Betrayed by Lies, Bound by Love
Eve Angeline
“Mommy, love mo ba si daddy?”
Napangiti si Zylah Almendras sa tanong na iyon ng pitong taong gulang na anak—si Jaxon.
Sa halos sampung taon nilang pagsasama ni Bryce ay masaya sila lalo na at may isang anak silang bumubuo sa kanila. Kontento rin siya sa buhay niya bilang hands-on mom kay Jaxon at housewife kay Bryce.
“Oo naman, s’yempre,” tugon ni Zylah sa tanong ni Jaxon at masuyong nginitian ang anak.
“Pero si daddy love ka rin ba?”
“Oo naman. Love din s’yempre ni daddy si mommy.”
“Eh, bakit mas masaya si daddy kapag kasama—” Tunog mula sa tablet ni Jaxon ang pumutol sa sasabihin pa sana nito. Binalewala na nito kasunod ang ina at nakangiti na sa kung anong tinitingnan sa tablet. “Mommy?” Balik atensyon nito sa ina.
“Hmm?”
"Kailan kayo maghihiwalay ni daddy?”
***************
Iyon ang simula ng lahat.
Pagdududa. Pagtataksil. Pagkukunwari. Pagtitiis.
Pero hanggang saan ang kayang tiisin ni Zylah? Hanggang saan kung hindi lang ang asawa ang inaagaw sa kaniya kung hindi pati ang anak?
10 viewsOngoing