LIKE
Narinig ni Zack ang tanong ni Rhian at bahagyang naningkit ang kanyang mga mata habang tinitigan ang kanyang mukha. Matagal siyang nagmasid ngunit hindi niya nakita ang anumang senyales ng panlilinlang. Ibinaba ni Zack ang tingin, labis na naguluhan, at tila hindi makapaniwala. Iniisip pala ni Rhian na anak ni Marga si Rain! Palagi niyang inakala na walang pakialam ang babaeng ito kay Rain. Sa pagbabalik ni Rhian mula sa ibang bansa, ang tila pagkakalimot nito kay Rain ay lalong nagpapatibay sa kanyang paniniwala. Ngunit ang ipinahiwatig ng mga salita nito ngayon ay malinaw na hindi alam ni Rhian na si Rain ay ang sariling anak niya. Ano ang nangyayari? O baka... sobrang galing lang talagang umarte ng babaeng ito na napaniwala pa siya? Lalong naguluhan si Zack. Matapos ang mahabang katahimikan, dahan-dahan niyang tinanggal ang kanyang mga hinala, ngunit mas mahigpit niyang hinawakan ang manipis na pulso ni Rhian. Malamig niyang sinabi, “Kailan ko sinabing anak ni Marga
Nang makita ni Zack na paalis na sina Rhian, mabilis siyang sumunod sa malalaking hakbang. Madaling mahanap ang labasan, pero dahil sobrang natakot si Rhian kanina, nawala siya sa sariling isip at naligaw sa pagtakbo. Nakakahiya sa mga bata... matanda na siya ngunit dahil sa takot ay nalgaw siya kanina. Pero ngayon, kalmado na siya at nakabawi na, kaya naman natagpuan niya ang daan palabas ng haunted house.,Ang nakakasilaw na sinag ng araw ay tumama sa kanyang mukha, dahilan para mapahinto siya at mapapikit nang bahagya. Si Zack ay nasa likod lamang niya, hindi inaalis ang tingin sa kanya. Mukhang kapwa sila abala sa sari-sariling iniisip.Napansin ni Jenny na may kakaibang tensyon sa pagitan ng dalawa kaya’t hinila niya si Rhian sa gilid at mahinang bulong, “Anong nangyari? Ano bang gusto niyang ipagawa sa’yo?” Bumalik sa ulirat si Rhian at pasimpleng tumingin kay Zack na hindi kalayuan. Napansin niyang puno ng pag-aalala at pagkabahala ang ekspresyon nito. Naalala niya an
Tumingin si Rhian sa direksyon na itinuro nito at nakita ang batang babae na nakayuko sa sulok, yakap ang kanyang mga tuhod, walang buhay ang mga mata, parang isang marikit na manikang walang kaluluwa. Naalala niya ang matamis na ngiti ng batang babae tuwing makikita siya, at naramdaman ni Rhian ang matinding hapdi sa kanyang puso, parang hindi na siya makakahinga... masakit para sa kanyan na makita na ansa ganito itong lagay. Kanina lang umaga, masiglang nakahawak pa sa kanyang palda ang batang babae, ngunit ngayon, ganito na siya... tila wala itong buhay, walang emosyon... Marahang pumasok si Rhian sa silid, lumuhod sa harap ng bata, at mahinang tinawag ang kanyang pangalan, "Rain, narito si Tita." Hindi sumagot si Rain. Nang makita na walang tugon sa bata, sandaling walang naapuhap na mga salita ni Rhian. Noo'y binabati siya nito sa pamamagitan ng yakap...ngunit ngayon, blanko ang kanyang ekspresyon.Mahina namang nagpaliwanag si Vince mula sa likod niya, "Miss Fuentes, isi
Halos buong araw na nanatili si Rhian kay Rain. Ngunit hindi pa rin tumugon ang batang babae. Ni kaunting reaksyon ay wala silang nakita mula rito.Nang magdilim na, bagamat hindi mabitawan ni Rhian ang bata, oras na upang magpaalam at umalis. "Babalik si Tita bukas para makita ka, kailangan mong alagaan ang sarili mo." Bago umalis, mahigpit na niyakap ni Rhian si Rain. Pumila rin ang dalawang bata upang yakapin ang kanilang maliit na kapatid. Mabuting bata si Rain, kaya kahit ayaw nila dito noon dahil anak ito ng kanilang ama sa ibang babae, kusang nadama ng kanilang puso ang pagkagusto dito.Papalabas na ang tatlo nang biglang hinila ang palda ni Rhian. Nanlaki ang kanyang mga mata at tumingin pabalik na tila hindi makapaniwala, nakita niyang nakatitig pa rin si Rain sa malayo, walang pokus, ngunit mahigpit na nakahawak ang maliit na kamay nito sa kanyang palda. Sa labas ng pinto, nagkatinginan sina Zack at Vince, parehong nabigla. Inakala nilang ganap nang isinara ni Rai
Nang marinig ang tono ni Zack, biglang sumikip ang dibdib ni Marga, at nawala ang maliit na pag-asang naramdaman niya kanina. May kakaiba sa boses ni Zack, alam niya iyon, hindi siya maaring magkamali.Bigla ay nakadama siya ng kakaibang kaba, ang kilig na nararamdaman niya kanina ay nawala.Kahit kinain ng kaba, nag-ayos pa rin si Marga at nagpaganda para kay Zack, dahil kalahating oras lamang ang oras na binigay nito sa kanya, napilitan siyang magmadali at lumabas na dala ang kanyang bag. "Fred, dalian mo ang pagmamaneho! Hindi ako pwedeng mahuli sa tagpuan namin ni Zack!" Malayo pa ang kanyang bahay mula sa restoran, kaya naman nag-utos siya rito na bilisan para makarating agad sa resto na pagkikitaan.Nang makarating, pumasok si Marga sa loob. Kahit buwan ang kailangan bago makapagpa-reserve sa resto, sa katayuan ni Zack, madali niya itong nagawa.Nakita ni Marga si Zack sa gilid, nakaupo sa bandang bintana.Narinig ng lalaki ang pagbukas ng entrance door, tumingala siya, sumalub
Pinakiusapan ni Rhian ang dalawang bata na alagaan si Rain habang naghahanda siya ng hapunan para sa kanila. Isinulat niya ang lahat ng tagubilin ni Zack kanina, at habang nagluluto, sinunod niya ang panlasa ni Rain. Pagkatapos maihanda ang pagkain, sinabi ni Rhian kina Rio at Zianna dalhin si Rain pababa. Hindi nagtagal, nakita sa hagdanan ang tatlong bata. Nakahawak sa kaliwa’t kanan ang dalawang batang lalaki sa kamay ng maliit na batang babae, dahan-dahang bumababa ng hagdan na parang prinsesa at prinsipe sa isang kwento. Nang makita ito, may humaplos na init sa kanyang puso, nag-init din ang sulok ng kanyang mata, nang maalala ang kasalukuyang kalagayan ni Rain, parang dinudurog ang puso niya.Sa hapag-kainan, mas nagpakita ng pag-unawa sina Rio at Zian iniupo nila si Rain sa tabi ng kanilang ina, habang sila ay umupo sa kabilang panig sa gilid. Hinaplos ni Rhian ang ulo ng dalawang anak, natutuwa siya dahil talagang tunay na iniisip nila si Rain at nag-aalala sila dito. M
Pagkarinig nito, bahagyang bumigat ang pakiramdam ni Rhian at agad niyang idinepensa ang sarili, "Gusto ko lang linawin, hindi ako ang may kagagawan nito! Palagi kong iniisip na inosente ang bata, at gustong-gusto nina Rio at Zian si Rain, kaya hindi ko magagawa ang ganito sa kanya." Pagkatapos ng lahat, hindi pa rin maayos ang relasyon nila ni Zack, at ngayong natagpuan si Rain na may ganitong sugat habang nasa kanyang pangangalaga, talagang nakakaduda siya. Bukod dito, may oras din sila ni Rain na magkasama nang walang ibang tao. Kung maghinala si Zack, wala siyang konkretong paliwanag. Sandaling nakaramdam ng kaba si Rhian. May iniisip si Zack ngunit nang marinig ang sinabi niya, tumitig ito nang mabuti kay Rhian, "Hindi kita pinagbibintangan, at may ideya na ako kung sino ang may kagagawan." Bahagyang gumaan ang pakiramdam ni Rhian ngunit nanatili ang pag-aalala para kay Rain, "Sino ang gumawa nito?" Unti-unting bumigat ang aura ni Zack. Kagabi, biglaang kinuha ng k
Kahit umiiyak na si Marga, nanatiling walang pakialam ang lalaking nasa harapan niya. Ang malaking kamay na nakahawak sa kanyang leeg ay hindi nagluwag kahit kaunti. Lalo itong humigpit, tila balak siyang ubusan ng hangin!Halos maubos na ni Marga ang lahat ng lakas niya para makahinga nang bahagya, ngunit matigas pa rin ang kanyang pagtanggi. Alam niyang si Zack ay puro hinala lamang sa ngayon, ngunit ganoon na lang ang kalupitan nito sa kanya. Kapag inamin niya ito, hindi niya alam kung anong gagawin sa kanya ng lalaking ito! Sumunod kay Zack si Manny, at nang makita niyang namumula na ang mukha ni Marga at hirap na itong huminga, agad siyang lumapit para pigilan ang amo niya. "Master, pakawalan mo na siya, baka mamatay siya dito!" Ngunit hindi pa rin bumitaw si Zack. Naramdaman ni Marga na kaya siyang patayin ng lalaking ito sa harapan niya nang walang alinlangan. Sa huli, kinailangan ni Manny na maglakas-loob at dahan-dahang alisin ang kamay ng amo niya mula sa leeg ni Ma
Kinagabihan, natapos ni Zack ang trabaho at dali-daling pumunta sa bahay ni Rhian upang sunduin si Rain.Habang nasa daan, paulit-ulit na tumatakbo sa isip niya ang mga sinabi ni Manny kaninang umaga.Kung hindi siya pinaalalahanan ni Manny, malamang ay nakalimutan na niya na hindi pa opisyal na nagpapahayag ng sagot si Rhian tungkol sa relasyon nila ni Luke Dantes!Hanggang sa huminto nang dahan-dahan ang sasakyan sa harap ng bahay ni Rhian, hindi pa rin nawala ang inis sa mukha ni Zack.Nang buksan ni Rhian ang pinto, bumungad sa kanya ang lalaking may malamig at matigas na ekspresyon sa mukha.Napakurap siya sa gulat.Dahil abala siya sa pag-aalaga kay Rain, hindi pa niya nagagawang magalit kay Zack, ngunit tila mas nauna pa itong magalit sa kanya."Ano'ng problema? May nangyari ba sa kumpanya?" tanong ni Rhian nang may pag-aalala.Sa halip na sumagot, malamig na tumingin lamang ang lalaki sa loob ng bahay at seryosong nagsalita, "Nasaan si Rain? Susunduin ko na siya."Ramdam ni Rh
"Ano'ng nangyayari?" hindi napigilang itanong ni Zian.Nakatitig si Little Rain kay Rhian, umaasang makakakuha ng tiyak na sagot mula sa kanya.Nang magtama ang kanilang mga mata, lumambot ang tingin ni Rhian at napabuntong-hininga. "Sige, hindi magagalit si Tita kay Daddy."Nang marinig ito, agad nagsalita ang maliit na bata sa kanyang malambing na tinig, "yung masamang Tiyahin ko po kasi ay nakatira sa bahay namin ngayon.Pagkasabi nito, napakurap sina Rio at Zian, ngunit agad nilang naintindihan kung sino ang tinutukoy niyang masamang tiyahin.Samantala, hindi agad naunawaan ni Rhian kung sino ang sinasabi ng bata."Si Marga!" galit na sagot ni Zian, naalala ang babaeng sumubok saktan ang kanyang mommy. Hindi niya lubos maintindihan kung bakit pinapayagan ni Daddy na manirahan ang masamang babaeng iyon sa kanilang bahay!Bahagyang kumunot ang noo ni Rhian.Bagama’t nangako siya kay Little Rain na hindi siya magagalit, hindi niya maiwasang makaramdam ng kakaiba.Hindi niya alam kung
Kasabay nito, nasa bahay si Rhian kasama ang tatlong munting bata.Simula nang dumating si Little Rain, tila wala itong sigla. Kahit anong gawin nina Rhian at ng dalawang bata upang kausapin siya, nanatili siyang tahimik at matamlay."Rain, anong nangyari sa’yo? Puwede mo bang sabihin kay Tita Rhian?" Pinatigil ni Rhian ang paglalaro at inalalayan si Little Rain na maupo sa carpet.Sumunod din sina Rio at Zian, halatang nag-aalala.Nang marinig niya ang tanong ng ina, nakatingin ang dalawang bata sa kanilang nakababatang kapatid, sabik na naghihintay ng sagot.Mahigpit na pinagdikit ni Little Rain ang kanyang mga labi, iniisip si Marga sa bahay. Pagkatapos, tumingin siya sa magandang Tita sa kanyang harapan.Kung malalaman ng magandang Tita na nakatira si Tita Marga sa kanilang bahay, siguradong hindi siya matutuwa.Hinahabol pa naman ni Daddy si Tita Rhian. Kapag nagkaroon ng maling akala si Tita Rhian hindi ito maganda...Sa isiping ito, bakas sa mga mata ng bata ang pag-aalinlangan
Sa kabilang dako, matapos umalis ni Zack mula sa bahay ni Rhian, dumiretso siya pabalik sa kumpanya, eksaktong oras para sa nakatakdang pulong.Pagkatapos ng pulong, palabas pa lamang si Zack mula sa silid-pulong nang makita niyang papalapit si Manny. Kita sa mukha nito ang hindi magandang ekspresyon. "Master," bati ni Manny.Bahagyang kumunot ang noo ni Zack. "Anong nangyari?"Halata ang pag-aalangan sa mukha ni Manny. "May problema sa proyektong kasosyo natin sa Florentino Family."Pagkarinig nito, biglang dumilim ang ekspresyon ni Zack at mabilis na naglakad pabalik sa opisina.Tahimik na sumunod si Manny at isinara ang pinto nang makapasok sila."Ano ang problema?" malalim na tanong ni Zack.Dati-rati, maayos naman ang pakikipagtulungan nila sa Florentino Family.Sagot ni Manny, "Ang kompanya ng parmasyutiko sa hilagang-kanluran ay biglang nagbago ng isip at ayaw nang tanggapin ang ating mga kundisyon sa pag-aacquire."Agad na kumunot ang noo ni Zack.Mahalaga ang pagbili ng komp
Tiningnan ni Zack ang lipstick sa labi ng maliit na babae, may bakas ng aliw sa kanyang mga mata.Mukhang nagkamali ito sa paglalagay ng makeup, ni hindi man lang niya napansing tabingi ang kanyang lipstick.Nang magtagpo ang kanilang mga tingin, puno rin ng pagkalito ang mukha ng babae, dahilan upang matukso siyang asarin ito.Sa pag-iisip nito, talagang ginawa ito ni Zack.Kitang-kita ni Rhian ang lalaking biglang iniangat ang kamay at itinapat sa kanyang mukha.Nang malapit nang dumikit ang kanyang kamay, biglang natauhan si Rhian at mabilis na umatras nang may kaba, iniiwasan ang kanyang hawak.Nahulog sa hangin ang nakaunat na kamay ni Zack, bahagyang kumunot ang kanyang noo sa pagkadismaya."May kailangan pa ba kayo, Ginoong Zack?malamig na tanong ni Rhian habang may distansya sa pagitan nila.Nakita ni Zack ang pagkabalisa sa mukha ni Rhian at bahagyang napangiti. Kalma niyang ipinaliwanag, "Mali ang pagkapahid ng lipstick mo."Namula nang bahagya ang mukha ni Rhian sa kanyang
Habang papunta sa kumpanya, nakita ni Zack ang kanyang anak na babae sa rearview mirror at napakunot ang noo."Si Daddy ang maghahatid sa iyo," sabi ni Zack nang may seryosong tono.Plano niyang utusan si Manny na ihatid ang bata mamaya, ngunit nang makita ang kalagayan nito, naisip niyang baka hindi kayanin ni Manny na alagaan siya.Pagkatapos nito, direktang tinawagan ni Zack si Manny.Mabilis na sinagot ang tawag sa kabilang linya, Yes Master gaano katagal bago kayo dumating?"Kumunot ang noo ni Zack at sinabing, "Ipagpaliban ang pulong sa umaga sandali."Nagulat si Manny nang marinig ito.Mahalaga ang pulong sa umaga, ngunit sinabi ng kanyang Master na ipagpaliban ito..."Mga isang oras lang naman," dagdag pa ni Zack. "Ihahatid ko muna si Rain."Sumang-ayon si Manny.Sa paglipas ng mga taon, nasanay na siya. Sa kanyang Master ang lahat ay kailangang magbigay-daan para sa batang babae.Matapos ibaba ang telepono, binago ni Zack ang direksyon ng kanyang sasakyan at nagmaneho patungo
Pagkaraan ng ilang sandali, dinala ni Zack si Rain pababa.Nasa mesa na si Marga at nakaupo na.Nang makita silang pababa, pinigilan ni Marga ang kanyang pagkadismaya at ngumiti sa dalawa. Tinuro ang upuan sa tabi niya at sinabi kay Rain, "Rain, halika, papakainin ka ni Tita ng agahan."Inisip niyang pagkatapos ng pagbabanta kanina, magiging masunurin ang bata.Ngunit sa kabila ng kanyang ngiti, tila hindi narinig ng bata ito at hinawakan lang ang damit ni Zack, sinundan siya hanggang sa makaupo siya sa tabi ng kanyang ama.Nakita ni Marga na hindi siya pinapansin ng mag-ama, kaya't nanigas ang ekspresyon niya."Zack, kailangan mong pumasok mamaya, di ba?" Pagkalipas ng ilang segundo, nagsalita si Marga ng pilit.Tumango si Zack nang walang komento.Nakita ni Marga na may kaunting tugon, kaya't humupa ang kanyang galit at ngumiti, "Rain, hayaan mong samahan ka ni Tita ngayon! Tiyak na magiging masaya tayo mamaya!"Nang matapos ang sinabi, nakita niyang tinitigan siya ng bata ng may pa
Nang makita niya si Tita Marga na nagpapakita siya ng nakakatakot na ekspresyon nanlamig si Rain at gusto niyang bumalik sa kwarto ng kanyang daddy ngunit hinawakan siya ni Marga sa pulso at hindi siya nakawala.Tiningnan ni Marga ang bata nang malamig, "Kung ayaw mong magdusa, makinig ka sa akin at huwag akong galitin, naiintindihan mo ba?"Sa banyo, habang naghihilamos si Zack, tinawagan niya si Rhian.Ang maliit na babae ay laging workaholic. Natatakot siyang baka pag punta nila Manny duon wala si Rhian at kung hindi makita ng bata si Rhian, baka malungkot na naman ito.Buti na lang at mabilis sinagot ng kabilang linya."Zack, may kailangan ba?" tanong ni Rhian na medyo magulo pa ang boses, mukhang bagong gising lang siya, o baka naman nagising siya ng tawag niya.Nang maisip ito, isang ngiti ang dumapo sa mga labi ni Zack at humingi siya ng paumanhin ng mahinahong tinig, "Pasensya na at nagising kita."Si Rhian ay napahikab at umupo mula sa kama ok lang dapat nga gising na ako sa
Kinabukasan ng umaga, pagkagising ni Zack, narinig niyang may kumatok nang maingat sa pintuan ng kanyang kwarto. Ang tanging tao na kumakatok sa kanyang pinto ay ang kanyang anak.Pumunta si Zack upang buksan ang pinto, at tulad ng inaasahan, nakita niya ang bata na nakatayo sa pinto ng kanyang kwarto na may masigasig na mga mata.Nang makita siya, binati siya ng bata ng malambing na tinig, "Good morning, Daddy!"Bahagyang tumango si Zack at hinaplos ang ulo ng bata, "Bakit ka gumising ng maaga ngayon, may kailangan kaba?"Sumulyap ang bata sa kwarto ni Marga sa kanto, itinaas ang mata at tiningnan ang kanyang daddy, "Gusto ni Rain pumunta kay Tita Rhian Daddy, isasama ni Daddy si Rain doon!"Talaga namang hindi nais ng bata na manatili kay Marga, kahit na magkasama lang sila para sa almusal, ayaw pa niyang manatili.Nang marinig ito, kumunot ang noo ni Zack.Alam niya ang iniisip ng bata, at nauunawaan niya ito.Ngunit mayroong siyang isang mahalagang pulong na dadaluhan ngayong umag