Fall Inlove With The Billionare
Ligaya
BLURB:
Sa isang malaki at mamahaling restaurant na pag-aari ni Richmond De Guzman, nagtrabaho ako roon bilang baguhang waitress. Hindi ko inasahan na mapalapit ako sa kaniya—minahal siya nang hindi ko sinasadya.
Naramdaman ko rin ang attention niya na tila sumasagot sa nararamdaman ko. Tunay na naging malapit kami sa isa’t isa hangang sa isang araw... para akong pinag-sakluban ng langit at lupa. Nang sabihin niya sa akin na dumalo sa opisina niya sumunod ako, at isang nakakawindang na pangyayari ang aking nakita; si Natch at siya nakita kong nagháhálikan.
Sobra akong nagsisi, nagalit sa sarili na umasa ako kahit walang kami. Ang mas masakit pa dahil may nakaraan pala sila. Ang dami kong nalaman na sobrang hirap tanggapin.
Siguro ganoon nga talaga kapag assuming ka, sinasampal rin sa ‘yo ang isang bagay na ina-assume mo.
Sa sobrang sama ng loob, pinili ko na lang umalis—hindi nagpaalam. Sumama ako sa mga magulang ko papuntang Singapore.
Ilang taon ang dumaan, muli kaming pinagtagpo ng tadhana. Talagang hindi na tulad ng dati ang ‘ngayon,’ maliban sa nararamdaman ko.
Bakit hindi ito nagbago? Gusto kong maging malaya, pero ang hiyaw ng puso ko ay iba. Dapat ko bang pairalin ang pride ko o sasabihin ko sa kaniya ang totoo?
942 viewsOngoing