Home / Romance / A Bride's Mask / CHAPTER TWO

Share

CHAPTER TWO

CHAPTER TWO

“Oh, himala at umuwi ka pa? Dapat nag-stay ka na lang sa bahay ng mama at papa mo,” bungad na sabi sa 'kin ni Blaze pagkapasok na pagkapasok ko ng bahay. Hindi na lang muna ako kumibo at dumeretso na paakyat ng hagdan. 

Medyo pagod at nanghihina pa ang katawan ko, mabuti na nga lang ay napakiusapan ko na ang Doctor ko na kung p’wede ay umuwi na ako. HIndi rin kasi ako gano’n makapagpahinga sa ospital. It’s been four days since ma-confine ako. 

“Ah, gano’n? Dinadaan-daanan mo na lang ako ngayon?” halata sa boses ni Blaze ang pagkairita dahil sa ginawa ko. Napahinga ako nang malalim bago s'ya lingunin. 

“Pagod lang ako, Blaze, let me rest first,” mahina kong tugon. 

“Bakit? Kinawawa ka ba sa bahay n'yo?” natatawa n'yang tanong. Umiling lang ako at tumalikod na ulit para umakyat na ng hagdan kaso mabilis n'yang nahuli ang braso ko para pigilan ako. Marahas n'ya akong hinarap sa kan’ya dahilan para muntik na akong mahulog sa hagdan. 

“Blaze, ano ba?!” hindi ko napigilang mataasan s'ya ng boses. 

Nagtiim bagang s’ya. “Nagugutom ako, magluto ka.” Utos n'ya sa 'kin. Napahinga ako ng malalim. “‘Di ba marunong ka magluto-lutuan? Pwes sige pagsilbihan mo ako.” Dugtong n'ya pa. 

“Per–” 

“Anak! Nakauwi ka na pala?” agad na lapit sa 'kin ni Yaya Mina. “Pasensya ka na ah, at hindi ako nakasama sa pagsundo sayo.” Ngumiti naman ako. “Ayos lang po ‘yon,” tugon ko. Ngumiti rin muna sa 'kin si Yaya bago lingunin si Blaze. 

“Ako na ang magluluto para sayo, hayaan mong magpahinga muna ang ASAWA mo.” Binigyang-diin talaga ni Yaya ang salitang asawa. Mapang-asar namang tumawa si Blaze. 

“Pinagtutulungan n'yo talaga ako no? haha pero sige, magpahinga ka na habang-buhay, Jan-.” 

Bigla akong nagulat sa ginawa ni Yaya Mina kay Blaze. Nanlalaking mata akong napatingin sa asawa ko na nakahawak na ngayon sa pisngi n'ya dahil sa pagsampal ni Yaya. 

“Blaze…” nag-aalangan kong bigkas at akmang hahawakan din sana ang pisngi n'ya nang bigla n'ya kaming sigawan ni Yaya. 

“Fuck you two!” 

Isang malakas na sampal ulit ang ipinatikim sa kan’ya ni Yaya. Sobrang talim ng tingin ni Blaze sa aming dalawa ni Yaya. 

“Ang lakas ng loob mong sampalin ako? Bakit sino ka ba?! Utusan ka lang naman dito ah!” galit na galit na wika ni Blaze. 

“Oo, utusan lang ako dito pero hindi ibig sabihin no’n na pinapayagan na kitang bastusin ako at lalong lalo na ang asawa mo! Napakasahol ng ugali mo, Blaze!” usal ni Yaya Mina. 

Napatitig na lang ako dahil sa nangyayari, hindi ako makapagsalita. 

“Eh, ano naman ngayon kung bastusin ko si Jane? Ikaw na mismo nagsabi asawa ko s'ya kaya kahit anong gusto kong gawin sa kan’ya gagawin ko!” 

Nakaramdam ako ng parang pinipiga ang puso. Ang sakit. Ang sakit sakit ng mga salita mo, Blaze. 

“Wala kang respeto, Blaze. Kung tutuusin sino ka ba para utusan ang asawa mo? eh nasa'n ka ba no’ng panahong kailangan na kailangan ka n'ya? wala kasi kakauwi mo lang naman ngayong araw ‘di ba? Apat na araw kang hindi nagpakita.” 

Marahan akong napatingin kay Yaya. “Yaya?” Napahinga ng malalim si Yaya Mina bago ako pagtuunan ng pansin. 

“Nak, pasensya na kung nakapagsinungaling ako sayo, ayoko lang na mag-alala ka pa dahil hindi umuwi si Blaze ng ilang araw.” Napalunok ako at napatingin kay Blaze. Habang nasa ospital ako nagpapahinga akala ko nandito si Blaze sa bahay pero wala rin pala s’ya.

“nasa'n ka sa loob ng apat na araw?” kalmado kong tanong. 

“Bakit ko naman sasabihin sayo?” matapang n'yang tugon. Napapikit ako sandali atsaka s'ya sinagot. 

“Blaze, asawa mo ako. Karapatan kong malaman,” ani ko. Tumawa s'ya. 

“Ayy oo nga pala nand'yan ka pa pala. Anyway nasa bahay ako ng kabit ko, akala ko kasi wala akong asawa, sorry akin.” Pabalang n'yang sagot.

Bahagya kong naikuyom ang kamao ko dahil sa pagpipigil na umiyak. Ibig sabihin apat na araw silang magkasama nong babaeng kausap n'ya sa phone? 

“Nagpapakasaya ka hindi mo alam si Jan–” 

“Yaya…” agad kong putol sa kan’ya. Napalingon s'ya sa 'kin napabuga na lang ng hininga. Gusto kong itago na lang kay Blaze ang nangyari na naospital ako dahil ano pang sense nang pagsabi wala rin naman s'yang pakialam sa 'kin. 

“Kung okay lang po kayo na lang muna ang maghanda ng pagkain ni Blaze, magpapahinga na po muna ako,” pakiusap ko. Tumango na lang si Yaya at naglakad na papuntang kusina. Naiwan naman kami ni Blaze. Napatigin ako sa pisngi n'ya na sinampal ni Yaya. 

Akmang hahawakan ko na sana ang pisngi n'ya nang hawiin n'ya ang kamay ko.

"H'wag mo akong hahawakan." Pagbabanta n'ya at nauna nang umakyat sa 'kin. Pinagmasdan ko s'ya habang papalayo sa 'kin. 

Napahinga ako ng malalim atsaka tuluyan nang tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Pinahid ko 'yon bago umakyat papunta sa kwarto ko kaso parang may sariling utak ang mga luha ko, hindi sila nagpapaawat sa pagdaloy.

Imbis na dumeretso ako sa kama, umupo ako sa tapat ng salamin ko. Pinakatitigan ko lang ang sarili. 

Ano pa ba ang hinahanap mo, Blaze? Nandito naman ako handa naman kitang mahalin katulad ng pagmamahal na binigay sayo ni Gizelle, pero bakit hindi mo ako matrato ng maayos? Bakit paulit-ulit mo lang akong sinasaktan? Natutuwa ka bang makita na nalulunod ako sa mga luhang ilang libong beses nang tumulo?

Simula't sapul lahat ng gusto ko nakukuha ko kahit ano pa 'yan, kahit mamahaling laruan hanggang sa lumaki ako mga mamahaling damit, sapatos, bag at kung ano-ano pang luho nasa 'kin na. 

Akala ko nga no'ng pati ang lalaking mahal ko ay napasa'kin na akala ko magiging masaya na ako pero sa 'kin lang pala s'ya sa papel ngunit pagdating sa puso? naiwan pa rin ang pagmamahal n'ya sa babaeng kamukha ko.

Ito na siguro 'yong kapalit nang pagpipilit ko na mapasa'kin s'ya. Sa lahat ng klase ng pagmamahal ang ginawa ko pa talaga ay 'yong pagmamahal na pinipilit. 

Kasalanan ko rin naman ang lahat kung bakit ko 'to nararanasan pero kaya ko lang nagawa 'to dahil mahal na mahal ko si Blaze atsaka nagbabakasakali ako na kapag kasal at nagsasama na kami matututunan n'ya na rin akong mahalin pero maling mali pala talaga.

"Ang tagal mo nang wala pero 'yong puso ni Blaze, nasa sa'yo pa rin," mahina kong sabi sa tapat ng salamin. 

Pinahid ko ulit luhang lumandas sa pisngi ko. Tumayo na ako at lalakad na sana para humiga sa kama nang biglang may kumatok sa pinto ko. 

"Pasok po," wika ko. Sakto namang si Yaya Mina pala 'yon na may dala-dalang tray ng pagkain.

"Oh, anak kumain ka muna bago matulog. Sigurado akong na-miss mo 'tong lugaw na gawa ko."

Napangiti naman ako. Totoo sobrang na-miss ko ang lutong lugaw ni Yaya sobrang sarap kasi. 

"Thank you, Yaya! Kahit pinapakain ako sa ospital wala pa ring tatalo sa luto n'yo." 

"Aba, nambola ka pa talaga ah, haha!" an'ya. Sumubo naman na kaagad ako dahil hindi na gano'n kainit ang lugaw. Kabisado na talaga ni Yaya ang gusto ko pati init ng pagkain alam n'ya na.

"Ang sarap po talaga!" tuwang-tuwa kong wika atsaka ulit sumubo.

"Kumusta ka na pala? may mga pinapainom ba sayo ang Doctor mo?" umiling naman ako. 

"Wala po, sabi lang n'ya ay umiwas ako sa mga pagkaing makaka-trigger ng sakit ko." Pagpapaliwanag ko kay Yaya. Tumango naman s'ya atsaka hinaplos ang buhok ko. 

"Sobrang dami mo nang pinagdaanan anak, sigurado ka bang gusto mo talaga magnatili sa tabi ni Blaze?" kalmado n'yang tanong. 

"Kasal po kami at nangako ako sa harap ng Panginoon na kahit gaano pa kahirap ang sitwasyon hinding-hindi ko iiwan at bibitawan si Blaze." 

Hinawi ni Yaya ang takas na buhok ko at isinabit 'yon sa tenga bago hawakan ang dalawa kong pisngi. 

"Sobrang tapang mo, Jane. Sa totoo lang deserve mo ang lalaking ipaparamdam sayo na sayo lang umiikot ang mundo n'ya pero kung 'yan talaga ang desisyon mo, nandito lang ako sasamahan kita." 

Napakagat labi ako dahil nararamdaman ko na naman ang namumuong luha sa mata ko. Ayokong ipikit kahit sandali ang mata ko dahil anumang oras tutulo ang mga 'yon.

"Sige na, pagkatapos mo kumain ilagay mo lang sa lamesa mo aakyat na lang ako mamaya para kuhain. Bawiin mo ngayon  'yong pahinga na hindi mo nakuha sa ospital,  okay?" 

Tumango-tango ako. 

Sobrang bait ni Yaya Mina hindi ko tuloy maisip na paano kung wala s'ya dito. 

Tumayo na s'ya ng kama at lumakad na papunta sa pinto. Patuloy lang ako sa pagkain nang mapansin ko gilid ng mata ko na napahinto si Yaya kaya lumingon na rin ako sa kan'ya.

"Blaze..." an'ya.

Nabitawan ko ang kutsarang hawak-hawak ko. 

"Kanina ka pa ba d'yan?" nag-aalangang tanong ni Yaya.

"Anong pinag-uusapan n'yong ospital?" seryosong tanong ni Blaze habang nagpapalipat-lipat sa 'kin at kay Yaya ang tingin n'ya.

Biglang kumabog ng malakas ang puso ko. Hindi n'ya dapat malaman.

"Ah, 'yon--"

"Hindi mo alam kasi wala ka dito no'ng may nangyaring masama ka--"

"Yaya Mina," pagpapahinto ko sa kan'ya pero hindi s'ya lumingon sa 'kin bagkus pinagpatuloy n'ya lang ang sinasabi n'ya.

"May nangyaring masama kay Jane," 

Napansin ko naman ang pagsalubong ng kilay ni Blaze.

"Naospital s'ya no'ng araw na nagluto s'ya ng Carbonara para sana sa almusal mo."

Bigla naman nawala ang pagkunot ng noo ni Blaze at napalitan 'yon ng ngisi.

"Mabuti pala at hindi ako kumain, edi nalason din sana ako." 

Nanatili lang akong tahimik habang pinapakinggan sila.

"Walang lason ang niluto ni Jane," muling wika ni Yaya.

"Kung wala, bakit s'ya naospital?" pangangatwiran ni Blaze.

"Kinain n'ya ang carbonara na niluto n'ya dahil ayaw n'yang masayang 'yon." 

"Ahh okay. Oh, at least nakauwi na ang anak-anakan mo, hindi s'ya tuluyang namatay."

Bigla namang nag-flashback lahat ng nangyari no'ng araw na halos mamatay na ako. 

"Jane!" Natatarantang tawag sa 'kin ni Yaya nang makita n'yang nanghihina na ako at halos hindi na makahinga.

Lumapit s'ya sa 'kin at agad akong inalalayan.

"U-ubos ko na 'yong p-pagkain, Yaya," ani ko ng nanghihina atsaka tinuro sa kan'ya ang platong simot ang laman.

"Jane, ano ka ba! Asan ang gamot mo?" saway n'ya sa 'kin at agad sumigaw ng tulong. Naglapitan naman kaagad ang iba naming maid. 

"U-ubos na po," tugon ko.

"Tawagin n'yo si Alberto!" natatarantang sigaw ni Yaya. Ilang segundo lang ang lumipas dumating na si Kuya Alberto at agad akong binuhat pasakay sa kotse.

"Anak…" nanginginig na tawag sa 'kin ni Yaya habang hinahaplos ang buhok ko. 

Sobrang lakas na nang pagsinghot ko ng hangin dahil hindi na talaga ako makahinga. 

"Alberto bilisan mo naman!" natatarantang utos ni Yaya.

Lampas sampung minuto lang ay nakarating na kami sa pinakamalapit na ospital. Pinasok kaagad ako sa emergency room. Habang nakahiga, hindi ko na makita ng maayos ang lahat kahit mga Nurse at Doctor hindi ko na makita ang mukha, blurred na lahat. 

May sinabi ang Nurse na kung ano ngunit pati boses n'ya sobrang hina na hindi ko na marinig ng maayos.

Doble-doble na ang nararamdaman ko, hindi na ako makahinga at sobrang sakit na ng tiyan ko dahil sa kakasuka kanina.

Makalipas ang ilang oras nagising na lang ako na nasa isang kwarto na ako. May dextrose ako at nakita ko si Yaya na nakapatong ang ulo sa kama ko. Mukhang nakatulog s'ya.

Tahimik lang ako na nakatitig sa kisame hanggang sa bumukas ang pinto at niluwa non sina mommy at daddy.

"Anak…" tawag sa 'kin ni Mama atsaka lumapit. "Jusko mabuti ay gising ka na!"

Nagising naman bigla si Yaya. "Ma'am, Sir," tawag n'ya atsaka tumayo para ialok ang upuang inuupuan n'ya.

Tumango at ngumiti naman sa kan'ya sina mommy.

"Kumusta na s'ya? Anong sabi ng Doctor?" tanong ni Mommy kay Yaya. 

"Ayos na raw po s'ya, nabigyan na rin s'ya ng gamot para mapahinto 'yong pagsusuka at paninikip ng dibdib n'ya kailangan n'ya na lang magpahinga." 

"For how many days?" tanong muli ni Mommy.

"Depende pa raw po pero sabi ng Doctor usually 3-4 days bago s'ya makalabas." Tumango si Mommy at binalingan ako ng tingin.

"Kumusta na ang pakiramdam mo, anak?" Kitang kita ko sa mata n'ya ang pag-aalala.

"Medyo ayos naman na po." Tila nakahinga naman ng maayos si Mommy. Napalingon-lingon s'ya sa loob ng kwarto ko maya-maya ay nagtanong ulit.

"nasa'n si Blaze?" 

Nagkatinginan naman kami ni Yaya.

"Ah, n-nasa trabaho n'ya pa po," kinakabahan kong sagot.

"Hindi mo tinawagan, Yaya?" takang tanong ni Mommy kay Yaya. Bumalik naman sa 'kin ang mata ni Yaya.

"Ah, Mommy ako po ang nagsabi kay Yaya na h'wag na tawagan kasi ayokong mag-alala si Blaze."

"Anong h'wag mag-alala? Kailangan n'ya malaman 'to anak, asawa mo s'ya." 

She was about to call Blaze when I stopped her right away.

"Mom, please…" pagmamakaawa ko. Napatingin s'ya sa 'kin. 

"Yaya Mina, kapag umuwi ka at nagtanong si Blaze just tell him na mags-stay muna ako kina Mommy for 4 days." Tumango-tango naman si Yaya habang si Mommy ay nakakunot ang noo.

"What do you mean, Janery?" 

Mas lalo akong kinabahan nang si Daddy na ang nagtanong at tinawag pa talaga ako sa buo kong pangalan.

"Daddy kasi alam naman natin ang trabaho ni Blaze. Baka may mission s'ya ayokong makaistorbo," pagpapaliwanag ko.

"Hindi ako papayag sa katwiran mo, Jane. We should tell him at least." Pamimilit ni Mommy sa 'kin pero umiling lang ako at muling nagmakaawa, sa huli naman ay napapayag ko sila.

Umuwi na rin si Yaya dahil sina Mommy na raw muna ang mag-aalaga sa 'kin. 

Nagpapalit-palitan sina Mommy at Daddy sa pagbabantay sa 'kin sa loob ng apat na araw. At no'ng sinabi na ng Doctor ko na p'wede na akong umuwi hindi na ako nagpahatid kina Mommy bagkus si Manong Alberto na lang ang pinapunta ko. Kailangan din nina Daddy magpahinga.

"Palibhasa nasasabi mo 'yan kasi wala kang alam tungkol kay Jane!" muli na namang tumaas ang boses ni Yaya.

"Yaya…" pagpapahinto ko sa kan'ya.

"Alam mo bang may sakit si Jane?" tanong n'ya kay Blaze. Napapikit-pikit naman si Blaze na tila nag-iisip pero sa mapang-asar na pamamaraan.

"Muntik ng mamatay si Jane matapos n'yang ubusin 'yong carbonara na niluto n'ya!"

"Tapos?" walang ganang sabi ni Blaze.

"May Celiac Disease s'ya, Blaze. Dahil inubos n'ya kasi ayaw n'yang masayang 'yong pagkain, na-trigger 'yong sakit n'ya. Nahirapan s'yang huminga at panay ang suka, bilang asawa n'ya nasa'n ka no'ng araw na muntik na s'yang mag-agaw buhay? Wala! Kasi nando'n ka sa ibang babae mo nagpapakasarap!" 

Tumulo na naman ang luha ko at napatitig na lang ako sa kanilang dalawa. Hindi naman makapagsalita si Blaze dahil pupusta ako wala naman s'yang pakialam kaya bakit pa s'ya magsasayang ng laway para lang magsalita.

Sa loob ng dalawang taon namin bilang mag-asawa never pinaramdam sa 'kin ni Blaze na nararapat ako para sa pagmamahal n'ya.

Dumako sa 'kin ang tingin ni Blaze, tinitigan n'ya lang ako bago bitawan ang door knob at akmang aalis na sana nang wala man lang sinasabi kaso biglang nagsalita ulit si Yaya Mina.

"Kaya Blaze kung may bayag ka talaga magpakalalaki ka, respetuhin mo ang asawa mo at pahalagahan s'ya." 

Pagdating ng gabi ay bigla akong nagising mabuti na lang ay alas siyete pa lang ng gabi. Bumaba kaagad ako at nagtanong kay Yaya kung kumain na ba si Blaze. 

"Hindi pa, hindi pa nga bumababa 'yon ng kwarto simula pa kanina." 

Bigla naman akong nag-alala kahit pala merienda hindi s'ya kumain.

"Sige po Yaya ako na ang magdadala ng pagkain n'ya sa taas,"

Kumunot ang noo n'ya. "Sigurado ka? Kumain ka na lang dito ako na ang magdadala."

"Hindi ako na po, kakausapin ko rin kasi s'ya."

"O s'ya sige," 

Kumuha na ako ng pagkain at agad na umakyat. Kumatok muna ako pero walang sumasagot kaya pumasok na lang ako. 

Tulog s'ya.

Lumapit ako sa kama n'ya at inilapag ang pagkain sa katabing lamesa. Tinitigan ko s'ya at sa hindi ko malamang dahilan bigla akong napangiti. 

"Magtitiis ako Blaze dahil mahal na mahal kita." I kissed his cheeks at lumakad na papalapit sa pinto.

Hindi pa man ako nakakarating ng bigla akong may napansin na litrato na nakadikit sa salamin. Lumapit ako doon at nakita kong picture nila 'yon ni Gizelle.

Muli ko na naman tuloy naalala kung paano kami ikinasal ni Blaze kahit hindi ako ang tunay n'yang mahal.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status