ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN
READ AT YOUR OWN RISK ⚠️
Si Maya ay isang bilanggo sa mansion ng mga Gustin dahil sa malaking pagkakautang. Tanggap niya ang kapalaran niya na habang buhay magbayad ng pagkakautang sa mga ito kapalit ng kanyang paninilbihan... Isa lang ang hiling niya, iyon ang bumalik ang nanay niya na bigla nalang siyang iniwan sampong taon na ang nakakaraan.
Nang bumalik si Hannah galing sa America, ang apo ng mga Gustin ay agad na ipinagkasundo ito sa isang mayamang binata na si Tyler Montemayor; Ngunit nagmatigas si Hannah. Sa takot ng mga Gustin na baka i-pull-out ng binata ang investment nito sa kanilang kumpanya ay naisip nilang si Maya ang ipakasal kay Tyler dala ang kanilang apelido.
Walang nagawa si Maya kundi ang pumayag na ma-ikasal sa mayamang binata. Hinanda niya ang sarili na masaktan at pagmalupitan ng mayamang binata ngunit hindi iyon ang nangyari...
"Araw-araw kitang mamahalin, Maya.” Katagang sinabi ni Tyler na labis n'yang ikinagulat.
Mapanindigan kaya ni Tyler ang pangako gayong maraming tutol at hadlang sa pag iibigan nilang dalawa? O sa bandang huli ay magkakahiwalay din sila?
1025.0K viewsCompleted