya na dahil sa koneksyon nila sa mga bata, hindi kayang tuluyang iwasan ni Rhian si Zack.Kung
Nang marinig ang reklamo ni Jenny, tiningnan siya ni Rhian nang natatawa.Inakap ni Jenny ang dalawang bata, isa sa bawat braso, at nagsabi nang may damdamin: "Ang tagal kong naging abala, pero nang makita ko ang dalawang maliliit na baby, bigla akong sumigla!"Habang sinasabi ito, hinalikan niya ang mga bata sa kanilang pisngi.Itinulak naman siya ng mga bata nang may pagkasuya."Maglaro tayo bukas!" Masiglang imbitasyon ni Jenny. "Mula nang bumalik ka sa Pilipinas hindi pa tayo masyadong nakakapag-bonding. Bukas ang day off, maglaro tayo nang maayos buong araw!"Nang marinig ng mga bata na makakapaglaro sila sa labas, biglang nagliwanag ang kanilang mga mata, at tumingin sila sa kanilang ina nang may pag-asam.Sa harap ng mga inaasahang tingin ng tatlo, nagmukhang nahihiya si Rhian. "Bukas... mukhang hindi pwede."Pagkatapos niyang magsalita, sabay-sabay namang nalungkot ang mga mukha ng tatlo.Tumingin si Jenny sa kanya nang may eksaheradong ekspresyon. "Huwag mong sabihing magtatr
Kinabukasan ng umaga, nagising si Rhian sa tawanan mula sa ibaba.Magulo ang kanyang isip kagabi at hindi niya alam kung anong oras siya nakatulog sa gitna ng pag-iisip. Ngayon, muli siyang nagising at nakaramdam ng matinding sakit ng ulo.Pagtingin sa oras, nais sana ni Rhian na matulog pa, ngunit ang ingay ng mga naglalaro sa ibaba ay walang balak humupa.Walang magawa, napilitan siyang bumangon mula sa kama at lumabas ng kwarto na tila groggy.Pagtingin niya mula sa itaas, nakita niyang naglalaro si Jenny kasama ang mga bata sa sala.Napabuntong-hininga si Rhian sa kanyang nakita.Ang babaeng ito, sobrang lapit nila ngunit wala siyang balita nitong mga nakaraang araw. Ngayon, bigla siyang dumating at ginulo pa ang kanyang panaginip..."Mommy!" Napansin ng mga bata ang pagbukas ng pinto at tumingala sa kanya.Tumingin din si Jenny pataas, at nang makita ang medyo maputla niyang mukha, napalitan ng pag-aalala ang ngiti sa mukha nito. "Ginising ka ba namin?"Hindi na nag-abala si Rhia
Ilang segundo munang kumalma si Rhian bago tumugon, "Ang concert ay ipinangako ko na sa bata. Ano ang ibig sabihin ni Mr. Saavedra tungkol dito?"Mabilis na sumagot ang kabilang linya, "Iniisip ko lang na maaaring abala si Miss Rhian sa pakikipagtulungan sa pamilya Dantes sa panahong ito at walang oras. Kaya, kung talagang wala siyang oras, hindi ko pipilitin si Miss Rhian."Sa pagbasa ng huling pangungusap, may lumitaw na hinala si Rhian sa kanyang isipan.Biglaang binanggit ni Zack ang bagay na ito dahil sa sinabi niya sa sasakyan na huwag siyang pilitin.Sa pananaw nito, ang pagpayag sa concert ay dahil sa paulit-ulit na hiling ni Rain, na tila sapilitang tinanggap din.Kung ganoon, ginagawa ba niya ito upang itama ang maling nagawa?Sa pag-iisip na ang lalaking ito ay magbabago dahil sa kanyang sinabi, nagdulot ito ng kakaibang pakiramdam kay Rhian. Nais pa nga niyang maniwala sa sinasabing paghahangad ni Zack sa kanya.Napagtanto niya ang kanyang iniisip, kaya't bigla siyang nata
Pagkapasok na pagkapasok ni Rhian sa bahay, narinig niya ang ingay mula sa itaas."Mommy!"Lumabas ang dalawang munting bata mula sa kwarto, nagmamadaling bumaba, at tumayo sa harap niya. Tinitigan siya ng sabik at may kakaibang ekspresyon sa kanilang mga mukha.Nasa mabigat na kalagayan pa rin ang damdamin ni Rhian. Nang makita ang tingin ng mga bata, pinilit niyang itago ang kanyang iniisip. "Anong meron?"Pagkasabi niya nito, napansin niyang nakatingin ang mga bata sa may pintuan, tila may hinahanap.Ilang sandali pa, ibinaling nila ang kanilang tingin pabalik, may halong pagkadismaya sa kanilang mga mukha."Ano ang tinitingnan niyo?" tanong ni Rhian, litong-lito.Tumingala ang mga bata at tumingin sa kanya, may bahid ng pagkadismaya sa kanilang maliliit na mukha. "Mommy, wala po ba si little sister?"Sa narinig, nagtataka si Rhian kung bakit biglang nabanggit ng mga bata si Rain."Gabing-gabi na, malamang natutulog na si little Raib," sagot niya.Ngunit tumagilid ang ulo ng mga ba