LIKE
Nahulaan din ni Rhian ang iniisip ng lalaki, kagaya niya, may pag-asam ito.Ngunit nang ilabas ng maliit na bata ang panulat at papel mula sa kanyang bag, naglaho rin ang kaunting pag-asam nila, ngunit hindi niya ito ipinakita at sinabing, “Huwag kang mag-alala, kaka-improve lang ng kundisyon ni Rain. Hindi pa ito matatag. Magsasalita lang siya kapag na-excite siya. Dahan-dahan lang.” Tumango si Zack nang walang komento. Tama, tulad ng sinabi ni Rhian, ang kakayahan ng bata na magsalita ay isang magandang improvement na, hindi siya dapat magmadali. Kailangan niya maging mapaghintay.Sumulat si Rain nang ilang sandali, nag-isip-isip, at sa wakas ay sinagot ang mga tanong na matagal nilang tinatanong. "Binasa ako ng white whale!" Sulat ng paslit. "Talaga?! Ako din! Mas malakas ang pagtalon niya kaya mas nabasa ako!" Sabi ni Zian. Natapos na ang palabas ng puting balyena, ngunit hindi pa rin nasiyahan ang tatlong maliit na bata. Gusto pa nilang maglaro ng magkakasama at sulitin
Saglit na nag-alinlangan si Rhian, ngunit nagtanong pa rin, "Para kay Rain ba talaga ito?" Umiling si Zack at umamin, "Ang mga ito ay inihanda para kina Rio at Zian. Nagkamali ako ng nasabi ilang araw na ang nakalipas. Pagkatapos kong makauwi, pinag-isipan ko ito at naramdaman kong kahit bata pa sila, nararapat lang na humingi ako ng tawad. Napansin ko ang ilang palamuti sa bahay ninyo noong huli, kaya inisip kong magugustuhan nila ang mga ito." Pagkatapos nito, ibinaba ni Zack ang kanyang tingin sa dalawang bata at iniabot sa kanila ang kahon. "Humihingi ng paumanhin si tito. Sana magustuhan ninyo ang mga ito?" Nagningning ang mga mata ng dalawang bata. Hindi maiiwasang mahilig ang mga lalaki sa mga robot at larong karera. Dahil mas mataas ang kanilang IQ kumpara sa karaniwang mga bata, mas adult-oriented ang mga laruan nila. Sa paglipas ng panahon, nahilig sila sa mga high-tech na bagay. Pilit nilang kinukulit si Mommy na bumili ng marami sa mga ito, ngunit ang iba ay sobra
Tinulungan nina Zack at Manny si Rhian na ilagay ang ilang kahon sa kanyang sasakyan, saka nagpaalam at umalis nang hindi na nagsabi pa ng iba. Pagpasok sa sasakyan, nagtanong si Manny nang may pag-aalangan, "Master, hindi niyo ba balak na magtagal pa kasama ang Young lady?" Matagal nang nananatili ang Young lady sa bahay ng madam at kakaunti lamang ang oras na magkasama sila ng kanyang ama. Nag-aalala siyang baka lumayo ang loob ng mag-ama sa isa’t isa. Umiling si Zack at nanatiling tahimik. Halata namang hindi pa talaga siya pinapatawad ng dalawang bata. Buong araw na siyang sumunod sa kanila, at kung magpapatuloy pa siya, baka mawala pa ang konting mabuting impresyon na nakuha nila mula sa mga regalo. Naisip niya ang ugali ng dalawang bata sa kanya, at hindi niya maiwasang sumakit ang ulo. Kanino ba nagmana ang ugali ng dalawang batang iyon at kay tigas ng kanilang puso? Biglang tumunog ang telepono sa loob ng sasakyan. Itinabi muna ni Zack ang iniisip at sinagot ang t
Hapon, sa Coffee House, Magkaharap na umiinom ng kape sina Marga at Ana habang nag-uusap. Habang nagkukuwentuhan, napunta ang usapan sa ika-70 kaarawan ng matanda. "Marga, pupunta ka rin sa ika-70 kaarawan ng lolo ko, di'ba?" tanong ni Ana na may bahid ng layunin. Narinig na rin ni Marga ang balita. Malalim ang ugnayan ng pamilya Florentino at pamilya Saavedra, kaya natural lamang na kailangan niyang magpakita. Tumango siya, "Oo, bakit?" May panunudyo na nagtanong si Ana, "Siyempre... sasama sa’yo si Kuya Zack, tama ba? Kayong dalawa ang kinikilalang magkasintahan kaya dapat ba magkasama kayong dadalo." Sa narinig, saglit na natigilan si Marga. Alam niyang pupunta si Zack, pero hindi siya sigurado kung sasama ito sa kanya. Sa mga nakaraang taon, bagama't hindi pinawalang-bisa ni Zack ang kanilang kasunduan, hindi rin siya naging malapit dito. Noong mag-asawa pa ito at si Rhian ay hindi naman ganon ang trato sa kanya ng lalaki. Ngunit bigla itong nagbago...Walang kaalam-a
Bago magsimula ang banquet para sa kaarawan, isinagawa muna ni Rhian ang huling stage ng gamutan para sa matanda. Ang kondisyon ng matanda ay mas mabuti na kaysa dati; kaya na nitong bumangon at gumalaw, ngunit hindi pa maaaring maglakad nang matagal. Nagreseta si Rhian ng gamot at pinaalalahanan ang matanda na inumin ito sa tamang oras. Dito natapos ang kabuuang gamutan. Dumating na ang araw ng banquet para sa kaarawan. Matapos tapusin ni Rhian ang trabaho sa research institute, umuwi siya at nagbihis. Nagpalit siya ng isang eleganteng damit, itinaas ang kanyang mahabang buhok, at naglagay ng kaunting makeup bago pumunta sa salu-salo. Pagdating sa mansion ng pamilya Florentino, malapit nang magsimula ang selebrasyon. Napuno ng mga mamahaling sasakyan ang paligid ng manor, at sa loob naman, puno ng mga kilalang personalidad ang bulwagan. Bagamat matagal nang nanirahan si Rhian sa bayan, iilan lamang ang talagang nakakakilala sa kanya. Kahit na ganoon, nang siya ay dumating,
Matapos ang matagal na paghihintay, sa wakas ay lumabas na rin si Marga mula sa silid. "Hmm, maganda ito at mukhang bagay sayo, isuot mo na 'yan." Tiningnan ni Dawn ang suot nito at tumango nang may kasiyahan. Ngumiti si Marga nang mahinahon at tumingin kay Zack, "Zack, nandito ka na!" Tumango si Zack nang walang ekspresyon. Hindi pinansin ni Marga ang kanyang malamig na pag-uugali at ngumiti pa rin, "Pinapunta ako ni Tita para pumili ng damit. Sa tingin mo ba, okay na kaya 'tong suot ko?" Habang nagsasalita, bahagya siyang umikot upang ipakita ang suot. Dahil napilitan siya sa mga plano ng kanyang ina, hindi maganda ang pakiramdam ni Zack. Narinig niya ito ngunit tinapunan lamang ng tingin si Marga at tumango nang walang gana, "Ayos lang." Nang sumagot si Zack ng walang gana sa harap ng ina nito, medyo napahiya si Marga, ngunit ngumiti parin siya.Sa gilid, tumayo na rin si Dawn, "Pupunta rin naman si Marga sa salu-salo ng pamilya Florentino, sumabay ka na sa amin." Ng
Sa sandaling natapos ang pahayag, lahat ng miyembro ng pamilya Florentino ay tumingin sa entrance ng bulwagan, at napatingin din si Rhian nang hindi sinasadya. Si Zack ay nakasuot ng itim na custom-made na suit. Ang suit ay perpektong tinahi, na nagpalutang ng matipuno niyang pangangatawan. Ang kanyang buhok ay naka-brush ups, na nagpalabas ng perpekto na facial features. May ilang hibla ng buhok na nahulog sa kanyang noo, na nagbibigay ng malamig na tingin, at naglabas ng isang aurang nagtataboy sa mga tao mula sa malayo. Sa sandaling iyon, napako ang mga mata ng mga bisita sa kanya. Ilang hakbang sa likod ni Zack, makikita si Marga na nakasuot ng marangyang itim na damit. Ang kanyang kulot na buhok ay maingat na inayos at nakalagay sa harapan ng kanyang dibdib, at ang kanyang mapupulang labi ay kapansin-pansin. Mahigpit siyang nakakapit sa braso ni Dawn at sumusunod sa mga yapak ni Zack. Ang kanyang mahabang damit, na tila kasuotan ng magkapareha ng suit ni Zack, at ang malap
Pagkatapos tanungin ni Rhian ang kalagayan ng matanda, hindi na siya nagsalita pa. Dahil walang binanggit si Mr. Florentino, hindi rin siya makaalis. Tumayo na lamang siya nang tahimik at nakinig sa pinag-uusapan nila. Kahit gusto niyang umalis, hindi naman maari dahil magiging kabastos-bastos kung gagawin niya. Inalis ni Dawn ang kanyang tingin kay Rhian at tumingin kay Mr. Florentino, "Maligayang kaarawan, Mr. Florentino. Tiyak na hindi lamang ako ang masaya na makita kang malusog. Binabati kita sa iyong paggaling, nakikita ko na talagang malaki na ang pinagbuti ng kalusugan mo.” Tumango ang matanda, nakangiti ay nagmamalaki na pinakilala si Rhian. “Narito ako ngayon at nag-celebrate pa ng kaarawan dahil sa magaling na doktora na katulad ni Doktor Fuentes. Kung wala siya, marahil ay wala ako sa harapan ninyong lahat ngayon!” Pagkasabi nito, napunta ang mga mata ng lahat kay Rhian. Sumang-ayon ang ina ni Gino na si Alma, "Si Doktor Fuentes ay isang dakilang tagapagligtas ng
Nakatulog si Rhian sa buong biyahe hanggang sa makarating sila sa tapat ng ospital.Saglit na nagdalawang-isip si Zack kung gigisingin ito, ngunit hindi niya magawang gisingin ito. Sinabihan niya si Manny na buksan ang pinto, hinubad ang kanyang coat, maingat na ibinalot ito kay Rhian, at saka niya ito binuhat palabas ng sasakyan.Dumating sila nang gabi, kaya tanging ang emergency department na lamang ang bukas.Nagparehistro si Zack at binuhat si Rhian papunta sa departamento.Unti-unting nagmulat ng mga mata si Rhian. Ang unang tumambad sa kanyang paningin ay ang gwapong mukha ni Zack... para siyang hinehele...Pagkapasok nila, unti-unting natauhan si Rhian. Makalipas ang ilang segundo, naintindihan niya ang sitwasyon: nasa bisig pa rin siya ng lalaki at nasa harap sila ng doktor.Nang mapagtanto ito, namula agad ang mukha ni Rhian. Pero dahil sa kanyang lagnat, mabuti nalang at may lagnat siya kaya hindi ito masyadong halata."A-Ano ba, Mr. Saavedra, ibaba mo nga ako!!" Nahihiya n
Nagdadalawang-isip si Rhian.Ayaw niyang magkaroon ng masyadong maraming ugnayan kay Zack, ngunit kailangan niyang aminin na ito ang pinakamainam na solusyon sa ngayon. Matapos ang ilang sandali, tumango si Rhian at sumang-ayon, "Sige... p-pasensya na sa abala---"Wag mong isipin yan sa ngayon. Ang mahalaga ay madala ka sa ospital at gumaling." Putol ni Zack sa kanya.Tumango si Rhian. Bumaling siya sa dalawang anak. "Wag kayong magpapasaway kay Aling Alicia, ha?""Opo, mommy!"Nakangiting sumabat ang matanda. "Hindi naman pasaway ang mga anak mo, ma'am. Madali silang alagaan kumpara sa iba." Puri nito sa dalawa."M-mabuti naman----" Hindi inaasahan, pagkakatayo ni Rhian ay bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo. Mabuti na lang at malapit siya sa kama. Pagkatapos ng dalawang hakbang na pakiramdam niya’y matutumba siya, napilitang sumandal siya sa kama para hindi bumagsak."Aalalayan kita pababa," alok ni Aling Alicia at mabilis na lumapit upang tumulong.Nagdidilim ang paningin ni Rhian
Nakatayo si Zack sa gilid.Dahil hindi niya nakita si Rhian, ayaw sumama ni Rain pauwi, kaya naghintay siya roon kasama ang bata.Ngunit hindi niya inaasahan ang balitang narinig niya.Hinila ni Rain ang manggas niya na parang nag-aalala, "Tita..."Naramdaman ni Zack ang nais nitong sabihin at idinugtong nang may mabigat na tinig, "Anong nangyari kay Rhian?"Hindi alam ni Aling Alicia ang alitan sa pagitan nila, dahil walang masama sa tanong, agad niyang sinagot, "Mukhang hindi na maganda ang pakiramdam ni Ma'am Rhian nang dumating siya kagabi. Akala ko pagod lang siya, pero hindi pala. Kinagabihan ay nagkalagnat na siya at nanghihina. Kaya kailangan kong bumalik at alagaan siya agad."Pagkatapos nito, inihanda niya ang dalawang bata para umalis.Nakalimutan pa ng magkapatid na magpaalam kay Rain dahil nagmamadali silang umalis. Sobra silang nag-aalala sa kanilang mommy.Namula ang mga mata ni Rain dahil sa pag-aalala ng malaman ang kalagayan ni Rhian, mahina siyang napaung0t, "Tita..
Pagkauwi sa bahay nila Rhian, nakahanda na ang hapunan sa mesa na hinanda ni Aling Alicia.Pagpasok nila, sinalubong sila nito na may bakas ng pag-aalala sa mukha. "Ma'am Rhian, bakit kayo nahuli ngayon?"Pinilit ni Rhian na ngumiti. "Wala, natapos lang nang late ang trabaho ko. Pakibantayan na lang ang mga bata, medyo pagod ako. Aakyat muna ako at magpapahinga." "Sige po, mommy!" Sabay na tugon ng kambal. Tumango si Aling Alicia sa amo. Kapansin-pansin nga ang pagod nito. Bumaling siya sa mga anak. "Kumain kayo ng marami ha. Talagang pagod na pagod ako kaya magpapahinga na ako sa kwarto. Wag kayong magpapasaway kay Aling Alicia, ha?"Napansin ni Aling Li ang sobrang pagod sa kanyang mukha at agad na tumango.Kinabukasan, nakahanda na ang almusal ni Aling Alicia, ngunit hindi pa rin bumababa si Rhian. Sa halip, ang dalawang bata ang bumaba. Pareho na silang nakagayak."Kumain na muna kayo, aakyat ako para tingnan ang mommy ninyo," sabi ni Aling Alicia. Bagama't baguhan pa lamang siy
Paglabas ni Rhian mula sa operating room, madilim na ang paligid.Nang makita ang kalangitan sa labas, bigla niyang naalala na tila hindi siya nakarating sa oras upang sunduin ang mga bata. Nagmadali siyang magpalit ng damit at nagmaneho papunta sa eskwelahan.Pagpasok niya sa gate ng kindergarten, mula sa malayo ay nakita niya sa ilalim ng poste ng ilaw ang isang lalaki na nakatayo sa tabi ng bangko, isang kamay nasa bulsa. Ang tatlong bata naman ay magkakasama, at ang isa sa kanila ay may hawak na hamburger at kumakain nang seryoso.Napahinto si Rhian sa nakita.Tila naramdaman ng lalaki ang kanyang tingin, kaya tumingin ito sa gawi niya. Pagkatapos, may sinabi ito sa mga bata.Sabay-sabay na tumingala ang tatlong bata, hawak ang mga hindi pa ubos na hamburger, at tumakbo papunta sa kanya.Napayuko si Rhian na may bahid ng pagsisisi, hinaplos ang ulo ng mga bata, "Pasensya na mga anak, nahuli si Mommy."Sanay na sina Rio at Zian, kaya umiling sila na parang wala lang, at tinanong pa
Hindi nila namalayan na tumagal na ng mahigit pitong oras ang operasyon.Samantala, sa eskwelahan, karamihan sa mga bata ay nakauwi na, at tatlo na lang ang natira. Bagamat dinala na pauwi si Rain, patuloy na itinuring nina Rio at Zian si Rain na parang dati sa Eskwelahan. Nang walang sumundo dito, dinala nilang dalawa si Rain sa bunton ng buhangin upang magtayo ng kastilyo. Masaya silang naglalaro."Rain! Tingnan mo itong ginawa ko... mas malaki ito kay Rio!"Umingos si Rio. "Pero mas maganda naman ang ginawa ko!"Napangiti si Rain. Nagmamalaking tinuro niya ang mas malaki at mas maganda na ginawa niya. Napanguso ang kambal... pero ngumiti at nakipag-apir pa kay Rain.Pagdating ni Zack, nakita niya ang tatlong munting bata na nakaupo sa bunton ng buhangin, kapwa sila nagtatawanan at halatang masaya. Nang tumigil sa tawanan ang tatlo at tinawag na ni Zack ang anak."Rain." Lumapit siya dito.Tumingin si Rain sa kambal, ayaw pa niya tumayo agad.Kumunot ang noo ni Zack at tiningnan si
Tumango si Rhian. "Maaari akong maglaan ng oras bukas upang pumunta sa ospital at suriin ang kalagayan ng pasyente," mungkahi ni Rhian matapos niyang tingnan ang iskedyul ng trabaho sa mga susunod na araw.Nakahinga ng maluwag si Mike at tumango, "Sige, maraming salamat. Kung may kailangan ka sa hinaharap, huwag kang mag-atubiling sabihin sa akin."Ngumiti si Rhian, "Marami ka na rin namang naitulong sa akin noong nasa ibang bansa tayo, at tungkulin ng doktor ang gamutin ang pasyente. Kung sa tingin mo ay kaya ko, walang dahilan para tumanggi ako. Isang karangalan na may isang katulad mo na kagalang-galang ang may tiwala sa sakin."Marahan itong natawa sa sinabi nia. "Hindi ba't parang sobrang taas naman ng tingin mo sa akin. Marami nga akong naitulong sayo noon. Pero labas ang usapin na ito sa tulong na nagawa ko. Talagang mahusay ka kaya kahit sino ay napapahanga mo... kaya hindi nakapagtataka na hangaan ka ng mga kapwa natin mga doktor."Magaan na natawa si Rhian. "Alam mo, senior..
Dahan-dahang nagsara ang pintuan ng bahay, at unti-unting naglaho sa paningin ni Rhian ang pigura ni Rain.Malalim siyang huminga, pinipigilan ang namumuong luha sa kanyang mga mata, dama niya ang lungkot na mawalay sa bata.Sa panahon ng pananatili nito sa kanila, kitang-kita kung paano naging mas komportable si Rain. Sa kanilang pangangalaga, mabilis na bumuti ang kalagayan nito.Kung may pagkakataon, nais din ni Rhian na alagaan ang bata hanggang tuluyan itong gumaling. Gusto rin niyang marinig itong magsalita nang buo kahit isang beses, at gusto din niya itong makasama.Ngunit tila wala nang pagkakataon para dito...Sina Rio at Zian, na sumunod sa kanya pababa, ay tahimik na nanuod habang nagpapasya ang kanilang mommy na ipadala na si Rain. Bagamat labis din nilang ayaw na umalis ang bata, wala na rin silang sinabi sa huli. Dahil anuman ang gusto nila, sa huli ay kagustuhan parin ng kanilang ina ang masusunod.Nang makita nilang labis ang lungkot ng kanilang mommy, lumapit sila upa
Matapos ang mahabang katahimikan, malamig na binasag ni Zack ang katahimikan, "Kung iyon ang nais mo... sige, susundin ko."Tumango si Rhian. "Sige, mabuti naman at ayos lang sayo. Sandali lang, tatawagin ko lang si Rain." Paalam niya. Umalis siya at umakyat sa silid upang tawagin ang anak nito.Nasa kwarto nina Rio at Zian kasama si Rain, pare-parehong malungkot ang mga mukha nila, walang ingay na maririnig... nanibago si Rhian. Hindi nagkukulitan o naglalaro ang tatlo, wala silang kasigla-sigla. Hawak lamang ng kambal ang robot sa kanilang kamay, habang si Rain ay nakayuko lamang hawak ang manika. Halatang malalim ang iniisip ng mga bata.Nang marinig ang pagbukas ng pinto, sabay-sabay silang tumingin kay Rhian.Nang magkasalubong ang kanilang mga mata, lumambot ang puso ni Rhian. Ngunit nang maalala ang taong nasa ibaba, pinatigas niya ang kanyang loob. Kailangan niyang kayanin at tatagan ang loob niya. Noon pa man, alam niyang darating ang araw na kukunin si Rain ng kanyang ama...