Share

4 - The Captain

Pagod na pagod akong humiga sa kama ko. Nakita kong tulog na si Zen nang makarating ako kaya hindi ko na siya ginising pa.

Nang makapagpahinga ako saglit ay kaagad din akong tumayo para maligo. Lutang na lutang akong naliligo at hindi ko alam kung ilang minuto na ako nasa loob ng banyo.

His words lingered in my mind. Did he run into an accident? Why... Why I didn't know about that? Totoo bang naaksidente siya?

Maaga akong nagising at naabutan ko si Zen na pinapakialaman ang mga box at paperbags na nakatambak sa living area. Pati mga nalantang bulaklak ay inayos niya para itapon sana nang pigilan ko.

"Just leave it there, Zen."

Napaangat naman ng tingin si Zen at tumaas ang kilay. Nagtataka kung kaninong galing iyon. Wala naman kasing card or pangalang nakalagay doon.

"May pupuntahan ka ba? May trabaho pa kasi ako." Sabi ko. Ramdam ang pagod sa boses ko.

Hindi kasi ako nakatulog ng maayos dahil sa paulit-ulit kong naalala ang nangyari sa elevator, sa sasakyan niya maging sa mga sinabi niya saakin.

"Anong oras ka na nakauwi? Hindi na kita hinintay dahil pagod ako sa biyahe." Kalmadong sabi ni Zen, pero baka sa kanya ang pagtataka.

"Late, umuwi pa kasi ako sa mansyon para dalawin sila Era at Mel." I lied.

Napansin ko ang pagtaas ng kilay ni Zen kahit hindi ko siya tignan, alam ko na kung ano ang nasa isip niya. Of course, she's my bestfriend. She knows me. She can read me kahit na wala akong emosyong pinapakita sa kanya.

"Let's have a dinner date later. I wanna catch up with you." Kinikilig niyang sabi.

"Okay, sabihan ko si Monica na magpa-reserve ng restaurant." Umiling naman si Zen tsaka ngumisi.

"No, we'll go to Andrei's restaurant. Near by the beach." Napataas ang kilay ko nang marinig ang pangalan ni Andrei. Siya lang naman ang ex-boyfriend ni Zen na naging fiance na niya ngayon.

"Is... past relationship really works, Zen?" Tanong ko sa kanya. Napataas naman siya ng kilay at magsasalita na sana nang pigilan ko siya.

"I have to go, call me if you need anything." Mabilis kong sabi tsaka kinuha ang bag kong nasa sofa at mabilis na lumabas ng condo unit ko.

Pero nagulat ako nang makita ko si Thaddeus sa tapat ng pintuan ko na may hawak ng red roses bouquet.

"Good morning," bati niya na may ngiti sa labi, but his eyes tells otherwise. Nag-aalinglangan siya.

"Morning," bati ko at nilampasan siya. Kaagad akong nagpindot ng button sa elevator para makababa at sinundan lang ako ni Thaddeus.

"Ihahatid na kita," sabi niya pa. Napataas ang kilay ko.

"No, thanks. I have a car, Thad."

"But it's you’re coding." Napahinto ako sa paglalakad nang sabihin niya iyon. Napatingin naman ako sa plaka ng sasakyan ko at napamura ng mahina. Goodness. How can he have noticed small details so fast?

"Tara na, baka ma-late ka pa. Isa Pa, I need to sign documents for your company. Kaya let's go together."

It left me with no choice. Sinundan ko siya at bubuksan na sana ang pintuan nang kaagad siyang lumapit para pagbukasan ako.

"Thanks." Ngumiti naman siya at nang makapasok ako ay kaagad kong kinabit ang seatbelt. Pumasok din si Thaddeus at nilagay ang bulaklak sa back seat dahil hindi ko iyon tinanggap.

"So," he cutted the tension in between us. Napalingon ako sa kanya na seryosong nakatingin sa harap habang nagmamaneho.

"Don't say a thing, Thad." Malamig kong sabi. Napatawa naman siya kaya napairap ako.

"Wala pa nga akong sinasabi, init na ng ulo ng bebe ko." Mas lalo akong napairap sa sinabi niya at napatingin nalang sa bintana.

"Kumain ka na ba? Hindi pa kasi ako kumakain, gusto mo sabay na tayo?" Tanong niya pansin ko pa ang patingin-tingin niya saakin mula sa repleksyon ng bintana.

"No, I don't eat breakfast." Tamad kong sagot sa kanya.

"What? Kaya naman pala ang payat-payat mo na! No, hindi pwede. We'll eat breakfast." Pangungulit niya. I heaved a sigh and face him.

"Pagod ako, Thad. Marami pa akong gagawin. I don't have time for this bullshits." Inis kong sabi sa kanya. His face softened.

"I'm sorry, baby." Mahinahong sabi niya. Napairap ulit ako dahil sa inis.

Why he kept saying sorry?! Nakakain ba iyon? Ikakayaman ko ba iyon?! Magiging ayos ba ako sa sorry niyang iyon?!

"Stop saying sorry, Thad. Nakakarindi." Inis kong sabi tsaka ko kinuha ang phone ko para tignan ang mga balita tungkol sa cruise ships namin.

Napansin ko naman ang paghigpit na pagkakahawak ni Thaddeus sa manibela niya. Nakaramdam naman ako ng pagka-guilty. I know he's trying to fix us, but I really have no time for that. Especially to him na labis ang sakit na dinala niya saakin.

But... I did hurt him too, right?

No. Stop overthinking to the things na nangyari na, na natapos na. Just don't let him fool you again, Cali. Matalino ka, at hinding-hindi ka bibigay nalang sa mga kasinungalingan.

Nakarating kami sa parking lot. It was unusual for me to walk from the parking lot. Nasanay kasi akong humihinto sa tapat ng building and let the chauffer park my car.

Mabilis akong lumabas at naglakad papuntang elevator na kaagad namang sinundan ni Thaddeus. Bumukas iyon at pumasok kaming dalawa. Bumukas ulit ang elevator sa may ground floor at pumasok ang mga employee namin. Sa sobrang dami ay nagkasiksikan kami at kaharap ko na ngayon si Thaddeus.

Nakaharang ang kanyang kamay sa gilid ko, like he was protecting me from people, habang nakasiksik kami sa gildi ng elevator.

Ramdam ko ang titig ni Thad pero hindi ko siya inangatan ng tingin. Mas mataas siya ng ilang dangkal saakin, pero dahil naka-heels ako halos pantayan ko na ang tangkad niya at kung aangat ako ng tingin ay baka magkahalikan pa kami dahil sa sobrang sikip sa loob.

Nagtutulakan pa ang iba kaya halos mapasubsob ako sa dibdib niya. Shit. Nananadya ba ang langit, at tila pinapaboran si Thaddeus?! Nakakairita ha, may favoritism ka pala, Lord.

"Are you okay?" Mahinang tanong ni Thaddeus saakin. Napairap ako sa kanya. Can't he see that I'm not okay with this position? Bulag ba siya or nananadya?

Habang papalapit ako sa floor ko, ay medyo lumuluwag narin kaya napalayo na saakin si Thaddeus. I bit the inside of my cheek when I saw him smirking.

"Perv." Bulong ko pero narinig niya ata dahil napatingin siya saakin na may gulat sa kanyang mukha.

Napairap ako sa kanya. Nang bumukas ang elevator sa floor ko ay kaagad akong lumabas at sumunod naman siya saakin. Why he keeps on following me?!

"Hindi dito ang floor mo kung pipirma ka ng kontrata, Mr. Dela Vera." Inis kong sabi sa kanya nang mapahinto ako sa tapat niya.

"I know," sagot niya dahilan para mapakunot ako ng noo.

"Then why are you following me?! Are you trying to ruin my day? Because you already succeed. Now, leave." Matigas kong sabi sa kanya.

He just pursed his lips while looking at me with amusement evident on his fucking face. Argh! Bakit ko ba kasi siya pinansin?! Nag-iinit tuloy ang dugo ko!

"I'll leave once you've reached your office. Safe and sound." He gently said and smiled. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Bakit? May papatay ba saakin sa loob ng opisina ko?!

Hindi ko nalang siya pinansin at naglakad patungo na sa opisina ko. Nakita kong napatayo si Monica nang makita akong naglalakad papasok ng opisina ko. Thaddeus didn't go inside, so napanatag na ako.

Nagsimula na akong basahin ang mga reports, proposals and projects para sa cruise ships. Nagbigay din si Monica ng lists ng mga empleyado ng Urania ship pero hindi ko muna binasa.

Unlike other cruise lines, we hire our employees directly rather than going through agencies. This approach allows us to maintain a higher level of security and quality control. Each potential employee undergoes a thorough background check, ensuring that we bring on board only the most trustworthy and qualified individuals. Additionally, we conduct monthly training sessions to keep our staff up-to-date with the latest protocols, skills, and customer service techniques.

Maintaining this rigorous hiring and training process is crucial for us. We are committed to providing exceptional service to our customers. It's not just about meeting expectations; it's about exceeding them. By doing so, we aim to create memorable experiences that keep our guests coming back and inspire them to recommend us to others.

As I was engrossed in reading the monthly reports from our different ships, someone knocked on my door and immediately entered. I didn't bother to look up because I knew it was either Monica, Era, or Mel.

But I was shocked when a white paperbag landed on top of my papers. Nainis ako at kaagad na nag-angat ng tingin tsaka ko nakita si Thaddeus on his serious face.

"What the fuck is wrong with you?" Galit kong tanong sa kanya.

"Eat." Malamig niyang sabi. Inirapan ko siya at kinuha ang papers na nasa ilalim ng paper bag at lumipat ng lamesa para ipagpatuloy ang pagbabasa.

"Calliope." He called out my name so seriously that it made me stop reading.

"You need to eat. It's nearly twelve. Are you trying to kill yourself?" Galit niyang sabi, but it was controlled.

Sumandal ako sa swivel chair ko at inikot ko iyon para tignan siya. My legs are crossed and my arms are resting on the arm rest. I played with my pen.

"Hindi nakakamatay ang hindi pagkain ng isang beses, Mr. Dela Vera." Malamig kong sabi sa kanya pero kumunot lang ang noo niya.

"But it give complications to your body that might ended you lying to the hospital. Bakit ba ang tigas ng ulo mo?" Umiigting ang kanyang panga pagkatapos niyang sabihin iyon. I can clearly see the veins popping out from his neck and arms. Gigil 'yan?

"I can eat later. That can be wait." Sabi ko at muling umikot pabalik sa lamesa pero nabigla ako nang umikot iyon at hinarap ako ni Thaddeus.

"Eat." Matigas niyang sabi at nakipagtitigan pa saakin. Masama ko naman siyang tinitigan but his stares didn't change. It was full of concern despite of the coldness he's trying to show to me.

"Ayoko nga, Mr. Dela Vera." Malamig kong sabi sa kanya. Pero nagtaka ako nang itaas niya ang manggas ng kanyang polo at nagulat ako nang buhatin niya ako mula sa upuan kaya napatili ako dahil doon. Instinctively, I clung my arms around his neck!

"Thaddeus! Put me down!" Sigaw ko at nagkukulit pa para mabitawan niya ako. But my arms clinging to him so hard para hindi ako mahulog dahil alam kong may pagkatarantado ang lalaking ito!

I was about to shout when he pressed his lips against mine to shut me off. Tangina!

"Isang sigaw pa, Calliope Anna." Pagbabanta niya. Naniningkit ang mga mata, pero kaagad din siyang ngumiti. Isang pilyong ngiti na kinaiinisan ko dahil napakagwapo niya parin tignan.

"You can't make me stop, Thad! This is my company! I will call the security—" Once again, he kissed me. I can't fucking push him away as I am clinging to him.

"Damn, you!" Galit kong sigaw sa kanya, when I tilted my head to remove his lips against mine.

"I know. Eat. Or do you fucking want me to feed you... Or maybe eat you?" He seductively said. I glared at him. I swear! Kung nakakamatay lang ang pagtitig matagal na siyang patay sa mga titig ko sa kanya!

"Patay na patay na ako sa'yo, Calliope. So, don't stare at me like that. But I like it though." He teased. I growled in annoyance but Thad eventually put me down on the couch.

Kinuha niya ang paper bag sa lamesa at isa-isa niyang kinuha ang mga tupperware na may lamang pagkain, tsaka niya binuksan ang mga iyon. Amoy na amoy ko ang aroma ng mga pagkain na siyang dahilan para makaramdam ako ng pagkagutom. Naalala kong hindi ako kumain kagabi at tanging toasted bread and coffee lang kinain ko kanina bago umalis ng condo ko.

I crossed my arms and legs and diverted my gaze as my stomach started to growl. Tangina. Manahimik ka tyan!

But the foods are all Filipino dishes! Saan niya nabili iyon?! Ang hirap kaya makahanap ng Filipino dish dito sa Miami! Nagugutom ako, pero kailangan kong makipagtigasan kay Thaddeus.

"Eat, Cali." Utos niya. Sinamaan ko siya ng tingin at iniwas ko ulit ang tingin sa kanya. Thaddeus smirked, clearly enjoying my discomfort. "I knew you'd be hungry. You always forget to take care of yourself when you're caught up with work."

I shot him a glare. "I can take care of myself just fine, thank you very much."

He ignored my defiance and started laying out the containers on the coffee table. "Come on, Calliope. Don't be stubborn. You need to eat."

I clenched my jaw, torn between my hunger and my pride. "I don't need your charity, Thaddeus."

"It's not charity," he replied calmly, his eyes meeting mine with a hint of sincerity that caught me off guard. "I just want you to be okay."

Rinig ko naman ang malalim niyang paghinga. Nagulat ako nang bigla siyang tumabi saakin bitbit ang kutsarang may mga pagkain.

"Nagpapakipot ang baby ko," marahan niyang sabi.

"I'm not your baby, Mr. Dela Vera." I coldly said and shot a death glare to him. Tumawa naman siya kaya napairap ako.

"Eat," sabi niya at tinapat ang kutsara sa bibig ko. Muli ko siyang sinamaan ng tingin ng makita ang ngiti sa kanyang mukha.

"I can eat." Malamig kong sabi, aagawin na sana sa kanya ang kutsara pero umiling siya at nilayo ito saakin. I growled in annoyance. Damn this guy!

"Edi kumain ka mag-isa mo." Galit kong sabi at tumayo para umalis doon but Thad held my hand. I felt spark through it.

After all these years? May epekto parin siya saakin? Do I really still love him? Or... Closure ang hinahanap ko para tuluyang maka-move on sa kanya?

"Okay, I'll let you eat. But let me watch you to make sure na kumakain ka talaga." He gently said squeezing my hand.

I heaved a sigh and went back to my seat to eat his prepared food for me. Sayang din kung hindi ko kakainin. I badly missed the Filipino dishes.

May adobong baboy, Bicol express, vegetable salad, and fried chicken.

"I cooked all of it. Masarap ba?" Tanong niya nang makasubo ako. Bigla naman akong napaubo sa tanong niya.

"Baka may lason 'to." I glared at him. Napatawa naman siya.

"Love potion," pagbibiro niya. Inirapan ko siya at nagpatuloy sa pagkain dahil gutom na talaga ako. Naririnig ko pa ang mahihinang pagtawa niya pero hindi ko na siya pinansin.

Thad watched me eat with a small smile, his eyes occasionally meeting mine. It felt strange, being in this intimate moment with him after so much time apart. Memories flooded back — the laughter, the fights, the passion. I pushed them away, focusing on the taste of the food instead.

"Well, masasabi kong masarap nga dahil ubos na ubos mo." Pagbibiro niya tsaka ngumiti ng nakakalokong ngisi.

As I finished the last bite of adobo, I couldn't help but admit, “It's delicious.”

I remember the days when he tries to cook something for me. Nagpapaturo pa siya sa mama niya na si Tita Tala, but it’s always failed. Kung hindi maalat ang adobong baboy niya ay minsan naman napapadami sa laurel, o hindi kaya napapadami sa suka. Mabuti nalang ay madami akong nabiling ingredients that time, but Tita Tala was so mad for wasting foods. Hindi narin nasayang dahil pinakain naman namin kay Bantay, ang alaga niyang aso. Those days felt so good. Masyadong madaming masasayang ala-ala ang mga panahong iyon.

Thad's smile widened. “I'm glad you think so.”

“Buti marunong ka na magluto,” I nonchalantly said. He smiled. A bitter smile.

“Dahil wala nang magluluto saakin, Cali.” There’s a pain in his voice.

Nagtataka naman akong napatingin sa kanya pero kaagad din siyang ngumiti. As if there’s something in him that he doesn’t want to say.

“Why did you do this?” I asked, gesturing to the food.

Napatingin din siya sa mga pagkaing naubos ko, pero may mga natira parin naman. Napatawa siya at napangiti din nang makitang nakain ko ang gawa niyang pagkain, like he’s proud of himself for feeding me.

Napatikhim ako nang makitang tulala siya. Aabutin ko na sana ang bote ng tubig nang abutin niya iyon at binigay saakin na nakabukas na. He’s small gestures that made me flutter. Always. And even now. But I don’t want him to give him false hopes.

He shrugged nonchalantly. “I saw how stressed you've been lately. Thought you could use a good meal.”

I narrowed my eyes suspiciously. “And what's in it for you?” I asked, even though he’s been always like this.

During lunch breaks, hindi ako kumakain, para lang malaman ko siya sa pagiging top one. Nag-aagawan kami sa posisyong iyon. Him, because he’s a scholar. He needs a good grade for college. I get him. But for me, because I want to impress my dad. As the next heir of the Devin Cruise Lines, I needed to be perfect. To be the top. Dad has high expectations for me and I don’t want to fail him. But I always failed him every time I ended up in the top two. That isn’t enough for him.

He leaned back; his expression serious. “Maybe I just wanted to see you smile.”

Smile… When was the last time I smiled? A genuine smile? Probably ten years ago… hmm.

I scoffed, but there was a hint of warmth in my heart. “You're impossible, Thad.”

“You used to like that about me,” he remarked softly.

“That was a long time ago,” I retorted, but my tone lacked conviction.

Thad reached across the table, his fingers brushing mine lightly. “Maybe it doesn't have to be.”

I shook my head as I knew where our conversation was leading us. I don’t want to know more. It’s enough.

The door swung open and I was glad that I was saved. There I saw Mel look shocked when he saw Thaddeus.

“Ow, you have a visitor.” Sabi niya sa boses na gulat pero kita ang pilyong ngisi sa kanyang labi. Napairap ako tsaka tumayo at hinayaan si Thaddeus na ligpitin ang pinagkainan ko.

“So, what are you doing here?” Tanong ko kay Mel tsaka napaupo sa upuan ko at kinuha ang papers sa kabilang lamesa para ipagpatuloy ang pagbabasa.

“When did you get here, Captain?” Mel asked Thaddeus. Captain? Huh? Captain? Ng alin? Pagkakaalala ko Thaddeus wants to be a seaman. Is he a captain now?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status