LIKE
Pagkalipas ng halos isang oras, lumabas si Vince mula sa silid, mukhang pagod na pagod. Ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya upang makuha ang kahit kaunting reaksyon mula kay Rain, ngunit sa huli, wala siyang nakuhang inaasahang resulta. “Kumusta siya?” tanong ni Zack na halatang kinakabahan. Umiling si Vince, “Lubos nang isinara ni Rain ang sarili at ayaw makipag-usap sa iba. Kahit ako, tinatanggihan niya. Mukhang may matinding bagay na nakaapekto sa kanya. Maliban kung matutukoy ang pinagmulan ng suliranin, mahihirapan itong malutas.” Dahil dito, bahagyang tumigas ang ekspresyon ni Zack. Hindi napansin ni Vince ang pagbabago sa mukha ng kaibigan at seryosong nagtanong, “May nangyari ba kay Rain kamakailan na maaaring nakaapekto sa kanyang emosyon?” Pumasok sa isip ni Zack ang eksena kaninang umaga kung saan nagsalita si Rain dahil kay Rhian. Halatang iyon lamang ang posibleng sagot. Pagkatapos ng ilang segundong katahimikan, ikinuwento niya ang nangyari kaninang umag
Mabilis na nakarating ang apat sa Universal Studios. Bagamat nais ng dalawang bata na paligayahin ang kanilang ina, matagal na rin nilang gustong maglaro roon at maagang pinag-aralan ang guide sa mga pasyalan. Pagkapasok sa gate, agad nilang hinila si Rhian at sinabing gusto nilang pumunta sa Jurassic Park upang makita ang mga dinosaur. "Mommy, gusto ko pong makakita ng maraming dinosaur!" sambit ni Rio.Agad naman sumang-ayon si Zian. "Ako din po, mommy!"Natural na pumayag si Rhian at dinala ang dalawa sa Jurassic Park. Punung-puno ng kasiyahan sina Rio at Zian. Nakikita ito ni Rhian sa kanilang mukha. Bilang ina, masaya siyang makita na sumaya ang dalawang anak. Pagkatapos nilang maglibot sa Jurassic Park, nagtungo sila sa alien cave at sumakay sa bisikleta kasama si ET sa isang space trip. Matapos ang dalawang aktibidad, medyo napagod na si Rhian, ngunit nananatili pa ring masigla ang dalawang bata at marami pa silang gustong subukan. Sa bawat pasyalan, hinihiling nila na
Pagkapasok nila, sobrang dilim ang kanilang nadaanan. Mahigpit na hinawakan ni Rhian ang kamay ng dalawang bata, habang si Jenny ang nanguna sa kanilang paglalakad. Palihim na nagtawanan sina Rio at Zian. Hindi nila inaasahan na takot na takot pala si Mommy sa multo. Gayunpaman, iniisip nilang baka sa takot ni Mommy sa haunted house ay tuluyang makalimutan ang mga problema nito. Habang naglalakad sila, tahimik na hinila ng dalawa si Mommy pasulong, kahit na nadadaganan na ng mahigpit nitong hawak ang kanilang mga kamay. Habang tumatagal, lalong kinikilabutan si Rhian. Simula pa lang ng pagkabata niya, takot na siya sa kahit anong nakakatakot. Kahit alam niyang peke ang mga multo roon, hindi niya mapigilan ang kaba dahil sa tunog at ilaw na patay-sindi.Lalo na ngayon, hindi niya alam kung kailan at saan biglang lilitaw ang mga nakakatakot na staff ng horror house para manakot. Ang tatlong kasama niya, na ang sabi'y para siya'y aliwin, ay tahimik lang, tila sinadya ng mga it
Takot na takot si Rhian na nanginginig na ang kanyang buong katawan, at sa kawalan ng malay, yumakap siya kay ZackNararamdaman ang panginginig nito, lumambot ang puso ni Zack at kunot-noong sinabi, “Kung takot na takot ka, bakit ka pumasok?” Narinig ni Rhian ang pamilyar na boses sa kanyang tainga at hindi makapagdesisyon. Napabuntong-hininga si Zack, “Ilalabas kita.” Dahan-dahang natauhan si Rhian at naalala niya kung gaano kakilala ang boses na iyon. Ang amoy na pumapaligid sa kanya ay pamilyar, ito ay nagpabigat sa kanyang loob. Si Zack? Sandali, paano siya napunta rito... Puno ng pagtataka na tumingala si Rhian, at nagtagpo ang kanilang mga mata. Nakita niya ang pag-aalala sa tingin ng lalaki, ngunit napatigil siya at unti-unting nawala ang takot sa kanyang mukha. Hindi nagtagal, kumawala siya mula sa bisig ng lalaki nang walang emosyon. Napansin ni Zack ang kanyang pag-iwas, at ang lambot sa kanyang puso ay unti-unting nawala. Hinayaan niyang makalayo ito mula sa ka
Parang anumang sandali ay nais matawa ni Rhian.Malinaw pa rin sa kanyang alaala na anim na taon na ang nakalipas, mariing sinabi ni Zack na hindi siya magpapakasal sa kahit sino maliban kay Marga. Malamig pa nga ang trato nito sa kanya dahil inagawan niya ng posisyon si Marga. Anim na taon ang lumipas, at ngayon, malinaw na hinahati ng lalaking ito ang sarili mula kay Marga. Kulang nalang ay sabihin nito sa kanya na wala itong relasyon sa babae.Naisip ni Rhian, ano kaya ang magiging reaksyon ni Marga kapag narinig niya ang mga salitang ito? Ngunit kahit na ganoon, tinanggap pa rin ng prinsipal ang utos ni Marga, at napagpasyahan na ni Rhian na tuluyang humiwalay kay Zack. Kung nangyari ito nang isang beses, maaaring mangyari ulit. Ayaw niyang mamuhay ang dalawa niyang anak sa ilalim ng banta ng iba. Sa pag-iisip nito, nilinaw ni Rhian ang kanyang isipan at tumigil sa pakikipagtalo. Kalma niyang sinabi, "Narinig ko na ang paliwanag mo. Kung wala nang ibang sasabihin pa, aalis
Narinig ni Zack ang tanong ni Rhian at bahagyang naningkit ang kanyang mga mata habang tinitigan ang kanyang mukha. Matagal siyang nagmasid ngunit hindi niya nakita ang anumang senyales ng panlilinlang. Ibinaba ni Zack ang tingin, labis na naguluhan, at tila hindi makapaniwala. Iniisip pala ni Rhian na anak ni Marga si Rain! Palagi niyang inakala na walang pakialam ang babaeng ito kay Rain. Sa pagbabalik ni Rhian mula sa ibang bansa, ang tila pagkakalimot nito kay Rain ay lalong nagpapatibay sa kanyang paniniwala. Ngunit ang ipinahiwatig ng mga salita nito ngayon ay malinaw na hindi alam ni Rhian na si Rain ay ang sariling anak niya. Ano ang nangyayari? O baka... sobrang galing lang talagang umarte ng babaeng ito na napaniwala pa siya? Lalong naguluhan si Zack. Matapos ang mahabang katahimikan, dahan-dahan niyang tinanggal ang kanyang mga hinala, ngunit mas mahigpit niyang hinawakan ang manipis na pulso ni Rhian. Malamig niyang sinabi, “Kailan ko sinabing anak ni Marga
Nang makita ni Zack na paalis na sina Rhian, mabilis siyang sumunod sa malalaking hakbang. Madaling mahanap ang labasan, pero dahil sobrang natakot si Rhian kanina, nawala siya sa sariling isip at naligaw sa pagtakbo. Nakakahiya sa mga bata... matanda na siya ngunit dahil sa takot ay nalgaw siya kanina. Pero ngayon, kalmado na siya at nakabawi na, kaya naman natagpuan niya ang daan palabas ng haunted house.,Ang nakakasilaw na sinag ng araw ay tumama sa kanyang mukha, dahilan para mapahinto siya at mapapikit nang bahagya. Si Zack ay nasa likod lamang niya, hindi inaalis ang tingin sa kanya. Mukhang kapwa sila abala sa sari-sariling iniisip.Napansin ni Jenny na may kakaibang tensyon sa pagitan ng dalawa kaya’t hinila niya si Rhian sa gilid at mahinang bulong, “Anong nangyari? Ano bang gusto niyang ipagawa sa’yo?” Bumalik sa ulirat si Rhian at pasimpleng tumingin kay Zack na hindi kalayuan. Napansin niyang puno ng pag-aalala at pagkabahala ang ekspresyon nito. Naalala niya an
Tumingin si Rhian sa direksyon na itinuro nito at nakita ang batang babae na nakayuko sa sulok, yakap ang kanyang mga tuhod, walang buhay ang mga mata, parang isang marikit na manikang walang kaluluwa. Naalala niya ang matamis na ngiti ng batang babae tuwing makikita siya, at naramdaman ni Rhian ang matinding hapdi sa kanyang puso, parang hindi na siya makakahinga... masakit para sa kanyan na makita na ansa ganito itong lagay. Kanina lang umaga, masiglang nakahawak pa sa kanyang palda ang batang babae, ngunit ngayon, ganito na siya... tila wala itong buhay, walang emosyon... Marahang pumasok si Rhian sa silid, lumuhod sa harap ng bata, at mahinang tinawag ang kanyang pangalan, "Rain, narito si Tita." Hindi sumagot si Rain. Nang makita na walang tugon sa bata, sandaling walang naapuhap na mga salita ni Rhian. Noo'y binabati siya nito sa pamamagitan ng yakap...ngunit ngayon, blanko ang kanyang ekspresyon.Mahina namang nagpaliwanag si Vince mula sa likod niya, "Miss Fuentes, isi
Nagdadalawang-isip si Rhian.Ayaw niyang magkaroon ng masyadong maraming ugnayan kay Zack, ngunit kailangan niyang aminin na ito ang pinakamainam na solusyon sa ngayon. Matapos ang ilang sandali, tumango si Rhian at sumang-ayon, "Sige... p-pasensya na sa abala---"Wag mong isipin yan sa ngayon. Ang mahalaga ay madala ka sa ospital at gumaling." Putol ni Zack sa kanya.Tumango si Rhian. Bumaling siya sa dalawang anak. "Wag kayong magpapasaway kay Aling Alicia, ha?""Opo, mommy!"Nakangiting sumabat ang matanda. "Hindi naman pasaway ang mga anak mo, ma'am. Madali silang alagaan kumpara sa iba." Puri nito sa dalawa."M-mabuti naman----" Hindi inaasahan, pagkakatayo ni Rhian ay bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo. Mabuti na lang at malapit siya sa kama. Pagkatapos ng dalawang hakbang na pakiramdam niya’y matutumba siya, napilitang sumandal siya sa kama para hindi bumagsak."Aalalayan kita pababa," alok ni Aling Alicia at mabilis na lumapit upang tumulong.Nagdidilim ang paningin ni Rhia
Nakatayo si Zack sa gilid.Dahil hindi niya nakita si Rhian, ayaw sumama ni Rain pauwi, kaya naghintay siya roon kasama ang bata.Ngunit hindi niya inaasahan ang balitang narinig niya.Hinila ni Rain ang manggas niya na parang nag-aalala, "Tita..."Naramdaman ni Zack ang nais nitong sabihin at idinugtong nang may mabigat na tinig, "Anong nangyari kay Rhian?"Hindi alam ni Aling Alicia ang alitan sa pagitan nila, dahil walang masama sa tanong, agad niyang sinagot, "Mukhang hindi na maganda ang pakiramdam ni Ma'am Rhian nang dumating siya kagabi. Akala ko pagod lang siya, pero hindi pala. Kinagabihan ay nagkalagnat na siya at nanghihina. Kaya kailangan kong bumalik at alagaan siya agad."Pagkatapos nito, inihanda niya ang dalawang bata para umalis.Nakalimutan pa ng magkapatid na magpaalam kay Rain dahil nagmamadali silang umalis. Sobra silang nag-aalala sa kanilang mommy.Namula ang mga mata ni Rain dahil sa pag-aalala ng malaman ang kalagayan ni Rhian, mahina siyang napaung0t, "Tita.
Pagkauwi sa bahay nila Rhian, nakahanda na ang hapunan sa mesa na hinanda ni Aling Alicia.Pagpasok nila, sinalubong sila nito na may bakas ng pag-aalala sa mukha. "Ma'am Rhian, bakit kayo nahuli ngayon?"Pinilit ni Rhian na ngumiti. "Wala, natapos lang nang late ang trabaho ko. Pakibantayan na lang ang mga bata, medyo pagod ako. Aakyat muna ako at magpapahinga." "Sige po, mommy!" Sabay na tugon ng kambal. Tumango si Aling Alicia sa amo. Kapansin-pansin nga ang pagod nito. Bumaling siya sa mga anak. "Kumain kayo ng marami ha. Talagang pagod na pagod ako kaya magpapahinga na ako sa kwarto. Wag kayong magpapasaway kay Aling Alicia, ha?"Napansin ni Aling Li ang sobrang pagod sa kanyang mukha at agad na tumango.Kinabukasan, nakahanda na ang almusal ni Aling Alicia, ngunit hindi pa rin bumababa si Rhian. Sa halip, ang dalawang bata ang bumaba. Pareho na silang nakagayak."Kumain na muna kayo, aakyat ako para tingnan ang mommy ninyo," sabi ni Aling Alicia. Bagama't baguhan pa lamang si
Paglabas ni Rhian mula sa operating room, madilim na ang paligid.Nang makita ang kalangitan sa labas, bigla niyang naalala na tila hindi siya nakarating sa oras upang sunduin ang mga bata. Nagmadali siyang magpalit ng damit at nagmaneho papunta sa eskwelahan.Pagpasok niya sa gate ng kindergarten, mula sa malayo ay nakita niya sa ilalim ng poste ng ilaw ang isang lalaki na nakatayo sa tabi ng bangko, isang kamay nasa bulsa. Ang tatlong bata naman ay magkakasama, at ang isa sa kanila ay may hawak na hamburger at kumakain nang seryoso.Napahinto si Rhian sa nakita.Tila naramdaman ng lalaki ang kanyang tingin, kaya tumingin ito sa gawi niya. Pagkatapos, may sinabi ito sa mga bata.Sabay-sabay na tumingala ang tatlong bata, hawak ang mga hindi pa ubos na hamburger, at tumakbo papunta sa kanya.Napayuko si Rhian na may bahid ng pagsisisi, hinaplos ang ulo ng mga bata, "Pasensya na mga anak, nahuli si Mommy."Sanay na sina Rio at Zian, kaya umiling sila na parang wala lang, at tinanong pa
Hindi nila namalayan na tumagal na ng mahigit pitong oras ang operasyon.Samantala, sa eskwelahan, karamihan sa mga bata ay nakauwi na, at tatlo na lang ang natira. Bagamat dinala na pauwi si Rain, patuloy na itinuring nina Rio at Zian si Rain na parang dati sa Eskwelahan. Nang walang sumundo dito, dinala nilang dalawa si Rain sa bunton ng buhangin upang magtayo ng kastilyo. Masaya silang naglalaro."Rain! Tingnan mo itong ginawa ko... mas malaki ito kay Rio!"Umingos si Rio. "Pero mas maganda naman ang ginawa ko!"Napangiti si Rain. Nagmamalaking tinuro niya ang mas malaki at mas maganda na ginawa niya. Napanguso ang kambal... pero ngumiti at nakipag-apir pa kay Rain.Pagdating ni Zack, nakita niya ang tatlong munting bata na nakaupo sa bunton ng buhangin, kapwa sila nagtatawanan at halatang masaya. Nang tumigil sa tawanan ang tatlo at tinawag na ni Zack ang anak."Rain." Lumapit siya dito.Tumingin si Rain sa kambal, ayaw pa niya tumayo agad.Kumunot ang noo ni Zack at tiningnan s
Tumango si Rhian. "Maaari akong maglaan ng oras bukas upang pumunta sa ospital at suriin ang kalagayan ng pasyente," mungkahi ni Rhian matapos niyang tingnan ang iskedyul ng trabaho sa mga susunod na araw.Nakahinga ng maluwag si Mike at tumango, "Sige, maraming salamat. Kung may kailangan ka sa hinaharap, huwag kang mag-atubiling sabihin sa akin."Ngumiti si Rhian, "Marami ka na rin namang naitulong sa akin noong nasa ibang bansa tayo, at tungkulin ng doktor ang gamutin ang pasyente. Kung sa tingin mo ay kaya ko, walang dahilan para tumanggi ako. Isang karangalan na may isang katulad mo na kagalang-galang ang may tiwala sa sakin."Marahan itong natawa sa sinabi nia. "Hindi ba't parang sobrang taas naman ng tingin mo sa akin. Marami nga akong naitulong sayo noon. Pero labas ang usapin na ito sa tulong na nagawa ko. Talagang mahusay ka kaya kahit sino ay napapahanga mo... kaya hindi nakapagtataka na hangaan ka ng mga kapwa natin mga doktor."Magaan na natawa si Rhian. "Alam mo, senior.
Dahan-dahang nagsara ang pintuan ng bahay, at unti-unting naglaho sa paningin ni Rhian ang pigura ni Rain.Malalim siyang huminga, pinipigilan ang namumuong luha sa kanyang mga mata, dama niya ang lungkot na mawalay sa bata.Sa panahon ng pananatili nito sa kanila, kitang-kita kung paano naging mas komportable si Rain. Sa kanilang pangangalaga, mabilis na bumuti ang kalagayan nito.Kung may pagkakataon, nais din ni Rhian na alagaan ang bata hanggang tuluyan itong gumaling. Gusto rin niyang marinig itong magsalita nang buo kahit isang beses, at gusto din niya itong makasama.Ngunit tila wala nang pagkakataon para dito...Sina Rio at Zian, na sumunod sa kanya pababa, ay tahimik na nanuod habang nagpapasya ang kanilang mommy na ipadala na si Rain. Bagamat labis din nilang ayaw na umalis ang bata, wala na rin silang sinabi sa huli. Dahil anuman ang gusto nila, sa huli ay kagustuhan parin ng kanilang ina ang masusunod.Nang makita nilang labis ang lungkot ng kanilang mommy, lumapit sila up
Matapos ang mahabang katahimikan, malamig na binasag ni Zack ang katahimikan, "Kung iyon ang nais mo... sige, susundin ko."Tumango si Rhian. "Sige, mabuti naman at ayos lang sayo. Sandali lang, tatawagin ko lang si Rain." Paalam niya. Umalis siya at umakyat sa silid upang tawagin ang anak nito.Nasa kwarto nina Rio at Zian kasama si Rain, pare-parehong malungkot ang mga mukha nila, walang ingay na maririnig... nanibago si Rhian. Hindi nagkukulitan o naglalaro ang tatlo, wala silang kasigla-sigla. Hawak lamang ng kambal ang robot sa kanilang kamay, habang si Rain ay nakayuko lamang hawak ang manika. Halatang malalim ang iniisip ng mga bata.Nang marinig ang pagbukas ng pinto, sabay-sabay silang tumingin kay Rhian.Nang magkasalubong ang kanilang mga mata, lumambot ang puso ni Rhian. Ngunit nang maalala ang taong nasa ibaba, pinatigas niya ang kanyang loob. Kailangan niyang kayanin at tatagan ang loob niya. Noon pa man, alam niyang darating ang araw na kukunin si Rain ng kanyang ama...
Kanina pa lang naririnig ni Zack ang balita mula sa loob at alam niyang narinig ni Rhian ang balitang iyon tungkol sa kanya. Habang tinitingnan ang ekspresyon nito, hindi siya nakakita ng anumang pagbabago.Mukhang hindi ito naapektuhan.Pagkalipas ng ilang sandali, nagsalita siya nang mabigat ang tinig, "Dumating ako upang makita si Rain. Kumusta siya?"Tumabi si Rhian upang bigyan siya ng daan, "Nasa itaas siya. Tamang-tama, may gusto akong sabihin sa iyo tungkol kay Rain."Pumasok ang dalawa sa sala nang sunud-sunod. Pinaupo ni Rhian si Zack sa sofa at siya naman ay naupo sa isang upuang malayo upang maiwasan ang anumang tsismis.Agad namang nagdala ng umuusok ng tasa ng kape si Aling Alicia para sa dalawa. Nang makita niyang tila may pinag-uusapan ang mga ito, agad siyang umakyat."Ano iyon?" untag ni Zack. Naka-antabay siya sa reaksyon ni Rhian... sa hindi malaman na dahilan, ang ekspresyon nito ngayon ay nagpapasikip sa kanyang dibdib. Malumanay na sinabi ni Rhian: "Pumayag ako