The Billionaire's Gorgeous Pet
Si Arkin Andres, isang batang bilyonaryo, ay malapit nang ikasal sa babaeng pinakamamahal niya, si Zandreah Binonzo—isang elegante at napakagandang babae na hinahangaan ng lahat. Ang kanilang kasal ay itinakdang magbuklod sa dalawang makapangyarihang pamilya, ngunit isang buwan bago ang seremonya, natuklasan ni Arkin ang pagtataksil ni Zandreah.
Sa isang pribadong beach sa Pilar, nasaksihan ni Arkin ang masayang pagtitinginan nina Zandreah at ng isang lalaking hindi niya kilala. Ang tagpong iyon ay winasak ang kanyang puso. Galit at sugatan, nagpasyang ipatigil ni Arkin ang kasal, ngunit tinutulan ito ng kanyang ama. Para sa pamilya, ang kasal ay hindi lamang tungkol sa pag-ibig—ito ay isang selyo ng kapangyarihan at karangalan.
Sa desperasyon ng kanyang ama na mapanatili ang plano, kinuha nila si Yunifer Alcalde—isang bagong graduate ng fine arts na baon sa utang—upang pansamantalang ilihis ang atensyon ni Arkin. Bagamat nag-aalangan, tinanggap ni Yunifer ang kakaibang alok kapalit ng malaking bayad, kahit alam niyang si Arkin ay kilala bilang malamig, arogante, at malupit.
Akala ni Yunifer, madali lang sundin ang mga utos ni Arkin at tiisin ang kanyang ugali. Ngunit habang magkasama sila, hindi niya inaasahang mas mahirap ito kaysa sa kanyang iniisip. Unti-unting nabuo ang tensyon sa pagitan nila, at ang damdamin ni Arkin para kay Yunifer ay naging mas matindi at makapangyarihan.
Tatanggapin ba ni Yunifer ang baluktot na pagmamahal ni Arkin, o pipiliin niyang tumakas bago pa tuluyang maging huli ang lahat?
Basahin
Chapter: Kabanata 008Buong gabi'ng hindi nakatulog si Yunifer. Sa living area siya natulog, sa sofa kung saan pinayagan siya ni Arkin mahiga.Matapos pumayag si Arkin sa kung anumang plano ng ama nito, hindi na siya kumibo at dumiretso sa kanyang kwarto upang matulog. Ang pagkaing niluto ni Yunifer ay siya lang ang kumain, napakarami pa ngang natira at hindi niya alam kung itatapon ba ito o ilagay na lang sa ref.Nakaidlip naman siya, pero kahit sa kanyang panaginip ay patuloy siyang binabagabag na ideya ni Arkin, iyon ay mapaselos si Zandreah at makita silang dalawa na... nagtatalik.Sa dinami-dami ng mga lalaking nagkandarapa at halos lumuhod sa harap niya para lang mapasagot siya, wala ni isa man sa kanila ang sinuwerte. Pero ngayon, ang isuko ang iniingatan niyang puri sa isang lalaking ni hindi niya gusto—isang kalapastanganan sa sarili niyang prinsipyo."Nakaka-irrational!" Galit niyang naisip. Kahit ang maghubad sa harapan ni Arkin ay hinding-hindi niya kayang gawin—ang makipagtalik pa kaya?“At sa
Huling Na-update: 2024-12-17
Chapter: Kabanata 007Napansin niyang lalong kumunot ang noo ni Arkin. Alam niyang may pinindot siyang sensitibong parte ng ego nito, pero wala siyang balak umatras. Wala rin naman siyang pakialam kung anong iniisip nito tungkol sa kanya. Ang mahalaga lang, mukhang siya ang nakakauna sa laban na ito. Hindi na alam ni Yunifer ang mga sumunod na nangyari. Napagtanto na lang niyang nakadikit na ang likod niya sa malamig na pader at ang isang kamay ni Arkin ay mahigpit na nakapulupot sa leeg niya. Mulat na mulat ang mga mata niya habang tinititigan ang lalaki—na para bang naglalagablab ang tingin nito sa galit. Hindi naman ganoon kabigat ang pagkakasakal sa kanya, hindi niya maramdaman ang hapdi na maaaring magpawala ng hininga. Pero malinaw ang mensahe ni Arkin: tinatakot siya nito. Isa itong tahasang babala, isang pagsubok kung matitinag siya. Pero sa halip na manghina, lalo pang tumibay ang loob ni Yunifer. Ginusto niya ang reaksyong ito. Nakuha niya ang gusto niya—ang palabasin ang nagkukubling poot ni
Huling Na-update: 2024-12-15
Chapter: Kabanata 006Juhandi Cruz?Napakunot-noo si Yunifer nang marinig ang pangalan. Ang hot topic na aktor na laging trending sa social media, lalo na’t may upcoming teleserye. Pero ang pinaka-highlight? Ang napaka-dramatikong breakup nito sa long-time girlfriend na dating ka-love team. At kahit kaliwa’t kanan ang chismis na isa raw itong certified cheater, parang mas lalo lang siyang sumisikat. Well, welcome to the Philippines—kung saan kahit ang pinakamatindi mong kapalpakan, ay nagiging topic lang ng memes.Natigilan siya sa pagninilay-nilay at muling ibinaling ang atensyon kay Arkin, na ngayon ay pinipigilan ang ma-inis habang nakatingin sa kanya. Halata ang iritasyon nito, pero tila napapalitan ng kalituhan sa harap ng kanyang ngiting punong-puno ng pang-aasar.“This woman…” tahimik na usal ni Arkin sa sarili. Ang presensiya ni Yunifer ay parang isang nakaka-irita pero interesting na puzzle. Kung ang ibang tao ay nanginginig na sa takot sa harap niya kahit hindi pa siya nagsasalita, si Yunifer? Ng
Huling Na-update: 2024-12-14
Chapter: Kabanata 0055 PM na—oras na para umuwi matapos ang sandamakmak niyang meetings. Ma-pride siyang tao, at gusto niyang patunayan sa pamilya niya na kayang umunlad pa lalo ang negosyo nila kahit hindi na ituloy ang kasal kay Zandreah. Kaya simula nang mag-desisyon siyang tumira mag-isa, dinoble pa niya ang sipag sa trabaho.Ilang beses nang sinubukang makipag-usap ni Zandreah sa kanya, pero lagi niya itong pinapatayan ng tawag hanggang sa tuluyan na niya itong na-block sa contacts niya.Final na ang desisyon niya. Kahit pinagsisigawan pa siya ng lolo niya noong isang araw dahil sa galit, buo pa rin ang loob niyang walang kasalang mangyayari. Twenty-seven na siya, bakit pa niya kailangang sundin lahat ng gusto ng mga magulang niya? Siya pa rin naman ang wild card ng pamilya. Kung hindi dahil sa kanya, hindi mas makikilala ang mga Andres.Habang naglalakad siya sa hallway ng opisina papuntang elevator, nagsitabi agad ang mga empleyado niyang nadaanan. Yung tatlong empleyado na dapat sasakay sa elevato
Huling Na-update: 2024-12-13
Chapter: Kabanata 004"S-salamat po, sir.""You..." Tumigil ang lalaki at tinitigan nang mariin si Yunifer. Matapos niyang paalisin ang tatlong lalaking nangharass kay Yunifer, nanatili siya sa lugar at nagsindi ng sigarilyo. "Magkano ang utang mo?"Hindi pa rin maalis ang takot ni Yunifer habang kaharap ang estrangherong ito. Kanina lang ay halos mabali ang braso ng isa sa mga lalaking nanggulo sa kanya nang mabagsak ito ng gwardiya ng lalaking ito. Narinig din niyang pag-aari nito ang buong gusali, na nangangahulugang hindi lang ito makapangyarihan—sobrang yaman din nito.“Nakakahiya man pong sabihin, pero... napakalaki po ng utang ko sa kanila. Ako po’y humihingi ng paumanhin sa abala.” Yumuko siya bilang pagpapakita ng pinakamalalim na paghingi ng tawad. Nanginginig ang tuhod niya, at halatang kinakabahan ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya. “Hindi na po ito mauulit.” Nangako siya sa sarili, pagkatapos ng limang oras na trabaho sa hotel na ito, hinding-hindi na siya babalik. Ang engrandeng lugar
Huling Na-update: 2024-12-09
Chapter: Kabanata 003"Yunifer, tatlong tao na ang kumatok diyan sa pinto ng apartment mo. Akala ko ba mag-isa ka lang sa buhay? Bakit parang araw-araw may naghahanap sayo?" tanong ng landlady habang sumilip sa nakaawang na pinto ng apartment niya.Nanlamig ang mga kamay ni Yunifer. Kumurap-kurap siya, pilit itinatago ang kaba sa boses habang kaharap ang matandang babae. Hanggang dito sa bagong apartment niya, natunton pa rin siya ng mga kolektor ng sandamakmak niyang utang. Ngayon naman, ang renta niya ang pinoproblema niya—wala pa rin siyang maibayad sa due date. Parang nagsabay-sabay ang lahat ng mga problema pagkatapos niyang grumaduate."Kumusta pala ang mga sinalihan mong auditions? May kumuha ba sa'yo?"Bahagya siyang napaiktad sa tanong. Ang katotohanan? Wala pa. Sa dalawang linggong pag-audition at paghahanap ng raket, kahit simpleng extra role, wala pa rin tumatanggap sa kanya. Mahirap nang makapasok ngayon, lalo na't kakatapos lang ng isang sikat na reality show. Ang daming bagong mukha—anak, pa
Huling Na-update: 2024-12-08