LIKE
Tumiim ang bagang ni Zack. Akmang magsasalita siya, nang biglang tumunog ang cellphone ni Rhian. Naputol ang kakaibang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Walang pakialam na inalis ni Rhian ang kanyang tingin sa lalaki, kinuha ang cellphone mula sa kanyang bag, at tiningnan ang tumatawag. Malinaw na lumitaw sa screen ang pangalan, "Senior Mike." Palihim na napabuntong-hininga si Rhian, tila nabunutan ng tinik. Ang tawag na ito ay tila nagbigay sa kanya ng dahilan upang makatakas sa sitwasyon. Aminin man niya o hindi. Ang sitwasyon niya ngayon kasama si Zack ay nakakasakal. Para siyang nasa maliit na kahon na tanging ito lang ang kasama. Nakaka-intimida ang presensya nito. Inirapan niya ang lalaki bago sinagot ang tawag binuksan na ang pintuan ng sasakyan para pumasok. Sa pagkakataong ito, hindi na siya pinigilan ni Zack kaya napabuntong-hininga siya at nakahinga ng maluwag. Mabuti pa ay umalis na siya ngayon din sa lugar na ito… gusto niyang makalayo kay Zack. Samantala,
Habang iniisip ang pagkakataong matuto mula sa mga dalubhasa, ibinaba ni Rhian ang kanyang hawak na bago, kinuha ang imbitasyon at nagpasalamat kay Mike. "Salamat talaga dito ha. Talagang inaabangan ko ito!"Daig pa niya ang isang bata na nakatanggap ng kendi sa sobrang saya.Bihirang makita ni Mike ang ganitong kasiyahan kay Rhian, kaya’t napuno ng ngiti ang kanyang mga mata. "Walang anuman. Noong nakaraan, tinulungan mo ang elder sa pamilya namin sa operasyon, pero nagmamadali kang umalis kaya hindi na ako nakapag-pasalamat nang maayos. Lagi ka nilang binabanggit nitong nakaraan na nais kang imbitahin sa hapunan. Kaya ngayon, isipin mo na lang ang imbitasyon na ito bilang pasasalamat."Ngayon palang ay excited na si Rhian sa nalalapit na academic exchanges.Nang marinig niya ang sinabi ni Mike, nagpaliwanag siya dito, "Nagmadali kasi akong sunduin ang mga bata noong araw na iyon. Saka ginawa ko lang naman ang trabaho ko."Pagkatapos magpaliwanag, naalala niyang itanong ang tungkol s
Pagkauwi sa gabi, simpleng sinabi ni Rhian kay Aling Alicia na aalis siya at hiniling na alagaan nang mabuti ang dalawang bata. Pagpasok niya sa kwarto, bumili siya ng mga tiket para sa sarili at kay Mike para sa kinabukasan ng umaga.Maagang-maaga kinabukasan, nagising si Rhian at naghanda na para pumunta sa airport.Paglabas niya, nakita niya si Mike na naghihintay sa may pintuan.“Sa tingin ko, mahirap para sa'yo na magmaneho, kaya naparito ako para sunduin ka.”Habang sinasabi ito, binuksan ni Mike ang pinto ng sasakyan.Nagpasalamat si Rhian at sumakay nang hindi na nag-atubili.Habang nasa daan, nag-usap sila ng kaswal.Biglang naalala ni Rhian ang isang bagay at nagtanong nang may kuryosidad, “Senior, naaalala ko na hindi ka nagtatagal dito sa Pilipinas noon. Madalas kang nagtatrabaho sa ibang bansa. Bakit ka tumagal ng ganito ngayon?”Ngumiti si Mike, “Plano ko nang umalis, pero alam mo naman, dahil sa operasyon ng lolo ko, medyo naantala. Kailangan kong manatili dito para sa k
Hapon nang opisyal na magsimula ang exchange meeting. Dumating sina Rhian at Mike halos kalahating oras bago ang simula.Habang pinapanood ang mga dumarating na isa-isa, hindi maiwasang makaramdam ng kaunting kaba si Rhian.Tulad ng sinabi ni Mike, karamihan sa mga naroon ay mga eksperto sa larangan ng medisina. Bagamat hindi pa niya nakikita nang personal ang mga ito, madalas niyang makita ang kanilang mga larawan sa mga pahayagan at media na may kaugnayan sa medisina. Kaya naman pamilyar ang mga ito sa kanya.Iginiya siya ni Mike palapit sa mga ito upang bumati.“Ito ba si Miss Ri?” Tanong ng isang senior na may bahagyang pagdududa sa mukha habang nakatingin kay Rhian. "Isang batang babae?"Si Miss Ri ay laging misteryoso sa international community. Alam ng lahat na siya ay estudyante ni Doktor Lu Mendiola, pero hindi nila inasahang isa siyang batang babae. Ang inaasahan ng lahat ay isa siyang may edad na babae na nasa mid 40s ang edad. Kaya't nang makita nito si Rhian ay hindi nito
Sa bayan.Naalala ni Zack ang hindi magandang pag-uusap nilang dalawa ni Rhian kahapon ng umaga. Kaya nang ihatid niya si Rain kaninang umaga, sinadya niyang pumunta nang mas maaga.Pagdating niya sa gate ng kindergarten, iilan pa lang ang mga magulang na naroon.Ngunit wala roon ang babaeng kanyang hinihintay.Halatang gustong makita ni Rain ang "magandang tita" kaya't mahigpit niyang hinawakan ang kamay ni Zack at tumangging pumasok muna sa loob.Walang nagawa si Zack kundi ang sumama sa anak na maghintay sa harap ng room. Kung darating si Rhian, madaling sabihin na narito siya dahil sa kanyang anak.Matagal silang naghintay bago dumating sina Rio at Zian. Ngunit hindi si Rhian ang naghatid sa kanila.Pagkakita sa dumating, bahagyang kumunot ang noo ni Zack at lumapit kasama si Rain. "Nasaan si Doktor Fuentes? Hindi ba’t siya ang karaniwang naghahatid kina Rio at Zian tuwing umaga?"Simula nang magkita sila sa ospital noong huli, hindi na nakita ni Aling Alicia si Zack at hindi niya
Pagdating sa kumpanya, kakaaakyat lang ni Zack nang makita niya si Manny na naghihintay sa pintuan ng opisina. "Master." Agad na lumapit si Manny nang makita siyang dumating. Bahagyang kumunot ang noo ni Zack, mukhang may gusto itong sabihin, kaya’t agad siyang nagtanong, "Bakit? May problema ba?" "May problema sa negosyo sa sentro, at kailangan nating magpadala ng senior executive doon. Sino ang sa tingin mo ang dapat ipadala?" "Sa sentro?" Nagdilim ang mga mata ni Zack nang maalala ang babaeng kasalukuyang nasa sentro. “Sino ang gusto mong ipadala doon, master?” Tanong muli ni Manny ng mapansin na hindi siya sumagot. Malamig ang ang boses na sinagot niya ito. "Ako na ang pupunta." Nagulat si Manny sa narinig, “Pero hectic ang schedule mo ngayon, master. Hindi naman ganoon kalala ang sitwasyon sa sentro para kailanganin mo pang pumunta nang personal doon. At saka, master, mayroon ka pag naka-line up na ibang nakatakdang gawin sa araw na ito—“ Pinutol siya ni Zack,
Kinagabihan, dumalo sina Rhian at Mike sa dinner party na inorganisa ng organizer ng meeting. Ang lugar ay isang high-end na restaurant na tinatawag na Center Sky Resto, malapit sa hotel kung saan ginanap ang exchange meeting noong hapon. Ang organizer ay nagpa-reserved ng VIP room para sa lahat ng mga dumalo sa academic exchange. Pagkapasok nilang dalawa ni Mike, agad silang sinalubong ng waiter iginiya sa itaas, papunta sa VIP room. Ang bawat pribadong silid sa restaurant na ito ay may iba't ibang style. Marahil, kinonsedera na pawang mga akademiko ang mga bisita, espesyal na inayos ng organizer ang isang silid na may antigong disenyo at malakas na akademikong atmosfera. Pagpasok nila, agad nilang nakita ang isang bilog na mesa na gawa sa mahogany na may pulang plum sa gitna, at mga upuang gawa rin sa mahogany sa tabi ng mesa. Maraming calligraphy at painting ang nakasabit sa paligid, na parang isang personal na silid-aklatan. Masasabi na simple ang disenyo ng lugar, ngunit
Sa loob ng ilang saglit, tumaas ang paghanga ng lahat ng naroon sa hapag kay Rhian. Ang mga naroon na may sariling research facility ay gustong makuha si Rhian bilang kanilang kasapi. Ngunit matapos makita na tinanggihan si Doktor Sanchez, naasiwa silang mag-alok dahil alam nila na maging sila ay tatanggihan rin. Mabilis na dinala ni Doktor Sanchez ang usapan sa ibang paksa, ngunit patuloy itong umiikot sa larangan ng medisina. Dahil sa ipinamalas ni Rhian noong hapon, tuwing may bagong tanong si Doktor Sanchez, siya agad ang tinitingnan ng lahat. Pakiramdam ni Rhian ay parang nasa isa na naman siyang exchange meeting. Sa kabutihang palad, hindi nagtagal ang ganitong atmosphere. Napansin ni Doktor Sanchez na nagiging seryoso at mabigat na ang usapan kaya't itinulak niya ito sa mas magagaan na paksa. Bilang mga nakababata, si Rhian at Mike ang naging tampulan ng biro. “Doktor Gazini, sabihin mo. Paano ka nakahanap ng isang katulad ni Doktor Fuentes?” Biro ng isang may eda
Biglang bumaba ang presyon ng hangin sa pribadong kwarto. Bumuga ng hangin si Gino, nagdadalawang-isip kung itutuloy pa ba ang susunod na mga salita. "Bakit mo tinatanong 'yan?" tanong ni Zack habang nakakunot ang noo at tinititigan siya. Tinikhim ni Gino ang kanyang lalamunan at nagsabi ng walang pakialam, "Kahapon, pumunta siya para tingnan ang kalusugan ng matandang lalaki, at bigla kong naalala na magkaibigan kayong dalawa noon, kaya naisip ko tanungin ka kung may koneksyon pa kayo..." Kung wala namang koneksyon, hindi na sana siya makikialam sa buhay ng iba. Hindi pa siya tapos magsalita, nang ang mga mata ni Zack ay biglang dumilim. Naramdaman ni Gino na parang nabasa siya, kaya tumigil siya sa pagsasalita at nagtanong, "May nangyari ba, Zack?" "Nililigawan mo ba siya?" tanong ni Zack habang nakakunot ang noo at madilim ang mukha. “Tsk! Hindi! Bakit mo naman naisip yan!” Sagot agad ni Gino. Nakahinga naman ng maluwag si Zack. Totoo namang mabait si Doktor Rhian, pe
"Tumahimik ka!" Dinedma ni Gino ang sinasabi ni Ana at tumugon ng matigas, "Ginagawa mo ba ito dahil kay tita Dawn o dahil sa sarili mong interes? Ana, tanungin mo ang sarili mo, ano ba ang ginawa ni Doktor Rhian ang pamilya Florentino para gawin mo sa kanya ito? Kung hindi dahil sa kanya, sa tingin mo gagaling si Lolo? Siya ang nag-iisang doktor na gumamot at nagpagaling kay lolo! Okay lang ang pagdududa mo noon, pero ang ginawa mong kamalian ngayon ay hindi na maganda!” Ito ang unang pagkakataon na nakita ni Ana na ganito kaseryoso ang kanyang kapatid. Tila natameme siya at hindi makapagsalita. Humugot ng hininga si Gino at nagpatuloy, "Hindi ko alam kung saan nagmumula ang galit mo laban kay Doktor Rhian, pero mula ngayon, huwag mong hayaan na malaman ko na gumawa ka na naman ng kamalian! Huwag mong gamitin ang pamilya nila Zack bilang dahilan!" Napansin ni Ana na nagbago na ang tono ng kapatid, kaya't natigilan siya saglit, ngunit hindi rin siya nakapagsalita. Tumayo si Gino,
Ngumiti si Gino at nagsabi, "Ayos lang. Mas madali na’t hindi na maghihirapan ang lolo ko na palaging magtatanong tungkol sa iyo." Nagpalitan sila ng ilang magaan na saloobin bago nila tinapos ang tawag. Iniwan ni Rhian ang kanyang cellphone sa tabi at sinuri ang mga detalye ng kamakailang konsumpsiyon ng mga medicinal materials sa institute. Sumakit ang kanyang ulo. Kahapon, naisip na niya na gagamitin ang koneksyon at hihilingin kay Gino na ipakilala siya sa ilang mga supplier ng medicinal materials. Pero ngayong araw, nagbigay na ang Florentino ng sapat na benepisyo. Kung magsasalita pa si Rhian, magmumukha siyang hindi kontento. Habang tinatawag siya kanina, nagdalawang-isip siya at hindi sinabi ito. Sa ngayon, ang tanging magagawa niya ay subukang makipag-ugnayan sa mga senior na nakilala niya sa huling exchange meeting. Hindi niya alam kung maalala pa kaya siya ng mga ito. Talaga namang pagod siya kahapon at hindi rin maganda ang tulog niya kagabi. Nang kunin niya an
Nagkatinginan si Rhian at Zanjoe, pagkatapos ay tumango kay Macon ng malamig. "Manager Macon, dumating kayo rito, may kailangan ka ba?" Kung tama ang hinala ni Rhian, siya ang taong nagpakita ng kawalan ng gana at galang kay Zanjoe kahapon sa telepono. Tumatawa pa nga ito. Hindi na nakapagtaka kung bakit tinitigan siya ni Zanjoe ng malamig. Narinig ni Macon ang tono ni Rhian at muling sumama ang pakiramdam niya. Nakangiti siya nang puno ng paghingi ng tawad, "Ganito po kasi, Doktor Rhian, nang tawagan ako ni Doktor Rodriguez kahapon, kailangan kong dumaan sa isang emergency na pulong. Inisip ko na tatawagan ko siya pagkatapos ng meeting, ngunit hindi ko inaasahan na makakatanggap ako ng tawag mula kay Sir Gino na papunta ako agad dito pagkatapos ng pulong. Kaya't na-delay ako at nagkaroon ng ganitong malaking hindi pagkakaintindihan..." Hinila ni Rhian ang kanyang labi at sumagot ng malamig, "Ang ibig ba niyong sabihin, Manager Macon, ay ang isyung ito ay kasalanan namin, at kami
Lumungkot ang mukha ng kambal, mayamaya at nagsalita si Zian nang may kalungkutan, “Nami-miss namin si Doktor Lu pero hindi namin gustong iwan si Rain.”Natigilan si Rhian sa sinabi ng anak. Nang tumingin siya kay Rio ay bakas din sa mukha nito ang lungkot.Nagpatuloy sila sa pagkain at hindi na nagsalita. Alam niya na mauunawaan ng mga bata na hindi rin madali para sa kanya na umalis at malayo kay Rain. Matapos kumain, si Rhian ay talagang pagod na, at wala nang ganang makipaglaro pa sa mga bata, kaya't maaga silang umakyat kasama ang mga anak upang magpahinga.Hinintay ni Rhian na matulog ang mga anak, at dahan-dahang hinaplos ang kanilang mga pisngi, "Pasensya na kayo, mga anak. Pero kailangan itong gawin ni mommy,” dahil sa kanya ay kailangan nilang umalis sa lugar na sanay na sila at masaya.Dapat sana ay mas maganda ang kanilang buhay. Kung sinabi niya lang kay Zack ang tungkol sa mga bata. Ngunit dahil sa makasariling dahilan, sinarili niya ang tungkol sa mga bata.Bagamat nag
Nakamit ni Marga ang layunin, lihim siyang ngumiti. Nakakaunawa kunwari na hinawakan niya ang kamay ni Ana, “Huwag mong kalimutan, hindi lang tayo ang may galit kay Rhian.”Pagkatapos ng sinabi ni Marga, nagulat muna si Ana, ngunit mabilis na nagbago ang reaksyon. Halos nakalimutan niya na ang lahat ng plano laban kay Rhian ay isinagawa upang tulungan si Dawn. Kung nandoon si Dawn, at tatlo sila, hindi makakapalag si Rhian.Dahil sa mga taon ng pagmamahal ng matanda kay Marga, walang paraan na papayag ito na makuha ng iba ang posisyon ni Marga bilang asawa ng kanyang anak. At higit pa riyan, iniwan ni Rhian ang kasunduan ng diborsyo anim na taon na ang nakalilipas at umalis nang walang paalam, na tila ipinakita sa buong komunidad ng negosyo na siya ang nag-abandona kay Zack, hindi siya ang tinalikuran ni Zack, at naghatid ito ng kahihiyan sa pamilya ng Saavedra.Dahil doon, hindi patatawarin ni Dawn si Rhian!Habang iniisip iyon, lalo pang nag-init ang ulo ni Ana. Ngumiti siya kay Mar
Bilang kasapi ng pamilya Suarez, ang pinakamalaking nagtitinda ng mga gamot sa bayan, tiyak na alam ni Marga ang mga paraan ni Dawn. Dahil dito, nakaramdam siya ng ginhawa, ngunit kailangan pa ring magkunwaring hindi siya sang-ayon. "Tita, hindi po ba masyado yatang magaspang ang ginawa mo kay Miss Rhian? Kung malaman ng mga tao sa research institute na ito ay dahil sa kanya..." "Huwag mo siyang intindihin. Siya lang ang may kasalanan kung bakit siya napunta sa ganitong sitwasyon. Binigyan niya kami noon ng kahihiyan, at ngayon ay nagbalik siya upang magdala ng kaguluhan? Hindi ako papayag!” Hinaplos ni Dawn ang balikat ni Marga. Yumuko si Marga at lihim na ngumiti. "Sino ang tumawag sayo kanina?" tanong ni Dawn. Sumagot si Marga, "Si Ana po. Sinabi niyang pupunta siya mamaya." Itinabi ni Dawn ang mga gamit sa kanyang kamay at tumayo. "Kung may bisita ka, hindi kita iistorbohin. Tawagan mo lang ako kung may kailangan ka." Matapos ito, lumabas siya ng ward. Hindi nagtagal matapos
Bagamat kailangan pa ng oras upang makuha ang mga gamot mula sa kalapit na siyudad, wala siyang ibang magagawa. Naisip niya, baka ang mga supplier sa kalapit na siyudad ay nakatanggap na ng balita mula sa pamilya Saavedra. Nang maisip ito, kinuha ni Rhian ang kanyang cellphone, nais tawagan ang senior na nakilala niya sa huling seminar na dinaluhan niya. Ngunit bago pa siya makatawag, ang cellphone niya ay biglang vibrate at tumunog. Nagulat si Rhian saglit at tiningnan ang tumatawag. Nang makita ang pangalan sa caller ID, kumislap ang kanyang mga mata at mabilis na sinagot ang telepono, "Mr. Gino." Sa kabilang linya, puno ng paumanhin si Gino, "Doktor Rhian, na-imbestigahan na ang isyu. Talaga pong mayroong mga hindi pagkakaunawaan sa pagitan natin, ngunit naresolba na ito. Bukas ng umaga, ang mga gamot mula sa pamilya namin ay ihahatid sa inyong institusyon." Nang marinig ito, nakahinga ng maluwag si Rhian at ang mabigat na batong nakadagan kanyang dibdib ay tuluyang nawala, "Uh
Pinipigilan niyang magtuloy-tuloy, balak niya sana na masabik sa susunod niyang sasabihin ang kuya niya, ngunit bigla itong tumayo mula sa sofa. Nagulat si Ana ng sigawan siya nito."Tumahimik ka! Florentino ka pa naman pero ganyan ka magsalita! Ano naman kung dati siyang asawa ni Zack? Binali mo ang pangako ng pamilya natin! Sa loob ng 100 years, hindi binabali ng Florentino ang kanilang mga pangako. Kung lumabas ito, magiging katawa-tawa tayo!”Agad na umatras si Ana ng dalawang hakbang sa takot, patuloy pa rin ang pagtatanggol sa sarili, "Ano'ng masama sa sinabi ko? Ang pamilya natin ay pinamana ng daang taon. Kung malagay tayo sa panganib dahil sa pagtutol sa pamilya Saavedra, wala tayong mapapala sa pagtulong sa babaeng iyon!”Nang marinig ito, naramdaman ni Gino na parang sumabog ang kanyang ulo sa galit, nagtunugan ang kanyang ngipin, "Alam mo ba kung ano ang pinamana sa atin ng ating pamilya sa nagdaang mga taon na iningatan ng nakatatanda sa atin?”Tahimik na ibinaba ni Ana a