Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
GENUINE LOVE IN DECIET

GENUINE LOVE IN DECIET

Ang buong akala ni Clary ay nangyayari na sa buhay niya ang tunay na pagmamahal, ngunit biglang bumaliktad ang sitwasyon ng siya ay dinukot ng mga taong minahal na niya bilang pamilya kahit hindi naman niya mga kadugo. Natuklasan niya na interesado lang pala ang mga ito sa yaman niya. Ginamit ng mga ito ang boyfriend niyang si Tristan para makuha ang mga pag-aari niya. Dahil mahal niya ang lalaki at takot siyang mawala ito sa kaniya, pumayag siya. Ngunit kung kailan naibigay na niya ang lahat saka naman nagtanggal ng maskara ang boyfriend niya. Lumantad sa harapan niya ang buong katotohanan. Kasabwat pala ng mga ito ang lalaking minahal niya at ang masaklap pa dahil ang kinikilala niyang kapatid na babae ay mas matagal pa pala nitong kasintahan kaysa sa kaniya. Bukod sa panlolokong iyon pinagtangkaan pa ang buhay niya. Tinapon siya pinakamalalim na parte ng dagat. Sa kabutihang palad nakaligtas siya, ngunit napadpad naman siya sa pinaka-delikadong lugar. Ito ay ang teritoryo ni Knox Wolthorn ang leader ng Dreadblood Consortium the most bloodthirsty organization. Ang lalaking pumapatay na walang pag-aalinlangan lalo na kung wala kang pakinabang. Naka-survive siya sa unang kapahamakan sa kamay ng mga akala niya pamilya, ngunit dito kaya sa teritoryo ni Knox Wolthorn makakalusot kaya siya? Bibigyan kaya siya ng tsansa ng lalaking magpatuloy sa buhay? What if sa lalaking ito pala niya matatagpuan ang tunay na pagmamahal? Magtitiwala kaya siya ulit?
Romance
1014.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Aniela's Plea

Aniela's Plea

Carmela Beaufort
Aniela's parents committed a hideous crime. Habang pinagdudusahan ang kamalian ng mga magulang ay saka naman dumating ang tagapagligtas niyang si Samuel. Tinulungan siya ng binatang makabangon, mamuhay uli ng normal at makapag-aral. Ngunit tila kadugtong na ng buhay niya ang “kasalanan”, hindi na lamang kasi pagmamahal bilang kapatid ang nais niya mula sa kumupkop. May higit pa siyang hangad, kaya't inakit niya ang binata at nagbunga ang gabing iyon. Ngunit nakalilimutan na yata niya ang dala ng tunay niyang pagkatao sa lalaking mahal na maaaring sumira sa buhay nito. Maaatim ba niyang maranasan nito ang bangungot na pinagdaanan niya oras na malaman ng lahat ang kaniyang itinatago?
Romance
105.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Forgotten Night With My Boss

Forgotten Night With My Boss

Matagal nang may gusto si Divine sa boss niyang si Ziancio ngunit mas pinili niyang itago ang tunay na nadarama habang ipinagpapatuloy ang tungkulin bilang personal assistant nito. She was determined to keep her feelings hidden in the dark forever, but everything changed when that night happened.   After finding out that his girlfriend cheated on him, Ziancio drowned himself in alcohol. He was so drunk that he didn’t even remember that he made love with his secretary the moment he woke up sober.   It was a mistake, and Divine never wants to remember it again. Batid niya na hindi siya magagawang mahalin nang tunay ni Ziancio, kaya nangako siya na ililihim niya na lamang ang nangyari sa kanila habambuhay.   Pero magagawa pa bang itago ni Divine ang gabing iyon kung nagbunga ito ng dalawang anghel na tuluyang nagpabago ng buhay niya?
Romance
104.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Signed with Lust

Signed with Lust

"Hindi tinta ang ginamit nya sa kontrata, kundi isang sandata na kasinungalingan ang dala" DISCLAIMER: Ang kuwentong ito ay kathang-isip lamang. Anumang pagkakahawig sa mga tunay na tao, lugar, o pangyayari ay nagkataon lamang. Naglalaman ito ng mga tema ng pagtataksil, sakit, emosyonal na tunggalian, at sekswal na nilalaman na maaaring hindi angkop para sa lahat ng mambabasa. Ito ay nakalaan lamang para sa mga mambabasang nasa wastong gulang. Magbasa nang may bukas na isip at sariling pag-unawa. Copyright Notice: Lahat ng nilalaman sa akdang ito, kabilang ang mga tauhan, plot, at kabuuang istorya, ay orihinal na likha ng may-akda. Ipinagbabawal ang anumang uri ng pangongopya, pag-aangkin, pagbabago, o distribusyon ng akdang ito nang walang pahintulot ng may-akda. Ang paglabag ay maituturing na pagnanakaw ng intelektwal na ari-arian at maaaring humantong sa legal na aksyon. Plagiarism Warning: Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit o pagkopya ng akdang ito sa anumang anyo—printed man o digital—nang walang paunang pahintulot. Respeto sa orihinal na may-akda ang pinakamahalagang bahagi ng bawat likha.
Romance
266 viewsOngoing
Read
Add to library
Nathan (Only Love)

Nathan (Only Love)

"Buntis ako" "Ganyan ka na ba disperada? Hindi kita pwedeng mahalin!" "Nathan" lumuluhang sambit ni Ellie Mula ng matutong umibig ang batang puso ni Ellie tanging si Nathan lang ang kanyang minahal, at sa labis na pagmamahal na yun nakagawa sya ng paraan upang makasal sa lalaki. Ngunit tama nga ang kasabihan "Hindi masarap ang bunga na hinog sa pilit". Nakipaghiwalay sa kanya si Nathan upang pakasalan ang babaeng tunay na nagmamay-ari ng puso nito. Paano kung malaman ni Nathan na totoong nagbunga ang kanilang pagsasama?
Romance
1027.4K viewsCompleted
Read
Add to library
SCARRED SOLDIER (Filipino) COMPLETED

SCARRED SOLDIER (Filipino) COMPLETED

Aura
Tumibok ang inosenteng puso ni Annabelle sa murang edad na disi-nuebe sa sundalong nadestino sa probinsiya nila—si Lt. Luis Miguel Saavedra. “You look perfect tonight, sweetheart.” Nakangiti ang malamlam na mga mata ng binata na nakatitig kay Annabelle. Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok na nakalaylay sa pisngi niya at inipit iyon sa likod ng tainga. “Bagay na bagay sa iyo ang pangalan mo.” Sa kabila ng siyam na taong agwat ng kanilang edad ay naiparamdam nila sa isa’t isa ang kanilang tunay na pagmamahalan. Nanumpa ng pag-ibig na walang hanggan. Ngunit isang hindi inaasahang dagok ang dumating, bunga nito ay ang masaklap na paghihiwalayan. Ngayong nagtagpo silang muli, makakaya kayang harapin ng dalaga ang bagong Miguel? Makakaya niya kayang harapin ang mga titig nitong puno ng pagkasuklam at mapagparusang pakikitungo sa kaniya?  
1013.2K viewsOngoing
Read
Add to library
HOMBRES CALIENTES 1: SKYLER - THE CURSE OF LOVE

HOMBRES CALIENTES 1: SKYLER - THE CURSE OF LOVE

BLURB: “TRUE LOVE DOESN’T COME AT THE PERFECT TIME. IT COMES WHEN YOU LEAST EXPECTING IT.” Mhia got betrayed by her boyfriend many times. Pero paulit-ulit pa rin niya itong pinatawad dahil naniniwala siyang magbabago pa ito. Ngunit, nang masagad nito ang pasensya niya, siya na rin mismo ang pumutol sa sariling kat*ngahan. She ended up in the arms of a stranger. Si Skyler dela Merced; ang taong napakaraming lihim. Paano nga ba niya ito makikilala nang lubusan kung sa bawat subok niya, palagi na'y nagsasara ito ng pintuan? At paano niya mapaniniwala ang lalaki na may pag-ibig, kung siya mismo ay nagdududa na sa totoong kahulugan niyon?
Romance
914.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Beauty Hates the Beast

Beauty Hates the Beast

IamGorgeousBlack
Matigas ang ulo, matalas ang dila, at spoiled brat. Ganyan si Leticia Traviesco, isang anak ng gobernador. Lumaki siyang may ginintuang kutsara sa bibig. Ngunit nakukuha man ang lahat ng gusto, may isang bagay ang kulang sa kanya—ang kalayaan niya. Kahit saan magpunta ay palaging may nakasunod sa kanyang bodyguard. Kaya madalas, tinatakasan niya ang mga ‘yon kahit na gaano pa katindi ang pagbabantay ng mga ito sa kanya. Pero makakahanap ng katapat si Leticia nang mag-hire ng bagong bodyguard ang ama niya, si Kane Cueves. Sa una pa lang ay badtrip na si Leticia sa binata dahil sa pangyayari nang una silang magkatagpo. Idagdag pang tila daig ng binata ang GPS. Kahit saan siya magpunta ay natutunton siya nito. At ang malala, dahil sa isang pangyayari ay tuluyang maglalaho ang kalayaang inaasam-asam ni Leticia. Sa isang iglap, natagpuan na lang niya ang sariling nakakulong sa bisig ni Kane. And the worst is, he has no plans to let her go. Paano na lang siya makakalaya mula sa isang Kane Cueves?
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Add to library
The Twin Mistake with Mr. CEO

The Twin Mistake with Mr. CEO

Nakagawa si Rebecca ng pinakamalaking pagkakamali sa kanyang buhay nang hindi sinasadyang may mangyari sa kanila ni Dwayne Miguel Ventura, ang tagapagmana ng pinakamayamang pamilya sa bansa at nobyo ng pinakamatalik niyang kaibigan. Ang problema nagbunga ang nangyari sa kanilang dalawa dahilan upang itakwil siya ng kanyang ama dahil hindi niya masabi dito kung sino ang ama ng kanyang dinadala. Tumakas at nagtago si Rebecca kasama ng lihim na pilit niyang itinatago tungkol sa tunay na ama ng kanyang ipinagbubuntis. Makalipas ang mahigit anim na taon, muli siyang nagising sa tabi ni Dwayne ngunit sa pagkakataong ito ay may singsing na sa kanya daliri. Kaya ba niyang tumakas at magtagong muli sa pangalawang pagkakataon?
Romance
10127.8K viewsCompleted
Read
Add to library
My billionaire ex-wife

My billionaire ex-wife

Blurb Matapos ang mahabang panahon ng pag-iisa at pagtitiis, isang napakalakas na babae ang sumalubong kay Albert Montenegro sa kanyang pagbabalik sa buhay ni Martina Lopez. Ang dating mabait at mahinhing asawa ay tinapatan na ng isang Maria Martina Acosta na puno ng determinasyon at kapangyarihan. Sa paglipas ng mga taon, naging isang makapangyarihang negosyante si Martina sa pamamagitan ng pagtatag ng kanyang sariling kumpanya, ang Ang Acosta Corp. Ibinuhos niya ang lahat ng kanyang lakas at talino upang maabot ang kanyang mga pangarap at patunayan sa sarili at sa iba na siya ay hindi basta-basta lamang. Ang pagkakataon na muling magkita sila ni Albert ay nagdulot ng malaking pagbabago sa kanilang pagkatao. Si Martina ngayon ay hindi na ang dating Martina na handang magpaalipin at magpakumbaba. Siya ngayon ay isang babaeng mapangahas, matapang, at may sariling paninindigan. Hindi na siya nagpaalipin sa kahit anong tao, lalo na sa isang lalaking hindi naman tunay na minahal at pinahalagahan siya. Sa kanyang pagbabalik bilang isang Maria Martina Acosta, ipinakita ni Martina na ang pagmamahal at pagpapahalaga sa sarili ang tunay na mahalaga sa buhay. Hindi na siya ang dating babaeng handang gawin ang lahat para lamang mapanatili ang isang hindi masayang relasyon. Ngayon, ang kanyang layunin ay palakasin ang kanyang sarili at patunayan na siya ay hindi kailanman dapat balewalain. Sa pagbabalik ni Martina bilang isang napakalakas na babae, napatunayan niya sa lahat na kahit gaano pa kahirap ang pagdaanan, maaari pa rin nating baguhin ang ating kinabukasan at maging isang tapat na huwaran ng determinasyon, tapang, at pagmamahal sa sarili. Ang kanyang kwento ay isang patunay na sa bawat pagsubok na ating haharapin sa buhay, mayroon tayong kakayahan na baguhin ang ating sarili at maging mas malakas at matatag sa bawat pagsubok na darating.
Romance
1016.9K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2425262728
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status