THE SEX CONTRACT 2: ANNA AND JARED
"Walang magmamahal sa 'yo, Anna!"
3 sa pamilya ni Jared Mendez, kabilang ang pinakamamahal nitong ina ang namatay dahil sa isang pagkakamali ni Anna, ten years ago. Ang galit na yon, dinala ni Jared sa matagal na panahon. Kaya nang makakita ito ng pagkakataong gumanti sa kanya, inakala niya na buhay niya ang hihinging kapalit.
Pero hindi.
"Be my bedmate if you want to save Catherine’s life. I will shoulder her medical bills and your organization will be funded."
Kapit sa patalim, tinanggap niya ang offer at inangkin siya ni Jared sa ibabaw mismo ng table nito.
Hindi lang yon, isinama siya nito pabalik sa bayan nila sa San Luis kung saan maraming tao ang nagtatangka sa buhay niya.
Sabagay, ano ba ang inaasahan niya sa lalaking nagpayaman nang husto para lang gawing miserable ang kanyang buhay?
*************
Simula't sapul, pangit ang reputasyon ni Anna, alam yon ni Jared. Baliw lang ang lalaking gugustuhin ito dahil mas malala pa yon sa suicide.
She's a ruthless seducer, a killer and the Lady Boss of an organized crime syndicate.
Pero bakit sa kabila ng lahat, wala siyang ibang pinangarap sa gitna ng kama niya at makakasama sa buhay niya kundi si Anna?
Posible bang sa kabila ng matinding galit, ang totoo ay mahal niya ito gaya nang pagkabaliw niya dito noon?
May lugar ba ang pagpapatawad sa mga taong nahubuhay sa matinding galit, kawalang pag asa at paghihiganti?
10269 DibacaOngoing