Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Unwanted Heiress

The Unwanted Heiress

Si Felicia ay isang batang ulila na may pambihirang talino at diskarte. At isang utak kriminal kung tutuusin, pero hindi kailanman ginamit sa kasamaan.  Sa murang edad, naging banta na siya sa kapulisan at naging pakay ng mga pinuno ng kriminal na sindikato. Hangad nilang gamitin ang galing ni Felicia para sa pansariling kapangyarihan. Ngunit isang gabing puno ng panganib ang tuluyang nagbago sa kanyang kapalaran. Iniligtas ni Felicia ang mga anak ng mayaman na biktima ng kidnapping, at hindi niya alam na doon na magbabago ang tadhana ng buhay niya. Tinulungan siya ng isang binatilyo at pinapanggap na apo ng pinakamaimpluwensyang businessman sa boung mundo at nakuha niya ang pansin nang matandang businessman na iyon na matagal nang naghihinagpis sa pagkawala ng kanyang pinakamamahal na apo. Inampon siya ng matanda at ginawa bilang huwad na tagapagmana. Kahit batid ng matanda ang buong katotohanan, buong puso niya itong tinanggap bilang apo, sa hangaring makaramdam muli ng init ng pamilya bago siya tuluyang mamaalam. Pero hindi ganoon kadali ang buhay sa loob ng mansyon. Ang mga magulang ng nawawalang bata ay malamig at mapanakit. Ang kanyang stepsister, parang ahas na laging handang manira.  Hindi niya ginusto ang lugar na ito, pero pinili niyang manatili, para tuparin ang hiling ng tanging taong naniwala sa kanya. Hangad lang ni Felicia na maging mabuting apo. Pero kailanman ay hindi naging sapat ang kabutihan sa mundong puno ng kasinungalingan at inggit. At sa likod ng bawat ngiti sa mansyon, may mas malalim palang lihim… Isa siyang pamalit.... Pero baka siya rin ang susi sa pagkawasak o pagsalba ng pamilyang ito. At kung aapakan siya ng mga taong dapat ay pamilya niya... Pasensya na lang sila. Hindi siya ang tipo'ng basta na lang magpapatalo. Dahil siya ay si Felicia o nagtatago sa pangalan ni Lucia Moretti. *****
Mafia
1012.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Hostile Takeover (of My Heart)

Hostile Takeover (of My Heart)

Hindi natatalo si Joaquin Hernandez — hindi sa negosyo, at lalong hindi sa isang babaeng sumulpot sa boardroom na naka-heels at punung-puno ng attitude. Si Erena Maden, sa kabilang banda, ay hindi basta-basta babae. Siya ang tagapagmana ng Maden Industries, isang legacy empire na itinatag ng pamilya niya bago pa man matuto si Damian magbasa ng stock reports. Palaban, matalino, at may bibig na parang lason kung makipag-debate. Nagsimula ang lahat sa corporate war — may merger na nakataya, media scandals, at boardroom betrayal — mas lalo rin silang hinihila sa isa’t isa. Ang problema? Hindi nila alam kung alin ang una: ang halik o ang suntok. Sa larong ito ng pag-ibig at kapangyarihan, sino ang unang magpapatalo? Dahil minsan, ang pinaka-hostile na takeover… ay 'yung hindi mo kayang pigilan — lalo na kung puso mo ang pinapasok.
Romance
476 viewsOngoing
Read
Add to library
MARRIED TO THE BILLIONAIRE IN 128 DAYS

MARRIED TO THE BILLIONAIRE IN 128 DAYS

pedrosays
Sa isang hindi inaasahang pangyayari, nasa bingit ng kamatayan ang buhay ni Rosianne Santiago dahil sa isang aksidente. Sa tulong ni Nathalie Lucero ay nabigyan siya ng pangalawang buhay ngunit may kapalit lahat ng tulong nito. Sa pamamagitan ng marriage contract ay nakilala niya si Jacob Illustre, ang lalaking bilyonaryo at ang papakasalan niya. Para kay Rosianne, pera lamang at utang na loob ang nagpapatagal at nagpapatibay ng kanyang sikmura upang ipagpatuloy niya ang kanyang pagpapanggap. Ngunit, unti-unti ng nahulog ang kanyang loob kay Jacob kahit alam niyang labag ito sa kanyang nilagdaang kontrata. Matigas man siya sa panglabas na anyo ngunit hindi maatim ng kanyang puso na ipagpatuloy niya ang panloloko habang minamahal niya ito kaya lilisan na lamang siya. Ngunit, sa hindi inaasahang pangyayari ay nagbalik si Nathalie at iniba nito ang takbo ng kwento. Hindi na mahanap ni Rosianne ang kontratang hawak niya bilang katibayan na napagkasunduan nilang dalawa ito. Paniniwalaan pa kaya siya ni Jacob nung malaman nitong niloloko siya nito? Ipaglalaban kaya ni Rosianne ang kanyang nararamdaman kay Jacob kahit na makulong siya? Mananaig kaya ang kanilang pagmamahalan O tatakbo na lamang siya at mamuhay ng payapa kasama ang dinadala niyang anak nila ni Jacob Illustre?
Romance
1.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Winning His Ex-Wife's Heart Back After Divorce

Winning His Ex-Wife's Heart Back After Divorce

Labis ang kagalakan na naramdaman ni Camila Villarazon sa kaniyang puso nang sa wakas ay nagkaroon siya ng pagkakataong maging asawa ng lalaking matagal na niyang lihim na minamahal, si Juancho Buenvenidez. Nasa rurok ng kaniyang buhay, piniling iwan ni Camila ang lahat para lamang makasama ang lalaking minamahal. But the thing is, Juancho didn't want her at all. Nilihim nilang dalawa ang ugnayan sa isa't-isa ayon sa kagustuhan ng lalaki sa loob ng tatlong taon. Nang bumalik sa eksena ang unang babaeng minahal ni Juancho, walang ibang nagawa si Camila kundi ang umalis na lang, tila ba ito rin ang gumising sa kaniyang katangahan, gustuhin man nitong magsisi ay huli na ang lahat. She filed a divorce agreement. Who would have thought that after the divorce, she would reach the peak of her life more? She is well-known in her field as the top designer named, Sunshine. Ngunit sa kabila ng kaniyang tagumpay, tila ba pinaglalaruan pa rin ito ng tadhana dahil sa palaging pagtatagpo ng mga landas nila ng dating kabiyak. Her ex-husband loves teasing her even after they've separated. Tuluyan nga kayang mabura ang pag-ibig ni Camila para kay Juancho o mas lalo pa itong titindi dahil sa mapaglarong tadhana?
Romance
1054.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Marrying My First Love

Marrying My First Love

Leigh Green
Si Alexandra Jane Diaz ay isang book illustrator na simple at ordinaryong namumuhay araw-araw kasama ang aso niyang St. Bernard na ang pangalan ay Smarty. Nang isang araw ay sadyang pagkainteresan siya ng isang kapritsusong estranghero at basta na lang alukin ng kasal. Ang pangalan nito ay Daniel. Si Daniel St. Claire ay isang tahimik subalit magaling na negosyante. Isa siyang uri ng lalaki na maraming baliw na ideya at mas nanaising manahimik kaysa magsalita pero magaling magpatsutsada o mangulit. Mahal niya ang kababata niyang kaibigan na si Sarah. Si Sarah Geneva Kale ay isang magandang babae na nagmamay-ari ng isang makulay na flower shop. Hindi niya alam na ang batang lalaki na nagustuhan niya ng bata pa siya ay mahal pa rin siya hanggang ngayon hanggang sa napagpasiyahan nito na magpakasal sa isang babaeng hindi niya kilala kaysa sa kanya. Damay sa gulo't buhol ng pag-ibig at pagtatago ng mga puso, kailangan ni Alex na sumabay sa plano ni Daniel at magpakilalang pekeng fianceé nito hanggang makilala niya ang mahiwagang Sarah Kale. Makakatuluyan ba ni Daniel si Sarah at ang dalawa ang magpalitan ng "I do" sa altar? O makakatugma niya si Alex sa isang hindi inaasahang pagbabaliktad ng tadhana?
Romance
2.9K viewsOngoing
Read
Add to library
ISLA FERRER: Unspoken Sacrifice

ISLA FERRER: Unspoken Sacrifice

"Let's file an annulment, Isla..." Ibinigay ni Isla Ferrer ang lahat-lahat sa pinakamamahal niyang asawa na si George Madrigal. Mula sa pagmamahal, oras, atensyon at salapi. Subalit imbes na suklian ng kaakibat na pagmamahal, isang pagtataksil ang ginawa ng kanyang asawa at balak pang pakasalan ang kabit nito, dahilan kung bakit tuluyang nawasak ang puso ni Isla. Dahil sa sakit na ipinaramdam ni George sa kanya, ipinapangako ni Isla sa sarili niya na gaganti siya sa mga taong nanakit sa kanya. Kahit pa pabagsakin ang sarili niyang asawa na minsan na niyang minahal at sinamba. At sa kanyang pagbangon, mapagtatagumpayan kaya ni Isla ang balak niyang paghihiganti? O muli lang na manunumbalik ang dati niyang pagmamahal sa lalaki. Hanggang saan dadalhin si Isla ng galit na bumabalot sa kanyang puso? Magawa kaya niyang pabagsakin ang negosyo at ang pamilya Madrigal? Kayanin kaya niyang paghigantihan ang pamilyang naging ikalawa niyang tahanan?
Romance
103.0K viewsOngoing
Read
Add to library
THE UGLY ME & MY ROMANCE

THE UGLY ME & MY ROMANCE

Katulad ng ibang babae pangarap ni Dianne na makilala ang kanyang prince charming at makasama ang kanyang forever, ang lalaking itinadhana sa kanya na makapiling niya habang buhay. Na mahal niya at mamahalin din siya ng buong buo. Ngunit magkatotoo kaya ang pinapangarap niyang iyon kung siya ang tipong babae na madalas ay husgahan na pangit, baduy at napagkakamalan na katulong sa tuwing magkasama sila ng mga naggagandahang mga kaibigan niya? Ang totoo madali siyang mafall inlove sa lalaking magaling sumayaw, kumanta at maggitara. Si DJ mayaman at gwapo sana pero ito ang lalaki na kinaiinisan ni Dianne, yong feeling na stress sya sa tuwing magkuros ang landas nila dahil sa panghuhusga at pang iinis sa kanya, minsan ay nasabi niya sa kanyang mga kaibigan na kahit ito na lang ang lalaking natitira sa mundo, hindi mangyayari na magkagusto siya. Ngunit paano kung sa hindi niya inaasahan ay mabihag nito ang kanyang puso? Saka niya lamang nalaman na bukod sa gwapo at mayaman ito na nagmamay-ari ng iba't ibang kompanya ay taglay nito ang gusto niya sa isang lalaki na magaling sumayaw, kumanta at maggitara...at higit pa doon, may taglay itong mabuting kalooban. Basahin ang kwentong magpapaantig sayong puso, magpapakilig at maaaring makakapagbigay ng ngiti sayong natutulog at naiidlip na damdamin...
Romance
109.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Melancholic Wife

Melancholic Wife

Puno ng pagdadalamhati si Jenissa Reillen Sarosa-Bennett matapos siyang tangkaing patayin ng mismong asawa niya at ng kaniyang matalik na kaibigan. Nawala sa kaniya ang kaniyang supling kaya ay puno ng galit ang puso niya at ang hangad nito ay ang makapaghiganti sa mga tumaksil sa kaniya. Sa kaniyang muling pag-bangon ay layunin niyang iparanas sa asawa niya at sa kalaguyo nito ang impiyernong minsan niyang naranasan sa mga kamay nila. Wala siyang ibang hangad kun'di makamtan ang hustisya na nararapat lamang para sa kaniya at sa anak niyang nawala. Matutupad kaya ang nais niyang makapag-higanti? Paano kung ang paghihiganting ito ang maging tulay upang matuklasan niya ang katotohanang gugulantang sa kaniyang natutulog na isipan?
Romance
1014.6K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire’s Sexy Karma

The Billionaire’s Sexy Karma

Sa paniniwala ni Purisima Cruzado, ang anak ang pinakamalakas na angkla ng isang ina. Kaya nang dumating ang panahong kinailangan niyang mag-ipon para sa operasyon ng kanyang ina, kinain niya ang takot at hiya para makapasok sa Moonlit—isang madilim na mundong pinapasukan lamang ng mga desperado at mayayaman. Isang gabi. Isang kliyente. Isang kasunduan kapalit ng malaking pera. Hindi niya inakalang ang lalaking iyon ang estrangherong tanging pinaglingkuran niya—ang magiging ama ng batang isinilang niya. Pagkalipas ng ilang taon, muling nagtagpo ang kanilang landas. Dirus Van Arkel—ang kliyenteng hindi niya malilimutan, ngunit siya, hindi man lang naalala nito. At sa hindi inaasahang pagkakataon, inalok siya ni Dirus ng trabaho: magpanggap bilang kanyang kasintahan… at ang anak niya ay ipakitang anak nilang dalawa upang pagselosin ang dating fiancée nito. Ngunit paano kung ang “pagpapanggap” na ito ang maglalantad ng katotohanang matagal niyang inilihim? At paano kung ang lalaking minsan niyang binayaran para mabuhay ang ina niya… ay siya ring lalaking nakatadhanang wasakin ang pader na itinayo niya sa puso niya?
Romance
260 viewsOngoing
Read
Add to library
Married to the Billionaire

Married to the Billionaire

Miss_Terious02
Allianah is an only child. Dahil sa utang ng mga magulang niya ay siya ang naging kabayaran. Iyon ay pakasalan ang isang Ezekiel Saavedra. Inaamin niyang gawapo, mayaman, hot at matalino ang mapapangasawa niya ngunit ang hindi niya matanggap ay siya ang iginawang pang bayad sa utang ng kanyang mga magulang. Kahit labag sa kanyang loob ay tinanggap niya ang pagpapakasal kay Ezekiel. Ngunit mapipigilan niya kaya ang kanyang puso upang huwag umibig?
Romance
892 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status