The Billionaire's Triplet Babies
Ikinasal si Cathy Del Mundo kay Phoenix Montgomery—anak ng isang bilyonaryo at may-ari ng pinakamalaking healthcare company sa bansa. Subalit kahit naikasal na silang dalawa, hindi man lang naramdaman ni Cathy ang pagmamahal nito para sa kaniya. Hanggang sa isang desisyon ang nabuo sa utak niya—iyon ay makipag-annul kay Phoenix after being married for two years.
Akala niya ay matatahimik na siya ngunit nagkamali siya nang malaman niyang buntis siya pagkatapos na pagkatapos niyang makipag-annul kay Phoenix. Inilihim niya iyon mula rito at nagpakalayo-layo hanggang sa mailuwal na niya ang anak niya. Pero sa mismong araw nang panganganak niya ay ikakasal na pala si Phoenix kay Miriam—ang kaibigan niya na naging mortal niyang kaaway. Dumating si Laura—kapatid ni Miriam at walang awang kinuha kay Cathy ang anak niya. Pero ang hindi nila alam—triplets pala ang nabuo sa sinapupunan ni Cathy. Itinago ni Cathy ang dalawa at nangakong hindi ipapaalam kay Phoenix ang katotohanan.
Makalipas ang limang taon, muling magtatagpo ang landas nina Cathy at Phoenix. Dahil nagkaroon ng selective amnesia si Cathy at halos mamatay na siya dahil sa komplikasyon nang manganak siya—saka lamang niya napag-alaman na ang batang tinaggihan niyang gamutin ay anak pala niya. Doon ay nagdesisyon si Cathy na kuhanin sa kaniyang ex-husband ang anak niya habang tinatago pa rin ang katotohanan na may dalawa pa silang anak.
At ngayong nalaman na ni Phoenix na buhay pala ang ex-wife niya na inakala nilang patay na, paano niya haharapin ang katotohanan na hindi lang isa, kundi tatlong anak ang iniluwal ni Cathy?
1052.6K viewsOngoing