Mommy, Where Is Daddy? The Forsaken Daughter's Return
Nabuntis si Samantha Davis at wala siyang alam tungkol sa lalakeng nakabuntis sa kanya. Matapos siyang itakwil ng kanyang ama, nilisan niya ang lungsod para magsimula muli. Pinalaki niya mag-isa ang mga anak niya, nagsumikap at nalampasan ang hirap. Lingid sa kanyang kaalaman, hinahanap ng kambal niyang mga anak ang tunay nilang ama at hindi sila pipili ng iba! Sa edad na tatlong taong gulang, nagtanong ang mga anak niya, “Mama, nasaan si Dada?” “Ano… nasa malayo si Dada.” Ito ang pinakamadaling paraang para kay Samantha na ipaliwanag sa kanyang mga anak ang dahilan kung bakit wala ang ama nila. Sa edad na apat na taong gulang, nagtanong sila muli. “Mommy, nasaan si Daddy?” “Ano… nagtatrabaho siya sa Braeton City.” Pinili muli ni Samantha na magpalusot. Napagtanto niya na sasagutin din niya balang araw ang tanong ng mga anak niya tungkol sa kawalan nila ng ama at napagdesisyunan na oras na para sabihin ang totoo. Pero, isang araw, lumapit ang mga anak niya sa kanya habang kita ang kinang sa kanilang mga mata, “Mommy, nahanap na namin si Daddy!” Nakatayo sa harapan niya ay isang bloke ng yelo, si Mr. Ethan Wright, ang pinakamakapangyarihang businessman sa lungsod.
10131.5K viewsCompleted