Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Revenge of the Billionaire

Revenge of the Billionaire

Si Evren Morales, mabait at masipag, ngunit dahil sa kahirapan, hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral. Nagtrabaho siya para kumita ng pera at para na rin sa kaniyang ina. Ngunit pinagbintangan siya sa kasalanang 'di naman niya ginawa. Habang nasa kulungan nakilala niya ang isang matandang lalaki, nalaman nito na hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral, kaya tinulungan at tinuruan siya nito. Dumating ang araw ng paglaya nito, kaya nangako ito kay Evren na tutulungan nito ang binata na makalaya. Isang buwan ang nakalipas, tulad ng pangako ng matanda tinulungan nito si Evren na makalaya, gamit ang pera at sa tulong ng mga matataas na kakilala nito. Sa tulong ni Don Ronaldo, malaki ang naging pagbabago sa buhay ni Evren, siya'y naging makisig, guwapo at may pinag-aralan. Upang malaman ang tunay na nangyari sa pagkamatay ng dating amo, muli itong pina-imbestigahan ng binata. Doon niya nalaman na planado ang kaniyang pagkakakulong at laking gulat niya ng malaman kung sino ang may pakana. Kaya naman nais niyang maghiganti, sa tulong ni Don Ronaldo, ibinigay sa kaniya ang isa sa mga negosyo nito. Pinalitan din niya ang kaniyang pangalan at ipinaiilala sa publiko bilang si Calvin Del Fierro. CEO nang isang sikat na magazine, ang CDF magazines. Ngunit paano niya gagawin ang balak kung ang asawa ng tao na kaniyang paghihigantihan ay asawa na ng dati niyang kasintahan. Magawa ba niyang maghiganti, kung malalaman niya na mahal pa rin siya nito?
Romance
6.0K viewsOngoing
Read
Add to library
The Autistic Wife of the Blind Trillionaire

The Autistic Wife of the Blind Trillionaire

Dahil sa sakit ni Rosie na autism, hindi niya akalain na ito ang magdadala sa kanya sa kanyang bulag na mapapangasawa. — Hindi akalain ni Rosie Samaniego na siya ang ipapadala ng kanyang mga kinalakihang magulang upang ikasal sa bulag na si Sebastian Villfuerte, ang dapat na papakasalan ng kanyang stepsister na si Ivy. Ngunit dahil siya’y may autism, wala siyang nagawa kundi sumang-ayon at para na rin makalaya sa mga ito. Magkasundo kaya ang isang bulag at autistic? Makakabuo ba sila ng isang pamilya gaya ng matagal nang inaasam ng lolo ni Sebastian?
Romance
1037.6K viewsOngoing
Read
Add to library
DANGEROUS LOVE AFFAIR

DANGEROUS LOVE AFFAIR

Stella Cruz isang mabuting anak at panganay sa magkakapatid pangarap niyang makapag tapos ng pag-aaral at maiahon sa hirap ang kanyang pamilya. At gagawin niya ang lahat para lamang matulungan ang pamilya niya kahit na ibenta niya ang kaniyang sarili sa mayamang bilyonaryo na si Timothy Smith, kakapit siya sa patalim mag o-offer ito na siya na ang bahalang mag finance ng lahat ng pangangailangan ng pamilya niya ngunit hindi ito libre, may kasunduan sila na magiging mistress siya nito at pupunan niya ang init at kaligayahang gusto nito. Paano kong makilala niya ang lalaking magpapatibok ng kaniyang puso, ano ang gagawin niya? gayong nakatali na siya at pag-aari ng isang Timothy Smith At sa pag pag dating ng mag-amang Henry Saavedra at Dwight sa buhay niya ano kayang magiging papel nang matandang bilyonaryo at ng anak nito. Paano kong mahulog ang kaniyang loob kay Dwight, hanggang kailan kaya nila mapapanindigan ang bawal na pag-ibig at ang mga nakaw na sandali na sila lang ang tanging nakaka alam..
Romance
1013.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Forbidden Flame

Forbidden Flame

Alam niyang mali, pero hindi kayang pigilan ng puso niya. Si Yanna, lumaki sa marangyang mundo ng mga Del Rosario—isang pamilyang kilala sa yaman at kapangyarihan. Pero sa likod ng bawat ngiti ay mga lihim na hindi dapat mabunyag. At sa gitna ng kaguluhan, nakilala niya si Lucien—ang tahimik, mapanganib, at misteryosong anak sa ikalawang asawa ng kanyang lolo. Ang lalaking dapat ay ituring niyang pamilya… ngunit siya rin ang lalaking nagturo sa kanya kung gaano katamis at kasakit ang bawal na pag-ibig. Isang gabing puno ng pagnanasa ang nagbago sa lahat. Ngayon, isang taon na ang lumipas, dala ni Yanna ang isang lihim na magpapabagsak sa buong pamilya nila—ang bunga ng kasalanang hindi na niya matatakasan. Sa pagitan ng pag-ibig at pagkakasala, alin ang pipiliin niya? Ang itago ang katotohanan… o ang ipaglaban ang apoy ng pag-ibig na pinagbabawal ng mundo?
Romance
148 viewsOngoing
Read
Add to library
Bakit Ikaw Pa Rin?

Bakit Ikaw Pa Rin?

Pagkalipas ng apat na taong pagkukulong sa maliit na mundo niya, ipinasya ni Amber na piliting kalimutan ang mapait na karanasan sa buhay at makipagsapalaran sa Maynila para muling bumangon at tuparin ang kaniyang mga pangarap para sa kaniyang pamilya. Pero ang hindi niya napaghandaan sa kaniyang pagbangon ay ang muling pagsasanga ng kanilang landas ng lalaking pilit na niyang kinakalimutan. Sa muli nilang pagkikita ng dating kasintahan ay mapapatunayan niyang mahal pa rin niya ito sa kabila ng pagdaan ng mga taon. Muling nagmahal ang puso niya para sa lalaking ang nararamdaman sa kaniya ay pagkasuklam. At wala itong ginawa kun'di ang sariwain ang sugat na nag-iwan sa kaniya ng napakalalim na peklat. Darating pa nga ba ang pagkakataon na malalaman nila ang tunay na dahilan kung bakit sila nagkahiwalay noon, o pinagtagpo lang silang muli para tukdukan ang kanilang relasyon na sinubok ng panahon?
Romance
1067.5K viewsCompleted
Read
Add to library
My Step-Brother Wants Me

My Step-Brother Wants Me

Pinangarap ni Celeste na magkaro'n ng kapatid, pero dahil biyuda na ang kaniyang ina ay hanggang pangarap na lamang iyon. Isang araw ay may ipinakilala sa kaniyang lalaki, ito ay si Alexander ang boyfriend ng kaniyang mommy at dahil sabi nila ay hindi na sila bumabata pa kaya napagdesisyon na nilang magpakasal agad. Samantala hiniling ng kaniyang Tito Alex na ro'n tumira sa mansyon nito. No'ng una ay nag-alangan si Celeste, subalit ng sabihin sa kaniya na ipapakilala ang kaniyang magiging kapatid ay gano'n na lang ang pananabik ni Celeste, kaya agad itong pumayag. Ang akalang masayang paninirahan ni Celeste ay nag kamali lang pala, dahil simula ng makilala niya ang kaniyang Step-Brother ay naging magulo ang kaniyang mundo, lalo na ng mapaibig siya rito. "Damnt it Celeste your mine ONLY MINE" at sabay sunggab nito ng halik.
Romance
10145.5K viewsCompleted
Read
Add to library
I Caught The Billionaire's Obsession

I Caught The Billionaire's Obsession

THEGUYWITHTHEGLASSESIndependentDramaMysteryTragedy
Bakit kaya hindi pantay ang mundo? Bakit hindi na lang kaya mayaman ang lahat ng tao para wala ng mahirap? Para wala ng nagugutom? Para wala ng gumagawa ng masama para lang may mauwing pagkain sa hapag? Bakit kaya may mga mahihirap na katulad ko? Bata pa lang ako. Iyon na palagi ang tinatanong ko sa sarili ko. Kung bakit may mga mahirap na kagaya ko. Masama ba akong tao sa nakaraan kong buhay at pinaparuhasan Niya ako't ang pamilya ko ng ganito? Ewan ko. Basta ang alam ko lang na tinatak ko sa isip ko ng magdalaga ako- hindi titigil ang mundo sa 'yo kung patuloy at patuloy mo lang iisipin kung gaano kahirap ang buhay. Hindi uulan ng pera kapag hiniling mo. At mas lalong hindi magiging magaan ang buhay mo kung puro hiling ka lang sa Kanya at walang kasamang pagbabanat ng buto. Natuto ako sa mahirap na paraan. At iyon ang ginagamit ko ngayon na sandata araw-araw sa malupit at madilim na mundo na ginagalawan ko ngayon. "KEISHA! Ikaw na ang sasalang sa stage! Bilisan mo na! Marami ng mga guest ang naghihintay sa 'yo!" A novel by: TheGuyWithTheGlasses STATUS: COMPLETED Date started: June 18, 2022 Date finished: September 19, 2022
Romance
9.940.5K viewsCompleted
Read
Add to library
A Life Debt Repaid

A Life Debt Repaid

”Kinuha mo ang lahat ng minahal ko simula pa noong bata tayo! Congratulations, ginawa mo na naman ito!” Si Cordy Sachs ay sumuko na sa minamahal niya ng tatlong taon, nagdesisyon siya na magdiwang at hindi na ulit magmahal… ngunit may dumating na isang anim na taong gulang na bata na dumating sa buhay niya, malambing siyang kinumbinsi na ‘umuwi’ kasama nito. Habang kaharap ang mayaman, gwapo pero malupit na CEO ‘husband’, siya ay naging tapat. “Nasaktan na ako ng mga lalaki dati. Hindi ako nagtitiwala.” Tumaas ang kilay ni Mr. Levine. “‘Wag mo akong ikumpara sa ibang lalaki!” Kahit na sabihin ng lahat na malamig siya at hindi siya maabot ng mga tao, si Cordy lang ang may alam kung gaano kasama ang lalaking ito sa loob!
Romance
8.884.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Wished One, But Got Five

Wished One, But Got Five

Si Rica ay isang masayahin, mabait, at mapagmahal na dalaga sa kanyang pamilya hanggang sa isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap sa kanyang buhay na nagdulot sa kanya ng kalungkutan at pagkasira. Si Sage, ang kanyang kasintahan, ay tumulong sa kanya na mailigtas ang kanyang sarili at inalok siya ng pansamantalang tirahan sa condo unit nito kasama ang apat na lalaking kaibigan na sila Zian, Wenhan, Ran, at Yruma. Naganap ang pag-iibigan sa loob ng condo unit kung saan sila nakatira. Pagkatapos, isang hindi inaasahang lalaki ang pumasok sa kanyang buhay. Ang isang lalaki ay mag-aalaga sa kanya habang siya ay nasa gitna ng kaguluhan at problema, at ang isa namang lalaki ay bigla na lang lilitaw upang tulungan siyang maiangat ang kanyang sarili. Magkakaroon sila ng malalim na epekto sa kanyang puso, at bibigyan siya ng pag-aaruga at pagmamahal na magpaparamdam sa kanya ng kaligtasan at proteksiyon. Si Rica ay humiling lamang noon ng isang tunay na pag-ibig, ngunit bakit siya ay nagsimulang umibig sa limang lalaki na mas nagbigay ng kalinga at importansiya sa kanya kaysa kay Sage ukol sa tuntunin ng kahalagahan, pagmamahal, at seguridad?
Romance
1010.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Trying To Escape From The Mayor's Son

Trying To Escape From The Mayor's Son

Si Pheobe Tadea ay isang babae na mahinhin at ang kanyang hangarin lamang ay makatulong sa kanyang pamilya Siya ay pumasok bilang isang kasambahay sa Mansion ng mayor ng kanilang bayan ang akala niyang tahimik ang kanyang magiging buhay dun ay nag kamali sya, Simulan ng umapak sya sa mansion na to ay nag bago ang kanyang puso na nananahimik ay bilang kumakabog pag nakikita niya ang anak ng mayor na si Kudos Rancano. Hindi n'ya alam bakit sa tuwing tinitigan sya ng binata ay may iba syang nararamdaman, pilit man niyang umiwas sa mata ng binata na mapanukso ay hinahanap naman din to ng kanyang mga mata. At kahit anong Iwas nya sa anak ng kanilang mayor ay hindi tumatabla pag lalo niyang iniiwasan ang binata ay mas lalo sya nitong ginugulo Dumating ang panahon na naging marahas na sa kanya ang binata na si kudos nakielam ang binatang kudos sa relasyon nila ng kaniyang boyfriend dati na si trent Nang dahil kay kudos ay naghiwalay sila Si kudos mismo ang nag utos na makipag hiwalay kay trent Galit ang nangibabaw sa puso niya.
Romance
1039.6K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status