LIKE
Hapon na nang makipagkita sina Marga at ang kanyang ina kay Dawn sa isang coffee shop. Pagkarating nila sa coffe shop, umupo silang mag ina sa bandang bintana. Hindi nagtagal ay dumating ang ina nii Zack na si Dawn. Nang dumating ito, agad na b****o ang matanda sa dalawang dalawang babae.“Pasensya na at napatagal ang paghihintay ninyo.” Naupo si Dawn sa tapat nila. Ngumiti si Marga ng matamis sa ina ni Zack katulad ng palagi niyang ginagawa, batid ng babae na sa ngiti ay makukuha niya ang loob lalo ng matanda, “Kadarating lang din namin, Tita Dawn. Umupo na po kayo. Nag-order ako ng ilang dessert para sa atin. Hindi na ako nakapaghintay na dumating ka. Alam ko naman po kasi kung ano ang paborito mo, tita."Maya-maya, inihain ng waiter ang masasarap na dessert sa kanilang mesa.Ngumiti si Dawn, kumikinang sa paghanga ang kanyang mata sa babae, “Talagang maalaga ka pa rin sa akin, Marga. Alam mong mahilig ako sa matatamis. Pero si Zack, wala siyang ganitong pag-aalala. NI hindi niya
Pagkagaling sa coffee shop, lalong nabalisa si Dawn. Pagkatapos ng trabaho ng kanyang asawa, inimbitahan niya ito na magpunta sa mansion. Katatapos lang ni Zack sunduin si Rain mula sa school nang dumating sa bahay ang kanyang magulang. Pagpasok pa lang nila, nakita niyang nakaupo na ang dalawang matanda sa sofa, mukhang seryoso at may gustong pag-usapan. “Dad, Mom, bakit hindi ninyo sinabi na pupunta kayo? May problema ba?” tanong ni Zack, halatang nagtataka. Pagkatapos niyang magsalita, tumango si Dawn na nakasimangot, “May gusto akon pag-usapan natin ngayon din.” Nang makita ang seryosong mukha ng ina, bahagyang kumunot ang noo ni Zack. Tinalikuran niya si Rain at inutusan si Aunt Gina, "Dalhin niyo si Rain sa kwarto niya," "Masusunod, master." Masunuring yumuko si Gina."Bye po, lolo at lola!"nMagalang namang nagpaalam si Rain sa kanyang mga lolo’t lola bago sumunod sa matanda paakyat. Umupo si Zack sa isang single couch malapit sa kanyang mga magulang. “Ano ang mahalag
Nanatiling walang imik si Zack sa nakalipas na ilang segundo. Hindi niya maapuhap ang kanyang sasabihin sa mga ito.Papasukin si Rhian?Pagkaraan ng ilang sandali, tumugon siya nang kalmado, “Wag niyo na itong problemahin pa nang sobra. Wala akong balak na papasukin ulit si Rhian sa buhay namin ng aking anak.” Sa ngayon, hindi pa. Dugtong ng isip niya.Habang nagsasalita ang kanyang mga magulang, iniisip ni Zack ang mga nakaraang pakikitungo niya kay Rhian. Napagtanto niyang karamihan sa kanilang mga pag-uusap nitong mga nakaraang araw ay may kinalaman kay Rain. 'It's ironice, hindi ba?' Isip-isio niyang muli.Batay sa pakikitungo ni Rhian sa kanilang unang pagkikita, kung hindi dahil kay Rain, malamang iniiwasan na siya ng babae. Ang ikinababahala ngayon ng kanyang mga magulang ay halos imposible nang mangyari. Nang marinig ang sinabi niya, bahagyang gumaan ang ekspresyon ni Dawn, nakahinga siya ng maluwag. “Mabuti naman. Pero paano si Marga? Kailan mo balak ayusin ang lahat?
Sa biyahe papunta sa kindergarten, nakaupo si Rain sa likod ng sasakyan, hawak ang kanyang bag sa kanyang mga braso. Nakababa ang kanyang tingin, at tila walang sigla. Gustong magpakita ni Marga ng magandang pakikitungo sa batang ito, kahit man lang sa harap ng iba. Tiningnan niya si Rain sa rearview mirror at nagkunwaring nag-aalala: “Rain, masama ba ang pakiramdam mo? Gusto mo bang dalhin kita sa ospital ni Tita?” Hindi man lang nagtaas ng ulo si Rain nang marinig ang kanyang boses. Bahagyang kumunot ang noo ni Marga at patuloy na nagpakita ng kunwaring malasakit gamit ang mahinahong boses, “Paano kaya kung humingi tayo ng leave para sa’yo at magpahinga na lang tayo ngayon?” Ngunit walang sagot pa rin. Pagkalipas ng ilang segundo, hindi na nakapagtimpi si Marga, “Rain, tinatanong kita! Bakit ganyan ang itsura mo? Hindi ba kita pwedeng kausapin nang maayos?!” Nang marinig ang kanyang hindi masayang tono, bahagyang umurong si Rain at mas mahigpit na niyakap ang kanyang ba
Nang marinig ni Marga ang malakas na pag-iyak ni Rain, halos hindi na makahinga ang bata. Sa wakas, tumigil siya sa ginagawa at hinayaang makaalis ito sa kanyang kandungan. Pagkaalis ni Rain, tiniis niya ang sakit at gumapang papunta sa kabilang bintana. Mahigpit niyang niyakap ang kanyang bag at yumukod sa likod nito, patuloy na humihikbi. “Mabuti na lang at alam mo kung ano ang sakit,” malamig na sambit ni Marga habang nakangisi. “Kung maglakas-loob kang magsumbong sa iba tungkol dito, sinisigurado kong hindi mo na muling makikita ang babaeng iyon! Wag mo akong subukang pipi ka!” Tukoy niya kay Rhian.Pagkasabi nito, bumalik siya sa unahan ng sasakyan at ipinagpatuloy ang pagmamaneho patungo sa kindergarten. “Dito na tayo. Punasan mo ang luha mo!” Singhal na utos ni Marga nang makarating sila sa harapan ng kindergarten. Dahil natatakot si Rain na baka hindi na niya muling makita si tita Ganda, mabilis niyang pinunasan ang mga luha sa kanyang mukha at inayos ang mukha. Tinin
Nang marinig ng guro na magbibigay ng donasyon si Marga sa kindergarten, ngumiti ito at tumawag sa prinsipal. Matapos ibaba ang tawag, dinala siya ng guro sa opisina ng prinsipal. Matagal nang naghihintay ang prinsipal sa opisina. Pagdating nila, agad itong naglagay ng tes sa bago para kay Marga at ngumiti, "Miss Suarez, maupo po kayo." Magalang na paanyaya pa nito.Hindi na nag-aksaya ng oras si Marga. Tinanggap niya ang tea at naupo sa harap nito. “Siguro naman, alam na ninyo ang layunin ko.” Paulit-ulit na tumango ang prinsipal. “Narinig kong nais ninyong mag-donate ng mga kagamitan para sa aming kindergarten. Ako po’y nagpapasalamat sa ngalan ng mga bata at paaralan na ito.” Nagtataka ang prinsipal kung bakit tila hindi maganda ang mood ni Marga, ngunit isinawalang bahala ito ng matanda sa pag-aakala na wala itong koneksyon sa anupaman na may kinalaman sa eskwelahan.Umupo si Marga, malamig ang mukha at sinabi sa seryosong tono, “Hindi lamang iyon. Handa akong mag-donate ng
Nang gabing iyon, matapos ang trabaho, dumating si Rhian sa eskwelahan upang sunduin ang dalawang anak. Sila lamang dalawa ang nasa harap ng kindergarten, at ang guro ang nag-aalaga sa kanila ng dumating siya. "Pasensya na, ma'am, nahuli na naman ako," nakangiting sabi ni Rhian, humihingi ng paumanhin habang nilalapitan ang dalawang bata. Ngumiti nang may kaunting kaba bago nagsalita. "Ako na po ang bahala muna sa kanila. Nais kayong kausapin ng prinsipal tungkol sa isang bagay. Hintayin ko po kayo sa opisina." Naguluhan si Rhian sa narinig ngunit sumunod pa rin siya, umakyat sa opisina ng prinsipal, at kumatok sa pinto. Sa hindi malamang dahilan, tila may kakaibang ekspresyon din sa mukha ng prinsipal. Para itong kinakabahan at balisa, hindi ito nakaligtas sa kanyang pansin."Sinabi po ni ma'am na nais ninyo akong kausapin. May problema po ba?" tanong ni Rhian nang may pagtataka. May pormal na ngiti sa mukha ng prinsipal, at mabagal siyang nagsalita, sa bawat salitang binit
Paglabas mula sa opisina ng prinsipal, kinuha ni Rhian ang mga bata mula sa guro. "May kailangan lang gawin si Mommy mamaya. Maaari ba kayong makipaglaro muna kay Ninang?" tanong ni Rhian sa mga bata habang pinipigilan ang galit at ngumiti na parang walang nangyari. Tumango ang kambal, walang kamalay-malay sa pinag-usapan ng prinsipal at kanilang ina."Sige po, mommy!" sabay nilang sambit ng may ngiti.Ipinasa ni Rhian ang mga bata kay Jenny. "Pasensya ka sa abala ha. May pupuntahan lang ako saglit.""Walang problema, ano ka ba. Ilang beses ko bang sasabihin sayo na walang kaso sa akin basta pagdating sa inyo!"Tumango si Rhian at nagpaalam na. Nang makasakay ng kanyang sasakyan, nawala ang ngiti sa labi ni Rhian, naging malamig ang kanyang ekspresyon. Nagmaneho siya papunta sa mansion ni Zack."Madam..." Bago pa man makapagbigay galang si Aunt Gina matapos niyang buksan ang pinto, napansin niya ang galit sa mukha ni Rhian kaya naputol ang sasabihin. Tumango lamang si Rhian sa ma
Paglabas ni Rhian mula sa operating room, madilim na ang paligid.Nang makita ang kalangitan sa labas, bigla niyang naalala na tila hindi siya nakarating sa oras upang sunduin ang mga bata. Nagmadali siyang magpalit ng damit at nagmaneho papunta sa eskwelahan.Pagpasok niya sa gate ng kindergarten, mula sa malayo ay nakita niya sa ilalim ng poste ng ilaw ang isang lalaki na nakatayo sa tabi ng bangko, isang kamay nasa bulsa. Ang tatlong bata naman ay magkakasama, at ang isa sa kanila ay may hawak na hamburger at kumakain nang seryoso.Napahinto si Rhian sa nakita.Tila naramdaman ng lalaki ang kanyang tingin, kaya tumingin ito sa gawi niya. Pagkatapos, may sinabi ito sa mga bata.Sabay-sabay na tumingala ang tatlong bata, hawak ang mga hindi pa ubos na hamburger, at tumakbo papunta sa kanya.Napayuko si Rhian na may bahid ng pagsisisi, hinaplos ang ulo ng mga bata, "Pasensya na mga anak, nahuli si Mommy."Sanay na sina Rio at Zian, kaya umiling sila na parang wala lang, at tinanong pa
Hindi nila namalayan na tumagal na ng mahigit pitong oras ang operasyon.Samantala, sa eskwelahan, karamihan sa mga bata ay nakauwi na, at tatlo na lang ang natira. Bagamat dinala na pauwi si Rain, patuloy na itinuring nina Rio at Zian si Rain na parang dati sa Eskwelahan. Nang walang sumundo dito, dinala nilang dalawa si Rain sa bunton ng buhangin upang magtayo ng kastilyo. Masaya silang naglalaro."Rain! Tingnan mo itong ginawa ko... mas malaki ito kay Rio!"Umingos si Rio. "Pero mas maganda naman ang ginawa ko!"Napangiti si Rain. Nagmamalaking tinuro niya ang mas malaki at mas maganda na ginawa niya. Napanguso ang kambal... pero ngumiti at nakipag-apir pa kay Rain.Pagdating ni Zack, nakita niya ang tatlong munting bata na nakaupo sa bunton ng buhangin, kapwa sila nagtatawanan at halatang masaya. Nang tumigil sa tawanan ang tatlo at tinawag na ni Zack ang anak."Rain." Lumapit siya dito.Tumingin si Rain sa kambal, ayaw pa niya tumayo agad.Kumunot ang noo ni Zack at tiningnan s
Tumango si Rhian. "Maaari akong maglaan ng oras bukas upang pumunta sa ospital at suriin ang kalagayan ng pasyente," mungkahi ni Rhian matapos niyang tingnan ang iskedyul ng trabaho sa mga susunod na araw.Nakahinga ng maluwag si Mike at tumango, "Sige, maraming salamat. Kung may kailangan ka sa hinaharap, huwag kang mag-atubiling sabihin sa akin."Ngumiti si Rhian, "Marami ka na rin namang naitulong sa akin noong nasa ibang bansa tayo, at tungkulin ng doktor ang gamutin ang pasyente. Kung sa tingin mo ay kaya ko, walang dahilan para tumanggi ako. Isang karangalan na may isang katulad mo na kagalang-galang ang may tiwala sa sakin."Marahan itong natawa sa sinabi nia. "Hindi ba't parang sobrang taas naman ng tingin mo sa akin. Marami nga akong naitulong sayo noon. Pero labas ang usapin na ito sa tulong na nagawa ko. Talagang mahusay ka kaya kahit sino ay napapahanga mo... kaya hindi nakapagtataka na hangaan ka ng mga kapwa natin mga doktor."Magaan na natawa si Rhian. "Alam mo, senior.
Dahan-dahang nagsara ang pintuan ng bahay, at unti-unting naglaho sa paningin ni Rhian ang pigura ni Rain.Malalim siyang huminga, pinipigilan ang namumuong luha sa kanyang mga mata, dama niya ang lungkot na mawalay sa bata.Sa panahon ng pananatili nito sa kanila, kitang-kita kung paano naging mas komportable si Rain. Sa kanilang pangangalaga, mabilis na bumuti ang kalagayan nito.Kung may pagkakataon, nais din ni Rhian na alagaan ang bata hanggang tuluyan itong gumaling. Gusto rin niyang marinig itong magsalita nang buo kahit isang beses, at gusto din niya itong makasama.Ngunit tila wala nang pagkakataon para dito...Sina Rio at Zian, na sumunod sa kanya pababa, ay tahimik na nanuod habang nagpapasya ang kanilang mommy na ipadala na si Rain. Bagamat labis din nilang ayaw na umalis ang bata, wala na rin silang sinabi sa huli. Dahil anuman ang gusto nila, sa huli ay kagustuhan parin ng kanilang ina ang masusunod.Nang makita nilang labis ang lungkot ng kanilang mommy, lumapit sila up
Matapos ang mahabang katahimikan, malamig na binasag ni Zack ang katahimikan, "Kung iyon ang nais mo... sige, susundin ko."Tumango si Rhian. "Sige, mabuti naman at ayos lang sayo. Sandali lang, tatawagin ko lang si Rain." Paalam niya. Umalis siya at umakyat sa silid upang tawagin ang anak nito.Nasa kwarto nina Rio at Zian kasama si Rain, pare-parehong malungkot ang mga mukha nila, walang ingay na maririnig... nanibago si Rhian. Hindi nagkukulitan o naglalaro ang tatlo, wala silang kasigla-sigla. Hawak lamang ng kambal ang robot sa kanilang kamay, habang si Rain ay nakayuko lamang hawak ang manika. Halatang malalim ang iniisip ng mga bata.Nang marinig ang pagbukas ng pinto, sabay-sabay silang tumingin kay Rhian.Nang magkasalubong ang kanilang mga mata, lumambot ang puso ni Rhian. Ngunit nang maalala ang taong nasa ibaba, pinatigas niya ang kanyang loob. Kailangan niyang kayanin at tatagan ang loob niya. Noon pa man, alam niyang darating ang araw na kukunin si Rain ng kanyang ama...
Kanina pa lang naririnig ni Zack ang balita mula sa loob at alam niyang narinig ni Rhian ang balitang iyon tungkol sa kanya. Habang tinitingnan ang ekspresyon nito, hindi siya nakakita ng anumang pagbabago.Mukhang hindi ito naapektuhan.Pagkalipas ng ilang sandali, nagsalita siya nang mabigat ang tinig, "Dumating ako upang makita si Rain. Kumusta siya?"Tumabi si Rhian upang bigyan siya ng daan, "Nasa itaas siya. Tamang-tama, may gusto akong sabihin sa iyo tungkol kay Rain."Pumasok ang dalawa sa sala nang sunud-sunod. Pinaupo ni Rhian si Zack sa sofa at siya naman ay naupo sa isang upuang malayo upang maiwasan ang anumang tsismis.Agad namang nagdala ng umuusok ng tasa ng kape si Aling Alicia para sa dalawa. Nang makita niyang tila may pinag-uusapan ang mga ito, agad siyang umakyat."Ano iyon?" untag ni Zack. Naka-antabay siya sa reaksyon ni Rhian... sa hindi malaman na dahilan, ang ekspresyon nito ngayon ay nagpapasikip sa kanyang dibdib. Malumanay na sinabi ni Rhian: "Pumayag ako
Samantala, si Rhian ay kumakain ng almusal habang nakikinig ng balita tulad ng dati, at habang kumakain ay inaalagaan ang tatlong maliliit na bata habang nakikinig sa mga balita.Isang lalaking reporter ang nagbalita."Patungkol sa kasal ng mga pamilya Saavedra at Suarez, ang kasunduan ng dalawang pamilya ay tumagal ng anim na taon. Kamakailan, nakakuha tayo ng tumpak na balita. Magkakaroon ng pormal na seremonya ng kasal ang dalawang pamilya sa lalong madaling panahon."Huminto si Rhian habang nilalagay ang pagkain para sa mga bata at natigilan ng ilang saglit bago ipinagpatuloy ang ginagawa niya na parang wala lang nangyari.Biglang nawalan ng gana kumain si Rio at Zian, at napangiti sila ng malungkot.Noong sila ay nasa ibang bansa, nagtataka sila kung anong klaseng tao ang kanilang Daddy, puno ng pag-asa ang kanilang mga puso.Pagbalik nila sa bansa, nalaman nilang may anak na si Daddy. Hindi natuwa ang dalawa sa kanya at naiinis sila dahil iniwan sila ni Daddy at hindi niya naka
Matapos tumayo sa harap ng French window ng matagal, kinuha ni Zack ang kanyang cellphone at tinawagan ang kanyang ama.Agad na sinagot ang kabilang linya."Zack, ano ang kailangan mo?" Tanong ni Wilbert. Hindi siya pumasok sa kumpanya ngayon at abala siyang kumakain ng almusal sa bahay. Nang matanggap ang tawag mula sa anak, tumingin siya kay Dawn na nasa tapat niya.Nang marinig na ang anak ang tumawag, minuwestra ni Dawn ang kamay para kunin ang telepono sa asawa, naintindihan naman ni Wilbert at inabot ang telepono mula sa kanya.Hindi ito tinanggihan ni Wilbert. Ibinigay niya ang telepono ayon sa nais ng asawa.Sa kabilang linya, hindi alam ni Zack na hawak ng ina ang telepono, kaya't nagtanong siya nang malalim ang boses, "Ikaw ba ang nag-utos na ilabas ang balita tungkol sa kasal?"Bagamat nasuri na ito ni Manny, nais pa rin niyang marinig ang personal na pag-amin mula sa kanyang ama.Hindi nito inaasahan na boses ng ina ang maririnig sa kabilang linya."Ako ang may ideya, anon
Sa private room, dahan-dahang itinaas ni Marga ang kanyang ulo ng mawala na ang mag-asawang Dawn at Wilbert, wala na ang luha na o lungkot na makikita sa kanyang mukha."Sinabi ko naman sayo di'ba? Maghihintay ka lang!" sabi ni Belinda habang ini-angat ang kanyang ibabang labi ng may kumpiyansa.Ang tanging paraan para masolusyunan ang mga tsismis, bukod sa pagkansela ng kasunduan, ay gawing totoo ang kasunduan sa kasal!Naniniwala siya na pareho sila ni Dawn ng pananaw!---Kinabukasan ng umaga, nang dumating si Zack sa opisina, napansin niyang medyo kakaiba ang ekspresyon ni Manny. Para itong hindi mapakali at may gustong sabihin."Ano'ng nangyari? May gusto ka bang sabihin?" tanong ni Zack nang nakakunot ang noo.Nag-atubili si Manny ng matagal, ngunit hindi na napigilan na magtanong, "Master, kayo po ba ni Miss Marga ay..."Lalong lumalim ang guhit sa noo ni Zack, "Ako at siya ay?"Nang makita ni Manny ang naguguluhang hitsura ng kanyang master, naisip niyang may maki, kaya naman