Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Bogus Billionare

Bogus Billionare

Dahil pinagtaksilan ng kanyang fiance, napagpasyahan ni Caroline Evans na magpakasal sa iba ng biglaan. Tinatawanan siya ng lahat dahil sa kanyang desisyon na talikuran ang pagiging tagapagmana ng pamilya Morrison at sa halip ay pumili ng isang mahirap na binata. Pero ang hindi alam ng lahat, ang binatang iyon ay isa pala sa pinakamayamang tao sa sa buong mundo, at nasa bansa lang siya para mag invest sa pag unlad nito. Siya rin ang uncle ng kanyang dating fiance! Sobrang nasaktan si Caroline Evans dahil sa pakiramdam niyang niloko siya at dahil dun ay nagpumilit siyang makipag divorce. Pero kinorner siya ng kanyang asawa at puno ng lambing na sinabi, “Hindi ako ang bilyonaryong iyon. Nagpa-retoke lang yun para maging kamukha ko..” Tinitigan ni Caroline ang gwapong mukha nito at naniwala siya. “Anong sumpa ito na magkaroon ng mukhang kagaya ng isa sa pamilya Morrison!” Kinabukasan, nagulat ang buong mundo sa balitang itinakwil na sa pamilya ang tagapagmana ng pamilya Morrison at ni sinco ay wala ng natira rito. Sa kabilang banda, ang bagong kinoronahang top billionaire, ay nakasuot maskara para takpan ang kanyang kagwapuhan.
9.835.1K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Destined to be the Billionaire's Wife

Destined to be the Billionaire's Wife

Pilit na ipapakasal si Ayesha ng kanyang mga magulang sa lalaking hindi naman nya kilala upang matulungan na makaahon ang kanilang kumpanya. Dahil sa inis ni Ayesha ay nagpunta sya sa isang bar kung saan may naka one night stand sya. Hindi nya inaasahan na magbubunga pala ang pakikipag one night stand nya sa isang lalake dahil sa kanyang kalasingan. Nang malaman ng mga magulang ni Ayesha na nagdadalang tao sya ay hindi na pinatuloy ng mga ito ang kasal pinaalis siya ng kanyang mga magulang sa syudad at pinatira sa isang probinsya hanggang sa ito ay manganak. Lilipas ang ilang taon at magbabalik si Ayesha sa syudad at kinailangan nyang maghanap buhay para sa kanila ng anak nya dahil wala na syang ibang aasahan pa ngayon kundi ang sarili na lamang nya. Sa pagbabalik nya sa syudad, hahanapin pa ba nya ang lalaking naka one night stand nya? Makikilala pa kaya nya ang lalakeng nakasama nya noong gabi na yun gayong lasing sya ng mga panahon na yun?
9.635.5K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Boss Wife

The Boss Wife

How will she handle every pain of being the wife of a Mafia Leader kung ang magiging kapalit nito ay ang kaligtasan ng mga mahal niya sa Buhay? Sa murang edad kinailangan tumayong ina-inahan ni Keight sa kaniyang dalawang nakababatang kapatid. Simula nang mawala ang kanilang Ama at Ina ay namuhay sila ng tahimik malayo sa buhay na naging mitsa upang masira ang kanilang pamilya. Pero lahat ay magbabago sa Pagpasok ni Duke Wight sa buhay ng magka-kapatid. Ang tahimik at ligtas na buhay ay magbabago nang magdesisyon siyang gampanan ang pagiging asawa ng isang Notorious Mafia Leader.
8.738.4K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Marry Him At The Age Of Eighteen

Marry Him At The Age Of Eighteen

Umiling si Charlotte. "Dad please... ayokong magpakasal." "That's the right thing to do, Charlotte. After one week, ang kasal niyong dalawa ay magaganap, whether you like it or not," matigas na pagkaka-saad ni Christian. "But kuya..." "That's our final decision, but if you want. Choose between marrying Elijah or file a case for what he does to you." Iyon nga ba ang solusyon, ang ikasal para sa ginawang kasalanan ni Elijah? Paano naman kung may nabuo? Magiging tunay na nga ba ang pilit na kasal, o meron pang mga tao na mas lalong sisirain ang lahat para hindi iyon matuloy?
1033.3K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Mafia Series I: Cigarettes After Sex

Mafia Series I: Cigarettes After Sex

Isang babae na pilit pinag-aagawan ng magkapatid. Buong akala ng kanilang magulang na isang disente at nakapag-aral ang babaeng kinababaliwan ng kanilang anak. Ngunit isa itong bayarang babae na pinagpapantasyahan ng mga kalalakihan sa White Coast Stripper’s Club. Maria, tunay na mahinhin ang itsura ngunit may nakakaakit na labi at mga mata na pumukaw kay Victor at Vladimir. Dalawang binata mula sa bigating pamilya sa Pilipinas ngunit magkaiba ang pananaw sa buhay. Tila nag-iisang babae sa mundo ang turing kay Maria kung pag-agawan siya ng dalawang magkapatid na handang magpakamatay para sa kanya. Pero paano kung nagpakabulag si Maria sa pera at tunay na tinalikuran ang lalaki na kaya siyang mahalin kahit may pagkukulang ito sa pera? Pagsisihan niya ba ito, o ito ang hudyat upang mailagay ang buhay niya sa peligro?
1068.4K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Agreement Behind Her Marriage [Filipino]

Agreement Behind Her Marriage [Filipino]

“𝘋𝘰 𝘺𝘰𝘶 𝘋𝘳𝘦𝘸 𝘞𝘢𝘭𝘵𝘰𝘯 𝘵𝘢𝘬𝘦 𝘓𝘪𝘭𝘪𝘢𝘯 𝘙𝘰𝘴𝘦 𝘔𝘢𝘳𝘵𝘪𝘯, 𝘵𝘰 𝘣𝘦 𝘺𝘰𝘶𝘳 𝘭𝘢𝘸𝘧𝘶𝘭𝘭𝘺 𝘸𝘦𝘥𝘥𝘦𝘥 𝘸𝘪𝘧𝘦, 𝘵𝘰 𝘴𝘩𝘢𝘳𝘦 𝘺𝘰𝘶𝘳 𝘭𝘪𝘧𝘦 𝘰𝘱𝘦𝘯𝘭𝘺, 𝘴𝘵𝘢𝘯𝘥𝘪𝘯𝘨 𝘸𝘪𝘵𝘩 𝘩𝘦𝘳 𝘪𝘯 𝘴𝘪𝘤𝘬𝘯𝘦𝘴𝘴 𝘢𝘯𝘥 𝘪𝘯 𝘩𝘦𝘢𝘭𝘵𝘩, 𝘪𝘯 𝘫𝘰𝘺 𝘢𝘯𝘥 𝘪𝘯 𝘴𝘰𝘳𝘳𝘰𝘸, 𝘪𝘯 𝘩𝘢𝘳𝘥𝘴𝘩𝘪𝘱 𝘢𝘯𝘥 𝘪𝘯 𝘦𝘢𝘴𝘦, 𝘵𝘰 𝘤𝘩𝘦𝘳𝘪𝘴𝘩 𝘢𝘯𝘥 𝘭𝘰𝘷𝘦 𝘧𝘰𝘳𝘦𝘷𝘦𝘳𝘮𝘰𝘳𝘦?” Lily knew that she was useless in her family. Wala siyang matinong nagawa sa buong buhay niya kaya madalas siyang pagbuhatan ng kamay ng kanyang ama o kaya ay ng kanyang madrasta. No one treated her well, even the maids in her home. They all believe she’s a nuisance. Dumating ang araw na nagkaroon siya ng silbi sa kanyang ama nang kailangan nitong makipagkasundo sa Pamilya Dalton. Kahit takot na takot sa kanyang magiging asawang si Drew ay wala siyang magawa kung hindi ipagpatuloy ang kanyang obligasyon bilang Martin. Sa unang gabi pa lang ay ipinaramdam na kaagad ni Drew ang disgusto sa kanya. Malayo siya sa mga babaeng nakakasalamuha nito. Sino nga ba ang magnanais sa isang tulad niyang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, payat at hindi masyadong kagandahan? Ngunit determinado siya na ipaglaban ang kasunduan kay Drew kaysa bumalik sa tahanan ng mga Martin na umabuso sa kanya. TRIGGER WARNING: This book contains adult language and subjects, including graphic violence, explicit content, and assault on women that may disturb some readers. I do not intend this book for readers below adulthood.
1048.0K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
The Undercover Heiress

The Undercover Heiress

nakatanggap sya ng balita na ang isa sa malaki nilang kumpanya ay ninanakawan ng hindi malaman kung sino. Kinausap nya ang kanyang magulang na hayaan syang tuklasin kung sino ito. Nagpanggap na simpleng empleyado si Sam bilang sekretarya ni Grace. Si Grace na napakasuplada, masungit at mahirap basahin na tao. kaya malaki ang pagdududa ni Sam na baka si Grace ang nagnakaw ng pera ng kumpanya. Magkasing edad lamang sila pero mataas na ang katungkulan nito.
1028.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Mr. Billionaire And His Nerd Secretary

Mr. Billionaire And His Nerd Secretary

Littlewriter
WARNING: NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. SYNOPSIS: He is her boss and she is his secretary. Plain and simple. But when love grows what will happen? She is a nerd secretary na mahilig makichismis sa sex life ng boss niya. Pero sa kabila ng pagiging sekretarya niya ay may iba pa siyang pakay — ang makapaghiganti. But what if her vengeance turns to love? Is she willing to forget everything and follow her heart instead? He is a tyrant boss who has complete control over his employees. His company, his rules. So, everyone was frightened of him. But when the newly hired secretary came into the picture, everything was ruined. His precious rules were shattered. Ang perpekto niyang batas ay nasira lamang ng isang nerd secretary. Ano ang gagawin niya upang mapasunod ito? When the tyrant boss meets the nerd secretary, what will happen?
9.1105.9K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
My Billionaire True Love

My Billionaire True Love

Penrose Lily Magdilang, isang illegitimate daughter na anak ng isang maid. Ipinagpalit ng kanyang boyfriend sa bratinella niyang kapatid at ipinakasal ng kanyang pamilya sa isang baldadong lalaki. Ang lahat ay tiniis niya dahil isa lang siyang sampid sa pamilya at kailangan sundin ang nais ng ama dahil ito ang batas. Masakit na iniwan siya ng kanyang boyfriend ng dahil lang sa kayamanan pero wala na siyang magagawa kundi tanggapin ang lahat ng ito. At sa hindi inaasahang sorpresa ng tadhana. Ang kanyang baldadong asawa na si Christopher John Villezo ay isa palang Muli-Billionaire na nagmamay-ari ng hotel chain from local to international! Gwapo, mabait at mayaman. It's too good to be true! Susugal ba siyang muli sa pag-ibig kahit may takot sa kanyang puso? It's her second chance to Love... Ito na kaya ang true love niya? Will she chase love or she will let Love chase her?
1072.1K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Hacienda Del Puedo #1 Hara

Hacienda Del Puedo #1 Hara

Si Hara Del Puedo ay kilala sa buong hacienda bilang pinakamabait, pinakamadaling lapitan at higit sa lahat ay pinakamatapang na apo ni Don Ernesto. Iginagalang at minamahal siya ng mga tauhan nila. Sa edad niyang bente anyos ay marami na siyang naranasan katulad ng isang insidente limang taon na ang nakakaraan. Dahil dito ay umalis ang dalaga sa Hacienda Del Puedo upang makalimot. Ngayon, nagbabalik na si Hara sa kaniyang bayang sinilangan upang harapin ang malagim na trahedya ng kahapon. Sa kaniyang pagdating ay may isang Xandro na naghihintay sa kanya. Kasabay ng mga alaalang muling nanunumbalik ay ang pagkahulog ng loob ng dalaga sa lalaking katulad niya ay may amnesia rin. Sa tulong ng binata ay gagawin ng dalaga ang lahat upang hanapin ang mga totoong salarin sa Hacienda Del Puedo massacre. Unti-unting makakamit ng dalaga ang hustisya ngunit maraming hadlang ang sa kaniya'y naghihintay. Pakiramdam ng dalaga ay pilit ibinabaon ng sinuman ang katotohanan upang wala siyang matuklasan. Gamit ang tatag ng loob at determinasyon ay malalaman ni Hara ang mga lihim ng kahapon kasama na rin ang mga sikreto ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ang katotohanang akala niya ay magpapalaya sa kaniya ay muli palang susugat sa puso niyang durog na durog na kaya gagawin ni Xandro ang lahat upang muling mabuo ang dalagang ngayon ay hindi na kayang magtiwala pa sa kahit sino man.
9.934.5K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
3940414243
...
50
DMCA.com Protection Status