CHAPTER ONE
"Kailan ka ba uuwi?" bulong ko sa kawalan habang pinagmamasdan ang labas ng aming bahay mula dito sa veranda ng aking kwarto.
Bahagya akong napayakap sa 'king sarili nang maramdaman ko ang malamig na hanging dumampi sa 'king balat.
Madaling araw na ngunit hindi pa rin s'ya umuuwi. Ganito na lang ang palagi naming pinagtatalunan pero sa huli ako lang rin ang talo.
"Hindi na ako bata at isa pa hindi naman kita sinabihang antayin ako makauwi. Uuwi ako kung kailan ko gusto."
Gan'yan ang palagi n'yang katwiran. Nananahimik na lang ako at sa susunod na gabi ay aantayin muli s'ya katulad ngayon.
Alam ko ang trabaho ni Blaze at napakadelikado non kaya hindi n'ya ako masisising hindi mag-alala para sa kan'ya.
Mahal ko s'ya at ayokong may mangyaring masama sa kan'ya.
Muling umihip ang malamig na hangin kaya napagdesisyonan kong sa loob na lang ng kwarto mag-antay. Lumakad ako at umupo sa kama. Kinuha ko ang aking cellphone para i-check kung may text man lang ba sa 'kin si Blaze doon ngunit ni isa wala.
Blaze never messaged or replied to my messages since we got married, even once. Hindi ko nga alam kung naka-save nga ba sa cellphone n'ya ang number ko o hindi kaya hindi rin s'ya nagte-text.
[Pauwi ka na ba?] Akmang ise-send ko na 'yon nang agad kong mapigilan ang sarili. Ayokong pag-uwi n'ya magalit na naman s'ya sa 'kin dahil pinapakialaman ko na naman s'ya.
Nag-scroll na lang muna ako sa social media para libangin ang sarili nang masaktuhang may memory pala ako ngayong araw sabi ni F******k. I checked it and it was our photo.
1st date namin ni Blaze.
Naka-couple shirt kami na color violet because that's my favorite color. Nakakatuwang isipin na napilit ko s'yang gawin ang bagay na 'to, nagalit pa s'ya pero pumayag din naman kalaunan.
Nasa Enchanted kingdom kami nito at nakisuyo lang ako na picture-an kami ng isang ale.
"Ngumiti ka naman," bulong ko sa kan'ya bago ko ikinapit ang braso ko sa braso n'ya.
Pagkatapos kaming mapicture-an ng ale ay bumulong s'ya sa 'kin.
"Ang cute cute niyo hija, nakakatuwa kasi napakamahiyain ng boyfriend mo."
Hindi ko talaga alam kung anong sasabihin ko sa sinabi n'ya kaya tumawa na lang ako at nagpasalamat.
"Hindi talaga s'ya marunong makinig sa 'kin," wika ko at marahang zinoom ang picture n'ya. Nakasimangot s'ya sa lahat ng pictures n'ya.
"I-share ko kaya? Should I tag him?" nagdadalawang-isip kong sabi pero sa huli ay nag-scroll up na lang ako.
Ang dami ko nang na-heart, na-haha, na-angry at kung anu ano pang reaksyon pero wala pa rin si Blaze. Anong oras na pero hindi pa rin s'ya umuuwi, nag-aalala na naman ako sa kan'ya.
Napagdesisyunan kong lumakad na papalabas ng kwarto ko para puntahan ang kwarto n'ya sa pagbabakasakaling baka nakauwi na pala s'ya.
Madilim na ang baba, mukhang tulog na rin sina yaya mina ako na lang pala ang gising. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa tapat ng kwarto ni Blaze. Napahinga muna ako ng malalim bago hawakan ang door knob, at marahang pihitin 'yon. Kinakabahan ako.
Dahan-dahan ko nang binuksan ang pinto at nang makita ko na ang loob ng kwarto n'ya, napakalinis maging pati s'ya ay wala pa talaga.
Dali-dali ko na lang ulit sinara ang pinto at bumalik na sa kwarto. Ayaw na ayaw ni Blaze na pumapasok ako sa kwarto n'ya dahil sabi n'ya hindi porket kasal na.kami wala na kaming privacy sa isa't-isa. At some point tama naman s'ya pero nakakalungkot lang na bakit sina yaya p'wede pero ako na asawa n'ya ay bawal?
Ngunit kahit gano'n parang ayoko na rin pumasok at tumingin ng mga gamit n'ya dahil baka kung ano lang ang makita ko.
Pagbalik ko sa kwarto ay sumilip ulit ako saglit sa veranda pero wala pa rin doon ang kotse ni Blaze. Alas dos na ng madaling-araw.
Bumaba na lang ako para magtimpla ng kape, hindi rin naman ako makakatulog ng maayos kung sakaling wala pa rin si Blaze.
Minsan sinusugal ko na ang kalusugan ko, kahit puyat basta mapanatag lang ako na nakauwi s'ya ng ligtas at maayos.
"Oh anak, gising ka pa pala?"
Napalingon ako sa bukana ng kusina, nandoon pala si yaya Mina.
"Nagising ko po ba kayo?" nag-aalala kong tanong. Umiling-iling naman s'ya.
"Ano 'yang tinimpla mo? Gatas?"
"Kape po," tugon ko. Napahinga naman s'ya ng malalim bago tuluyang lumapit sa 'kin at kinuha ang kapeng nasa kamay ko.
"Matulog ka na Hija, ako na ang mag-aantay kay Blaze. Ilang gabi ka nang puyat,hindi maganda 'yan." Pangangaral n'ya sa 'kin. Sinuklian ko lang s'ya ng ngiti.
"Hindi rin po ako makakatulog ng maayos hangga't hindi ko nakikitang nakauwi na si Blaze," ani ko.
"Nasa'n na ba kasi 'yong bata na 'yon, kahit man lang i-text ka kung na saan s'ya hindi magawa," usal n'ya. Napangiti ulit ako. Buti na lang kahit papaano nandito si yaya Mina, para na namin s'yang pangalawang ina ni Blaze.
"Sigurado ka bang aantayin mo s'ya? Anong oras na oh," dugtong n'ya pa.
"Opo, kapag nakita ko na s'ya matutulog na rin po kaagad ako kaya sige na yaya, matulog na rin po kayo."
"Umakyat ka na, tatawagin na lang kita kapag nandito na si Blaze," nakangiti n'yang sabi sa 'kin. Hindi na ako tumangi.
"Thank you po."
Hindi ko na nadala ang kape dahil hindi na binigay 'yon sa 'kin ni yaya Mina. Ayaw na ayaw n'ya talagang nagkakape ako ng ganitong oras. Para n'ya akong bata kung tratuhin, kapag darating na ang alas nuebe ng gabi magdadala na 'yan s'ya ng gatas dito sa kwarto ko. Sobrang thankful talaga ako dahil kahit wala si mama dito may nag-aalaga pa rin sa 'kin.
Humiga na muna ako habang nag-aantay. Lumipas pa ang ilang minuto at unti-unti nang bumibigat ang talukap ng mata ko mabuti na lang ay bago pa man ako makatulog, may kumatok na sa pinto ko.
Dali-dali akong tumayo at lumapit sa pinto para buksan 'yon.
Si yaya Mina.
"Kakarating lang ni Blaze kaso dumeretso s'ya sa gunroom," an'ya. Tumango naman ako at kinuha lang ang jacket ko bago lumabas ng kwarto.
Nasa likod ng bahay ang gunroom ni Blaze kaya kumuha muna ako ng jacket dahil mahamog na sa labas.
Pagkarating ko sa gunroom ay napakatahimik. Seryoso ba si yaya na dito duneretso si Blaze? Baka nasa kwarto n'ya na pala?
Madilim ang daan kaya binuksan ko na lang ang flashlight ng cellphone ko.
"Blaze?" tawag ko pero walang sumasagot.
Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad hanggang sa makita kong may bukas na ilaw sa dulo. Nagmadali akong lumapit doon at doon ko nakita si Blaze.
Natulala ako bigla sa kan'ya at nanlaki ang mata. He's not wearing shirt at nakaupo s'ya sa lamesa.
"Blaze, what happened to you?!" natataranta kong tanong nang makabawi ako. Matalim n'yang inilipat sa 'kin ang tingin.
"Will you please shut your mouth? Ang ingay mo!" iritado n'yang wika at muling yumuko para tingnan ang sugat at pinupunasan n'ya ng alcohol.
"Fvck!" paimpit n'yang mura at kitang kita ko sa mukha n'ya ang sakit na nararamdaman n'ya.
Para naman akong nasemento sa kinatatayuan ko dahil takot na takot ako sa dugo at ngayon ang daming dugo ni Blaze sa katawan. Hindi ko alam kung anong gagawin, para akong nablangko at tanging dugo lang n'ya ang nakikita ko.
Huminga ako ng malalim paulit-ulit hanggang sa maramdaman kong medyo kumalma na ang sarili ko. Dahan-dahan akong lumapit sa kan'ya at pumwesto sa harapan n'ya.
"D-dalhin na k-kita sa ospital," nanginginig kong wika. Hindi n'ya ako pinansin kaya hinawakan ko ang kamay n'ya kahit sobrang daming dugo non para patigiliana s'ya sa ginagawa n'ya.
"Are you insane, Jane?! Gusto mo mag-alala pa sina mama?!" sigaw n'ya ulit sa 'kin. Nagtaas baba na ang dibdib ko dahil sa kaba at takot sa nakikita sa kan'ya.
"H-hindi tumitigil y-yong dugo, Blaze," pagmamakaawa ko nang bigla n'ya akong itulak dahilan para matumba ako at mapaupo sa sahig.
"Lumabas ka na nga dito, hindi ko kailangan ng tulong mo!"
Napangiwi ako sa sakit ng marahan kong igalaw ang balakang ko.
Napatingin ako sa kan'ya. "Ganito na lang ba tayo palagi, Blaze? Hindi ka ba nagsasawa? Kailan mo ba sasabihing kailangan mo rin ako? Kailangan mo rin ng tulong ko?" humihikbi kong tanong.
Mas lalong tumalim ang tingin n'ya sa 'kin at padabog na nilapag ang bimbong tinatapal n'ya sa sugat para hindi tumagas ang dugo doon.
Nakita ko ang pagtangis ng bagang n'ya dahil sa galit. Mabilis s'yang lumapit sa 'kin at sapilitan akong itinayo habang mahigpit na hawak-hawak ang braso ko. "Kailan ko ba sinabing kailangan kita sa buhay ko?! Kahit ako at isang buwaya na lang ang matira sa mundo mas magpapasalamat pa ako kaysa ikaw ang makasama ko!"
"Kailan mo ba ako pipiliin?! Hindi ba p'wedeng ako naman, Blaze?! Ako 'yong palaging na dito para sayo pero kailan mo ba ako makikita?!" sigaw ko na ikinalaki ng mata n'ya at mas lalong ikinagalit.
"Get lost! para hindi ko na kailangang magkunwari na hindi ka nakikita. I'm tired of pretending, Jane. Ikaw naman ngayon tatanungin ko, kailan ka ba mawawala sa buhay ko?"
Pagkatapos n'yang sabihin 'yon ay parang mas lalong trumiple ang sakit na nararamdaman ko. Pakiramdam ko parang bala ang bawat salitang binato n'ya sa 'kin at ngayon wasak na wasak ako.
Tumayo s'ya at lumayo na sa 'kin para muling ipagpatuloy ang paggamot sa sugat n'ya.
"B-blaze…" tawag ko sa kan'ya ng mahina. Hindi n'ya ako pinansin kaya tumayo na lang ako at muling lumapit sa 'kin.
"Let me help you," nagmamatapang kong alok. Hindi ko na inantay ang isasagot n'ya bagkus kumuha na ako ng bimpo pa para matigil ang pagdurugo ng sugat n'ya sa tagiliran.
"Ano ba kasing nangyari sayo?" nag-aalala kong tanong bago subukang ilagay ang bimpong hawak ko pero hinawi n'ya lang 'yon ng malakas.
"Kakaladkarin kita palabas o ikaw mismo ang lalabas?" galit n'yang tanong.
"Karapatan ko namang malaman, Blaze kung ano ba talagang nangyari," pangangatwiran ko.
"Gusto mo malaman? Sige sasabihin ko na. Nakapatay ako ng tao." Deretso n'yang sagot. Napahinto naman ako bigla at napatitig sa kan'ya.
"Oh, ano? Natatakot ka na? H'wag mong hayaan na mapuno ako sayo dahil baka hindi ko matansya ang sarili ko, Jane," pagbabanta n'ya sa 'kin dahilan para mapaatras ako.
Nanginginig ako dahil nakakatakot talaga ang titig n'ya sa 'kin pero malaki naman ang tiwala ko na hindi n'ya magagawa sa 'kin ang bagay na 'yon.
"Kaya ko ang sarili ko kaya p'wede ba, lumabas ka na? h'wag ka nang umasa dahil hindi darating ang panahon na kakailanganin kita, itaga mo 'yan sa bato."
Napahagulgol na lang ako dahil sa nangyari. Patakbo akong pumasok ng bahay hanggang sa makarating ako sa kwarto ko. Sobrang sakit marinig ang mga katagang 'yon sa bibig mismo ng lalaking mahal ko. Simula nang ikinasal kami gano'n na ang asal n'ya para lang akong hangin na dinadaan-daanan n'ya. Palagi s'yang galit at walang pakialam sa nararamdaman ko sa tuwing pagsasabihan n'ya ako ng masasakit na salita at pagpinagbubuhatan n'ya ako ng kamay.
Akala ko pagkatapos naming ikasal magbabago na s'ya pero mas lalo pa s'yang lumala. Akala ko mamahalin n'ya na ako sa bago kong mukha pero si Jane pa rin pala ang nakikita n'ya sa 'kin.
I love him so much.
But, he doesn't love me even just an inch.
Kinasusuklaman n'ya ako dahil sa mga bagay na akala n'ya pinagpipilitan ko pero ang totoo ay hinihingi ko lang naman ang dapat kong makuha bilang asawa n'ya. Sa totoo ga ay isang bagay lang naman ang gusto ko, ang mahal n'ya rin ako.
Pero kahit gano'n hindi ko magawang magalit o hiwalayan s'ya dahil mahal ko s'ya, 'yon at 'yon lang ang tangi kong pinanghahawakan ang kadahilanang mahal ko s'ya kaya kahit mahirap at masakit, kakayanin kong magtiis.
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako mula sa walang humpay na pag-iyak kagabi.
Nag-ayos lang ako saglit ng sarili ko at agad na sumilip sa veranda para i-check kung umalis ba si Blaze pero buti na lang ay nakagarahe pa rin ang kotse n'ya.
Dali-dali akong lumabas ng kwarto at bumaba papuntang kusina.
"Yaya Mina, may almusal na po ba?" nagmamadali kong tanong.
"Magluluto pa lang ako nak, bakit, gutom ka na ba?"
Umiling-iling ako.
"Hindi po, balak ko po kasi sana ako ang magluluto ng almusal ni Blaze," nakangiti kong tugon. Nakakaloko namang ngumiti sa 'kin si Yaya.
"Aba mukhang magkaayos kayo ngayong mag-asawa ah? Bakit may nangyari bang maganda kaninang madaling araw?" panunudyo n'ya sa 'kin. Napahinto naman ako sandali pilit na lang na ngumiti.
"Wala naman po haha."
"Aysus! O s'ya sige tawagin mo na lang ako kapag kailangan mo ng tulong ha? Nasa sala lang ako naglilinis." Tumango naman ako.
Sinimulan ko na kaagad ang pagluluto ng carbonara dahil paborito 'yon ni Blaze. Narinig ko kasi dati nakikipagbiruan si Blaze sa mga ka-team n'ya na kaya n'yang mabuhay kahit Carbonara umaga hanggang gabi ang kakainin n'ya araw-araw.
Sana magustuhan n'ya 'tong niluto ko.
Pagkatapos na pagkatapos kong magluto ay umakyat na ako sa taas para sana silipin s'ya kung tulog pa o gising na baka kasi gising na s'ya edi yayayain ko na mag-almusal.
Kumatok ako ng tatlong beses ngunit walang sumagot mula sa loob kaya kumatok ulit ako at sa pagkakataong 'to ay may kasama ng tawag ng pangalan n'ya.
"Blaze?"
Still walang response kaya binuksan ko na ang pinto ngunit walang Blaze na bumungad sa 'kin. Nagpalingon ako sa buong kwarto n'ya at nang hindi ko talaga s'ya makita ay lalabas na sana ako kaso narinig ko ang pagbukas ng shower.
Napangiti ako at marahang lumapit doon. "Blaze?" tawag ko. As usual hindi s'ya sumagot kaya dinugtungan ko na lang kaagad.
"May almusal na sa baba, after mo maligo mag-almusal ka muna bago pumasok," kalmado kong sabi.
"Ok," tipid n'yang tugon. Kahit gano'n lang kaiksi ang sagot n'ya hindi ko pa rin naiwasang hindi mapangiti.
Bumaba na ako at dumeretso ng kusina para makapaghanda na.
Lumupas ang ilang minuto, ready na lahat sa lamesa si Blaze na lang ang kulang.
"Oh, hindi pa rin bumababa si Blaze?" nagtatakang tanong ni Yaya Mina.
"Hindi pa po eh, naliligo kasi s'ya pag-akyat ko kanina."
Tumango naman si Yaya. "Buti napilit mo na mag-almusal?" natatawa n'yang sabi. Napangiti ako. Minsan lang kasi talaga sumabay sa amin si Blaze mag-almusal kaya nakakagulat.
Nagkwentuhan muna kami ni Yaya Mina hanggang sa mapansin naming ang tagal talaga ni Blaze bumaba.
"Akyatin ko na ba ulit s'ya?" tanong ko.
"Oo sige hay naku anong oras na oh," tugon n'ya.
Umakyat na ako papunta sa kwarto n'ya at kakatok pa lang sana ako nang marinig kong parang may kausap s'ya sa cellphone.
Idinikit ko ang tenga ko sa pinto at totoong ngang may kausap s'ya.
"Yes, babe d'yan na ako matutulog mamayang gabi."
"Babe?" bulong kong tanong. Nagsalubong na ang kilay ko nang marinig ang sunod pa nilang pinag-usapan.
"Yehey! Makakailang rounds na tayo n'yan dahil dito ka matutulog mamaya," tugon sa kan'ya ng babae.
Ang lakas ng loob nila at talagang naka-loudspeaker pa si Blaze.
"Wala akong kapaguran basta ikaw, Babe. Ang sarap sarap mo kasi," wika naman ni Blaze. Narinig ko ang malanding paghagikgik ng babae sa kabilang linya.
"Blaze?" tawag ko sa kan'ya nang bigla kong buksan ang pinto ng kwarto n'ya. Napalingon naman kaagad s'ya sa 'kin.
"Sino 'yon, Babe?" tanong naman ng babae nang marinig ang boses ko. Talagang sinadya kong iparinig sa kan'ya.
"Ah, wala yaya lang namin dito," diretsong sagot ng asawa ko atsaka masamang tumingin sa 'kin.
"Really? Buti pa s'ya palagi kang nakikita hayys mag-apply na rin kaya akong asawa mo para d'yan na rin ako titira?" pabebeng wika ng babae ni Blaze.
"Don't worry, Babe, soon pakakasalan na kita sadyang marami lang balakid ngayon." Sabi ni Blaze at muling lumingon sa 'kin na parang ako ang pinapatinggan n'ya sa "balakid"
Ayaw n'ya sa 'kin dahil hindi ako si Gizelle pero nagagawa n'ya pa ring mambabae?
"Sige aasahan ko 'yan ah? I love you so much, Babe!"
"I love you more, Babe!" tugon ng asawa ko na parang enjoy na enjoy pa dahil nanunuod at nakikinig ako.
Ilang segundo lang ay tuluyan nang naputol ang tawag nila. Sinuksok ni Blaze ang phone n'ya sa bulsa ng pantalon n'ya atsaka tumingin sa 'kin.
"Oh, bakit ba nandito ka?"
"Y-yayain na sana kita mag-almusal," deretso kong tugon.
"Sa labas na pala ako kakain, nagkayayaan kami ng team ko."
Para akong nanlumo dahil sa sinabi n'ya. Sabagay sino ba ako para madisappoint? First of all hindi naman n'ya ako inutusan na magluto.
"Carbonara ang niluto ko," muli kong subok baka sakaling pumayag na s'ya at dito na mag-almusal.
"Busog pa ako," agad n'yang sagot at naglakad na palabas ng kwarto n'ya. Naiwan ako na nakatulala lang.
Sobrang sakit ng ginagawa ni Blaze pero hindi ko talaga s'ya magawang iwan dahil mahal na mahal ko s'ya. Oo martyr na kung martyr pero wala eh, ganito talaga ang nararamdaman ko.
Nang matauhan ako ay agad ko s'yang hinabol, mabuti na lang at pasakay pa lang s'ya ng kotse.
"Blaze!" tawag ko. Napalingon naman s'ya sa 'kin. Dali-dali akong lumapit sa kan'ya. Pagkarating ko sa harapan n'ya ay agad akong tumingkayad at hinalikan s'ya sa pisngi.
"Mag-iingat ka ha? I love you."
Hindi s'ya tumugon o kahit tingnan man lang ako hindi n'ya ginawa bagkus pumasok na s'ya sa kotse n'ya. Napatulala na lang ako dahil sa ginawa n'ya. Ang sakit, I'm not expecting him to say "I love you too" pero sana man lang kahit tinignan n'ya lang ako.
Isang malakas na busina ang nakapagpabalik ng ulirat ko kaya agad akong napagilid. "Nagmamadali ako tapos haharang-harang ka sa daan," inis n'yang wika.
"S-sorry," mahina kong sabi.
Tuluyan n'ya nang pinaandar ang kotse at umalis na.
Mabilis na tumulo ang luha ko kaya patakbo na akong pumasok ng bahay para dumeretso sa kwarto.
Mahal na mahal kita, Blaze, kaya kahit masakit magtitiis ako.
CHAPTER TWO“Oh, himala at umuwi ka pa? Dapat nag-stay ka na lang sa bahay ng mama at papa mo,” bungad na sabi sa 'kin ni Blaze pagkapasok na pagkapasok ko ng bahay. Hindi na lang muna ako kumibo at dumeretso na paakyat ng hagdan.Medyo pagod at nanghihina pa ang katawan ko, mabuti na nga lang ay napakiusapan ko na ang Doctor ko na kung p’wede ay umuwi na ako. HIndi rin kasi ako gano’n makapagpahinga sa ospital. It’s been four days since ma-confine ako.“Ah, gano’n? Dinadaan-daanan mo na lang ako ngayon?” halata sa boses ni Blaze ang pagkairita dahil sa ginawa ko. Napahinga ako nang malalim bago s'ya lingunin.“Pagod lang ako, Blaze, let me rest first,” mahina kong tug
CHAPTER THREE "Hindi maso-solve nito ang problema mo. Kailangan mong tanggapin, Jane." "Ang alin? na hindi na ako kailanman mamahalin ni Blaze? Ito lang ang nag-iisang paraan na alam ko para matanggap n'ya ako." "Kung mamahalin ka man n'ya, mas magandang tanggapin ka n'ya sa kung ano ka," muling katwiran n'ya. "Hindi mo ba talaga ako kayang tulungan?" Napahinto naman s'ya sandali at napabuga na lang ng hangin. "You really want to change your face for him to marry you?" Muli n'yang tanong. "To change my whole
PROLOGUEUpon looking at her face she is really pretty and no doubt why he loves her so much. Her eyes, nose, lips, hair, she's almost perfect.I can feel her breathing, I can see her every time she blinks and every time she gulps. I can see her very clearly.She almost had all that I wanted. But why is she looking at me with sad eyes?"Hinding hindi ko dapat pagsisihan ang bagay na 'to," bulong ko sa sarili.I looked at her again and she was also looking at me. I smiled then she smiled too. I breathed, then she did what I also did. I removed my gaze at her and looked at the picture frame beside me, she looked at it also.