LIKE
Nang marinig ng guro na magbibigay ng donasyon si Marga sa kindergarten, ngumiti ito at tumawag sa prinsipal. Matapos ibaba ang tawag, dinala siya ng guro sa opisina ng prinsipal. Matagal nang naghihintay ang prinsipal sa opisina. Pagdating nila, agad itong naglagay ng tes sa bago para kay Marga at ngumiti, "Miss Suarez, maupo po kayo." Magalang na paanyaya pa nito.Hindi na nag-aksaya ng oras si Marga. Tinanggap niya ang tea at naupo sa harap nito. “Siguro naman, alam na ninyo ang layunin ko.” Paulit-ulit na tumango ang prinsipal. “Narinig kong nais ninyong mag-donate ng mga kagamitan para sa aming kindergarten. Ako po’y nagpapasalamat sa ngalan ng mga bata at paaralan na ito.” Nagtataka ang prinsipal kung bakit tila hindi maganda ang mood ni Marga, ngunit isinawalang bahala ito ng matanda sa pag-aakala na wala itong koneksyon sa anupaman na may kinalaman sa eskwelahan.Umupo si Marga, malamig ang mukha at sinabi sa seryosong tono, “Hindi lamang iyon. Handa akong mag-donate ng
Nang gabing iyon, matapos ang trabaho, dumating si Rhian sa eskwelahan upang sunduin ang dalawang anak. Sila lamang dalawa ang nasa harap ng kindergarten, at ang guro ang nag-aalaga sa kanila ng dumating siya. "Pasensya na, ma'am, nahuli na naman ako," nakangiting sabi ni Rhian, humihingi ng paumanhin habang nilalapitan ang dalawang bata. Ngumiti nang may kaunting kaba bago nagsalita. "Ako na po ang bahala muna sa kanila. Nais kayong kausapin ng prinsipal tungkol sa isang bagay. Hintayin ko po kayo sa opisina." Naguluhan si Rhian sa narinig ngunit sumunod pa rin siya, umakyat sa opisina ng prinsipal, at kumatok sa pinto. Sa hindi malamang dahilan, tila may kakaibang ekspresyon din sa mukha ng prinsipal. Para itong kinakabahan at balisa, hindi ito nakaligtas sa kanyang pansin."Sinabi po ni ma'am na nais ninyo akong kausapin. May problema po ba?" tanong ni Rhian nang may pagtataka. May pormal na ngiti sa mukha ng prinsipal, at mabagal siyang nagsalita, sa bawat salitang binit
Paglabas mula sa opisina ng prinsipal, kinuha ni Rhian ang mga bata mula sa guro. "May kailangan lang gawin si Mommy mamaya. Maaari ba kayong makipaglaro muna kay Ninang?" tanong ni Rhian sa mga bata habang pinipigilan ang galit at ngumiti na parang walang nangyari. Tumango ang kambal, walang kamalay-malay sa pinag-usapan ng prinsipal at kanilang ina."Sige po, mommy!" sabay nilang sambit ng may ngiti.Ipinasa ni Rhian ang mga bata kay Jenny. "Pasensya ka sa abala ha. May pupuntahan lang ako saglit.""Walang problema, ano ka ba. Ilang beses ko bang sasabihin sayo na walang kaso sa akin basta pagdating sa inyo!"Tumango si Rhian at nagpaalam na. Nang makasakay ng kanyang sasakyan, nawala ang ngiti sa labi ni Rhian, naging malamig ang kanyang ekspresyon. Nagmaneho siya papunta sa mansion ni Zack."Madam..." Bago pa man makapagbigay galang si Aunt Gina matapos niyang buksan ang pinto, napansin niya ang galit sa mukha ni Rhian kaya naputol ang sasabihin. Tumango lamang si Rhian sa ma
Sa isang tabi, masunuring nakaupo si Rain habang naglalaro ng mga manika, ngunit hindi maiwasang magmasid kay tita gandaMalinaw niyang narinig ang pag-uusap ng dalawa. Nang tanungin ni tita ganda kung bakit pinaalis ni Daddy ang dalawang bata na itinuring niyang kuya, nagtataka si Rain, iniisip na maririnig niya ang paliwanag ng ama, na magsasabing umatras ito sa kanyang plano. Ngunit hindi nagsalita si Daddy nang matagal. Nakapout si Rain sa galit. Si Daddy ay isang malaking sinungaling at masamang tao! Malinaw niyang ipinangako sa kanya na hindi niya papaalisin ang dalawang kuya, ngunit ginawa pa rin niya! Malinaw na nagsinungaling ito sa kanya!Nang malaman ito, galit na galit na itinapon ni Rain ang laruan sa kanyang kamay at tumakbo paakyat nang hindi lumilingon. Hinding-hindi na siya muling maniniwala kay Daddy! Sinungaling ito! Habang nakikita ang likod ng anak na tumatakbo palayo, hindi maiwasan ni Zack na makaramdam ng sakit ng ulo. Alam niyang narinig ng bata an
Pagkatapos maunawaan ang lahat at pakalmahin ang sarili, bumalik si Rhian sa kanilang bahay. Nang dumating siya, nakatapos nang kumain ang dalawang bata, at si Jenny ay nanonood ng science channel kasama nila. Nang makita siyang pumasok, tumayo ang kambal at bumati sa kanya. Nagkatinginan ang dalawang bata. Agad nilang napansin na parang hindi maayos ang pakiramdam ng Mommy nila. Yumakap sila sa mga binti ni Rhian mula sa magkabilang panig at nagtanong nang may pag-aalala, “Mommy, may problema ba? Parang pagod na pagod ka.” Puna ni Rio.Tumango naman si Zian bilang pagsang-ayon, "Kaya nga po, mommy. Saka namumula po ang ilong at mata mo."Nang marinig ang kanilang pag-aalala, medyo gumaan ang pakiramdam ni Rhian. Pilit siyang ngumiti at hinaplos ang kanilang mga ulo, “Tungkol lang ito sa trabaho. Medyo mahirap lang ayusin pero wag kayong mag-alala, walang hindi kayang solusyonan si mommy.” Alam rin ng dalawang bata na mahirap ang trabaho ni Mommy, kaya hindi na sila nagduda. Pin
Pagkatapos malaman ang katotohanan, nagpaalam ang dalawang bata kay Jenny at umuwi na may mabigat na damdamin. Wala silang kasing lungkot...Hindi inaasahan ni Jenny na magiging ganoon siya kahina at masasabi ang totoo sa dalawa. Nang makita ang lungkot ng dalawa, agad siyang nag-leave sa trabaho upang samahan ang dalawa. Punong-puno ng pagkadismaya sina Rio at Zian. Matapos ang kanilang pakikisalamuha kay Daddy, inakala nila na hindi naman sila gaanong kinasusuklaman nito. Ngunit mukhang mali ang kanilang akala... dahil kung hindi, bakit sila nito ipatatanggal sa eskwela.Mali pala sila—kinamumuhian pa rin sila ni Daddy! Sa sobrang sama ng loob, namula ang mga mata ni Zian. Mahigpit niyang hinawakan ang damit at itinakip sa mukha, pigil na pigil ang luha. Bagamat malungkot din si Rio, mas kalmado ito kaysa kay Zian. Nang makita niyang malapit nang umiyak si Zian, pinilit niyang magpakaseryoso at inalo ito. “Huwag mong sayangin ang luha mo sa taong iyon. Kung ayaw niya sa atin
Habang pinapanood ni Zack ang anak niyang tumatakbo papunta sa kotse ni Rhian, may gulat sa kanyang mga mata. Ilang beses pa lamang nakikita ng kanyang anak si Rhian subalit tila hindi nito kayang mawalay sa babae.Habang nakatingin sa kanyang anak, bigla itong nadapa. Mabilis na lumapit si Zack sa anak at kinarga ito. "Saan ang masakit? Patingin si daddy baka may sugat."Ngunit imbes na magsalita, mahigpit na niyakap ni Rain ang kanyang leeg at ayaw bumitaw. Habang nababahala si Zack, narinig niya ang anak na umiiyak sa sakit. Napaawang ang labi niya, hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig.Bagamat umiiyak ito noon pa, ito ang unang beses na narinig niyang gumawa ng ingay si Rain mula nang ito’y hindi na nakapagsalita. Humagulgol nang todo si Rain habang mahigpit na nakayakap sa leeg ng ama, halos masakit na ito para kay Zack. Ngunit tiniis lamang ni Zack ang sakit at sinubukang aliwin ang bata nang may magkahalong damdamin. “Tita... gusto si Tita ganda...” Biglang nabigkas n
Pagkalipas ng halos isang oras, lumabas si Vince mula sa silid, mukhang pagod na pagod. Ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya upang makuha ang kahit kaunting reaksyon mula kay Rain, ngunit sa huli, wala siyang nakuhang inaasahang resulta. “Kumusta siya?” tanong ni Zack na halatang kinakabahan. Umiling si Vince, “Lubos nang isinara ni Rain ang sarili at ayaw makipag-usap sa iba. Kahit ako, tinatanggihan niya. Mukhang may matinding bagay na nakaapekto sa kanya. Maliban kung matutukoy ang pinagmulan ng suliranin, mahihirapan itong malutas.” Dahil dito, bahagyang tumigas ang ekspresyon ni Zack. Hindi napansin ni Vince ang pagbabago sa mukha ng kaibigan at seryosong nagtanong, “May nangyari ba kay Rain kamakailan na maaaring nakaapekto sa kanyang emosyon?” Pumasok sa isip ni Zack ang eksena kaninang umaga kung saan nagsalita si Rain dahil kay Rhian. Halatang iyon lamang ang posibleng sagot. Pagkatapos ng ilang segundong katahimikan, ikinuwento niya ang nangyari kaninang umag
Hindi nila namalayan na tumagal na ng mahigit pitong oras ang operasyon.Samantala, sa eskwelahan, karamihan sa mga bata ay nakauwi na, at tatlo na lang ang natira. Bagamat dinala na pauwi si Rain, patuloy na itinuring nina Rio at Zian si Rain na parang dati sa Eskwelahan. Nang walang sumundo dito, dinala nilang dalawa si Rain sa bunton ng buhangin upang magtayo ng kastilyo. Masaya silang naglalaro."Rain! Tingnan mo itong ginawa ko... mas malaki ito kay Rio!"Umingos si Rio. "Pero mas maganda naman ang ginawa ko!"Napangiti si Rain. Nagmamalaking tinuro niya ang mas malaki at mas maganda na ginawa niya. Napanguso ang kambal... pero ngumiti at nakipag-apir pa kay Rain.Pagdating ni Zack, nakita niya ang tatlong munting bata na nakaupo sa bunton ng buhangin, kapwa sila nagtatawanan at halatang masaya. Nang tumigil sa tawanan ang tatlo at tinawag na ni Zack ang anak."Rain." Lumapit siya dito.Tumingin si Rain sa kambal, ayaw pa niya tumayo agad.Kumunot ang noo ni Zack at tiningnan s
Tumango si Rhian. "Maaari akong maglaan ng oras bukas upang pumunta sa ospital at suriin ang kalagayan ng pasyente," mungkahi ni Rhian matapos niyang tingnan ang iskedyul ng trabaho sa mga susunod na araw.Nakahinga ng maluwag si Mike at tumango, "Sige, maraming salamat. Kung may kailangan ka sa hinaharap, huwag kang mag-atubiling sabihin sa akin."Ngumiti si Rhian, "Marami ka na rin namang naitulong sa akin noong nasa ibang bansa tayo, at tungkulin ng doktor ang gamutin ang pasyente. Kung sa tingin mo ay kaya ko, walang dahilan para tumanggi ako. Isang karangalan na may isang katulad mo na kagalang-galang ang may tiwala sa sakin."Marahan itong natawa sa sinabi nia. "Hindi ba't parang sobrang taas naman ng tingin mo sa akin. Marami nga akong naitulong sayo noon. Pero labas ang usapin na ito sa tulong na nagawa ko. Talagang mahusay ka kaya kahit sino ay napapahanga mo... kaya hindi nakapagtataka na hangaan ka ng mga kapwa natin mga doktor."Magaan na natawa si Rhian. "Alam mo, senior.
Dahan-dahang nagsara ang pintuan ng bahay, at unti-unting naglaho sa paningin ni Rhian ang pigura ni Rain.Malalim siyang huminga, pinipigilan ang namumuong luha sa kanyang mga mata, dama niya ang lungkot na mawalay sa bata.Sa panahon ng pananatili nito sa kanila, kitang-kita kung paano naging mas komportable si Rain. Sa kanilang pangangalaga, mabilis na bumuti ang kalagayan nito.Kung may pagkakataon, nais din ni Rhian na alagaan ang bata hanggang tuluyan itong gumaling. Gusto rin niyang marinig itong magsalita nang buo kahit isang beses, at gusto din niya itong makasama.Ngunit tila wala nang pagkakataon para dito...Sina Rio at Zian, na sumunod sa kanya pababa, ay tahimik na nanuod habang nagpapasya ang kanilang mommy na ipadala na si Rain. Bagamat labis din nilang ayaw na umalis ang bata, wala na rin silang sinabi sa huli. Dahil anuman ang gusto nila, sa huli ay kagustuhan parin ng kanilang ina ang masusunod.Nang makita nilang labis ang lungkot ng kanilang mommy, lumapit sila up
Matapos ang mahabang katahimikan, malamig na binasag ni Zack ang katahimikan, "Kung iyon ang nais mo... sige, susundin ko."Tumango si Rhian. "Sige, mabuti naman at ayos lang sayo. Sandali lang, tatawagin ko lang si Rain." Paalam niya. Umalis siya at umakyat sa silid upang tawagin ang anak nito.Nasa kwarto nina Rio at Zian kasama si Rain, pare-parehong malungkot ang mga mukha nila, walang ingay na maririnig... nanibago si Rhian. Hindi nagkukulitan o naglalaro ang tatlo, wala silang kasigla-sigla. Hawak lamang ng kambal ang robot sa kanilang kamay, habang si Rain ay nakayuko lamang hawak ang manika. Halatang malalim ang iniisip ng mga bata.Nang marinig ang pagbukas ng pinto, sabay-sabay silang tumingin kay Rhian.Nang magkasalubong ang kanilang mga mata, lumambot ang puso ni Rhian. Ngunit nang maalala ang taong nasa ibaba, pinatigas niya ang kanyang loob. Kailangan niyang kayanin at tatagan ang loob niya. Noon pa man, alam niyang darating ang araw na kukunin si Rain ng kanyang ama...
Kanina pa lang naririnig ni Zack ang balita mula sa loob at alam niyang narinig ni Rhian ang balitang iyon tungkol sa kanya. Habang tinitingnan ang ekspresyon nito, hindi siya nakakita ng anumang pagbabago.Mukhang hindi ito naapektuhan.Pagkalipas ng ilang sandali, nagsalita siya nang mabigat ang tinig, "Dumating ako upang makita si Rain. Kumusta siya?"Tumabi si Rhian upang bigyan siya ng daan, "Nasa itaas siya. Tamang-tama, may gusto akong sabihin sa iyo tungkol kay Rain."Pumasok ang dalawa sa sala nang sunud-sunod. Pinaupo ni Rhian si Zack sa sofa at siya naman ay naupo sa isang upuang malayo upang maiwasan ang anumang tsismis.Agad namang nagdala ng umuusok ng tasa ng kape si Aling Alicia para sa dalawa. Nang makita niyang tila may pinag-uusapan ang mga ito, agad siyang umakyat."Ano iyon?" untag ni Zack. Naka-antabay siya sa reaksyon ni Rhian... sa hindi malaman na dahilan, ang ekspresyon nito ngayon ay nagpapasikip sa kanyang dibdib. Malumanay na sinabi ni Rhian: "Pumayag ako
Samantala, si Rhian ay kumakain ng almusal habang nakikinig ng balita tulad ng dati, at habang kumakain ay inaalagaan ang tatlong maliliit na bata habang nakikinig sa mga balita.Isang lalaking reporter ang nagbalita."Patungkol sa kasal ng mga pamilya Saavedra at Suarez, ang kasunduan ng dalawang pamilya ay tumagal ng anim na taon. Kamakailan, nakakuha tayo ng tumpak na balita. Magkakaroon ng pormal na seremonya ng kasal ang dalawang pamilya sa lalong madaling panahon."Huminto si Rhian habang nilalagay ang pagkain para sa mga bata at natigilan ng ilang saglit bago ipinagpatuloy ang ginagawa niya na parang wala lang nangyari.Biglang nawalan ng gana kumain si Rio at Zian, at napangiti sila ng malungkot.Noong sila ay nasa ibang bansa, nagtataka sila kung anong klaseng tao ang kanilang Daddy, puno ng pag-asa ang kanilang mga puso.Pagbalik nila sa bansa, nalaman nilang may anak na si Daddy. Hindi natuwa ang dalawa sa kanya at naiinis sila dahil iniwan sila ni Daddy at hindi niya naka
Matapos tumayo sa harap ng French window ng matagal, kinuha ni Zack ang kanyang cellphone at tinawagan ang kanyang ama.Agad na sinagot ang kabilang linya."Zack, ano ang kailangan mo?" Tanong ni Wilbert. Hindi siya pumasok sa kumpanya ngayon at abala siyang kumakain ng almusal sa bahay. Nang matanggap ang tawag mula sa anak, tumingin siya kay Dawn na nasa tapat niya.Nang marinig na ang anak ang tumawag, minuwestra ni Dawn ang kamay para kunin ang telepono sa asawa, naintindihan naman ni Wilbert at inabot ang telepono mula sa kanya.Hindi ito tinanggihan ni Wilbert. Ibinigay niya ang telepono ayon sa nais ng asawa.Sa kabilang linya, hindi alam ni Zack na hawak ng ina ang telepono, kaya't nagtanong siya nang malalim ang boses, "Ikaw ba ang nag-utos na ilabas ang balita tungkol sa kasal?"Bagamat nasuri na ito ni Manny, nais pa rin niyang marinig ang personal na pag-amin mula sa kanyang ama.Hindi nito inaasahan na boses ng ina ang maririnig sa kabilang linya."Ako ang may ideya, anon
Sa private room, dahan-dahang itinaas ni Marga ang kanyang ulo ng mawala na ang mag-asawang Dawn at Wilbert, wala na ang luha na o lungkot na makikita sa kanyang mukha."Sinabi ko naman sayo di'ba? Maghihintay ka lang!" sabi ni Belinda habang ini-angat ang kanyang ibabang labi ng may kumpiyansa.Ang tanging paraan para masolusyunan ang mga tsismis, bukod sa pagkansela ng kasunduan, ay gawing totoo ang kasunduan sa kasal!Naniniwala siya na pareho sila ni Dawn ng pananaw!---Kinabukasan ng umaga, nang dumating si Zack sa opisina, napansin niyang medyo kakaiba ang ekspresyon ni Manny. Para itong hindi mapakali at may gustong sabihin."Ano'ng nangyari? May gusto ka bang sabihin?" tanong ni Zack nang nakakunot ang noo.Nag-atubili si Manny ng matagal, ngunit hindi na napigilan na magtanong, "Master, kayo po ba ni Miss Marga ay..."Lalong lumalim ang guhit sa noo ni Zack, "Ako at siya ay?"Nang makita ni Manny ang naguguluhang hitsura ng kanyang master, naisip niyang may maki, kaya naman
Nag-usap-usap ang tatlo at agad na nagtakda ng appointment kay Dawn at sa kanyang asawa upang magkita sa restaurant sa gabi.Pagdating ni Wilbert at Dawn, nakaupo na ang pamilya Suarez sa private room. Nakayuko si Marga at sinadyang magpakita ng lungko, at ang dalawang magulang sa kanyang tabi ay mukhang may tampo.Pagpasok nila, dahan-dahang iniangat ni Marga ang kanyang mukha at nagpilit na ngumiti, "Tito at tita, nandiyan na po pala kayo."Pagkatapos niyang sabihin ito, unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang mukha, muli niyang pinalungkot ang mukha. Agad na nagtanong si Dawn. "Ano ang problema, iha? Sabihin mo sa akin."Bago pa makapagsalita si Marga, nagsalita si Belinda mula sa kabilang dulo, "Ang mga tsismis na ito ang sanhi, sinasabi nila na ang anak ko ay parang isang payaso, pinagtatawanan at kinukutya! Sinasabi nila na, pagkatapos ng matagal na pagpapakabait sa inyong pamilya ay basta na lamang siya itatapon! Umiiyak siya araw-araw dahil dito!"Agad itong itinanggi ni Mar