Fix Marriage with my Online Date
Si Ariah "Aya" Gallano ay dalawampu't dalawang taong gulang, iskolar ng kanilang bayan, at tumatayong magulang para sa kaniyang nag-iisang kapatid. Musmos pa lamang ay namulat na siya sa hagupit ng buhay dahil sa mga pagsubok na kaniyang pinagdaanan. Sa kabila nito, nanatili siyang matatag at higit na nahubok ang pagiging madiskarte.
Subalit, dahil sa karamdaman ng kaniyang kapatid, kinailangan niyang makahanap ng mabilisang salapi. Siya ay napadpad sa dating application na "We Chat & Date", para humanap ng matandang lalaki na naghahanap ng kasintahan, o sugar daddy kung tawagin. Labag ito sa kaniyang kalooban, subalit kailangan niya ng mabilisang pera para sa pagpapagamot ng kapatid kaya naman isinantabi niya ang sariling prinsipyo para rito.
Dito niya nakilala si Theodore Morgan, ang acting CEO ng Morgan Group, dalawampu't pitong taong gulang at ang pinaka batang business tycoon sa Pilipinas.
Si Theodore ay napadpad sa dating application sa pag-asang makakahanap ng babaeng papakasalanan lamang bilang tugon sa hiling ng kaniyang lola, ang tanging tao na kumalinga sa kaniya noong mamatay ang mga magulang sa aksidente.
Parehong may mithiin na nais makamit, parehong nais isakripisyo ang sariling kasiyahan para sa minamahal sa buhay.
Ngunit parehong ayaw mahulog kanino man.
Naniniwala silang walang puwang ang pag-ibig sa tulad nilang abala sa sarili at pangarap na nais makamit.
Ano kaya ang kapalarang naghihintay para sa dalawang taong nais lang pumasok sa kasal para sa sariling motibo?
Sa laro ng kasal-kasalanan, sino ang magiging taya?
Kapag tadhana na ang nagpasya, mapipigilan mo ba ito?
9 DibacaOngoing