PROLOGUE
Upon looking at her face she is really pretty and no doubt why he loves her so much. Her eyes, nose, lips, hair, she's almost perfect.
I can feel her breathing, I can see her every time she blinks and every time she gulps. I can see her very clearly.
She almost had all that I wanted. But why is she looking at me with sad eyes?
"Hinding hindi ko dapat pagsisihan ang bagay na 'to," bulong ko sa sarili.
I looked at her again and she was also looking at me. I smiled then she smiled too. I breathed, then she did what I also did. I removed my gaze at her and looked at the picture frame beside me, she looked at it also.
Kinuha ko ang litrato upang pakatitigan 'yon ngunit bago ko pa man maiangat, dumulas na 'yon sa 'king kamay at nabasag.
I looked at her and we had the same reaction, we were both surprised.
Agad akong yumuko upang kuhain ang litrato ngunit dumaplis sa daliri ko ang bubog no'n kaya nasugatan ako. Hindi ko mapigilang mapatitig sa daliri kong patuloy ang pagtulo ng dugo. Kasabay ng bawat patak no'n sa sahig ay s'ya namang pagbalik ng mga ala-alang gusto ko na sanang kalimutan.
"Hinding-hindi ako magpapakasal sa kan'ya hangga't hindi s'ya si Gizelle!" Umalingawngaw sa buong pasilyo ang boses ni Blaze.
Gulat kaming lahat na nakatingin lang sa kan'ya. Kitang kita ko sa mukha n'ya ang pandidiri sa 'kin, para n'ya akong pinahiya sa buong pamilya ko at pamilya n'ya.
"Blaze! Maghunos-dili ka nga!" Sigaw sa kan'ya ng kan'yang ama.
Pagkatapos n'yang tingnan ang kan'yang ama, lumipat sa 'king ang matatalim n'yang titig. Parang isang malaking sampal sa buong pagkatao ko ang sinabi n'ya, at dahil sa sampal na 'yon natauhan ako na kahit anong pagpapaganda ang gawin ko hinding-hindi n'ya ako mamahalin.
Agad kong pinunasan ang luhang dumaloy sa 'king pisngi at bahagyang ngumiti.
Pinakatitigan ko ulit ang repleksyon naming dalawa sa salaming nasa harapan ko. "Matagal ka ng patay pero bakit ikaw pa rin ang hinahanap ni Blaze?" Sarkastiko akong napatawa habang kinakausap s'ya sa salamin.
Makalipas ang ilang segundo nawala ang ngiti sa labi ko at muli akong sumeryoso. "Pero ngayon, ikaw at ako ay iisa na. Mukha mo lang ang habol ni Blaze, kaya ngayong kamukha na kita ako na ang hahanapin n'ya."
CHAPTER ONE"Kailan ka ba uuwi?" bulong ko sa kawalan habang pinagmamasdan ang labas ng aming bahay mula dito sa veranda ng aking kwarto.Bahagya akong napayakap sa 'king sarili nang maramdaman ko ang malamig na hanging dumampi sa 'king balat.Madaling araw na ngunit hindi pa rin s'ya umuuwi. Ganito na lang ang palagi naming pinagtatalunan pero sa huli ako lang rin ang talo."Hindi na ako bata at isa pa hindi naman kita sinabihang antayin ako makauwi. Uuwi ako kung kailan ko gusto."Gan'yan ang palagi n'yang katwiran. Nananahimik na lang ako at sa susunod na gabi ay aantayin muli s'ya katulad ngayon.
CHAPTER TWO“Oh, himala at umuwi ka pa? Dapat nag-stay ka na lang sa bahay ng mama at papa mo,” bungad na sabi sa 'kin ni Blaze pagkapasok na pagkapasok ko ng bahay. Hindi na lang muna ako kumibo at dumeretso na paakyat ng hagdan.Medyo pagod at nanghihina pa ang katawan ko, mabuti na nga lang ay napakiusapan ko na ang Doctor ko na kung p’wede ay umuwi na ako. HIndi rin kasi ako gano’n makapagpahinga sa ospital. It’s been four days since ma-confine ako.“Ah, gano’n? Dinadaan-daanan mo na lang ako ngayon?” halata sa boses ni Blaze ang pagkairita dahil sa ginawa ko. Napahinga ako nang malalim bago s'ya lingunin.“Pagod lang ako, Blaze, let me rest first,” mahina kong tug
CHAPTER THREE "Hindi maso-solve nito ang problema mo. Kailangan mong tanggapin, Jane." "Ang alin? na hindi na ako kailanman mamahalin ni Blaze? Ito lang ang nag-iisang paraan na alam ko para matanggap n'ya ako." "Kung mamahalin ka man n'ya, mas magandang tanggapin ka n'ya sa kung ano ka," muling katwiran n'ya. "Hindi mo ba talaga ako kayang tulungan?" Napahinto naman s'ya sandali at napabuga na lang ng hangin. "You really want to change your face for him to marry you?" Muli n'yang tanong. "To change my whole