LIKE
Napatigil si Rhian sa paglalakad at tumingin kay Zack nang may pagkalito.Nagpaliwanag si Zack, "Alas-kwatro pa lang ng umaga ngayon, at kakaunti pa lang ang tulog mo. Hindi ko gustong hayaang magmaneho ka pauwi nang ganito. Bukod pa rito, kung aalis ka nang ganito, hindi ko maipapaliwanag kay Rain. Nangako ka sa kanya na hindi ka aalis. Kung magising siya bukas at wala ka, siguradong magwawala siya. Baka puntahan ka pa niya sa bahay mo. Hindi pa tuluyang gumagaling ang kanyang katawan. Paano kung magkasakit ulit siya?"Nang marinig ito ni Rhian ay bahagyang kumunot ang kanyang noo. Dahil sa bangungot niya kanina, ayaw na niyang manatili pa sa bahay na ito. Ngunit nangako siya sa maliit na bata na hindi siya aalis...Nang makita ang kanyang pag-aalinlangan, dumilim nang bahagya ang mukha ni Zack at naging malamig ang kanyang tono, "Huwag kang mag-alala, ngayon lang ang tanging pagkakataon na maaabala at mababahala ka ni Rain. Sa susunod, kung wala namang problema, hindi ko na hahayaan
Pagkatapos ni Rhian na itirintas ang buhok ni Rain ay inakay niya ito palabas. Pagpihit nila paharap, nakita niya ang lalaking nakatayo sa pintuan."Nakahanda na ang almusal. Bumaba na kayo para kumain." Malamig at pormal na wika ni Zack.Natigilan si Rhian. Kanina lamang, nakita niya ang pagdaan ng kakaibang emosyon sa mata ng lalaki, ngunit saglit lang iyon kaya hindi niya alam kung imahinasyon lang niya iyon. Sigurado na namamalikmata lang siya.Nang matauhan, inakay niya si Rain pababa para kumain. Sa mesa, umupo si Rain sa tabi ni Zack. Si Rhian ay paupo na sana sa tapat ng dalawa nang hilahin siya ni Rain sa manggas. “Mada---Ang ibig kong sabihin, Ma'am, dito ka po sa tabi ng bata,” wika ni Aunt Gina na ngumiti at iniusog ang silya sa tabi ni Rain. Tumango si Rain bilang pagsang-ayon, sabay tingin kay Rhian na puno ng pag-asam. Napatingin si Rhian nang hindi sinasadya kay Zack, na tila walang pakialam sa kanyang kinauupuan. Pinisil si Rain nang mahigpit sa kanyang mga
Hapon na nang makipagkita sina Marga at ang kanyang ina kay Dawn sa isang coffee shop. Pagkarating nila sa coffe shop, umupo silang mag ina sa bandang bintana. Hindi nagtagal ay dumating ang ina nii Zack na si Dawn. Nang dumating ito, agad na b****o ang matanda sa dalawang dalawang babae.“Pasensya na at napatagal ang paghihintay ninyo.” Naupo si Dawn sa tapat nila. Ngumiti si Marga ng matamis sa ina ni Zack katulad ng palagi niyang ginagawa, batid ng babae na sa ngiti ay makukuha niya ang loob lalo ng matanda, “Kadarating lang din namin, Tita Dawn. Umupo na po kayo. Nag-order ako ng ilang dessert para sa atin. Hindi na ako nakapaghintay na dumating ka. Alam ko naman po kasi kung ano ang paborito mo, tita."Maya-maya, inihain ng waiter ang masasarap na dessert sa kanilang mesa.Ngumiti si Dawn, kumikinang sa paghanga ang kanyang mata sa babae, “Talagang maalaga ka pa rin sa akin, Marga. Alam mong mahilig ako sa matatamis. Pero si Zack, wala siyang ganitong pag-aalala. NI hindi niya
Pagkagaling sa coffee shop, lalong nabalisa si Dawn. Pagkatapos ng trabaho ng kanyang asawa, inimbitahan niya ito na magpunta sa mansion. Katatapos lang ni Zack sunduin si Rain mula sa school nang dumating sa bahay ang kanyang magulang. Pagpasok pa lang nila, nakita niyang nakaupo na ang dalawang matanda sa sofa, mukhang seryoso at may gustong pag-usapan. “Dad, Mom, bakit hindi ninyo sinabi na pupunta kayo? May problema ba?” tanong ni Zack, halatang nagtataka. Pagkatapos niyang magsalita, tumango si Dawn na nakasimangot, “May gusto akon pag-usapan natin ngayon din.” Nang makita ang seryosong mukha ng ina, bahagyang kumunot ang noo ni Zack. Tinalikuran niya si Rain at inutusan si Aunt Gina, "Dalhin niyo si Rain sa kwarto niya," "Masusunod, master." Masunuring yumuko si Gina."Bye po, lolo at lola!"nMagalang namang nagpaalam si Rain sa kanyang mga lolo’t lola bago sumunod sa matanda paakyat. Umupo si Zack sa isang single couch malapit sa kanyang mga magulang. “Ano ang mahalag
Nanatiling walang imik si Zack sa nakalipas na ilang segundo. Hindi niya maapuhap ang kanyang sasabihin sa mga ito.Papasukin si Rhian?Pagkaraan ng ilang sandali, tumugon siya nang kalmado, “Wag niyo na itong problemahin pa nang sobra. Wala akong balak na papasukin ulit si Rhian sa buhay namin ng aking anak.” Sa ngayon, hindi pa. Dugtong ng isip niya.Habang nagsasalita ang kanyang mga magulang, iniisip ni Zack ang mga nakaraang pakikitungo niya kay Rhian. Napagtanto niyang karamihan sa kanilang mga pag-uusap nitong mga nakaraang araw ay may kinalaman kay Rain. 'It's ironice, hindi ba?' Isip-isio niyang muli.Batay sa pakikitungo ni Rhian sa kanilang unang pagkikita, kung hindi dahil kay Rain, malamang iniiwasan na siya ng babae. Ang ikinababahala ngayon ng kanyang mga magulang ay halos imposible nang mangyari. Nang marinig ang sinabi niya, bahagyang gumaan ang ekspresyon ni Dawn, nakahinga siya ng maluwag. “Mabuti naman. Pero paano si Marga? Kailan mo balak ayusin ang lahat?
Sa biyahe papunta sa kindergarten, nakaupo si Rain sa likod ng sasakyan, hawak ang kanyang bag sa kanyang mga braso. Nakababa ang kanyang tingin, at tila walang sigla. Gustong magpakita ni Marga ng magandang pakikitungo sa batang ito, kahit man lang sa harap ng iba. Tiningnan niya si Rain sa rearview mirror at nagkunwaring nag-aalala: “Rain, masama ba ang pakiramdam mo? Gusto mo bang dalhin kita sa ospital ni Tita?” Hindi man lang nagtaas ng ulo si Rain nang marinig ang kanyang boses. Bahagyang kumunot ang noo ni Marga at patuloy na nagpakita ng kunwaring malasakit gamit ang mahinahong boses, “Paano kaya kung humingi tayo ng leave para sa’yo at magpahinga na lang tayo ngayon?” Ngunit walang sagot pa rin. Pagkalipas ng ilang segundo, hindi na nakapagtimpi si Marga, “Rain, tinatanong kita! Bakit ganyan ang itsura mo? Hindi ba kita pwedeng kausapin nang maayos?!” Nang marinig ang kanyang hindi masayang tono, bahagyang umurong si Rain at mas mahigpit na niyakap ang kanyang ba
Nang marinig ni Marga ang malakas na pag-iyak ni Rain, halos hindi na makahinga ang bata. Sa wakas, tumigil siya sa ginagawa at hinayaang makaalis ito sa kanyang kandungan. Pagkaalis ni Rain, tiniis niya ang sakit at gumapang papunta sa kabilang bintana. Mahigpit niyang niyakap ang kanyang bag at yumukod sa likod nito, patuloy na humihikbi. “Mabuti na lang at alam mo kung ano ang sakit,” malamig na sambit ni Marga habang nakangisi. “Kung maglakas-loob kang magsumbong sa iba tungkol dito, sinisigurado kong hindi mo na muling makikita ang babaeng iyon! Wag mo akong subukang pipi ka!” Tukoy niya kay Rhian.Pagkasabi nito, bumalik siya sa unahan ng sasakyan at ipinagpatuloy ang pagmamaneho patungo sa kindergarten. “Dito na tayo. Punasan mo ang luha mo!” Singhal na utos ni Marga nang makarating sila sa harapan ng kindergarten. Dahil natatakot si Rain na baka hindi na niya muling makita si tita Ganda, mabilis niyang pinunasan ang mga luha sa kanyang mukha at inayos ang mukha. Tinin
Nang marinig ng guro na magbibigay ng donasyon si Marga sa kindergarten, ngumiti ito at tumawag sa prinsipal. Matapos ibaba ang tawag, dinala siya ng guro sa opisina ng prinsipal. Matagal nang naghihintay ang prinsipal sa opisina. Pagdating nila, agad itong naglagay ng tes sa bago para kay Marga at ngumiti, "Miss Suarez, maupo po kayo." Magalang na paanyaya pa nito.Hindi na nag-aksaya ng oras si Marga. Tinanggap niya ang tea at naupo sa harap nito. “Siguro naman, alam na ninyo ang layunin ko.” Paulit-ulit na tumango ang prinsipal. “Narinig kong nais ninyong mag-donate ng mga kagamitan para sa aming kindergarten. Ako po’y nagpapasalamat sa ngalan ng mga bata at paaralan na ito.” Nagtataka ang prinsipal kung bakit tila hindi maganda ang mood ni Marga, ngunit isinawalang bahala ito ng matanda sa pag-aakala na wala itong koneksyon sa anupaman na may kinalaman sa eskwelahan.Umupo si Marga, malamig ang mukha at sinabi sa seryosong tono, “Hindi lamang iyon. Handa akong mag-donate ng
Matapos tumayo sa harap ng French window ng matagal, kinuha ni Zack ang kanyang cellphone at tinawagan ang kanyang ama.Agad na sinagot ang kabilang linya."Zack, ano ang kailangan mo?" Tanong ni Wilbert. Hindi siya pumasok sa kumpanya ngayon at abala siyang kumakain ng almusal sa bahay. Nang matanggap ang tawag mula sa anak, tumingin siya kay Dawn na nasa tapat niya.Nang marinig na ang anak ang tumawag, minuwestra ni Dawn ang kamay para kunin ang telepono sa asawa, naintindihan naman ni Wilbert at inabot ang telepono mula sa kanya.Hindi ito tinanggihan ni Wilbert. Ibinigay niya ang telepono ayon sa nais ng asawa.Sa kabilang linya, hindi alam ni Zack na hawak ng ina ang telepono, kaya't nagtanong siya nang malalim ang boses, "Ikaw ba ang nag-utos na ilabas ang balita tungkol sa kasal?"Bagamat nasuri na ito ni Manny, nais pa rin niyang marinig ang personal na pag-amin mula sa kanyang ama.Hindi nito inaasahan na boses ng ina ang maririnig sa kabilang linya."Ako ang may ideya, anon
Sa private room, dahan-dahang itinaas ni Marga ang kanyang ulo ng mawala na ang mag-asawang Dawn at Wilbert, wala na ang luha na o lungkot na makikita sa kanyang mukha."Sinabi ko naman sayo di'ba? Maghihintay ka lang!" sabi ni Belinda habang ini-angat ang kanyang ibabang labi ng may kumpiyansa.Ang tanging paraan para masolusyunan ang mga tsismis, bukod sa pagkansela ng kasunduan, ay gawing totoo ang kasunduan sa kasal!Naniniwala siya na pareho sila ni Dawn ng pananaw!---Kinabukasan ng umaga, nang dumating si Zack sa opisina, napansin niyang medyo kakaiba ang ekspresyon ni Manny. Para itong hindi mapakali at may gustong sabihin."Ano'ng nangyari? May gusto ka bang sabihin?" tanong ni Zack nang nakakunot ang noo.Nag-atubili si Manny ng matagal, ngunit hindi na napigilan na magtanong, "Master, kayo po ba ni Miss Marga ay..."Lalong lumalim ang guhit sa noo ni Zack, "Ako at siya ay?"Nang makita ni Manny ang naguguluhang hitsura ng kanyang master, naisip niyang may maki, kaya naman
Nag-usap-usap ang tatlo at agad na nagtakda ng appointment kay Dawn at sa kanyang asawa upang magkita sa restaurant sa gabi.Pagdating ni Wilbert at Dawn, nakaupo na ang pamilya Suarez sa private room. Nakayuko si Marga at sinadyang magpakita ng lungko, at ang dalawang magulang sa kanyang tabi ay mukhang may tampo.Pagpasok nila, dahan-dahang iniangat ni Marga ang kanyang mukha at nagpilit na ngumiti, "Tito at tita, nandiyan na po pala kayo."Pagkatapos niyang sabihin ito, unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang mukha, muli niyang pinalungkot ang mukha. Agad na nagtanong si Dawn. "Ano ang problema, iha? Sabihin mo sa akin."Bago pa makapagsalita si Marga, nagsalita si Belinda mula sa kabilang dulo, "Ang mga tsismis na ito ang sanhi, sinasabi nila na ang anak ko ay parang isang payaso, pinagtatawanan at kinukutya! Sinasabi nila na, pagkatapos ng matagal na pagpapakabait sa inyong pamilya ay basta na lamang siya itatapon! Umiiyak siya araw-araw dahil dito!"Agad itong itinanggi ni Mar
Medyo abala si Zack nitong mga nakaraang araw, ngunit araw-araw pa rin siyang dumadaan sa bahay ni Rhian.Ang huling pagkakataon na nakita niyang nagkikita sila ni Rhian at Mike nang lihim, pati na ang mga salitang tinanong siya ni Rhian, ay paulit-ulit na pumapasok sa isipan ni Zack na parang sirang plaka.Dahil sa huling pagtatalo nila, pinakiusapan siya ni Rhian na kunin si Rain, kaya't maraming beses na dumaan si Zack, ngunit bihira siyang nagpapakita kay Rhian. Madalas lang niyang pinagmamasdan sila mula sa malayo.Nakita ni Zack na si Rain ay lalong naging masigla araw-araw, akala niya ito ay dahil sa simpleng pagkagusto lang nito kay Rhian. Ngunit hindi niya inaasahan na "sobrang" pagkagusto pala ng kanyang anak sa babae, to the point na nag-aral pa itong magsalita... Ibig sabihin ay sobrang gustong-gusto ng anak niya ang babaae.Sa nakikita ni Zack. Mukhang mahalaga din si Rain kay Rhian. Ito nga marahil ang lukso ng dugo kung tawagin.Samantala, mabilis na bumaba si Marga mat
Matapos ang ilang araw, naging malungkot ang pagpasok ni Rain sa eskwelahan. Pagdating nila sa eskwelahan, nakita niyang nag-eenjoy ang kambal kasama ang ibang mga bata, ngunit hindi siya pinapansin ng dalawa. Sa wakas, nang magkaroon siya ng lakas ng loob para tumakbo at lapitan sila.Nagkatinginan ang dalawang bata, si Rio ay sinadyang magtanong ng seryoso. "Ano ang kailangan mo sa amin?"Hinawakan ni Rain ang kanyang maliit na palda, ang kanyang mga kilay at labi ay kumibot Tinitigan niya sila ng seryoso at binuksan ang bibig upang subukan na maglabas ng tunog... Nakaramdam ng awa at pagkabahala sina Rio at Zian para sa kanya. Naawa sila pero kailangan nila itong gawin. Sa paraang ito lamang sila makakatulong sa dalawa. Kung hindi nila ito gusto tulungan, hindi nila gagawin ito kay Rain.Matapos maghintay ng matagal, gusto nang sumuko ng dalawang bata, ngunit bigla nilang narinig ang isang malambot na boses na kasing hina ng langgam."Kuya..."Namumula si Rain, at sa wakas ay naka
Kinabukasan, isinama ni Rhian ang tatlong bata para kumain. Tahimik na nakaupo si Rain sa tabi niya, nakikipagkulitan ito sa dalawa niyang anak. Habang tinitingnan ito, gusto gusto niyang pisilin ang matambok nitong pisngi. Ang cute kasi nito. Habang tinitingnan niya ito, hindi niya maiwasan na makadama ng awa. Kahapon ay nakita niya ang kagustuhan nito ba makapagsalita… nagsisikap ito na maglabas ng boses… ngunit sa huli ay wala itong nagawa. Nang maisip ito ni Rhian, mahina niyang pinisil ang matambok nitong pisngi at malambing na nagsalita. “Ano ang gusto mong kainin, Rain? Gusto mo ba ng cake? Eh pancakes? Masiglang tumango ito sa kanya. Nag-order agad si Rhian ng cake at pancakes para sa bata. Nang dumating ito, nag-slice siya at nilagay sa plato nito. “Kumain ka na marami ha. Kapag gusto mo pa, magsabi ka lang kay tita.” Habang nakatitig sa magandang mukha ni Rhian, kumurap si Rain… ang lambing ng boses ni tita, ang sarap pakinggan! Bumuntong-hininga si Rhian, may kalun
"Pasensya na, may mahahalagang bagay akong kailangang asikasuhin kanina kaya hindi ko kayo nasundo. Nakakain na ba kayo?" Bumitaw ng yakap si Rhian sa tatlo at hinaplos ang mga mukha nila.Tumango si Zian. "Opo, mommy, kumain na kami! Naglaro pa nga kami ng matagal!"Tumango naman si Rion at sinabing, "Nag-eenjoy kami habang naglalaro dito nila Rain!"Nakangiting huminga ng maluwag si Rhian at tumayo, "Anong nilalaro ninyo? Ipakita ninyo nga sa akin."Masayang tumakbo si Zian patungo sa sala, "Naglaro kami ng Lego na ibinigay sa amin ng tito kanina. Nakakamangha! Ang dami nito! Talagang masaya na maglaro gamit ito!"Sumunod sina Rio at Rain kay Rhian. Hawak ni Rhian ang isang kamay ni Rain, at sa kabila naman ay kamay ni Rion, nakangiti silang nakatingin at nakasunod kay Zian.Ang Lego na ibinigay ni Zack sa mga bata ay pasok sa kanilang expectation. Kung titingnan ang modelo at difficulty nito, talagang nagustuhan nila ito.Napaawang ang labi ni Rhian ng makita ang nabuo ng tatlo. I
Nagsimula nang gumalaw ang traffic sa harap, pinakawalan ni Rhian ang preno at ibinalik ang tingin sa kalsada.Naisip niyang bigla ang ekspresyon ng lalaki kanina, kaya't lalo niyang naramdaman ang pagkaasar, "Hindi ba't ikakasal ka na, Mr. Saavedra kay Miss Suarez? Hindi mo ba naisiip na hindi tama na magkasama tayo? O bigla ka nalang sumusulpot... kahit sabihin mong dahil ito kay Rain. Hindi tama ito!"Kung makapag-usisa ito ay parang close sila. Eh siya nga ay hindi rin alam ang kung sino ang tunay na ina ni Rain.Kahit na nagkalapit sila dahil kay Rain. Wala itong karapatan na manghimasok sa buhay niya. Sino ba ito upang manghimasok? Hindi inasahan ni Zack na banggitin ni Rhian si Rain. May dumaan na pagkabahala ang mukha niya, at sumagot siya nang malabo, "Ibang usapin iyon."Tumaas ang kilay ni Rhian at nagpasabog ng tawa, "Ano'ng pagkakaiba? Bukod pa rito, wala naman tayong ibang relasyon. Kaya lang naman tayo nagkakalapit ngayon ay dahil lang iyon sa anak mo. Ni hindi nga tay
Parang naramdaman ni Rhian na may malamig na mata na nakatingin sa kanya, kaya nilibot niya ang mata sa paligid ng kunot ang noo, ngunit wala namang kakaiba sa paligid. Baka guni-guni lang niya na parang may nakatingin sa kanya."Ano'ng nangyari? May problema ba?" Tanong ni Mike nang mapansin ang kakaibang kilos ni Rhian. Binalik ni Rhian ang tingin sa kanya at umiling. "Wala. Saan na nga tayo kanina?" Aniya para alisin ang suspisyon niya, tinuon nalang niya ang atensyon kay Mike. Ngunit habang nag-uusap si;a, hindi nawala ang ganung pakiramdam... parang may nakatingin talaga sa kanya na hindi naman niya alam kung saan nagmula.Natapos nalang sila kumain ngunit hindi parin siya napalagay, dama niya parin ang tila tumatagos na tingin sa kanya.Binasag ni Mike ang ilang sandali na pananahimik niya. "Gabi na, ihahatid na kita pauwi." Ngunit tumanggi si Rhian at ngumiti, "Hindi na, ako na lang, may sarili akong sasakyan, hindi mo na kailangan mag-abala." Dahil dito, hindi na nagpumi