Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
GAME OF LOVE: Olivia Reid

GAME OF LOVE: Olivia Reid

"I don't do love. Ang pag-ibig ay tanda ng kahinaan. At hindi ako mahina. I am Olivia Reid!" Siya si Olivia Ried, palaban at mala-diyosa ang angking kagandahan; Kinaiinggitan ng mga kababaihan, kinababaliwan ng mga kalalakihan. Ngunit sa likod ng kanyang tapang at ganda ay may isang nakaraang pilit nyang tinatakasan. Ang nakaraan niyang iyon ang dahilan kung bakit isinumpa niya sa sariling hinding-hindi siya iibig kahit na kailan. Kaya naman kahit na marami ang nahuhumaling sa kanya, binabasted lamang niya ang mga ito. Ngunit isang lalaki ang mukhang hindi tinatalaban sa taglay niyang ganda. Si Gabriel Craig na umpisa pa lang ay halata na ang pagkadisgusto sa kanya. At isang malakas na sampal iyon sa pride ni Olivia Reid. Kaya ang plano niya:: Paibigin si Gabriel Craig at pagkatapos ay iwanang luhaan! Ngunit hawak ni Gabriel ang alas tungkol sa tunay niyang pagkatao. At iyon ang ginagamit nitong panakot para maging sunod-sunuran siya sa bawat naisin nito. Pero gaya nga ng mantra niya sa buhay; She is Olivia Reid. Matalino, madiskarte at hindi palulupig. Sa labanan ng talino at patusuhan, sino ang magwawagi? Si Olivia Reid na ginagamit ang taglay na kagandahan para makuha ang lahat ng gusto sa buhay? O si Gabriel Craig na nakakaalam ng kanyang kahinaan?
Romance
1026.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Hiding The Billionaire's Twin Heir

Hiding The Billionaire's Twin Heir

Lumaki si Louise na mulat sa panglalalaki ng kaniyang ina na siyang naging dahilan para maghiwalay ang kaniyang mga magulang. Dahil pinili ni Louise na sumama sa kaniyang ama, naranasan niyang apihin ng mapagmataas na pamilya ng kaniyang ama. Wala na halos mapuntahan si Louise, pakiramdam niya kalaban niya ang mundo, lalo na nang mapag-alaman niyang niloloko siya ng kasintahan at matalik na kaibigan. Sa paghahangad niyang makalimot sa lahat, isang gabi ang bumago ng tuluyan sa takbo ng buhay ni Louise ng makatalik niya ang pinakamayaman at kilalang bilyonaryo sa bansa. Ang bilyonaryong ito ay matagal ng naghahangad na magkaroon ng tagapagmana. Ngunit dahil sa isang sekretong napag-alaman ni Louise tungkol sa lalaki ay labis siyang natakot para sa kaligtasan ng kambal na pinagbubuntis niya. Naisipan ni Louise na magtrabaho bilang sekretarya sa kompanya para mabantayan ang bawat galaw ng bilyonaryo at masiguradong hindi sila mahahanap ng kambal. Gayunpaman, ginagawa ng bilyonaryo ang lahat at habang nakikita ni Louise kung gaano ito kapursigido na mahanap ang kambal ay mas lalo rin niyang nakikilala ang tunay na katauhan ng misteryosong bilyonaryo. Ngunit kung kailan pa naging sapat ang dahilan niya para ipakilala ang kambal sa ama ng mga ito ay matutuklasan niya na ang sariling ama ang dahilan sa likod ng panganganib ng buhay ng bilyonaryo at ng kambal. Napagtanto ni Louise kung gaano kagahaman sa pera ang ama at gagawin nito ang lahat kahit mapahamak pa sila ng anak mga niya. Sa puntong ito magbabago ang kagustuhan ni Louise sa buhay — ipagkakatiwala niya ang kaligtasan ng kambal sa bilyonaryo at tutulungan itong pabagsakin ang ama at ang pamilya nitong umapi sa kaniya.
Romance
108.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Bakit Ikaw Pa Rin?

Bakit Ikaw Pa Rin?

Pagkalipas ng apat na taong pagkukulong sa maliit na mundo niya, ipinasya ni Amber na piliting kalimutan ang mapait na karanasan sa buhay at makipagsapalaran sa Maynila para muling bumangon at tuparin ang kaniyang mga pangarap para sa kaniyang pamilya. Pero ang hindi niya napaghandaan sa kaniyang pagbangon ay ang muling pagsasanga ng kanilang landas ng lalaking pilit na niyang kinakalimutan. Sa muli nilang pagkikita ng dating kasintahan ay mapapatunayan niyang mahal pa rin niya ito sa kabila ng pagdaan ng mga taon. Muling nagmahal ang puso niya para sa lalaking ang nararamdaman sa kaniya ay pagkasuklam. At wala itong ginawa kun'di ang sariwain ang sugat na nag-iwan sa kaniya ng napakalalim na peklat. Darating pa nga ba ang pagkakataon na malalaman nila ang tunay na dahilan kung bakit sila nagkahiwalay noon, o pinagtagpo lang silang muli para tukdukan ang kanilang relasyon na sinubok ng panahon?
Romance
1067.4K viewsCompleted
Read
Add to library
POWER OF DESIRE (FILIPINO)

POWER OF DESIRE (FILIPINO)

WARNING: [R18] STORY WITH EXTREMELY EXPLICIT CONT'ENT Matapos mapag-alaman ang tungkol sa ginagawang panloloko sa kaniya ng kaniyang nobyo na si Norman ay labis na nasaktan si Aria. Pero hindi niya inakala na ang masakit na pangyayaring iyon ng kaniyang buhay ang magdadala sa kaniya kay James.Gwapo, mayaman pero babaero.At si James ang klase ng sitwasyon na alam ni Aria na hindi niya makakayang iwasan kailanman.O maaaring alam niya at ang totoo ay ayaw lamang niyang gawin iyon?Pero anak lang ang kailangan nito sa kaniya. At siyempre kasama narin doon ang bagay na alam niyang siya man gugustuhin niyang maulit dahil hinahangad narin niya.Paano naman ang puso niya?Ano ang katiyakan na hindi siya iibig sa binata kung ang lahat ng hinahanap niya sa isang lalaki ay kay James niya nakita?
Romance
9.7149.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Gisingin ang Puso

Gisingin ang Puso

Clara Alonzo
Langit at lupa. Isang heredera si Camilla Montoya na umibig sa anak ng katiwala na si Santiago Santos. Ang pag-ibig nila'y puro at wagas. Minahal niya ang binata higit sa inaasahan at handa siyang iharap nito sa dambana. Perpekto ang lahat para sa dalaga kung hindi lamang nakialam ang tadhana. At lahat ng pangarap niya'y nasira para sa kanilang dalawa. Lumipas ang ilang taon at nagkrus muli ang landas nilang dalawa. Hindi akalain ni Camilla na mababaligtad ang sitwasyon nilang dalawa. Kilala pa siya ni Santiago ngunit wala ng pag-ibig sa mga mata nito. Ang nakasalamin sa mga iyon ay galit, pighati at kalungkutan. Batid niyang wala na siyang puwang sa buhay ni Santiago. Masakit isiping hindi na siya nito mahal. Paano niya sasabihin na wala siyang ibang lalaking minahal kung hindi ito lamang? Paano niya gigisingin ang pusong siya mismo ang nagwasak?
Romance
102.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Billionaire, Here Comes Your Wife!

Billionaire, Here Comes Your Wife!

Dahil sa isang aksidente, nalaglag ang dinadala ni Aeris na siyang dahilan kung bakit naging impyerno ang kanyang buhay-may asawa. Sa kamay pa lamang ng kanyang byenan, lalo na sa kanyang asawang si Flyn. Lahat na yata ng klase ng pang-aabuso ay naranasan niya, at tinanggap niya iyon dahil naniwala siyang kaparusahan iyon sa kanyang ginawa. Hanggang sa dumating ang tiyuhin ni Flyn na si Lucien, na tila ba handa siyang iligtas sa buhay na ayaw niyang iwanan. Dumating ang araw na desidido na si Aeris na tumakas at sumama na lamang kay Lucien, ngunit agad na naglaho ang kanyang mga pangarap nang bigla niyang masaksihan ang sikretong nag uugnay sa kanilang dalawa ng lalaki. Handa ba siyang maranasan muli ang kalupitan na minsan na niyang tinakasan sa kamay ng lalaking naging dahilan kung bakit niya piniling mabuhay?
Romance
102.4K viewsOngoing
Read
Add to library
The Impostor Wife

The Impostor Wife

Ang tanging pangarap ni MILAGROS ay ang maiahon sa hirap ang pamilya at ang maikasal sa nobyong si Martin. Ngunit ang simple niyang buhay ay nagulo nang makilala niya ang mag-inang Monica at Valentina. Natuklasan niya ang illegal business ni Valentina kaya nais siya nitong ipapatay. Kasunod niyon ay naging saksi siya sa krimen na nagawa ni Monica. Isang aksidente ang kakasangkutan nina Milagros at Monica. Masisira ang mukha ni Milagros at mawawalan siya ng alaala. Aakalain ni Valentina na si Milagros ay ang anak niyang si Monica. At upang matakasan ni "Monica" ang pananagutan nito sa batas ay pagpapanggapin ito ni Valentina bilang si "Milagros". Dahil sa walang memorya ay iisipin ni Milagros na siya ay talagang si Monica! Sa pagbabalik ni Milagros sa piling ni Martin, magagawa kayang ipaalala ng lalaking minamahal niya kung sino ang totoong siya?
Romance
1011.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Psycho Employee

Psycho Employee

Angelo Allen Santos
Psycho Employee a suspense/ thriller novel as seen as movie on Cinema UP Adarna Theatre 2019. Ang istorya ng Psycho Employee ay tungkol sa buhay ni Fred bilang isang ordibaryong tao na ang gusto lamang ay magtrabaho at kumita ng maayos para buhayin ang kanyang pamilya ng maayos. Subalit sya ay mapupunta sa mga malulupit at mapagsamantalang mga boss sa mga mapapasukan niyang trabaho. Sa pagmamalupit sa kanya ng kanyang mga boss ay ipapanganak ang isang bagong Fred isang malupit at pumapatay na Psycho. Sa istorya ay may isa din mahusay na Police Detective na susubaybay sa kanyang mga kaso ng pagpatay at mag iimbestiga kay Fred ito ay si Allan isang Police Detective. Kalaunan sa pagpatay ni Fred ay may isa siyang tao na labis din nyang masasaktan at magiging Psycho din na tulad niya. Tunghayan ang istorya ni Fred at matuto tayo na huwag maging mapagmalupit sa kapwa kung tayo ay nasa itaas at sila ay nasa ibaba upang wala ng ipanganak pa muli na Psycho sa mundo.
Mystery/Thriller
2.1K viewsOngoing
Read
Add to library
The Proposal

The Proposal

Kimberly De Leon
Si Alex Rivera ay isang Assistant Writer sa isang Television Company. Pangarap niyang makapagsulat ng sarili niyang drama at makilala rito. Mabait, pursigidong maabot ang pangarap, at mabuting anak sa mga magulang. Tutol ang ama ni Alex sa pagiging writer niya. Sa hindi inaasahang pangyayari ay kinakailangan niyang umalis sa tinitirahan niya. Kailangan niyang humanap ng bagong niyang matitirahan kung hindi ay pauuwiin siya ng kanyang ama sa probinsya at patitigilin siya nito sa pagsusulat. Nakahanap siya ng taong naghahanap ng housemate sa tulong ng kaniyang kaibigan. Lumipat agad siya sa bahay nito ng hindi inaalam ang ibang detalye sa magiging kasama niya. Dahil sa magkasalungat na lifestyle ay hindi sila nagkikita ng housemate niya. Isang araw ay nalaman niya na lalaki pala ang housemate niya. Lalaki? Paano, isang babae at isang lalaki sa iisang bahay? Paano kapag nalaman ito ng kanyang ama? Paano ang kaniyang mga pangarap? Dahil sa pagiging desperado ay tinanong niya ang lalaki " Pwede mo ba akong pakasalan?"
Romance
102.1K viewsOngoing
Read
Add to library
The Return of the Vengeful Ex-Wife

The Return of the Vengeful Ex-Wife

Dahil sa isang aksidente, nalaglag ang dinadala ni Aeris na siyang dahilan kung bakit naging impyerno ang kanyang buhay-may asawa. Sa kamay pa lamang ng kanyang byenan, lalo na sa kanyang asawang si Flyn. Lahat na yata ng klase ng pang-aabuso ay naranasan niya, at tinanggap niya iyon dahil naniwala siyang kaparusahan iyon sa kanyang ginawa. Hanggang sa dumating ang tiyuhin ni Flyn na si Lucien, na tila ba handa siyang iligtas sa buhay na ayaw niyang iwanan. Dumating ang araw na desidido na si Aeris na tumakas at sumama na lamang kay Lucien, ngunit agad na naglaho ang kanyang mga pangarap nang bigla niyang masaksihan ang sikretong nag uugnay sa kanilang dalawa ng lalaki. Handa ba siyang maranasan muli ang kalupitan na minsan na niyang tinakasan sa kamay ng lalaking naging dahilan kung bakit niya piniling mabuhay?
Romance
10650 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
1920212223
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status