Share

44 - Together

THADDEUS DELA VERA

Nilibing si mama. Hirap na hirap akong bumangon dahil ang hirap bumangon ng wala ng dahilan para mabuhay. Pero tulad ng sabi ni Rafael, lalaban ako. Ilang buwan na akong umiiyak at feel ko hindi maubos-ubos iyon dahil sa sunod-sunod na nangyayari saakin.

The house was taken away from me. Wala akong nadala kundi ang sarili ko at mga dokyumento at iilang mga damit. Hindi ko na sinabi sa mga kaibigan ko dahil sobrang dami na nilang naitulong saakin at hindi ko na alam kung paano bayaran lahat ng iyon.

Ang alam nalang nila ay may tinitirhan ako. Nakakatawa kung paano ako umabot sa ganito. Wala nang natira sa perang iniipon ko na para sa apprenticeship ko dahil nagamit ko iyon sa libing ni mama.

Napatambay ako sa labas ng convenience store, kumakain ng tinapay at nagbabasa ng libro para sa exam.

"Thad?" Nanginig ako nang marinig ko ang boses ni Dustin. Pag-angat ko ay kasama niya si Andrei at mukhang lasing na.

"Bakit dito ka nag-aaral?" Napangiti ako sa tanong ni Dustin
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status