Secretly Loving You (Tagalog)
Mark Ivan Barcelon and Eizel Francine Story
(Hello, sa nakabasa na po ng Book 1 ng MY STALKER, eto na po ang kwento ni Eizel at Ivan, Bestfriend at kambal ni Kisha. Enjoy Reading!)
Si Eizel ay may lihim na pag-ibig kay Ivan, ang kambal ng kanyang matalik na kaibigan. Ang magmahal niya dito ay hindi madali, pero para kay Eizel, walang mahirap pagdating sa pag-ibig.
Mula pagkabata, may pagtingin na siya kay Ivan, at habang tumatagal, lalong lumalalim ang nararamdaman niya. Natatakot siyang umamin dahil baka layuan siya nito at hindi na pansinin. O mas takot siyang masaktan sa magiging sagot nito. Kaya't nakukuntento na lang siya sa pagtingin mula sa malayo at pag-silay.
Matapang siyang babae, pero pagdating sa nararamdaman niya kay Ivan, wala siyang lakas ng loob na umamin. Pero dahil sa suporta ng kanyang kaibigan sa kabaliwan niya, nakapag-isip siya ng paraan kung paano unti-unting makuha ang atensyon nito. Tinext niya ito at nagpakilala sa ibang pangalan. Hindi siya sumuko kahit napaka-ilap nito sa text at chat. Hindi naman nasayang ang effort na ginawa niya. Napansin din siya nito.
Pero paano kung nakuha na niya ang atensyon na matagal na niyang inaasam? At hiniling nito na magpakilala na siya at magpakita? Kaya ba niyang sundin ang hiling nito? Handa na ba siyang harapin ang lalaking mahal niya?
Tatanggapin kaya siya nito kapag nalaman na siya si Eizel Francine Evangelista, ang bestfriend ng kambal niya, ang babaeng nasa likod ng lahat?
************************
9.791.1K DibacaCompleted