Share

43 - Broke

THADDEUS DELA VERA

Pagkatapos ng gabing unang pagtatalik namin ni Cali ay mas naging malapit kami sa isa't isa. Halos hindi ko na siya layuan. At wala akong pakealam na kung muling lalapit saakin ang tatay ni Cali.

Mahal ko si Cali at hinding-hindi ko kayang malayo sa kanya. Ikakamatay ko.

Parehong third-year na kami sa college. Parehong hectic na ang mga schedules kung kaya't hindi kami masyadong nagkikita.

Graduating na sana ako ngayong taon, dahil tatlong taon lang naman ang kursong nautical. At isang taon bilang apprentice. Pero dahil sa working student ako, ay naging irregular ako at may mga subjects pang hindi nakukuha.

Naging busy ako sa school, projects at trabaho. Minsan nakakalimutan kong replyan si Cali... O sadyang lumalayo lang talaga ako sa kanya...

Muli akong binisita ng tatay niya, isang warning nalang ay tuluyang mawawala si Cali saakin at hinding-hindi ko na siya makikita pa.

Kahit na busy ako sa sarili ko, hindi ko naman nakakalimutang tanawin si Cali mula sa malayo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status