CHAPTER THREE
"Hindi maso-solve nito ang problema mo. Kailangan mong tanggapin, Jane."
"Ang alin? na hindi na ako kailanman mamahalin ni Blaze? Ito lang ang nag-iisang paraan na alam ko para matanggap n'ya ako."
"Kung mamahalin ka man n'ya, mas magandang tanggapin ka n'ya sa kung ano ka," muling katwiran n'ya.
"Hindi mo ba talaga ako kayang tulungan?"
Napahinto naman s'ya sandali at napabuga na lang ng hangin.
"You really want to change your face for him to marry you?" Muli n'yang tanong.
"To change my whole self, not just my face." Pagtatama ko sa sinabi n'ya.
Kita ko naman ang panghihinayang sa mukha n'ya.
"You know what, Jane, there's someone na handa kang tanggapin sa kung ano ka, 'yong buong buo na ikaw. Kailangan mo lang s'yang pakinggan."
Napatingin ako sa kan'ya. "I'm sorry pero wala akong paki sa iba dahil si Blaze ang gusto ko. I want him to love me the way he loves Gizelle."
"But you're not Gizelle." Deretso n'yang sabi.
"That's my point, Solomon. That's why I want to change myself, I want Blaze to see me as Gizelle." Tuluyan nang tumulo ang luha na kanina ko pa pinipiglan.
Napailing-iling si Solomon na parang disappointed sa sinabi ko. "You got the wrong idea about love, Jane."
"I don't care, as long as it's for Blaze," sagot ko. "Ano tutulungan mo ba ako o hindi? Kasi kung hindi maghahanap na lang ako ng ibang Doctor." Dugtong ko pa.
"Fine.I'll help you." Pilit n'yang sagot. Napangiti naman ako.
"Thank you, Solomon. Aasahan kita sa kasal ko ah? Alam mo naman ang favorite song ko, I want you to sing that for my wedding."
Kasalukuyan na ako ngayong nakaupo at nakaharap sa salamin. Pinagmamasdan ko lang ang sarili kong repleksyon sa salamin.
Maganda naman ako, pinaghalong mukha ni Mommy at Daddy ang nakuha ko. When I was in Elementary, palagi akong sinasali nina Mommy sa contest at palagi rin akong nananalo.
A lot says that I have the beauty and the brain which is hindi maipagkakailang totoo. Kay Mommy ko nakuha ang ganda at kay Daddy naman ang talino.
Akala ko kapag palagi akong nananalo sa beauty pageant ako na ang pinakamaganda sa buong school pero mali ako. There's this girl named Gizelle and she's the girl that Blaze loves and not me.
Totoong maganda s'ya pero not famous as me. Girly rin ako which is preferred ng iba kong kilalang lalaki while Gizelle, she's kinda boyish. Matalino rin daw s'ya base sa mga natatanong kong estudyante, s'ya raw ang 1st honor sa section nila.
She has the beauty and brain too just like me ngunit ang pinakalamang n'ya sa 'kin, s'ya ang mahal ng lalaking mahal ko.
"Ang ganda niyo naman po," wika ng babaeng magmi-make up sa 'kin. Ngumiti ako sa kan'ya sa repleksyon n'ya sa salamin.
Kinuha ko ang phone ko at iniharap 'yon sa kan'ya. "s'ya, maganda ba?"
Tila napaisip naman s'ya. "Opo, pero mas maganda ka pa rin po," nakangiti n'yang sagot. Pilit naman akong napangiti at itinaob ang cellphone sa lamesa.
Nagpatuloy na s'ya sa pagmi-make up sa 'kin nang muli s'yang magsalita. "Nakakatakot naman po kayong make up-an,"
Kumunot ang noo ko. "Ha? bakit naman?" nalilito kong tanong.
"Ang kinis-kinis niyo po tapos parang unting diin lang mababasag kayo. Sobrang swerte po siguro ng mapapangasawa niyo po dahil kayo ang magiging asawa n'ya."
Napatigil ako at napatitig na naman sa mukha ko. Hindi naman ako ang tinutukoy n'ya.
"Thank you." 'Yan na lang ang tangi kong naisagot.
Matapos ang ilang minuto tapos na ang make up at buhok ko. Magpapalit na lang ako ng wedding gown.
Kasama ko si Mommy para tulungan akong magpalit. Habang isinusuot 'yon naalala ko na naman kung paano ko napapayag si Blaze na magpakasal sa 'kin.
Ang family ko at family ni Blaze ay nagsama-sama sa diner para pag-usapan ang kasal namin ni Blaze. When they were about to set the date of our wedding agad tumutol si Blaze.
"Hinding-hindi ako magpapakasal sa kan'ya hangga't hindi s'ya si Gizelle!" Umalingawngaw sa buong pasilyo ang boses ni Blaze.
Gulat kaming lahat na nakatingin lang sa kan'ya. Kitang kita ko sa mukha n'ya ang pandidiri sa 'kin, para n'ya akong pinahiya sa buong pamilya ko at pamilya n'ya.
"Blaze! Maghunos-dili ka nga!" Sigaw sa kan'ya ng kan'yang ama.
Pagkatapos n'yang tingnan ang kan'yang ama, lumipat sa 'king ang matatalim n'yang titig. Parang isang malaking sampal sa buong pagkatao ko ang sinabi n'ya, at dahil sa sampal na 'yon natauhan ako na kahit anong pagpapaganda ang gawin ko hinding-hindi n'ya ako mamahalin.
That's when I decided to undergo plastic surgery at si Solomon ang gumawa no'n sa 'kin.
"Ayan! Ang ganda-ganda talaga ng anak ko!" tuwang-tuwa na wika ni Mommy habang pinagmamasdan ako sa puti kong gown.
"Bagay na bagay talaga sayo, anak. Sobrang ganda mo manang-mana ka sa 'kin." Lumapit s'ya at n'yakap ako ng mahigpit.
"Pero hindi na ito ang totoong mukha ng anak niyo," mahina kong bigkas. Bumitaw sa pagkakayakap sa 'kin si Mommy at hinawakan ang dalawa kong balikat atsaka ako tinignan sa mga mata.
"Kahit magmaskara ka pa, mukha mo lang ang nakikita ko anak. Kahit mabulag ako, habang-buhay nang nakatanim sa utak ko kung gaano kaganda ang mukha ng anak ko."
Hindi ko naman napigilang maluha. Mommy was the sweetest of all. Alam na alam n'ya talaga kung paano ako aluin.
"Chin up anak, hindi ka namin pinalaking gan'yan ng Daddy. Akuin mo ang araw na 'to, you are the most gorgeous girl today."
"Ngayon lang?" pagbibiro ko. Tumawa naman si Mommy.
"You will be forever our prettiest daughter, always remember that, okay?"
Tumango-tango naman ako.
Dumating na ang oras kung saan nakatayo na ako sa tapat ng nakasarang pinto ng simbahan. Nakahanda na ang lahat sa seremonyas ng kasal habang ako ito sobrang kinakabahan.
Kinausap ako sandali ng wedding organizer at ilang segundo lang dahan-dahan nang bumukas ang pinto. Kumapit ako sa braso ni Daddy at sinabayan n'ya lang ako sa paglalakad.
"H'wag kang kabahan, Daddy will always there for you," bulong n'ya.
Huminga ako ng malalim at ibinigay ang totoong ngiti na kaya kong ipakita. Tama si Mommy today is my day, I should bloom here as a new and beautiful flower dahil paglabas ko mamaya ng simbahan ganap na akong Mrs. Aragon.
Nagpatuloy ako sa paglalakad habang katabi ko lang si Daddy. Tumitingin ako sa paligid at lahat sila nakangiti habang pinapanood ako. May iba na kumukuha ng litrato, may iba na nakangiti lang habang ang malalapit naman sa 'kin ay naiiyak na.
Hinatid na ako ni Daddy sa altar at ibinigay ang kamay ko kay Blaze. Ngumiti ako sa kan'ya habang s'ya ay pilit lang na ngumiti.
Nagsimula na ang seremonyas hanggang sa i-announce na ni Father ang pinakahihintay ng lahat.
"I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride!"
Humarap ako sa kan'ya at gano'n din s'ya sa 'kin. Hinawakan n'ya na ang laylayan ng belo ko at dahan-dahan na 'yong inangat.
Naalala ko bigla no'ng nagtanong ako kay Mommy kung ano ba talaga ang purpose ng belo and she just answer "It is wrapped from head to toe of bride to represent the delivery of an untouched maiden and also to hide her away from evil spirits who might want to take her happiness,"
Nakatingin lang ako sa mga mata ni Blaze habang s'ya ay nakatingin lang sa likod ko. Ngumiti na lang ako dahil ayokong masira ang dapat masayang araw na 'to.
Hinawakan n'ya na ang magkabilang pisngi ko at dahan-dahan nang lumapit sa mukha ko. Napapikit na lang ako hanggang sa maramdaman ko na ang pagdampi ng labi n'ya, sa gilid ng labi ko.
Agad na s'yang humiwalay at humarap sa maraming bisita namin na nagpapalakpakan na at ang iba pa ay humihiyaw lalo na ang mga pinsan ko.
Pinilit kong ngumiti pero hindi ko naiwasang maluha. Pumatak ang luha ko kaya marahan ko 'yong pinunasan dahil ayokong masira ang make up ko.
Tapos na ang ceremony kaya kanya-kanyang picture na. Pagkatapos ay dumeretso na kami sa reception.
Kumain at sa huli ay ang sayaw na naming dalawa ni Blaze.
Tumayo s'ya at naglakad na sa gitna habang ako ay papatayo pa lang. May iilang nakapansin sa inasta ni Blaze pero ngumiti na lang ako at excited na pumunta sa gitna kung nasa'n si Blaze.
We practice this dance a million times bago pa mangyari ang totoong kasal. Sana hindi na kami magkamali ngayon haha.
"I hope we dance this perfectly," wika ko kay Blaze pero hindi man lang s'ya sumagot o kahit tingnan lang ako.
Inilagay ko na ang kaliwang kamay ko sa balikat n'ya habang ang kanang kamay n'ya naman ay nasa bewang ko na. Parehas nang magkahawak ang kanan at kaliwa naming kamay.
Nagsimula na kaming sumayaw at doon ko lang napansin ang kanta. It was my favorite song.
If I had to live my life without you near me
The days would all be empty
The nights would seem so long
With you I see forever, oh, so clearly
I might have been in love before
But it never felt this strong
Pinapakinggan ko lang ang kanta hanggang sa mapalingon ako sa kung sinong kumakanta. Hindi ko mapigilang mas mapangiti nang makita kung sino 'yon, it was Solomon. He's also looking at me with a smile on his face.
He's really a good singer and at the same time a plastic surgeon. Napaka-talented.
Our dreams are young and we both know
They'll take us where we want to go
Hold me now, touch me now
I don't want to live without you
Nakatitig lang din sa 'kin si Solomon habang patuloy sa pagkanta. Nginitian ko s'ya at ibinaling na ulit ang tingin kay Blaze. Ngayon ko lang nahuli na nakatingin din sa 'kin ang asawa ko hanggang sa marahan n'ya akong iikot dahil kasama 'yon sa steps ng aming sayaw.
Nothing's gonna change my love for you
You oughta know by now how much I love you
One thing you can be sure of
I'll never ask for more than your love
Nang medyo bumagal na ulit ang kanta ay bumagal na rin ang steps ng aming sayaw. Nakatingin pa rin sa mga mata ko si Blaze pero plain lang ang mga 'yon. Nakaramdam ako ng pagkailang kaya muli kong tinignan si Solomon na kumakanta. A smile formed in my lips at nagsalita ako sa hangin "ang galing mo," sabi ko sa kan'ya.
If the road ahead is not so easy
Our love will lead the way for us
Like a guiding star
I'll be there for you if you should need me
You don't have to change a thing
I love you just the way you are
Patuloy lang s'ya sa pagkanta habang pinapanood ako.
Bigla naman akong inikot ni Blaze at pinaliyad ngunit nakaalalay naman ang kamay n'ya sa likuran ko. Wala 'yon sa steps kaya gulat na gulat akong napatingin sa kan'ya. Walang emosyon ang mata n'yang nakatingin lang din sa 'kin.
Nagpanggap ako na parang wala at nagpatuloy lang sa pagsayaw.
Nothing's gonna change my love for you
You oughta know by now how much I love you
One thing you can be sure of
I'll never ask for more than your love
Natapos ang sayaw nang muling magsigawan ang mga bisita.
"Kiss!"
"Kiss!"
"Isa pang kiss!"
Umiling-iling ako at sinabing h'wag na, nang bigla na lang akong iharap ni Blaze sa kan'ya. Inilagay ni Blaze ang kanan n'yang kamay sa pisngi ko habang ang kaliwa ay nasa bewang ko atsaka lumapit sa mukha ko at hinalikan ako. Naputol ang paghinga ko nang maramdamang sa labi ko mismo dumikit ang labi n'ya at bahagya n'ya pang diniinan ang likod ko para mas lumapit ako sa kan'ya. Ilang segundo pa ang lumipas naramdaman ko na ang paggalaw ng labi n'ya.
Napahigpit ang pagkapit ko sa tuxedo n'ya dahil hindi ko inaasahang hahalikan n'ya ako ng ganito sa harap ng maraming tao.
Hindi ako gumanti sa halik n'ya hanggang sa humiwalay na ang labi n'ya sa labi ko. Akala ko lalayo na s'ya ng tuluyan pero pinagdikit n'ya ang noo naming dalawa at tinitigan ako sa mata. Para akong naduduling dahil sa sobrang lapit naming dalawa.
"I love you," bulong n'ya atsaka ulit ako hinalikan ng mabilis at tuluyan nang lumayo.
Napatulala ako habang ang lakas na ng hiyawan ng mga bisita sa aming dalawa. Gulat na gulat ako, tama ba 'yong narinig ko? Sinabihan n'ya ako na mahal n'ya ako? Tama ba o panaginip lang 'to?
Pasimple kong kinurot ang braso ko pero nang makaramdam ako ng hapdi napangiwi ako. Totoo nga 'to! Hindi ako nananaginip! Hindi rin naman ako nabibingi 'di ba? Tama naman 'yong narinig ko 'di ba?
Buong oras ng reception nakangiti lang ako dahil hindi pa rin ako maka-move on sa ginawa ni Blaze.
Ilang oras pa ang lumipas natapos na ang pinasakay na kami sa kotse kung saan uuwi na kami ni Blaze sa bahay namin. Pagsakay ko sa kotse tumingin ako sa labas ng bintana at nagpaalam sa lahat ng bisita.
This is truly my best day ever.
Pinaandar na ni Blaze ang kotse hanggang sa makalayo na kami.
Tahimik lang kami sa loob at sa totoo lang nakakailang. Hindi ko alam paano ako magsisimulang magsalita. Kukumustahin ko ba s'ya kung anong pakiramdam nang ikasal sa 'kin?
"I love you too," bigla kong wika sabay lingon kay Blaze. Mabilis namang napapreno si Blaze. Muntik na akong tumilapon sa harapan mabuti na lang at naka-seatbelt ako.
"Bakit?" nag-aalala kong tanong.
Huminga s'ya ng malalim bago ako tinignan.
"Ilagay mo 'to sa kukote mo, nasabi ko lang ang salitang 'yon kanina dahil akala ko ikaw si Gizelle, nawala sa isip kong ikaw pala si Jane." Deretso n'yang sabi at umiwas na ng tingin sa 'kin para magpatuloy sa pagmamaneho.
Bigla akong nakaramdam ng pagtusok sa puso ko. Ang sakit. Anong ibig sabihin non? Nadala lang s'ya ng damdamin n'ya dahil akala n'ya ako si Gizelle? He kissed me that way dahil akala n'ya si Gizelle ang nasa harapan n'ya?
Napatulala ako sa harapan.
"Don't get me wrong, nagpakasal ako sayo hindi dahil kamukha mo na si Gizelle kundi para manahimik na ang mga magulang natin. Kahit pagbali-baliktarin mo man ang utak ko, si Gizelle pa rin ang mamahalin ko. s'ya at s'ya lang.Apelyido ko lang ang gamit mo pero kahit kailan hindi mo ako magiging pagmamay-ari"
Napahigpit ako nang kapit sa gown ko.
Bakit pagkatapos ng saya palaging may lungkot? Bakit kapag inakala ko ang isang bagay paasa lang pala talaga? Bakit ba hindi ako p'wedeng sumaya? Bakit ba hindi p'wedeng ako naman, Blaze?
Pagkarating namin sa bahay, dumeretso lang s'ya sa kwarto n'ya at hindi na muling lumabas. Kinabukasan nauna s'yang nag-almusal at umalis na rin kaagad nang hindi man lang ako sinabihan.
Lumipas ang araw,linggo,buwan hanggang sa gano'n na ang naging cycle ng buhay namin sa loob ng dalawang taon na pagiging kasal.
"Anong ginagawa mo dito?"
Bigla akong nataranta at agad na naibalik ang litrato nilang dalawa ni Gizelle sa salamin.
"Ah, eh, dinala ko lang 'yong diner mo." kinakabahan kong tugon.
Napatingin naman s'ya sa lamesang nasa gilid n'ya. "Ikaw ang nagluto nito?"
Umiling ako. "Si Yaya Mina."
"Sige, pwede ka nang umalis."
Ngumiti lang ako sa kan'ya at tuluyan nang lumabas ng kwarto n'ya.
Sa araw-araw na ginawa ng Maykapal hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na darating ang panahon na ako naman, ako naman ang mamahalin ni Blaze.
PROLOGUEUpon looking at her face she is really pretty and no doubt why he loves her so much. Her eyes, nose, lips, hair, she's almost perfect.I can feel her breathing, I can see her every time she blinks and every time she gulps. I can see her very clearly.She almost had all that I wanted. But why is she looking at me with sad eyes?"Hinding hindi ko dapat pagsisihan ang bagay na 'to," bulong ko sa sarili.I looked at her again and she was also looking at me. I smiled then she smiled too. I breathed, then she did what I also did. I removed my gaze at her and looked at the picture frame beside me, she looked at it also.
CHAPTER ONE"Kailan ka ba uuwi?" bulong ko sa kawalan habang pinagmamasdan ang labas ng aming bahay mula dito sa veranda ng aking kwarto.Bahagya akong napayakap sa 'king sarili nang maramdaman ko ang malamig na hanging dumampi sa 'king balat.Madaling araw na ngunit hindi pa rin s'ya umuuwi. Ganito na lang ang palagi naming pinagtatalunan pero sa huli ako lang rin ang talo."Hindi na ako bata at isa pa hindi naman kita sinabihang antayin ako makauwi. Uuwi ako kung kailan ko gusto."Gan'yan ang palagi n'yang katwiran. Nananahimik na lang ako at sa susunod na gabi ay aantayin muli s'ya katulad ngayon.
CHAPTER TWO“Oh, himala at umuwi ka pa? Dapat nag-stay ka na lang sa bahay ng mama at papa mo,” bungad na sabi sa 'kin ni Blaze pagkapasok na pagkapasok ko ng bahay. Hindi na lang muna ako kumibo at dumeretso na paakyat ng hagdan.Medyo pagod at nanghihina pa ang katawan ko, mabuti na nga lang ay napakiusapan ko na ang Doctor ko na kung p’wede ay umuwi na ako. HIndi rin kasi ako gano’n makapagpahinga sa ospital. It’s been four days since ma-confine ako.“Ah, gano’n? Dinadaan-daanan mo na lang ako ngayon?” halata sa boses ni Blaze ang pagkairita dahil sa ginawa ko. Napahinga ako nang malalim bago s'ya lingunin.“Pagod lang ako, Blaze, let me rest first,” mahina kong tug